You are on page 1of 11

sLakbay - Sanaysay

Ni: Sheila B. Baluyos

Ang paglalakbay na ito kasama ang barkada ay isa sa dahilan upang kilalanin ang

isa't isa. Masaya ang buhay kung may mga kaibigan ka na handang makinig sa mga

drama mo sa buhay. At sa bawat paglalakbay, unti-unti tayong may natutunan sa buhay.

Hindi lang pamilya sa iyong buhay kundi and mga kaibigan mo ring tunay.

Hulyo 1, 2019, ito iyong panahon na isusurpresa namin ang isa pa naming kaibigan.

Kuha ito sa labas ng bahay ng isa rin naming

kaibigan. Naalala ko ang panaho ito,hindi alam

ni July (ang may kaarawan) na may gagawin

kami sa kaarawan niya. Ni hindi niya nga alam

na magkakasama kami sa oras na ito. Ang akala

niya ay nakalimutan namin ang kaarawan niya

dahil wala ni isa sa amin ang bumati sa kanya.

Kaya naman laking gulat niya nang umuwi siya ay kompleto lahat ng mga kaibigan at

pamilya niya.

Hulyo 3, 2019. Unang beses nakasama si

Isabel sa aming paglalakbay na medyo

malayo sa sentro. Ito iyong mga panahon

na hinatid namin sa kanilang bahay angisa

naming kaibigan.
Pictorial Essay

Ni: Sheila B. Baluyos

Marso 19, 2019. Binisita namin sa Blancia

Hospital ang aming kaibigang may sakit.

Dito namin napatunayan na may halaga

ang isa't isa.

Hunyo 17, 2019. May selebrasyon ang isa

naming kaibigan sa kanila at inimbitahan

kami. Kuha ito sa Barangay Miligan.

Hunyo 17, 2019. Pagkatapos namin sa

Barangay Miligan ay dumiretso kami sa

Eriberta Spring Resort.

Hunyo 30, 2019. Paunang selebrasyon ng kaarawan ng isa naming kaibigan.

Kuha parin ito sa Eriberta Spring Resort.


Karanasan Ng bilang isang mag - aaral
Ni: Sheila B. Baluyos

Bilang isang natatanging mag-aaral kailangan maging responsible sa iyong pag-


aaral. Minsan, hindi natin maiiwasan na magkamali. Makakagawa at gagawa tayo ng
pangit na mga gawain. Pero wag nating hayaan na lamunin tayo ng pagkakamaling iyon,
na kahit alam mo na ang epekto nito uulit ka parin.

Minsan sa buhay na ko, isa akong mabuting mag-aaral. Gagawa ng mga


homeworks at projects, pag-aaral ang mga leksyon. Ngunit lahat tayo ay makakaranas ng
problema, At oo nga, naransan ko iyon. Nasaktan, umiyak at nagalit sa mundo. Ayaw
kong ipakita sa lahat na isa akong talunan, kaya tatwa ta ngingiti sa harap ng mga tao.
Katulad ko,may problema rin pinagdadaanan ang mga kaibigan ko, kaya't upang
makalimot kahit saglit, naging lakwatsera kami at napabayaan ang aming pag-aaral.

Hindi papasok sa paaralan, tatakas sa klase at kung minsan ay uuwi sa bahay at


mag iinuman. Hindi ko alintana ang sabi ng iba basta ba't makakasama ako sa barkada
lahat ng gala. Hanggang isang araw, ipinatawag sila sa guidance dahil sa rami ng
kanilang liban, at muntikan pang masuspende.

Doon, napaisipp ako at tinatanong ang sarili ko, 'Anong nagyari sa akin? Hindi
ako ito.' Sa silid-aralan namin, nagkatuwaan kami ng aking mga kaklse hanggang bsa
narating namin ang topic tungkol sa aking barkada. Doon sinasabi nila sa akin ang
opinyon nila. Kung gaano na kalaki ang pinagbago ko noon at ngayon. At pinayohan rin
nila ako sa kung ano ang aking dapat gawin.

Nang dahil sa mga kaklase ko, namulat ako at parang kay hirap paniwalaan na
nagawa ko iyon. Buong buhay ko, sabi ko " di ao gagawa ng pagkakamali na maaring
makasira sa buhay ko at kahit gaano pa ka hirap at kalaki ang problemang meron ako, di
ko patitinag ", pero hindi ko inakala na kinalimutan ko iyon. Naging mahina din ako at
nagpatalo sa problema.

Sa karanasan kong ito, nagiging mas matatag ako at natutunan kong kontrolin ang
sarili ko. Totoo ngang sa pakakamali ay may matututunan tayong leksyon.
SHEILA B. BALUYOS

Ipinanganak sa lungsod sa Molave, Zamboanga del Sur noong ika-24 ng Oktubre

taong 2001. Siya ay nagtapos ng Primarya sa Mabuhay Elementary School at Sekondarya

bilang Junior High sa Sacred Heart Diocesan School at kasalukuyang nag-aaral parin dito

bilang Senior High School Student.

Marami siyang sinalihang patimpalak noong siya'y nasa Primarya pa tilad ng

MTAP, Science Quiz Bee, at Journalism, naging V- President sa SG o Students

Goverment noong nasa elementarya at nagtapos bilang Salutatorian sa kanyang klase. Sa

sekondarya ay patuloy pa rin siyang lumahok sa mga kompetisyon. Ngayong siya ay nasa

Senior High, siay nangangarap na makapag-aral sa Illigan Institute of Technology at

makatapos bilang isang Accountant.


KURIKULUM BITEY

PERSONAL DATA

Pangalan: Sheila B. Baluyos

Petsa ng Kapanagnakan: Oktubre 24, 2019

Pook ng Kapanganakan: Brgy. Mabuhay, Molave, ZDS

Edad: 18 taong gulang

Relihiyon: Katoliko

Contact no.: 09124000742

Email Address: sheilabruc88@gmail.com

Akademik Strand: Accountancy, Business and Managerment

EDUKASYON

Senior High School: Sacred Heart Diocesan School, Inc. (2018-2020)

Junior High School: Sacred Heart Diocesan School, Inc. (2014-2018)

Elementarya: Mabuhay Elementary School (2007-2014)

Preschool: Mabuhay Elementary School (2006-2007)


AKO, BILANG MAG-AARAL
Ni: Sheila B. Baluyos

Ako, bilang mag-aaral ay isang ordinaryong mag-aaral na nangagarap makakuha


ng ng malaking marka. Ngunit sa kabila niyon ay naging hangal ako dahil hinayaan ko
ang aking sarili na maligaw dahil sa kagustuhang makalimutan ang problema. Isa ako sa
mga estudyante na nagkaroon ng pagsubok at muntikang masira ang mga pangarap dahil
sa maling daan ang aking tinahak.

Subalit, sa kabila niyon ay may mga taong ipaalala sa sarili na mali ang aking
gawain, na may mas maganda pang gawain upang malutas ang problema, na sa halip na
kalimutan ay kailangan itong lutasin. Hindi sa lahat ng oras ay matatakasan natin ang
tadhana dahil babalikan at babalikan ka nito sa hinaharap kung di mo ito nalutas sa
kasalukuyan.

Ako, bilang mag-aaral ay naging mahina at nagkaroon ng labanan sa aking sarili.


Ikaw, ano ka bilang mag-aaral?
Panimula
Walang madali sa buhay. Kahit sa pag-aaral nakatatamad. Ngunit kung hindi ka
magsikap ay wala ka ring marating. Ang akademikong sulatin ay nakatatamad ding
gawin pero kung seseryosohin mo ay napakasaya nitong gawain. I sang gawain ng mag-
aaral kung saan magagamit mo ang iyong karanasam at pagkamalikhain.

Dito sa Akademikong Sulatin, maiparating mo sa iyong mambabasa ang yong


tunay na nararamdaman, tulad nalang ng Lakbay-Sanaysay, Picturial Essay, Replektibong
Sanaysay, Talumpati at marami pang iba. Kaya kahit nakapapagod at nakatatamad,
marami ka pa rin akong natutunan.
Pagbabago sa Iyong Buhay
Maraming dahilan ang makapagtulak sa kongklusyon na, "kailangan kong
baguhin ang aking buhay". Ang isa sa mga dahilan na magtulak sa atin na magbago at
ating trabo, ngunit kadalasan ay nararamdamin din natin na tayo ay nahihirapan. Maaring
sa simula, ang isang relasyon ay kaaya-aya, ngunit sa katagalan ay, ito ay humantong sa
isang hindi magandang pangyayari. At kapag nagyari ito, maiisip natin na kailangan na
talaga ng pagbabago.

Ang pagbabagong nais mong matamo ay maaring maisakatuparan, kailangan mo


lang ng positibong pananaw. Isang magandang ideya ay ang humingi ng tulong at suporta
mula sa pamilya at mga kaibigan. Ang katotohanan na may tumutulong at umaalalay sa
iyo ay isang magandang inspirasyon upang ipagpatuloy ang iyong plano.

Kapag nasimulan na ang iyong mga balakin, ihanda ang sarili sa anumang
hadlang na maaring manyayari. Kailangan mong isipin na lagi ang iyong kagustuhang
magbago. Isang magandang hakbang ang pananatili sa magandang pananaw sa buhay
upang maisakatuparan ang iyong kagustuhan na walang natatapakan sa sino man.
SACRED HEART DIOCESAN SCHOOL INC.

Where peace making is life giving

Camagong street, Molave Zamboanga del Sur

29 HULYO
2019

BUWAN NG NUTRISYON 2019

Sa mga: Lahat ng antas

1. Ang Sacred Heart Diocesan School (SHDS) ay mangunguna sa pagdiriwang ng Buwan


ng Nutrisyon 2019 mula ika-1 hanggang ika- 31ng Hulyo.

2. Bilang tugon sa proklamasyon ng mga Homemakers na ipinagtibay ni Sr. Lydia T.


Perejan, MCM na nagtatakda ng temang " Kumain ng Wasto nang Maging Aktibo... Push
natin 'to" at naglalayon na ilaan ang Buwan ng Nutrisyon sa Hulyo.

3. Ang layunin ng pagdiriwang ay mga sumusunod:

a. Mahikayat ang mga estudyante na kumain ng mga masustansiyang pagkain.

b. Mapangalagaan ang kalusugan at maging aktibo sa lahat ng mga aktibidad.

4. Kalakip ng Memorandum na ito ang palatuntunan ng mga gawain para sa isang


buwang pagdiriwang.

5. Para sa mga karagdagang impormasyon maaring makikipag-ugnayan sa pinuno ng


Homemakers sa silid ng TLE sa 1st Floor ng bagong gusali ng SHDS.

6. Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

Sheila B. Baluyos

Kalihi
m
SACRED HEART DIOCESAN SCHOOL, INC.

12 - PAPA GREGORYO

HULYO 24, 2019

Inaasahang dadalo: 25. Maikee Pepito

40 Mga taong dumalo sa pulong 26. Aiko Pepito

1. Gina Acuram 27. Jane Mary Pahayahay

2. Valerie Alingaro 28. Marjiel Ortelano

3. Jeiah Bagalanon 29. Rachel Lyn Macahito

4. Liza Bodiongan 30. Razel Lumingkit

5. Roselle Dayondon 31. Xianne Lim

6. Patrick Temonio 32. Yvonne Lelis

7. Mark Supapo 33. Ronelyn Larot

8. Reynante Solejon 34. Noren Galon

9. Tristan Rubio 35. Cherry Pet Flores

10. Jericho Pilapil 36. Eileen Donaire

11. Josh Orbecido 37. Gyreanne Cavan

12. Daniel Obeña 38. Sheila Baluyos

13. Evhan Magdadaro 39. Jezel Ventic

14. Jason Labrada II 40. Prince Brylle Saaved

15. Michael Rey Judaya

16. Betjeman Hortilano

17. John Gacasan

18. Gaudioso Bullecer

19. Kris Desiree Pamaylaon

20. Queency Villorejo

21. Chekee Tripoli

22. Ozamae Tinambing

23. Audrey Ruben

24. Kaila Rama


1. Ang pagpupulong ay tungkol sa gaganaping selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon.

2. Ito ay pinangungunahan ng tagapagdaloy na si Prince Brylle Saavedra.

3. Binahagi ng tagapagdaloy at ipinaalam sa lahat ang mga aktibidad na magaganap sa


gaganaping selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon.

4. Isa sa mga aktibidad na magaganap ay ang poster-making na napagkasunduan ng lahat


na sina Daniel Obeña at Kaila Rama ang lalahok at magrepresenta sa seksiyong ito.

5. Nabanggit din ng tagapagdaloy na kailangang insayohin ang sinasabing 'Wellness


Dance' na kailangang lahat ay participante. At nauwi nga ito sa pag-iinsayo.

6. Nagtapos ang pagpupulong ng isang panalangin.

Oras nagsimula: 3:45 PM

Oras natapos: 4: 00 PM

Sheila B. Baluyos

Kalihim

Hulyo 31, 2019

You might also like