You are on page 1of 4

ARALIN 1 - Ang Mga Alusyon

Pagsasanay 1

1.Salawikain
2.Salawikain
3.Kawikaan
4.Salawikain
5.Kawikaan
6.Kawikaan
7.Salawikain
8.Salawikain
9.Salawikain
10.Kasabihan
11.Kawikaan
12.Kasabihan
13.Kawikaan
14.Kasabihan
15.Kawikaan

ARALIN 2 - Ang Idyoma (Sawikain)


Pagsasanay 2

A.
hindi nakikinig 1. Nagalit ang ama sa matigas na ulo ng anak.
magnanakaw 2. Inis na inis ang guro sa kanyang mag-aaral na malikot ang kamay.
nagsisikap 3. Nagsusunog ng kilay ang mga mag-aaral na kumuha ng modular studies.
matalino 4. May-utak ang taong gumawa ng pagnanakaw sa bangko.
matanda 5. Lumapit sa isang binata ang isang amoy lupa upang hihingi ng limos.

B.
1. Naaawa akong makita si mama na kayod kalabaw maitaguyod lang ang aming pamilya.
2. Biglang nagtaingang kawali ang aking kapatid nang may inuutos si papa.
3. Bilib talaga ako sa mga taong may utak pagdating sa paghawak ng pera.
4. Nagpuputok ang butse ni Marites nang makita niyang may kabet ang kanyang asawa.
5. Nakakalungkot makitang may gatas pa sa labi ang mga nabubuntis ngayon.
6. Sa labis na paninigarilyo ng aking tiyuhin ay para na rin siyang humuhukay ng sariling
libingan.
7. May kakilala akong balat-kalabaw sapagkat siya na nga ang may utang pero siya pa ang galit.
8. Noong bata ako, naiinggit ako sa mga kalaro kong ipinanganak na nakahiga sa salapi.
9. Palagi nalang butas ang bulsa ng aking ama dahil sa pagkaadik niya sa online sabong.
10. Minsan lang ako makakita ng lalaking di makabasag pinggan.

Pagsasanay / Refleksyon 3

Kung ako ay maghahanap ng isang larawan na sa palagay


ko ay repleka ng aking sarili o katangian, ang larawan na ito ay ang
larawan ng isang salamin. Alam nating lahat na ang salamin ay
nagbibigay ng repleksiyon at ang katangian na ito ng salamin ay
isa sa mga maihahalintulad ko sa akin sapagkat kung paano ako
itrato ng ibang tao, ganun din ang itatrato ko sa kanila. May
kakilala akong nagpuputok ang butse noon dahil pinaramdam ko sa
kanya ang ugaling pinaramdam din niya sa akin, kaya minsan
sinasabihan ko 'yong iba na "Ang hindi mo gustong mangyare
sa'yo, huwag mong gawin sa kapwa mo". Ang salamin din ay isang
bagay na pwede mong kausapin, tulad ko bilang isang tao,
handa kong ibigay ang dalawang tainga ko sa iyo kapag wala kanang ibang makausap o kapag
may gusto kang ilabas na saloobin. Pwede mo rin itanong sa akin kung bagay ba sa iyo ang bago
mong damit o kung maayos na ba ang mukha mo dahil sasabihin ko sa iyo ang katotohanang
walang labis, walang kulang. Higit sa lahat, ang salamin ay isang babasagin na bagay na kapag
nabasag, hinding-hindi na ito maibabalik pa sa dati kagaya ng aking tiwala sa isang bagay o tao.
Masasabi ko rin na kasing babasagin ako ng isang salamin sapagkat kapag nasigawan lang ako,
nagiging balat-sibuyas ako at kapag pinaasa mo ako sa bagay na ipinangako mo, parang
nawawasak ang puso ko sa sakit. Itong mga katangian ng salamin nabanggit ko ay ang mga
katangian na sa palagay ko ay repleka ng aking sarili, positibo man o negatibo. Ito ang tunay na
ako at masaya ko itong inihalintulad sa salamin.

ARALIN 3 - Ang Mga Tayutay


Pagsasanay 4
A.
1. F
2. D
3. I
4. H
5. A
6. G
7. E
8. B
9. D
10. C

B.
1. PAGWAWANGIS
Ang pisngi ni Mara ay parang pula na mansanas kapag siya ay kinikilig.
2. PAGSASATAO
Para akong sinusundan ng buwan tuwing naglalakad ako sa gabi.
3. PAGPAPALIT-SAKLAW
Lumilipad na naman ang isip ni Timothy sa gitna ng kanilang klase.
4. PAGLUMANAY
Ayaw ibigay ni Clara ang kanyang pagkabirhen sa kanyang jowa kaya hiniwalayan siya nito.
5. PAG-UYAM
Ang ganda talaga ng sulat-kamay ni Bucky parang dinaanan ng ilang kalamidad.
6. PAGMAMALABIS
Kaya kong sungkitin ang mga bituin makuha ko lang ang matamis mong oo.
7. PAGPAPALIT-TAWAG
Sobrang ganda ng kaklase kong tisay kaya maraming nagkakagusto sakanya.
8. RETORIKAL NA TANONG
Anong meron sa wala?

Dinamikong Gawain: Pasulat

“Balik Normal sa New Normal na Buhay”


Nandito ako ngayon sa aking kwarto, nakahiga't hawak-hawak ang selpon habang tinitingnan
ang mga larawan noong 2019. Napagtanto ko na mahigit dalawang taon na pala ang nakalipas
mula nang naghari ang COVID-19 sa buong mundo. Sariwa pa sa aking isipan kung paano ito
nagdulot ng napakalaking pagbabago sa aming pang-araw-araw na buhay. Hindi kami sanay
magdildil ng asin kaya para kaming nilubugan ng araw nang nawalan kami ng mapagkukunan ng
pera. Sa sobrang hirap ng buhay, kailangan naming magbatak ng buto, para lang may pantawid-
gutom. Nakakalungkot lang din isipin na sobrang daming Pilipino ang hilong talilong kung saan
kukuha ng pangkain dahil nawalan din sila ng trabaho at negosyo tulad namin. Marami ring
nakitil ang buhay nang dahil lang sa virus na ito.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kisame. Bigla ko nalang naisip na sa nakaraang


dalawang taon, naging kasing tatag ng punong narra ang mga Pilipino sapagkat sa kabila ng
kahirapan, nananatili sa atin ang pagiging matatag. Sa sinasabi pa ng iba, "COVID ka lang,
Pinoy kami". Para man tayong pinagsakluban ng langit at lupa, pinili parin nating gumawa ng
paraan kaysa lamunin ng lungkot at kahirapan. Maraming kumpanya ang lumipat sa work-from-
home set up at iba pang mas nababagong mga kaayusan sa pagtatrabaho. Natutunan nating mga
Pinoy na ipalawak ang paggamit ng teknolohiya nang higit pa kaysa dati. Sino ba namang mag-
aakala na magagawa nating virtual ang pagpupulong, klase, konsiyerto, at maging ang
pagdiriwang ng okasyon. Ang mga negosyo rin ay tumulak sa kanilang mga limitasyon para
makaangkop sa nagbabagong panahon.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at dumungaw sa bintana. Naramdaman ang ang ikapitong
langit sapagkat nakikita ko na unti-unti na tayong nakakabangon. Nagsisimula na rin tayong
makakita ng paraan para maibalik ang kalusugan, ekonomiya, at lipunan nang sama-sama sa
kabila ng patuloy na pandemya. Talaga nga namang nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Bigla akong napatanong ako sa aking sarili, "Kailan nga ba tayo tuloyang makakabalik sa ating
normal na buhay?" Nag isip-isip ako nang biglang pumasok si inay, "Ali! wala kabang balak
pumasok?! Lumilipad na naman ang isip mo diyan!" pagalit niyang sinabi. Napatalon akong
parang isang palaka sa gulat kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at nagpaalam na sa aking
inay na nagpuputok na ang butse dahil mahuhuli na ako sa klase. Unang araw pala ng face-to-
face na klase namin ngayon muntik ko nang makalimutan. Paglabas ko ng aming bahay,
bumungad sa akin ang kalsadang kay rami-raming gulong at taong dumadaan. Bigla kong naalala
ang tanong ko sa aking sarili kanina at alam ko na ang kasagutan. Malabo nang maibalik ang
buhay na kinagisnan natin noon. Kung babalik man, hindi na ito ang normal na buhay natin noon
kung hindi ang tinatawag nating new normal ngayon. Sinuot ko na ang aking face mask at
nagsimulang maglakad papunta sa unibersidad kung saan ako nag-aaral.

You might also like