You are on page 1of 4

Learning Activity Sheets (LAS)

Pangalan ng Mag-aaral:______________________ Grado at Seksiyon:__________

Learning Activity Sheets (LAS)

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 5

Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng: 1.3.


pagkalinga at pagtulong sa kapwa (EsP5PD-IVa-d-14)

II. Panimula.

Maraming mga pangyayari sa buhay ng tao na naipapakita ang pagkalinga at pagtulong


sa kapwa. Sa panahon ng kalamidad natin masusukat ang ating kabayanihan, kung saan
gumagawa tayo ng paraan upang makatulong. Pumasok si COVID-19 sa ating bansa nang
hindi natin inaasahan. Maraming mga kababayan natin ang nagugutom dahil sa
pagkawala ng kanilang hanap-buhay. May mga negosyante rin na nalugmok dahil sa
pagkasira ng kanilang negosyo dahil sa mga ipinatutupad na mga lockdown. Dumating
man ang ganitong dagok sa ating buhay, nananatili pa rin tayong matibay dahil likas sa
ating mga Pilipino ang magtulungan. Sa simpleng paraan natin ng pagtulong sa kapwa,
ito ay nagbibigay saya sa ating mga puso. Hindi kailangan na tumulong tayo sa
pamamagitan lamang ng pagbibigay ng pera, maraming mga paraan ang maaari nating
gawin upang maipakita ang pagkalinga sa ating kapwa. Halimbawa, may kapitbahay
kang nangangailangan ng tulong upang mapagamot ang kanyang kamag-anak na may
sakit. Sila ay kapos sa pera pero ganun din ang pamilya mo. Ngunit may alam ang mga
magulang mo tungkol sa programa ng pamahalaan na maaaring makatulong sa kanila.
Paano mo sila matutulungan? Maaari mong sabihin sa kanila ang tungkol sa programa.

Ang pagkalinga at pagtulong sa kapwa ay isa sa mga paraan upang patuloy na lumaban
sa hamon ng buhay. Dahil hindi sa lahat ng panahon ay ikaw lamang ang tutulong, may
pagkakataon din sa buhay mo na ikaw ay mangangailangan ng tulong mula sa ibang tao.
Kailangan lamang natin buksan ang ating mga puso sa

mga taong nangangailangan upang makagawa tayo ng mga simpleng hakbang upang
matugunan ang kanilang pangangailangan
III. Mga Sanggunian

DepED MELCs 202

IV. Mga Gawain

1. Panuto: Basahing mabuti ang mga pinapagawa sa bawat pagsasanay sa ibaba

2. Pagsasanay
Gawain A.

Basahing mabuti ang maikling kwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Laban Lang!
Orihinal na isinulat ni Jenny L. De La Cruz, Teacher 1
Vista Alegre Elem. School, Division of Bacolod City

Matalik na magkaibigan sina Kelly at Jaicy. Madalas silang naglalaro at


magkasamang pumupunta sa eskwelahan. Nasa ikalimang baitang na ang dalawa.
Tuwing sabado at linggo ay sabay silang gumagawa ng kanilang mga takdang aralin dahil
magkapit-bahay ang magkaibigan. Dumating ang pandemya sa bansa at ipinagbawal ang
face to face classes at ganun din ang paglabas ng tahanan ng mga tao dahil sa lockdown
upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Labis ang pagkalungkot nina Kelly at Jaicy dahil
hindi na sila makakapunta ng sabay sa eskwelahan at hindi na sila makakalabas ng
tahanan upang makapaglaro.
Nawalan ng trabaho ang kapatid at ang ama ni Kelly dahil nagsira ang restaurant
na pinagtatrabahuan ng mag-ama dahil sa pandemya. May mga araw na hindi na sila
kumakain ng almusal. Hindi maikukubli kay Jaicy ang nangyayari sa pamilya ni Kelly dahil
sila ay makapit-bahay lamang. Dahil sa nakakaangat sa buhay ang pamilya ni Jaicy,
tumulong ang mga ito sa pamilya ni Kelly at hindi lamang sa kanila bagkus sa iba pa
nilang mga kapit-bahay na mahihirap.

Malaking tuwa at saya ang nadarama ng pamilya ni Kelly dahil dumating ang
araw na hindi lamang ang pamilya ni Jaicy ang tumutulong sa kanila dahil
nakakatanggap na rin sila ng mga tulong galing sa iba’t ibang programa ng ating
pamahalaan.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban ang pamilya ni Kelly at ganun
din ang mga kapit-bahay nila na mga kapus din sa buhay. Umaasa na maibabalik na sa
dati ang lahat kung saan makakapunta na silang muli sa eskwelahan at makapaglaro sa
labas ng tahanan. Sabi nga ni Kelly at Jaicy “kahit may pandemya, tuloy ang buhay.
Laban lang!”.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang kadalasang ginagawa ng dalawang magkaibigan nang wala pang pandemya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____

2. Ano ang nangyari sa pamilya ni Kelly nang dumating ang pandemya sa bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____
3. Ano ang ginawa ng pamilya ni Jaicy sa pamilya ni Kelly at sa kanilang mga kapit-
bahay na mahihirap nang dumating ang pandemya sa bansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____
Gawain B.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Naglalaro kayo ng habulan ng mga kaibigan mo nang biglang umiyak ng malakas si


Paolo dahil nasugatan ang paa nito? Ano ang gagawin mo?
a. Uuwi ako ng bahay dahil natatakot ako na masugatan din ang paa ko.
b. Pupuntahan ko si Paolo upang malaman ang kalagayan niya at makahingi ng
tulong sa mga nakakatanda sa amin.
c. Babalewalain ko lang ang nangyayari kay Paolo.
d. Magtatago ako upang hindi ko matulungan si Paolo.

2. Paano mo maipapakita ang iyong pagkalinga sa lola mong may sakit?


a. Mag-iingay ako habang natutulog si lola.
b. Tutulong ako sa paghahanda ng pagkain ni lola at sa pagpapainum ng gamot sa
kanya.
c. Hindi ko susundin ang mga utos ni lola.
d. Hindi ko papansinin si lola dahil may sakit ito.

3. Ikaw ang pinakamagaling na gumuhit sa inyong klase. Pinaguhit kayo ng inyong guro
ng isang malaking palayan at bukid, hindi marunong ang iyong
kaklase na si Nina, humingi ito ng tulong sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Aawayin ko si Nina.
b. Hindi ko papansinin si Nina dahil nakakadisturbo lamang ito sa aking ginagawa.
c. Tuturuan ko siya kung paanu gumuhit ng mga linya upang makagawa ng palayan at
bukid.
d. Ako nalang ang guguhit ng palayan at bukid para sa kanya.

4. May ibinigay na proyekto ang inyong guro sa Agham na kailangan ninyong ipasa
kinabukasan. Dahil isa ka sa mga ginawang lider, kayo ay may karapatan na pumili ng
inyong makakasama sa inyong grupo. Nakita mo si Patty na nakaupo lamang sa
kanyang upuan at walang may kumukuha sa kanya na maging miyembro ng pangkat
dahil sa hindi ito magaling pagdating sa Agham. Ano ang iyong gagawin?
a. Tutuksuhin ko si Patty para umiyak.
b. Pagtatawanan ko si Patty dahil walang kumukuha sa kanyang na maging
miyembro ng pangkat.
c. Hindi ko papansinin si Patty dahil wala naman akong pakialam sa kanya.
d. Isasama ko si Patty sa aming pangkat at tutulungan ko siya na maintidihan ang
proyektong gagawin namin sa Agham.
5. Isang guro ang iyong Tita Fatima sa paaralan na iyong pinapasukan.
Kaibigan mo si Lito na inyong kapitbahay. Nagkwento ito sa iyo na gusto
niyang mag-aral ngunit ayaw ng kanyang mga magulang sa kadahilanang
hindi marunong ang mga ito na magsulat at magbasa? Bilang kaibigan ni
Lito, ano ang iyong gagawin?
a. Kakausapin ko ang aking Tita Fatima dahil ito ay isang guro sa aking
pinapasukang paaralan at ikukwento ko sa kanya ang kalagayan ni Lito
para matulungan ito na makapag-aral sa paaralang pinapasukan ko.
b. Pagtatawanan ko si Lito dahil hindi ito nag-aaral.
c. Ipagsasabi ko sa iba na hindi marunong magbasa at magsulat ang mga
magulang ni Lito.
d. Hahayaan ko nalang si Lito na hindi makapag-aral at maglalaro nalang
kami kung wala akong pasok.

You might also like