You are on page 1of 1

KAPURIHAN: PAG-INGATAN NG KABABAIHAN

Kapurihan, kalinisan. Sa panahon ngayon, iilan lamang sa mga kabataan ang nakababatid at
nakaiintindi sa salitang iyan. Ang mga ito ay isinasaalang-alang ang kanilang pag-aaral, upang makatapos
at makatulong sa kanilang pamilya. Makatulong sa paraang mabuti. Mabuti na ‘di kailanman magdadala
ng kapahamakan. Mabuti na maipagmamalaki mo ninuma.

Ang babae, maganda, mabango, mahinhin at masipag. Ilang katangian ng isang Pilipina.
Katangian na tila ba isang puting damit na kay hirap dungisan. Kay hirap linisin kung ito’y lalabhan.
Ngunit iba na ngayon. Sa kabayanan, kung saan sagana, sikat at madalas puntahan ng mga tao, ay ang
lugar din kung saan madaming naglipanang kababaihan. Kababaihan na karamihan ay nakaranas ng
makipagtalik. Ang iba nito, ay dahil sa kagustuhan. At ang iba ay napagsamantalahan. Ngunit ano nga ba
ang magiging epekto nito sa isang babae? Ito ba’y mabuti o masama?

Para sa kabataan ngayon, normal na lamang ang pakikipagtalik, na para bang walang masamang
maidudulot, o mangyayari sa kanila. Walang pakialam kung anuman ang mawala. Hindi na rin mahalaga
kung gaano nila kakilala ang kanilang katalik. Ang kanila lamang iniisip ay mahal nila ang taong iyon. Ito
nga ba ang pag-ibig? Pagmamahal ba itong talaga? Hindi, dahil sa kawalan ng paggalang at respeto sa
bawat isa. Hindi mo man lang naisip na wala itong kabutihang maidudulot, lalo na kung wala ka pa sa
hustong gulang. Wala ka nang maipagmamalaki sa taong makakasama mo para sa habang buhay. Sinira
mo lamang ang iyong sarili. Paano ba ‘yan? Pagkatapos, ano na ang susunod? Nagbigay ka lang ng
karapatan sa ibang tao na bastusin ka. Kayang-kaya na nilang gawin ang lahat sa iyo. Dahil wala na ang
kapurihang dapat ay nanatili sa iyo hangga’t ‘di ka pa nakakasal ay nawala na. paano ‘yan?

Sabi nila, ang “virginity daw parang alak na habang tumatagal, lalong masarap. S’yempre nga
naman. Kung ito’y ‘di mo pa nabubuksan, sigurado kang hindi ito masisira. Mas mabibigyan pa ng babae
ang kanyang magiging asawa ng kaligayahan kung ito’y naalagaan at napanatili niya. Ang isa pa ay gaya
sa mga bote ng tubig nakikita. Ang “do not accept if the seal is broken”. Isang kahihiyan kung ang ibang
tao ay binabastos ka dahil sa pagiging marupok mo. Ngunit sa kabila ng pagiging marupok mo, may mga
tao pa rin na nakaagapay sa iyo. Sinasabing .. may pag-asa pa at hindi pa iyon ang katapusan ng buhay
mo. Kaya’t tatandaan na ang kapurihan ay pinag-iingatan’ hindi pinagpapamigayan.

“A virgin is always teased by her classmates. All of them have experience in bed except her. One time,
she gets angry. She said, “anytime I could be like you. But no matter how hard you will try, you will
NEVER be like me anymore.”

You might also like