You are on page 1of 32

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
oktubre 5, 2020
12:00 nn - 1:00 pm
ARALIN NATIN NGAYON:
Pag-unawa at paggamit ng mapanuring pag-iisip na may
kinalaman sa:
1. pagsusuri ng tamang kahulugan ng mapanuring pag-iisip
2. paggamit ng mapanuring pag-iisip na may kinalaman
sa sarili at pangyayari;
a. sa Paaralan
b. sa Tahanan
c. sa Komunidad
MAPANUR
ING PAG-
IISIP
Piliing mabuti ang titik ng tamang sagot.
1. Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa
araw-araw na pangangailangan at walang hanapbuhay ang iyong mga
magulang dahil dito, nais ng mga kapatid mo na huminto sa pagaaral.
Ano ang maari mong maging desisyon?
a. Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral.
b. Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanapbuhay para kami
ay makapag-aral.
c. Hahayaan ko na lamang silang huminto sa pag-aaral at
magtrabaho sa murang edad.
d. Bilang nakatatanda sasabihin ko sa kanila ang halaga ng
edukasyon at tumulong na lang sa pagtitipid.
2. Nagdesisyon kayo na ipaputol ang puno sa inyong bakuran dahil marupok
na ito at maaring makadisgrasya, ngunit maari itong tumumba sa kapitbahay
sakaling hindi tama ang pagputol. Ano ang gagawin mo?

A. Palipatin ng tirahan ang kapitbahay.


B. Hayaan na lamang na matumba nang kusa ang puno.
C. Ituloy pa rin ang pagputol kahit na tamaan ang
kapitbahay.
D. Mag-isip ng paraan na maiiwasang tamaan ang kalapit na
bahay.
3. Nagpasya ang mag-anak ni Thea na magsagawa ng paglilinis sa loob at
labas ng kanilang tahanan sa darating na Sabado. Nakagawian ni Thea na
maglaro sa parke kasama ng mga kaibigan tuwing araw na ito. Kung ikaw si
Thea, ano ang gagawin mo?

A. Tutulong na nakasimangot.
B. Tutulong ng may sama ang loob.
C. Tutulong muna sa paglilinis bago maglaro.
D. Maglaro sa parke dahil nag-iintay ang barkada.
4. Sa isang pag-uusap ukol sa suliraning pinag-aaralan sa klase ay may
nalaman kang impormasyon na maaaring makatulong sa kalutasan nito. Ano
ang gagawin mo?

A. sarilinin na lamang ang nalalaman


B. mahihiyang sabihin ito at baka mali
C. papabayaan na lamang ang iba na magmungkahi ng kalutasan
D. sasabihin na may nalalaman kang impormasyong maaring
makalutas ng suliranin.
5. Hindi magkasundo ang buong klase kung ano ang itatanghal sa
palatuntunan. Kung pagsayaw ng katutubong sayaw o pag-kanta ng
makabansang awit. Ano ang makabubuti para sa klase?

A. magbunutan na lamang
B. dadaanin sa botohan ang desisyon
C. huwag nang magtanghal sa palatuntunan
D. susundin ang iyong gusto dahil ikaw ang lider
6. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga
magulang mo sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano
ang gagawin mo?

A. titigil sa pag-aaral
B. babawasan ang kinakain
C. iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
D. hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera
7. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangan bumili ng tela para sa inyong
kasuotan sa isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin
mo?

A. hihiram ng kasuotan sa kaibigan


B. uutang ng pera sa mayamang kamag-anak
C. maghahanap ng damit na maaring magamit
D. igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
8. Binigyan ka ng Tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati
ka nang nakapunta sa museo na iyon pero interesado ka pang pumunta uli.
Nais ng mga kaibigan mo na pumunta pero apat kayo at tatlo lang ang tiket
ninyo, ano ang gagawin mo?

A. bibili ng isa pang tiket


B. magmumungkahi ng bunutan
C. iiwan ang isa ninyong kaibigan
D. hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta
9. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamagaral
na alam mong higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang
patunayan ang kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo?

A. sasabihin sa klase na siya ang papalit sa iyo


B. ipakikilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng
pagkakataon
C. sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga
pagsasanay
D. magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-
aral
10. Ang inyong pamilya ay nakakaangat sa kabuhayan, ngunit dumating ang
isang trahedya na nagpabago sa iyong buhay ng masunog ang inyong ari-
arian. Ano ang gagawin mo?

A. iiyak na lamang
B. makikitulog sa kaibigan
C. mamalimos sa mga kamag-anak
D. tulong tulong at sama samang haharapin ang problema
ANO ANG IBA’T-IBANG
KAUGALIAN NG MGA
PILIPINO?
HANAPIN ANG MGA
S U M U S U N O D N A S A L I TA :

PA G P I L I
M A S I PA G
M A K ATA O
M A PA N U R I
M AT U L U N G I N
MABUTI
M ATA L I N O
M AT I YA G A
MAKADIYOS
PINAGBUBUTI
HANAPIN ANG MGA
S U M U S U N O D N A S A L I TA :

PA G P I L I
M A S I PA G
M A K ATA O
M A PA N U R I
M AT U L U N G I N
MABUTI
M ATA L I N O
M AT I YA G A
MAKADIYOS
PINAGBUBUTI
KATATA
GAN NG
KALOO
BAN
Gustong-gusto ng pamilya ni Khiel at ng kanyang kapatid na
makatapos sila ng pagaaral. Ngunit hindi ito madali dahil ang
kanilang barangay na nasa liblib na lugar ay walang
transportasyon patungo sa pinakamalapit na paaralang
elementarya. Ang bawat mag-aaral ay kinakailangang sumakay
ng bangka upang makarating sa paaralan kahit nahihirapan,
sinisikap nina Khiel na makapasok sa paaralan araw-araw
upang makatapos sila ng pag-aaral.
1. Anong katangian ang ipinakikita ng magkapatid na
Khiel?
2. Bakit nila ito ipinakita o ginawa?
3. Paano mo maihahalintulad si Khiel at ang
kanyang mga kapatid sa iyo, ayon sa iyong
karanasan?
4. Sa paanong paraan ka magiging katulad nina
Khiel?
5. Ano ang iyong ginagawa upang makatapos
ka ng pag-aaral?
Ang Tamang Pasiya
Malayang salin ng “The Right Decision”

Maraming nagsasabi, “Mahirap bumuo ng isang pasiya.”


Dahil maaaring maging mapanganib ang bunga nito.

Bibigyan ako nito ng isang pagsubok


At pag nag-alinlangan ako sa mga bagay
maaaring maging dahilan ng away at sakit sa ibang tao.

Nararating ang tamang pasiya, samakatuwid.


Pagkatapos nang maingat na pag-iisip.
At pagtitimbang ng mga bagay-bagay.

Sa ganoon, walang nasasaktan.


Kaya, dapat kong timbanging mabuti ang mga pagpipilian.

Dapat mapanuri akong mag-isip.


Sa ganoon, makabubuo ako ng pinakamabuting pasiya.
1. Bakit sinasabing
mahirap bumuo ng
pasiya?
2. Paano nararating
ang tamang pasiya?
3. Nakabuo ka na ba
ng mahalagang
pasiya? Tungkol saan
ito? Nahirapan ka
4. Paano nakaapekto
sa ibang tao ang
iyong pasiya?
5. Ano ang naramdaman
mo pagkatapos mong
magpasiya?
Bakit mahalagang
maging mapanuri at
batay sa katotohanan
ang paggawa ng
Ang bawat tao bagamat bata pa ay mayroon ng maitutulong
para sa iba. Katulad ng isang batang kagaya mo, maaring
marami ka na ring magagawa para sa ilang tao hindi lamang
sa kapwa mo bata; sa iyong mga kapatid, kaibigan o
kamaganak; kundi maging sa mga taong hindi mo kakilala at
mga taong lubos na nangangailangan ng tulong. Sila na hindi
natin halos napapansin kapag nakakasalubong natin sa kalye,
sa palengke, o sa harapan ng simbahan. Bagamat mayroon
tayong nararanasan na mga suliranin, maaari pa rin naman
tayong tumulong sa ibang tao. ninuman.
Mahalaga lamang na magkaroon ng matatag na kalooban. Ito
ay nangangahulugan ng hindi pagsuko sa mga suliranin sa
kabila ng mga hirap na naranasan. May mga pagkakataon pa
nga na maging ang pansariling oras o pangangailangan ay
kinakailangang isakripisyo alang-alang sa kapwa. Marahil,
kailangan lang sa kabataan tulad mo ng tamang paggabay
galing sa mga nakatatanda. Sa tamang paggabay, gaano man
kahirap ang gawain ay maaaring makayanan
mapanuring pag-iisip (critical thinking)

Ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng kaalaman sa
suliranin, pagtitimbang ng mga
maaring gawin at pagpili nang
pinakamabuti bago bumuo ng
isang pasiya.
Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto
ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ito sa inyong
kuwaderno.

Ang mapanuring _____________ ay


nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
_______________, pagtitimbang ng maaaring
________________ at ______________ nang
pinakamabuti bago bumuo ng isang
_______________.
INDIBIDWAL NA GAWAIN
Gawin sa sagutang papel ang mga
sumusunod:
 Pagyamanin Natin (pp. 8-9)
 Isagawa Natin (pp. 9)
 Tayahin Natin (pp. 10-11)
 Karagdagang Gawain (pp. 11)

You might also like