You are on page 1of 2

Bien Carlo U.

Buenaventura
ACCESS-1
ANG APAT NA BUWAN NA NAKALIPAS

Ako si Bien Carlo U. Buenaventura isinilang noong Disyembre 18, 2004 na nagmula

sa San Rafael, Bulacan. Ako ay nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Montessori De

Sagrada Familia at kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa Baliuag University sa strand na

Accountancy, Business and Management .

Sa tuwing ako’y walang ginagawa, libangan ko ang manood ng palabas sa telebisyon,

manuod ng mga teleserye at variety shows mula sa South Korea, at maglaro kasama ng

aking mga pinsan. Sa kasalukuyan, hindi ko na masyadong nagagawa ang mga libangang ito

dahil sa nagsisimula na muli ang pasukan.

Sa nakalipas na apat na buwan, hindi ko mapag-kakaila na madaming mga

pagbabago ang nangyari sakin buhat nang muling magbukas ang face to face classes sa

aming paaralan. Dahil ako’y madalas wala sa bahay, hindi ko na masyadong nabibigyang-

oras ang aking pamilya o kaya’y matulungan sila sa mga gawaing bahay na aking nagagawa

noong nakalipas na dalawang taon bagama’t ako’y may online class. Ngunit dahil ako’y

laging pagod na pag umuwi, hindi ko na ito masyadong nagagawa.

Isa pa sa mga naging pagbabago na hinarap ko noong mga nakaraang buwan ay ang

pagpanaw ng tiya ko na malapit saming magkapatid at mag-ina. Ito’y naging malaking

hamon sapagkat ako’y naapektuhan sa kanyang pagpanaw ngunit batid ko din na wala

akong masyadong oras para magdalamhati ng matagal dahil ayaw kong maka-apekto ang

personal na pinagdadaanan namin sa aking pag-aaral.


Naging pinakamalaking hamon sa nakalipas na mga buwan ang pag- “handle” ng

mga personal na problema at suliranin ko sa pag-aaral. Hindi natin maitatanggi na marami

ding naidudulot na stress ang pag-aaral sa mga katulad kong estudyante, at sa kaso ko,

nagkakahalo-halo at nagkakasabay na ang mga ito minsan dahilan upang ako’y masiraan na

ng ulo halos. Ngunit sa mga pagkakataong ito ako nagpapasalamat sa aking mga kaibigan at

pamilya dahil kung hindi dahil sa kanilang suporta at pakikinig sa akin ay marahil wala na

siguro ako ngayon dito, naglalahad ng aking talambuhay.

Ngunit di lang naman puro lungkot o negaibo ang dulot ng nagdaang apat na buwan.

Sa mga panahon din na ito ako’y nakakilala ng mga bagong kaibigan at katuwang na

nakaka-intindi sakin. At sa aking pagharap sa mga suliraning nabanggit, lalong tumaas ang

tiwala ko sa aking sarili at mas nakilala ko rin ang aking sarili dahil dito.

Maraming nangyari sa apat na buwan na nakalipas na sumubok sa aking pasensya,

tibay, at paniniwala sa sarili ngunit ito parin ako, nagsusulat at naglalahad ng aking

karanasan. Nawa’y magsilbing aral sa akin ang mga nangyari sa nakalipas para sa mga

mangyayari sa hinaharap. Naniniwala ako na ang bawat karanasan, maganda man o hindi,

ay huhulma sa ating pagkatao upang maging mas mabuti at mas maging karapat-dapat sa

anumang bagay na gusto natin matupad. Muli, ako si Bien Carlo Buenaventura ng Bulacan.

You might also like