You are on page 1of 1

SHAINE T.

MOSQUITO LINGGO 4
12 STEM-B

Pabago-bagong Panahon

Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang magsimula ang ECQ sa bansa.
Nakakatakot isipin, pero papano kung maging sa mga susunod na taon ay wala pa ring
magbabago. Paano kung hindi na maibabalik ang karaniwang pakikipagkamustahan na ating
kinasanayan. Masasanay na lamang ba tayo sa ganitong bagong paraan?
Sa mahigit sampung buwan na pananatili sa loob ng bahay sa kadahilanang
paglaganap nang nakakahawang sakit ay nakasanayan ko ng gawain ang gigising sa umaga,
magsisipilyo, kakain, gagawa ng iba’t ibang gawaing bahay, mag-aaral at matutulog. Sa
bawat araw ay iyan lamang ang aking mga ginagawa. Dahil sa ipinatupad na bawal ang
palagiang paglabas at iwasang makisalamuha sa maraming tao ay nananatili lamang ako sa
loob ng bahay. Paminsan minsan ay nakakalabas ako ngunit sa bahay lamang ng aking pinsan
na kung saan doon ay nakakapagkita kaming lahat at masayang nagsasalo-salo. Ngunit
pagkatapos ay babalik muli sa bahay. Normal lamang iyon sa akin sapagkat wala pa mang
pandemya ay hindi ko na hilig ang paglabas, minsan lamang kung may pangkatang gawain na
kailangang lumabas at kung magkikita-kita kaming magkakaibigan. Ngunit hindi tulad noon
na mas masaya ang mag-aral sa mismong paaralan kung saan magkakaroon ng pisikal na
interaksyon sa mga kaklase at guro ang bagong sistema ng pag-aaral ngayon ay mas naging
mahirap, mas nakakapagod kumpara sa dati at aaminin kong mas may natututuhan ako noon
kaysa ngayon. Marahil mahirap ang pag-aaral noon, ngunit mas mahirap sa kalagayan
ngayong nasa bahay lamang. Nasanay man ako na hindi lumalabas at wala gaanong
interaksyon sa ibang tao, sa gitna ng pandemyang ito mas naging malungkutin ako. Gaya ng
panahon na pabago-bago ganoon din ang nararamdaman ko. Minsan ay masaya, ngunit
madalas ay iiyak nalamang ako bigla dahil sa mga ilang bagay na naiisip ko, gaya ng pag-
aaral. Mas nakilala ko ang sarili ko, nalaman ko ang kahinaan ko at ito ay ang sobrang pag-
iisip o pago-overthink. Napagtanto ko rin na mahalaga ang pakikipag-usap sa mga kaibigan
ko upang maibsan ang aking kalungkutan. Ang pakikipagsalamuha rin sa buong pamilya ay
mahalaga dahil hindi ko naiisip ang ibang bagay na nakakapagpalungkot sa akin kung
nalilibang ko sa ibang bagay ang aking sarili.
Sa mga panahong nasa bahay lamang ako naisip kong pagtuunan ng pansin ang aking
sarili. Kung noong mga nagdaang buwan ay naging masalimuot ang aking buhay, ngayon ay
akin nang babaguhin. Nagsimula akong pangalagaan ang aking sarili upang magkaroon ng
kumpiyansa sa sarili at magkaroon ng malusog na pangangatawan at higit sa lahat ang aking
kalusugang pangkaisipan.
Tunay na napakahirap ng kalagayan natin. Ngunit huwag nating hayaan na malugmok
tayo sa kaulungkutan, gumawa ng mga bagong bagay na dati ay hindi mo naman nagagawa.
Mas kilalanin ang sarili at importanteng pangalaagan natin ito. Mahirap at nakakalungkot
ngunit patuloy pa rin ang buhay.

You might also like