Reflection Filipino

You might also like

You are on page 1of 5

KALUPI

By Benjamin Pascual

Sa maikling kwento, nasaksihan ko ang pagkamatay ng isang bata na


inakusahan ng pagnanakaw dahil lang sa kanyang panlabas na anyo. Napagtanto ko
na ang mga ganitong bagay ay nangyayari sa mundo at ito ang realidad. Merong mga
tao na nakakaranas ng predyudis o pagtatangi sa kapwa tao dahil sa kanilang anyo.
Nakakalungkot na mayroong mga tao na kailangang tiisin ang ganitong pagtrato
dahil may mga taong nag-iisp na may karapatan sila na gawin ang pagtatangi sa
kapwa. Kagaya lamang ng bata sa kuwento na napagbintangan na nagnakaw dahil sa
suot nitong maruming pantalon at punit na libaging kamiseta, ipinagpalagay kaagad
nila na siya ang nagnakaw. Hindi siya pinaniwalaan ng Ale, ngunit napagtanto ng Ale
sa huli na napgbintangan niya lamang ang bata.

Natutunan ko rito na huwag manghusga sa kung ano lang ang nakikita mo sa


panlabas na anyo dahil may higit pa sa anyo ng tao, ang kanilang pagkatao.
Natutunan ko rin dito ang maging makatwiran. May bahagi ng kuwento kung saan
sinisigawan at hinahawakan sa leeg ng Ale ang bata na kung iisipin ay hindi
makatwiran. Hindi dahil sa palagay mo ay tama ka at palagay mo may karapatan ka,
ay maari mo nang gawin ang mga ganyang bagay sa bata o sa kapwa.
Ang Liham ni Vea
By Lovero
https://www.booksie.com/673987-ang-liham-ni-vea

Sa maikling na ito ko napagtanto na mahalaga talaga na isang tao ay


makapagpalabas ng kanilang mga sakit na naramramdan sa kanilang mga
pinagdadaanan. Kapag ang tao ay kinikim ang lahat ng sakit na nararamdaman sa
mahabang panahon ay maari itong mapuno at sumabog. Ngunit, sa pagsabog na ito
meron kang masasaktan na tao, meron kang maaapektuhan na tao. Kapag ang tao ay
mailabas ang mga nabubuong sakit ay mas sasaya sila at mas gagaan ang kanilang
pakiramdam. Magdudulot ito ng mas positibong pananaw sa mga pagsubok na
mararanasan nila sa buhay.

Napagtanto ko rin ang kahalagahan ng pakikinig sa mga sakit na dinadamdam


ng iba. Kaya, makinig sa sakit ng iba para mabawasan mo ang sakit nila. Maging
balikat sa kanila para magkaroon sila ng taong masasandalan.
Pag-ibig sa Tamang Panahon
By Sharon Grace Amarille
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.poemhunter.com%2Fpoem%2Fpag-i
big-sa-tamang-panahon%2F&psig=AOvVaw0ZwltNMsCk69uWatsPQv6Z&ust=1676306891799000&
source=images&cd=vfe&ved=0CBAQjRxqFwoTCNjlkMS5kP0CFQAAAAAdAAAAABAR

Tulad ng sinasabi ng pamagat, sa ‘tamang panahon.’ Ang bagay tulod ng


paghahanap ng pag-iibig ay hindi dapat minamadali sapagkat meron itong tamang
oras at panahon. Hindi ito matatawag na pag-iibig kung ito’y pinilit at minadali dahil
ang pag-iibig na matibay ay hinuhubog ng panahon. Mga pananahon na magsisilbing
aral sa makabuluhan na pagmamahalan.

Nawa’y ang tula na ito ay magsisilbing mensahe sa kabataan na minamadali


ang pag-iibig. Magsisilbi sana itong paliwanag sa mga wala pang ka-ibigan na hindi
pa nila nakikita ang tamang tao para sa kanila. Sapagkat, para sa akin, hindi totoo
ang kasabihan na "tamang tao, maling panahon" dahil kapag nakilala mo ang tamang
tao, iyon na ang tamang panahon. Makikilala mo ang tamang tao sa tamang
panahon.
Ang Huling Limang Oras
https://www.studocu.com/ph/document/arellano-university/marketing-manageme
nt/huling-limang-o-wps-office/20710244

Sa maikling kuwento na ito natutunan kong ipadama sa aking magulang na


mahal ko sila at nagpapasalamat ako sa mga bagay na kanilang ginawa para sa
kinabukasan at ikabubuti ko. Sapagkat, hindi sa lahat ng panahon ay makakasama ko
sila. Napagtanto ko na kahit kailan ay maaari silang mawala kaya kailangan maglaan
ng oras para sa pamilya, sa magulang, at mahal sa buhay. Sapagkat, hindi mo sila
mahahagkan habang-buhay. Gumawa ng mga alaala sa mga tao dahil ang mga alaala
ay nananatili, ngunit ang mga tao ay hindi. May mga pagkakataong kailangan mo
silang pakawalan. Kaya, ibuhos mo sa kanila ang iyong pagmamahal at pahalagahan
ang bawat segundo kapag kasama mo sila.
Pag-ibig sa Sarili
By Yongrine
https://www.wattpad.com/877430899-my-poems-pag-ibig-sa-sarili

Sa tula na ito, mas maimumulat ang pagtingin mo sa iyong sarili. Ang


pagmamahal ay nagisimula sa sarili. Kaya mahalin mo ang iyong saril, ito ma’y
mahirap gawin ngunit sa panahon ay matuto ka rong tanggapin at mahalin kung ano
ka at sino ka. Ang opinyon ng ibang tao ay hindi mahalaga, ang opinyon mo sa sarili
mo ang mas mahalaga at ang mas bibigyang pansin. Tayong lahat ay may pagkakaiba
kaya matutong tanggapin ang iyong pagiging natatangi.

Mapagtanto mo rin dito na mahalaga na marunong kang magsalita para sa


sarili mo, marunong ipagtanggol ang sarili mo. Tumayo para sa sarili mo at maging
matatag para sa sarili mo.

You might also like