You are on page 1of 7

I.

INTRODUKSYON

Ang kahulugan ng panitikan ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag

ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang panitikan ay

nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga karanasang may

kaugnay ng iba’t-ibang uri ng damdamin tulas ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,

pahkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Katulad na lamang ni Marcel

Navarra na sumulat sa kwentong “Ug Gianod Ako” na tumutugon sa konteksto ng isang taong

may pananagutan sa sarili na minsan ng naranasan ng mga bisaya.

Ang kwentong ito’y umiikot sa liham ng isang lalaking humihingi ng pang-unawa sa

kanyang kaibigan na ibinibigay naman sa kanya noon. Ang nagsasalita ay mayroong kahinaan sa

babae at madali siyang maakut sa babae. Tinutulungan naman siya ng kanyang kaibigan upang

makaiwas siya sa mga ito ngunit hindi talaga niya mapigilan ang sarili. Kaya sa kwentong ito ay

sinusubok ang kanilang pagkakaibigan ng dahil lang sa pagsisinungaling at mga maling desisyon.

Ano ang ibig sabihin ng pagkakaibigan? Ano ang ibig sabihin ng pag-ibig? Ano ang ibig

sabihin ng pagsisisi? Kalian natin malalaman kung totoo at sinsero ang paghingi ng tawad? Nais

nitong iparating sa atin na gagawin natin ang lahat para protektahan an gating sarili kahit mula

sa mga maaaring manakit sa atin at maging sa ibang tao. Pero kapag dumatong ang panahon na

mas pinapahalagahan na natin ang ibang tao, masasabi nating alam na nating totoo ang

pagkakaibigan na iyon, na totoo ang pag-ibig na iyon.


Sa kabuuang dulot dapat nating pahalagahan ang pagkakaibigan natin sa isang tao. Wag

tayong magdesisyon agad kung alam nating ikagagalit ito n gating kaibigan. At wag tayong

matutukso agad sa isang babae para sa ikakaligaya sa sarili.


II. PANUNURI

Paglaban sa Tukso: Isang Mimetikong Pagsusuri

Sa kwentong “Ug Gianod Ako” ni Marcel Navarra

Ang pag-aaral ay nagpapahiwatog na ang kwentong “Ug Gianod AKo” ni Marcel Navarra

na ang kahinaan ng isang lalaki ay babae.

“Nasayod ikaw sa akong kahuyang ug kanunay mo akong

gisihag sa pakiggubat niini.”

Hindi madali sa lalaki na aminin ang kanilang kahinaan sa babae. Walang masama na

ma-appreciate ang kagandahan ng mga babae. Pero kapag dumating sa punto na nai-enjoy na

nito ang makamundong pagnanasa. Ito ang kahinaan ng mga lalaki, pero huwag kalimutan na

walang taong hindi napapaso sa paglalaro ng apoy.

“Wala ako makaikyas ug hangtod karon usa gihapon

ako ka binilanggo sa kaugalingon kong kahuyang.”

Maaaring maunawaan ko ang sitwasyon ngunit hindi ko sasabihing tama. Naunawaan ko

ang kahinaan ng isang lalaki pagdating sa tukso ngunit hindi ito tinatanggap na maging lohika,

paliwanag o katwiran upang ang kanyang gawain ay maging pangkaraniwan o sasabihing

natural sa kanyang pagiging lalaki. Ang katotohanan, ang lalaki ang wumawasak sa isang

relasyon.

“Usa ka nagkanuos nga baha nagpaingon kanako. Buot


unta ako modagan ug moikyas apan ulahi na kaayo;

ang binulog sa tubig mihakop kanako, mitabon kanako, ug

ako napusnga. Wala ako makaantos. Wala ako makalahutay sa

makalilisang sulog nga midagit kanako.”

Hindi dahilan ang katotohanan na mas mahirap para sa mga lalaki ang magtimpi sa

harap ng tukso para pagaanin ang kanilang pagkakasala. Ang pangangatwiran na “mahirap

kasing tanggihan” ay hindi katanggap-tanggap na katwiran. Mahirap para sa mga lalaki na

tumanggi sa tukso, normal na mas malakas ang pagnanasa ng mga lalaki sa gawaing sekswal

kaysa sa mga babae. Dagdag pa rito, mas madaling natutukso ang mga lalaki sa pagtingin pa

lamang. Muli, hindi maaaring gamiting dahilan ang natural na kalikasan ng lalaki. Kung babagsak

ang isang lalaki sa kasalanang sekswal, walang ibang dapat sisihin kundi ang kanyang sarili.

Napatid na, Di pa nadala: Isang Obhektibismong Pagsusuri

sa kwentong “Ug Gianod Ako” ni Marcel M. Navarra

Ang pag-aaral ay nagpapahiwatig na ang kwentong “Ug Gianod Ako” ni Marcel Navarra

ay ipinapakita ang karakterisasyon ni Loloy na marupok sa kababaihan.

“Ang tambal, Kid, nga dili na ikaw mabuang sa babaye mao ra ang

pagpahilayo kanila, ang dili sa pagtagad kanila. Kanang panuway nga

ginganlan ug babaye maoy lagmit sinugdan sa kapakyasan sa tawo. Palayo una

kanila samtang buot pa ikaw motungas sa ibabaw.”


Sa mga lalaki ang isa sa mga nagiging tukso ay babae. Makikipaghiwalay ang lalaki at

natutukso kung ang natagpuan niya ay higit pa sa kanyang kapareha lalo na kung lamang sa

itsura at mas higit pa ang ang nagagawa nung isang babae sa nagagawa ng tunay na kapareha

nung lalaki. Sa mga lalaki dapat bigyan muna ang iyong sarili na makapagisip kung ano ang

nararapat sa inyo.

“Babaye gihapon! Babaye! Babaye! Babaye gihapon ang

nakapaundang kanimo sa pagtungha ug babaye na usab ang ang

nagkawat sa imong gana sa pagsulat?”

Mahirap labanan ang tukso lao na kung hindi ka equip o wala kang panlaban, mas

makakabuti siguro na iwasan na lang ito kaysa harapin. Walang direksyon ang buhay ng tao

kapag hinayaan niyang manaig ang tukso. Huwag natin hayaan na tangayin ng hangin an gating

buhay. Iwasan natin ang tukso. Wag hayaan na matukso ng kahit na sino, sapagkat ang tao,

tampulan man ng tukso, kaya nitong labanan.

“Dayag na lamang nga nahibalo ikaw kinsang mga babayhana ang

nahimo kong biktima ug kinsang mga babayhana ang igo lamang mikubit

sa akong paon ug nakaikyas.”

Karamihan sa mga lalaki ay hilig nilang mambola ng mga babae, paraan nila ito para

mahulog ang babae sa kanila. Hindi sila makuntento sa isa lang kasi iba-iba ang kanilang gusto.

Mahirap kasi sa kanila ang magseryoso sa isang relasyon lang gusto nila yung madamihan.
Karamihan sa ganitong lalaki ay kulang ng atensyon sa pamilya o kaya pagmamahal sa aknilang

pamilya kaya nagkakaganito sila.

Patawad Kaibigan: Isang Tugon-mambabasang Pagsusuri

sa kwentong “Ug Gianod Ako” ni Marcel M. Navarra

Ang pag-aaral ay nagpapakita na ang kwentong “Ug Gianod Ako” ni Marcel Navarra ay

nagpapahiwatig na dapat harapin kaagad ang kamalian sa isang tao.

“Dili na ako buot makigkita kanimo. Karon naglagot ako sa akong nahimo.

Ug wala na kita magkakita sulod sa lima kun kapin ka bulan.”

Kung may pagkakamali ka man sa isang tao dapat aminin mo dahil ito ang tamang

gawin. Sikapin mong maging tapat at maging responsible sa mga ginagawa mo at umamin agad

kapag nagkamali ka. Dahil mas mapapatawad ng iba ang mga umaamin sa kanilang mga

pagkakamali.

“Dili makumkom ang aso, moalimbukad gayud; dili kapugngan ang

dinagayday sa tubig sa sapa, mangita gayud laing agianan

paingon sa dagat.”

Kung may pagkakamali ka man sa isang tao ay dapat isipin mong matuto para hindi mo

na ito uulitin. Kapag inilihim mo ang iyong pagkakamali ay lalo ka lang mamomomroblema.

Darating din ang panahon na pagbabayaran mo ito sa bandang huli.

“Nagtuo ako nga masuko ka gayud human mo mabasa kining akong sulat.
Bisan kinsa unsay imong pahimunglan sa imong kasuko, kanang

tawhana – manalipod siya kun unsa – mosinggit gayud una nga dili siya sala.”

Kailangan mo nang lakas na loob para maamin ang pagkakamali, dahil sa ganoong

paraan mo makukuha ang tiwala sa taong nagawan mo ng pagkakamali. Makikita nito na tapat

ka kapag inaamin mo ang iyong pagkakamali, nagiging maganda ang isang bagay na di-

maganda. Kung nagkamali ka man, ipakita mo kung paano ka makabawi para sa pagkakamaling

nagawa. At tandaan mo na gaano man katigas ang puso ng isang tao, lalambot din yan maging

totoot ka lamang.

You might also like