You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN ESP -7 PRUDENCE

A. MODYUL 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIG PANUTO:Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katangian ng hilig maliban sa: a. Si Jamir ay laging kasama ng kanyang ama sa pinagtatrabahuhan
nitong kompanya bilang isang inhenyero. Namulat siya sa gawain ng kanyang
ama at napansin niyang nagkakainteres na rin siya matematika, pagguhit at pagdidisenyo. b. Nakita ni Emerlyn ang hilig ng kaniyang mga
kaibigan sa larong badminton. Nais niyang makasama nang madalas ang kanyang mga
kaibigan kung kaya nag-aral siyang maglaro nito sa kabila ng hirap. Ginagawa nila nang madalas ang gawain na ito nang sama-sama. c. Si
Sharifa ay laki sa pamilya ng mananahi. Sa murang edad, tumutulong na siya sa kanilang patahian at lumaon ay nakahiligan na niya itong
gawin. Natutuwa sa kanya ang kanyang ina dahil mahusay na siyang magdisenyo
ng mga damit na nagagamit nila sa kanilang negosyo. d. Masaya si Jesheryn kapag nakagagawa siya ng kabutihan sa kanyang
kapwa. Nang makatapos ng pag-aaral ay naging misyon na niya ang kumalap ng tulong sa mga nakaaangat sa buhay para sa mga
nangangailangan. Nakahiligan na niya ang sumama sa mga outreach programs at refief operations.
2. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o Gawain na kinahihiligan?
a. Nakapagpapasaya sa tao b. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
c. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay d. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
3. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa: a. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin
b. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. c. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
d. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
4. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano-ano ang larangan ng kanilang kinahihilig?
Si Joshua ay isang mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.
Si Jessie, nauubos ang malaking oras sa karera ng motor. Ang motor na ito ay siya ang nagdisenyo at nagsaayos.
Si Jennylyn palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng serbisyo bilang doktor.
Si Jenica, palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan.
a. persuasive, outdoor, clerical, mechanical b. naturalist, visual, existential, intrapersonal
c. outdoor, artistic, mechanical, social service d. bodily/kinesthetic, naturalist, interpersonal, visual
5. Si Hadji ay isang sikat na mang-aawit at kompositor. Ano ang larangan at tuon ng hilig ni Hadji.
a. Larangan: musical Tuon: tao b. Larangan: musical, artistic Tuon: tao, ideya
c. Larangan: musical, literary Tuon: tao, ideya d. Larangan: musical, literary Tuon: tao, datos, ideya
6. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko/ bokasyunal?
a. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
b. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
c. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pagaaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
d. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pangakademiko o teknikal-bokasyonal
7. Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig? a. Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
b. Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras. c. Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na
magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao. d. Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
8. Nakita ni Liza na uso ang cross stitching. Marami sa kanyang mga kaklase ay gumagawa nito kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang ina ng
mga gamit na kakailanganin. Sinimulan nya ngunit hindi niya natapos. Makalipas ang ilang buwan nakita naman niya nauuso naman ang
paggawa ng scrapbook kung kaya nagpabili rin siya sa kanyang magulang ng mga kakailanganing gamit.
Makalipas ang ilang lingo ay nahinto na ang kanyang paggawa nito. Ano ang matwirang gawin ni Liza? a. Kausapin ang kanyang magulang
upang tulungan siyang piliin ang wastong kahihiligan.
b. Ituon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang sarili at huwag bigyangpansin ang nauuso.
c. Suriin kanyang sarili upang mataya kung anong bagay ang kanyang ginagawa na nakapagpapasaya sa kanya.
d. Humingi ng payo sa kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang mataya kung ano talaga ang kanyang nararapat na pagtuunan ng pansin.
Ang hilig o libangan, kilala rin bilang pampalipas-oras, pasa-tiyempo, himagal, o dibersyon ay isang gawaing nakalilibang na ginagawa ng mga
tao upang maaliw o para sa rekreasyon. Ginagawa ito ng mga tao sapagkat gusto nila ito. Isa itong paboritong paraan ng paggamit ng libreng
panahon o oras. Bukod sa nakatatawag-pansin ng isang tao ang isang hilig, marami pa itong ibang kainaman. Nakapagbibigay ito ng damdamin
ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Nakapagpapasaya ito ng sarili kahit na ginagawa ito na nag-iisa lamang.
Nakapagtuturo o nakapagbibigay rin ng edukasyon ang hilig. Maaari ring maipagbili ang produkto ng isang hilig. May mga hilig na magagawa sa
loob ng bahay, mayroon naman magagawa sa labas ng bahay, at mayroon ding nangangailangan ng natatanging kasanayan.
9. Ano ang pangkabuuang mensahe ng talata?a. Nakatutulong ang hilig sa aspetong pisikal, pangkaisipan, pinansyal, at
pandamdamin. b. Kailangan ang hilig upang maging matagumpay at masaya sa hinaharap. c. Makapipili ng tamang kurso at trabaho kung
mapauunlad ang mga hilig d. Ang matagumpay na tao sa negosyo ay nagsimula sa pagkilala ng
kanilang hilig
10. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay: a.
Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig. b. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng
buong sigla at husay c. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan
ang kapwa d. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito
B) Modyul 4: ANG AKING TUNGKULIN BILANG KABATAAN(PANUTO): Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilag. Isulat ang titik
ng pinakaangkop na sagot sa kuwaderno.
1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa
Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
2. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na
pakahulugan sa katagang ito? a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa
kanyang kapwa. b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan na makipagkapwa.
3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan? a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan. c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng
tao sa lahat ng pagkakataon. d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod
siya sa pamayanan.
4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama
ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir? a. Umiwas
sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo. b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan
na itong gawin. c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang kakilala at mga kaibigan. d. Maging
handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong
kapwa na sila handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.
5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao. b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan.
6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad
ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito? a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang
maaaring maipagmalaki kaninoman. b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao. d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong
hindi marunong tumupad sa kanyang mga tungkulin.
7. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral? a. Pataasin ang marka
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan? a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating b.
Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad d. Lahat ng nabanggit
9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na
kanilang naibigay. c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na
pagtulong sa pamilya d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid
10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang
kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng
kanyang ina. Ano ang pinakamatuwirang magagawa ni Jasmin? a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang
saloobin. b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na ang sama ng loob.
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda
TEST III: PANUTOSa pagharap mo sa malaking gampanin sa buhay, napaliligiran ka ng mga taong may kaugnayan sa iyo bilang nagdadalaga
o nagbibinata. Bilang tugon sa hamon na ito, ikaw ngayon ay makikipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng
pag-alam tungkol sa kanilang inaasahan sa iyo bilang nagdadalaga o nagbibinata.

: Checked by:
Prepared by:
LOURDES A. DAMASCO EMERITA T. MAWIRAT
ESP -7 Teacher Assistant School Principal II/OIC

You might also like