You are on page 1of 11

Second Quarterly Assessment

SY 2023-2024
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Name: ________________________________________ Grade & Section: ___________________

Teacher ________________________________________ Date: ___________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

PARA SA AYTEM 1-4, SUMANGGUNI SA SITWASYON NA ITO.


Sa kabilang barangay, ang pamilya ni Kath ay lubos na nagdadalamhati sapagkat
nasunog ang kanilang bahay. Kasama sa tinupok ng apoy ang mga damit at kagamitan ng buong
pamilya. Kabilang sa nasunog ang uniporme at bag ni Kath. Dahil dito ay hindi siya nakakapasok
sa paaralan. Si Andrei na isang maaasahan at matalik na kaibigan ni Kath ay nalungkot din sa
sinapit nito. Kaya naman napagdesisyunan ni Andrei na magkaroon ng isang pagpupulong sa
kanilang klasrum upang makatulong sa pamilya ni Kath. Nag-uusap silang mga magkakamag-aral
at napagkasunduan nila na tulungan si Kath at ang pamilya nito sa pamamagitan ng pagkokolekta
ng mga pagkain at damit na maaring magamit pa ng pamilyang nasunugan. Si Andrei ay isang
halimbawa ng isang tunay na kaibigan at may pagmamalasakit sa kapwa.
1. Alin sa mga katangiang ito ang hindi nabanggit tungkol kay Andrei? Siya ay:
A. maaasahang kaibigan
B. masinop sa pag-aaral
C. may inisyatiba
D. tunay na kaibigan

2. Katulad ng ipinakita ni Andrei, ang taong may malasakit sa kapwa ay ________ ng Diyos.
A. kinaiinisan
B. kinalulugdan
C. kinakamusta
D. kinatatakutan

3. Sa anong paraan ipinakita ni Andrei ang pagtulong niya sa pamilya ni Kath?


A. Binigyan ni Andrei si Kath ng mga damit.
B. Nagpost si Andrei sa facebook para tulongan si Kath.
C. Kusang pumunta si Andrei kay Kath upang makatulong.
D. Nagkaroon ng pagpupulong si Andrei kasama ang kanyang mga kamag-aral upang
tulungan ang pamilya ni Kath.

4. Isang paraan sa pagtulong sa kapwa tuwing may sunog ay ang pagbigay ng pagkain at
damit. Sa anong paraan ka naman makakatulong tuwing may lindol?
A. magpost ng live sa facebook tungkol sa lindol
B. pakalmahin ang kapwa para hindi mataranta
C. umiwas at asikasuhin mo lang ang iyong sarili
D. hayaan na lamang sapagkat may kanya-kanya tayong pagsubok

PARA SA AYTEM 5-7, SUMANGGUNI SA TULA NA ITO.

Bayanihan
Sa oras ng pangangailangan
Likas sa Pilipino ang pagtutulungan
Kapit-bisig para sa kapwa
Lalo na kung mayroong sakuna

Lindol, bagyo, sunog at baha


Lahat ng Pilipino’y nagkakaisa
Dito natin makikita
Na ang bayanihan ay buhay sa puso at diwa.

Ikaw at ako ang siyang instrumento


Sa simpleng paraan makatutulong tayo
Pangalagaan ang kapaligiran at sundin ang batas
Sama-sama tayo para sa magandang bukas.

Tayong lahat ay pwedeng maging bayani


At ito ay mag-uumpisa sa sarili
Isaisip kung ano ang makabubuti
Ang bayanihan ay para sa lahat, hindi lang para sa sarili.

5. Ayon sa tula, isa sa mga paraan ng pagtulong sa kapwa ang pangalagaan ang kapaligiran at
sundin ang batas. Para sa’yo, ano pa ang pwede mong maitulong sa iyong kapwa sa oras ng
sakuna?
A. magbigay ng pagkain
B. magpost sa facebook
C. pabayaan ang mga nangangailangan na magtanong sa kinauukulan
D. magmanman sa paligid

6. “Ang ___________ay para sa lahat hindi lang para sa sarili ”.


A. bayanihan B. kakayahan C. kapwa D. pagkakaisa

7. Ayon sa tula, may linyang “sundin ang batas”, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagsunod sa batas tuwing may sakuna?
A. Hayaan na lamang si kapitan sa mga problema.
B. Huwag iwan ang tahanan kahit na mayroong baha.
C. Pakinggan ang mga instruksyon ng kapitan ngunit walang gagawin.
D. Sundin ang mga payo ng kapitan upang maging ligtas sa anumang mangyari.

PARA SA AYTEM 8-11, SUMANGGUNI SA KWENTO NA ITO.

Modelong Bata
by: PinoyCollection.com
Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y hinarang ng limang batang
lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo. Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan
ng isa, “Kung talaga kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,”
ang hamon. Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo?
Hindi naman tayo nagkagalit!” “Umiiwas ang Boy Scout sa away.” “Lumaban ka!” at dinuraan ang
mukha ni Danilo. Ang nanglait na bata ay maliit kaysa kay Danilo. Siya’y mayabang at
nagmamagaling. Muling hinamon si Danilo, “Ikaw ay isang duwag!” “Kaibigan ako ng sinuman.
Ang sabi ng titser ay dapat akong magpaumanhin sa umaaglahi sa akin!”
“Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban. Isa kang duwag!” at sinipa si Danilo.
Nakiusap si Danilo, “Ako’y aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw niyang ako’y gabihin sa
pag-uwi!” Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siya’y sinundan ng mga batang mapanudyo. Sila’y
nakarating sa puno ng tulay.
Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, “Sag… gi… pin… ninyo ako! Tulong!” Isang bata
ang nalulunod! Walang kumilos sa mga batang nagmamatapang. Mabilis na lumusong si Danilo
sa pampang ng ilog. Ibinaba niya ang mga aklat at naghubad na dali-dali. Lumukso at nilangoy
ang batang sisingab-singab. Nang mga unang sandali’y nahirapan si Danilo sa pagkawit at
pagsakbibi sa bata ng kanyang kaliwang kamay. Ikinaway niya ang kanan sa paglangoy. Ang
dalawa’y dinala ng mabilis na agos. Malayo sila sa pampang subalit sa katagala’y nakaahon.
Ang mga batang iba ay nakapanood lamang. Nakita ng pinakalider ng gang na ang bata palang
sinagip ni Danilo ay kanyang kapatid. Siya’y nagpasalamat kay Danilo at humingi ng tawad,
“Maraming salamat sa iyo. Patawarin mo ako sa aking ginawa kanina. Ngayon ko nabatid na ang
katapangan ay hindi nasusukat sa salita kundi sa gawa at tibay ng loob!”

8. Ang “Modelong Bata” ay isang kwento tungkol sa ______________.


A. Pagkakaibigan
B. Pagkakaisa
C. Paglalaro
D. Pambubully

9. Kung ikaw si Danilo, tama lang ba na hindi ka lumaban kahit na ikaw ay hinahamon ng
away? Bakit?
A. Hindi. Lalaban ako.
B. Hindi. Di ako magpapa-api.
C. Ewan. Hindi ako makikialam.
D. Oo, dahil ang tapang hindi nasusukat sa labanan

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa aral na iyong mapupulot sa kwento?
A. Ang kayabangan ay maaring maghatid sa iyo sa kapamahakan kaya ito ay iwasan.
B. Maging matagumpay sa pagiging siga sa mga taong binubully upang mas lalong
sumikat sa paaralan.
C. Maging palakaibigan sa lahat ng pagkakataon dahil mas mainam ang nag-iipon ng
kaibigan kaysa kaaway.
D. Ang pambubully ay hindi magandang pag-uugali dahil hindi ito magdudulot ng maganda
sa iyo lalo na sa taong binubully.

11. Kung ikaw ang manunulat sa buhay ni Danilo, paano mo wawakasan ang kwento?
A. Patatawarin ko siya at kakaibiganin.
B. Patatawarin ko siya ngunit maghihiganti ako sa susunod na araw.
C. Hindi ko papansinin ang pagpapasalamat ng nang-away sa akin.
D. Hinding-hindi ko papatawarin ang nangbully sa akin dahil nasaktan ako sa ginawa niya.
PARA SA AYTEM 12-14, SUMANGGUNI SA SITWASYON NA ITO.
Habang kumakain ang pamilyang Flores ay may narinig silang isang katok. Nang buksan
nila ang pinto ay bumungad sa kanila ang dalawang dayuhan. Binati nila ito at pinaupo. Tinanong
ng Ama ang dayuhan kung ano ang kanilang kailangan at agad naman na tumugon ang dayuhan
sabay sabing, “Nawawala kasi kami at wala kaming matutuluyan”. Naawa ang pamilya sa kanilang
sinapit kaya pansamantala muna nilang pinatuloy ang mga dayuhan kahit na hindi nila ito kaano-
ano.
Source: brainly.ph by: cachuelamarianne
12. Sa iyong palagay, tama ba na pinatuloy ng pamilyang Flores ang dayuhang hindi nila
kilala? Bakit?
A. Ewan. Wala akong pakialam.
B. Hindi. Dahil hindi naman nila kilala.
C. Opo. Dahil sila ay nangangailangan ng tulong at matutuluyan.
D. Hindi, tatakbo ako papalayo

13. Alin sa mga sumusunod na kaugalian ang ipinakita ng Pamilyang Flores?


A. paggalang
B. pagkamasayahin
C. pagkamasipag
D. pagkamatapat

14. Kung sakaling hindi nakakaunawa ng wikang Ingles ang pamilyang Flores, sa anong
paraan kaya nila matutulungan ang mga dayuhan?
A. pabayaan ang mga dayuhan
B. magsa-sign language nalang sila
C. iwasan nalang nila kasi hindi naman nagkakaintindihan
D. Tumawag ng makatulong upang maintindihan ang dayuhan

PARA SA AYTEM 15-19, SUMANGGUNI SA TULA NA ITO.

Opinyon Mo, Igagalang ko


Igalang mo, Opinyon ko”
ni: Bethel Jane G. Edquilang

May sariling pananaw ang bawat isa


Maging bukas tayo sa opinyon ng iba
Kung opinyon man nila’y di mo nagustuhan
Maging mahinahon, idaan sa mabuting usapan.

Kahit opinyon natin ay magkaiba


Hingin pa rin natin ang saloobin nila
Igalang natin ngunit kailangang suriin
Kung ito ba ay nakabubuti o nakakasira sa atin.

Kaya kaibigan, ito ang sekreto


Ang bawat isa’y irespeto
Ang opinyon mo, igagalang ko
Igalang mo ang opinyon ko.

15. Ano ang magiging epekto sa paggalang sa opinyon at ideya ng bawat isa?

A. Ito ay nakakapaglikha ng pagkalito


B. Ito ay nakapagpatatag ng kalooban.
C. Ito ay nakapagbibigay nang maayos at masayang buhay.
D. Ito ay maaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan

16. Batay sa tula, paano mo maipapakita ang pagtanggap ng opinyon at ideya ng iba?
A. Pakikinggan ko lang sila kahit labag sa aking kalooban.
B. Tatanggapin ko ang opinyon at ideya nila kahit hindi mabuti para sa lahat.
C. Igagalang ko nang buong puso ngunit kailangang suriin kung nagdudulot ba ito ng
kabutihan sa atin.
D. Pabayaan sila kung anuman ang kanilang opinyon at ideya.
17. Ayon sa tula, alin sa mga sumusunod ang hindi nabanggit sa pagtanggap ng opinyon at
ideya ng iba?
A. Ang bawat isa ay may sariling pananaw sa buhay.
B. Palaging piliin ang kagustuhan mo kaysa sa iba.
C. Maging mahinahon sa pakikipag-unawaan kung di man nagustuhan ang opinyon ng iba.
D. Kailangang tanggapin ang opinyon at ideya ng iba ngunit suriin kung nakabububti o
nakakasira sa atin.

18. Punan ang puwang. “Ang opinyon mo, igagalang ko, Igalang mo ang __________ko.”
A. balak
B. opinyon
C. payo
D. sinabi

19. Madalas na pinagmulan ng di pagkakaunawaan ay ang _________________ sa opinyon


ng iba.
A. kawalan ng ideya
B. kawalan ng paggalang
C. pagtangkilik
D. pakikiisa

PARA SA AYTEM 20-24, SUMANGGUNI SA KWENTO NA ITO.

Para sa Kapakanan Mo, Handa Ako


Mahal na mahal ni Leon ang kanyang kapatid na si Bobby na may kapansanan. Naputol
ang mga paa nito dahil sa isang aksidente kaya lagi siyang nasa wheelchair. Simula noon ay si
Leon na ang umaalalay kay Bobby. Minsan nga ay pinapasan niya ito sa kanyang likod. Minsan,
habang sakay niya si Bobby sa kanyang likuran. Tinanong si Leon ng isa nilang kapitbahay. “Hindi
ka ba nabibigatan kay Bobby?” “Hindi po. Kapatid ko po siya at lagi po akong handang tulungan
siya.” Ang nakangiting sagot ni Leon. Sa isa namang pagkakataon, nagkaroon ng camping ang
mga Boy Scouts. Biyernes ng hapon ang alis ng kawan nina Leon. Bigla namang kailangang
isugod sa pagamutan ang lolo ni Leon. “Papaano iyan, sino ang kasama ni Bobby habang nasa
pagamutan kami? Pupunta si Leon sa camping nila,” ang nag-aalalang tanong ni Nanay. “Huwag
kayong mag-alala, Nanay, Tatay. Ako na ang maiiwan dito sa bahay. Sasabihin ko na lang na
hindi ako makasasama sa camping dahil sa may nangyaring hindi inaasahan sa atin,” ang sagot
naman ni Leon. Pagdating ng Lunes, nakita si Leon ng mga kasamahang boy scout. “Leon,
sayang hindi ka sumama. Ang saya ng camping. Marami kaming natutuhan at nakilalang mga boy
scout na galing pa sa ibang bansa, “ang masayang pagbabalita ni Eric. “Sayang nga pero,
kailangan kong iukol ang aking panahon para sa kapakanan ng aking kapatid at lolo,” ang sagot ni
Leon. Source: Semi-Detailed Lesson Plan (ESP 1) - PDFCOFFEE.COM
20. Paano ipinakita ni Leon ang pagmamahal sa kanyang kapatid?
A. Tinutulungan niya si Bobby ngunit labag sa kanyang kalooban.
B. Inaalalayan niya si Bobby pero nagdadabog bago niya ito gawin.
C. Pinapasan niya si Bobby sa kanyang likod ngnit napipilitan lamang siya.
D. Tinutulungan at inaalalayan niya si Bobby nang may maluwag na kalooban.

21. Paano naapektuhan ng biglaang pagkakasakit ng lolo ni Leon ang kanilang camping?
A. Nagalit si Leon sa lolo nito sa pagkasakit.
B. Isinama niya si Bobby sa camping.
C. Iniwan niya ang pamilya niya para sa camping.
D. Si Leon ay nagboluntaryo na siya ang maiiwan sa bahay at hindi na tumuloy sa
camping.

22. Ano ang maaaring nangyari kung itinuloy ni Leon ang pagsama sa camping?
A. Magkakaroon ng problema ang pamilya.
B. Mas magiging masaya si Leon.
C. Delikado. Walang magbabantay kay Bobby.
D. Wala namang mangyayaring masama sa kapatid niya na naiwan.

23. Ano ang naging bunga ng pagpapaubaya ni Leon para sa kapakanan ng kayang pamilya?
A. Nagtatampo si Leon sa kanyang lolo.
B. Naging maayos ang kalagayan ng kanyang lolo at kapatid.
C. Nanghihinayang at nalulungkot na si Leon sa sitwasyon nila.
D. Hindi na pumasok ng paaralan si Leon at patuloy na nagbabantay sa kanyang kapatid.

24. Bilang mag-aaral na tulad ni Leon, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
A. Opo, basta’t para sa kapakanan ng pamilya ko.
B. Depende po ‘yon kung hindi nakakasagabal sa aking pag-aaral.
C. Siguro po kung may suhol kasi ang hirap kaya umalalay sa isang kapatid.
D. Ayoko po kasi bata lang po ako at may sarili akong buhay na inaasikaso sa paaralan.

PARA SA AYTEM 25-29, SUMANGGUNI SA TULA NA ITO.

Ikaw ay may Karapatan, Bata!

Bata ikaw ay may karapatan sa edukasyon,


Pumasok sa paaralan at matuto ng leksiyon.
Daan ito para sa magandang kinabukasan,
Ikaw ang magsisilbing pag-asa ng ating bayan.

Bata ikaw ay may karapatang maglibang,


Sa iyong paglalaro ay walang dapat humarang.
Kailangan mong sa iba ay makisalamuha,
Sa mga kaibiga’t kalaro’y makipagpalitan ng tawa.

Bata ikaw ay may karapatang maging malusog,


Sa wastong nutrisyon ikaw ay dapat mabusog.
Ika’y dapat hinahandaan ng mga prutas at gulay,
Para sa talino at siglang walang kapantay.

Bata ikaw ay may karapatang mabuhay,


Sa iyong paglaki ikaw ay dapat mayroong gabay.
Nararapat na mabuhay nang tahimik at mapayapa,
Tingin sa iyo ng lipunan ay isang malaking biyaya.
Source: Tula Tungkol Sa Karapatan Ng Bata | Panitikan.com.ph

25. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng tula?


A. May karapatan ang bawat bata .na sundin lahat ng gusto niya.
B. May karapatan ang bawat na makapagdesisyon sa murang edad nila.
C. Ang bawat bata sa mundo ay may karapatang mamuhay nang maayos at ligtas
D. Ang bawat bata sa mundo ay may karapatan at ang magbibigay nito ay ang gobyerno.

26. Sinu-sino sa palagay mo ang magbibigay ng karapatang ito?


A. Gobyerno
B. Guro
C. Kapatid
D. Magulang

27. “Bata ikaw ay may karapatang _______,


Sa wastong nutrisyon ikaw ay dapat mabusog.”
A. edukasyon
B. mabuhay
C. maging malusog
D. maglibang

28. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabanggit sa karapatan ng bawat bata ?
A. edukasyon
B. maglibang
C. maging malusog
D. magtrabaho

29. Isa sa mga karapatan ng bata ay mabigyan ng edukasyon, tama o mali?


A. Tama para umahon sa kahirapan ang mga magulang.
B. Mali kasi walang karapatan ang mga bata dito.
C. Mali kasi may mga ibang bat ana di nag-aaral nang Mabuti o nagrerebelde.
D. Tama kasi nararapat lang sa bata na mabigyan ng magandang kinabukasan.

PARA SA AYTEM 30-34, SUMANGGUNI SA KWENTO NA ITO.

Pagkakaibigan sa gitna ng Paligsahan


Sa mababang paaralan ng Gaboc Elementary School ay may isang batang nagngangalang
Ana. Siya ay isang batang masipag at napakatalino sa kanyang paaralan. Siya ay laging
sinasabak sa mga paligsahan at lagi naman siyang nagbibigay karangalan sa kaniyang paaralan.

Isang araw, may isang bagong mag-aaral ang dumating sa paaralan, siya ay si Mika.
Nagmula si Mika sa isang sikat na paaralan sa Cebu. May nakitang kakayahan ang mga guro kay
Mika. Dumaan ang ilang buwan at nagkaroon ng mga paligsahan sa kanilang paaralan. Si Ana na
laging nananalo noon ay tinatalo na ni Mika ngayon.
Isang araw, nagkaroon ng patimpalak ang mga paaralan. Si Ana at Mika ang pinili ng
punong guro upang irepresenta ang paaralan sa isang Quiz Bee sa Matematika. Si Mika ang
naatasang maging pinuno nilang dalawa. Natatakot na makipag usap si Ana kay Mika at baka
hindi sila magkasundo nito ngunit laking gulat niya nang kausapin siya nito at sabihin na sana ay
maging magkaibigan sila upang magkaroon sila ng pagtutulungan sa kanilang paligsahan. Sila ay
naging magkaibigan at naghahanda para sa nalalapit na patimpalak sa para sa kanilang paaralan.
Dumating ang araw ng labanan at nanalo sina Ana at Mika. Pagkatapos ng paligsahan sila ay
naging matalik na magkaibigan.

30. Sa papaanong paraan naipakita ni Mika ang pakipagkaibigan kay Ana?

A. Nginitian niya at pinansin si Ana sa tuwing silay magkasalubong


B. Naghintay lang si Mika na lumapit sa kanya si Ana.
C. Kinausap niya si Ana pero napipilitan lamang si Mika.
D. Kinausap niya si Ana at umaasa na sila ay maging magkaibigan upang magkaroon sila
ng pagtutulungan para sa paligsahan.
31. Ano ang naramdaman ni Ana nang piliing pinuno ng patimpalak si Mika?
A. nalungkot
B. nahihiya
C. natatakot
D. natuwa

32. Ano ang mabuting naidulot ng paligsahan kina Ana at Mika?


A. Sila ay naging magka-away
B. Sila ay naging matalik na kaibigan.
C. Hindi na sila muling nagkasama sa paligsahan.
D. Sila’y naging magkaibigan ngunit sa tuwing may paligsahan lamang.

33. Para sa iyo, naging mabuti ba sa kanila ang dulot ng pakikipagkaibigan sa paligsahan?
A. Hindi, kasi nalalamangan na ni Mika si Ana.
B. Hindi, kasi simula ng dumating si Mika, di na paborito ng lahat si Ana.
C. Mabuti kasi yun ang dahilan ng kanilang pagkapanalo.
D. Mabuti kasi mananalo rin naman sila kahit di sila naging magkaibigan.

34. Kung ikaw si Ana na laging natatalo ni Mika sa anumang paligsahan, kakaibiganin mo pa
rin ba siya kahit na siya na ang bagong paborito ng mga guro?
A. Hindi kasi dapat ako lang ang paborito ng mga guro.
B. Hindi kasi nasasaktan akong iba na ang paborito ng mga guro.
C. Opo kasi maganda siya kaya gusto ko siyang maging kaibigan.
D. Opo kasi isang oportunidad ang magkaroon ng kaibigan na matalino sa di inaasahang
panahon.
PARA SA AYTEM 35-39, SUMANGGUNI SA TEKSTO NA ITO.
Ang paggamit ng media at teknolohiya ay hindi masama bagkus ay napadadali at
napaghuhusay ang pagganap ng mga tungkulin sa pagbuo ng programa at proyekto sa tulong ng
mga ito. Sa kadahilanang ang mga kabataan ay napaliligiran ng iba’t ibang uri ng media at
teknolohiya, mahalagang magabayan sila sa tamang paggamit ng mga ito ng kanilang mga
magulang, guro at iba pang nakatatanda. Bawat bata ay dapat maging responsable sa paggamit
ng media o teknolohiya dahil sa masamang dulot nito sa kalusugan. Ito ay batay sa pananaliksik
ng mga eksperto ukol sa mga epekto ng labis na pagkahumaling sa media at teknolohiya. Ilan sa
masasamang dulot ng labis na pagkahumaling sa media at teknolohiya ay ang kawalan ng interes
sa pag-aaral, madalas na pagliban sa klase at sa disiplina sa paaralan at pamilya. Masaya ka ba
sa mundong ganito?
35. Buohin ang ideyang ito. “Dapat magkaroon ng _____________________ paggamit ng
media at teknolohiya. “
A. alertong
B. ligtas na
C. mapanuring
D. responsableng

36. Alin sa mga sumusunod ang magandang epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral?
A. kawalan ng interes sa pag-aaral
B. madalas na pagliban sa klase
C. napapadali ang gawain ng mga tao
D. nagiging tamad at sakitin ang mga tao
37. Sa paggamit ng teknolohiya at media, sa anong paraan magagabayan ng mga magulang
ang kanilang mga anak?
A. Hayaan ang anak sapagkat alam na nila ang gagawin.
B. Hayaang mag-enjoy ang anak hanggang siya ay matuto.
C. Makipag-usap sa iyong anak at hayaan siyang gumamit nito nang walang limitasyon.
D. Maglagay ng limitasyon at makipag-usap sa inyong anak tungkol sa tamang paggamit ng
teknolohiya.

38. Malamang masaya ka sa makabagong mundo.Ano naman ang mararamdaman mo sa ibang


kapwa na hirap sa buhay at kapos sa teknolohiya?
A. Nalulungkot dahil hindi sila makapagtrabaho.
B. Nalulungkot dahil wala silang magamit na gadget.
C. Nalulungkot dahil hindi sila makapag-aral nang maayos.
D. Nalulungkot dahil sila’y salat sa teknolohiya at kaalaman ay napag-iwanan na.

39. Para sa iyo, ano ang maaaring epekto sa paggamit ng teknolohiya at media sa mga tao?
A. Magkakaroon ka ng komportableng buhay at kailanman ay hindi ito magbibigay sayo ng
problema.
B. Walang hangganan ang paggamit ng teknolohiya at media sapagkat lahat ng dulot nito ay
para sa ikabubuti ng tao.
C. Mas makabuluhan ang pamumuhay ng tao kung sa lahat ng oras ay igugugol natin sa
paggamit ng teknolohiya at media.
D. Mapapadali nito ang ating mga gawain ngunit kung nasubrahan ang pagkahumaling sa
paggamit ng teknolohiya at media, maaaring ikasisira ito ng ating buhay.

PARA SA AYTEM 40, SUMANGGUNI SA KATAGA NA ITO.

KAKA-CELLPHONE MO ‘YAN!

40. Ano ang iyong masasabi sa katagang ito?


A. Naging matalino ang gumamit ng cellphone.
B. Ang gumamit ng cellphone ay naging kampeon sa ML.
C. Naging matagumpay ang kanyang proyekto.
D. Ang gumamit ng cellphone ay maaaring nagkasakit o na-ospital.
Key to Corrections

1. B
2. B
3. D
4. B
5. A
6. A
7. D
8. D
9. D
10. B
11. A
12. C
13. A
14. D
15. C
16. C
17. B
18. B
19. B
20. D
21. D
22. C
23. B
24. A
25. C
26. D
27. C
28. D
29. D
30. D
31. A
32. B
33. C
34. D
35. D
36. C
37. D
38. D
39. D
40. D

You might also like