You are on page 1of 4

Pangalan :____________________________________________ Iskor :____________

Baitang/Pangkat: ____________________________

ACTIVITY SHEET
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
PAGSUSURI NANG MABUTI SA MGA BAGAY NA MAY
KINALAMAN SA SARILI AT PANGYAYARI

GAWAIN 1

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Nakakuha ka ng mababang marka sa pasulit, alin dito ang nagpapakita ng
positibong pag-iisip sa paggawa ng desisyon?
A. Bahala na, dahil hindi talaga ako marunong nito.
B. Okay nato, total 75% lang naman ang hinihingi ng gobyerno.
C. Kaya ko to! Aalamin ko kung ano ang mali at ano ang tama, at
sisikaping matuto.
D. Sabihin sa sarili na ang bobo bobo ko, buti pa’t maglalaro nalang
ako ng Roblox.

2. Pinaluto ka ng tanghalian ng iyong magulang, pero hindi mo alam kong paano


mag-saing, ano ang gagawin mo?
A. Magmamaktol, at hindi magsasaing.
B. Bibili ng pagkain sa karinderya at siyang ipakain sa pamilya.
C. Magtanong sa magulang kung ano ang lulutuin at hihingi ng gabay
kung paano ito gagawin.
D. Magdadabog at papagalitan ang magulang kung bakit ikaw ang
palulutuin na hindi ka naman marunong.

3. Hindi makadalo ang iyong magulang sa family day sa paaralan ninyo, ano ang
iyong maging tugon?
A. Hindi na dadalo, bakit pa dadalo sa family day kung wala ka
namang magulang na kasama?
B. Titigil sa pag-aaral, bakit pa mag-aaral kung wala namang
malasakit sa iyo ang iyong magulang.
C. Hindi kakain at magtatapon ng mga gamit sa bahay, hanggang
magbago ang isip ng magulang at pupunta sa family day sa paaralan.
D. Dadalo parin sa family day sa paaralan, at mag-saya sa
hinahandang aktibidad kasama ang mga kaklase, kaibigan at mga magulang nila.

4. Kadalasan kunti o wala kang baong pera sa paaralan dahil kapos sa pera ang
iyong mga magulang, ano ang gagawin mo?
A. Hihinto sa pag-aaral at tutulong sa magulang maghanap buhay.

B. Magnakaw ng pagkain at pera sa mga bata at guro sa paaralan.


C. Magalit sa Diyos at magulang kung bakit ka pinanganak sa
mahirap na pamilya.
D. Hihingi ng pahintulot sa guro na payagan kang magtinda ng
pagkain sa iyong kaklase.
5. Nakita mong nagtapon ng basura sa sahig ang iyong kaklase, ano ang gagawin
mo?
A. Isumbong sa guro ang kaklase.
B. Kunan ng picture ang kaklase at i-post sa facebook.
C. Hayaan lang ang kaklase, yan din naman ang gawain mo.
D. Pagsabihan ang kaklase na mali ang kanyang ginawa at
ipapapulot ito.
6. Alin sa mga sumusunod ang magiging pahayag ni Kim kung meron siyang
positibong pag-iisip?
A. Mapapatay ako ng magulang ko nito, nabasag ko ang salamin.
B. Ang galing ko talaga! Pumasa ako sa pasulit kanina, pagbutihan ko
ulit sa susunod.
C. Ang dami nang nahawaan ng COVID – 19, hindi na talaga ako
papasok sa paaralan.
D. Oh my God! Pinatawag ako ni ma’am, may kasalanan ba akong
nagawa?
7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita na si Liza ay may negatibong pag-iisip?
A. Kaya mo yan! Ikaw pa!
B. Salamat sa tulong na bigay!
C. Ang malas naman! Bwesit na buhay to!
D. Nangyari na ang nangyari, matuto na tayo mula sa karanasang ito
at pagsikang hindi na ma-uulit muli.
8. Sino sa kanila ang nagpapakita ng may negatibong pag-iisip?
A. Si Jay na kinunan ng larawan ang pag-sikat ng araw dahil sa
nagandahan siya nito.
B. Si Ariel na pagkagising sa umaga, nagdadasal sa Diyos ng
pasasalamat sa bagong araw at magandang buhay.
C. Si Mary na pagkagising sa umaga, nagmamaktol na kung bakit ang
aga-aga siyang ginising na wala namang klase.
D. Si Ann na pinagtuonan ng pansin ang dahilan kung bakit siya na
pagalitan ng guro upang hindi na maulit muli ang pagkakamali.
9. Sumali ka sa school camp ninyo at ang kaganapan doon ay hindi katulad ng
iyong inaasahan, kung ikaw ay may positibong pag-iisip alin dito ang maririnig
mula sa iyo?
A. Hindi ako sasali sa gawaing ito! Ayokong madumihan.
B. Wala akong privacy dito, kahit man lang sa pagtulog o pagbihis.
C. Wow! Ito ay natatanging karanasan na maari kong mabaon
habang buhay.
D. Wow! Anong klaseng pagkain ba ito, walang kalasalasa at ang
tagal pang napamahagi.

10. Si Kevin ay nagsasabuhay ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip, nang


naghiwalay ang kanyang mga magulang, Alin kaya ang nagiging tugon niya?
A. Huminto siya sa pag-aaral.
B. Naging pasaway siya sa bahay at sa paaralan.
C. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari sa kanyang mga
magulang.
D. Nalungkot siya sa pangyayari, pero patuloy parin siyang
bumabangon para sa ikakabuti niya at ng kanyang pamilya.

GAWAIN 2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay na nagpapahayag ng mapanuring
pag-iisip.

Gawain Oo Hindi
1. Nagsisikap na maging patas ang mga ginagawang pasya sa
bawat pangyayari.
   
2. Agad nagdedesisyon kahit hindi pa malinaw ang mga dahilan
sa bawat pangyayari.
   
3. Nagtatanong sa mga taong nakasaksi ng mga pangyayari
upang malaman ang totoong dahilan bago bumuo ng desisyon.
   
4. Tinitimbang ang sitwasyon ng magkabilang panig bago
sabihin ang sariling desisyon.
   
5. Madaling sumasang-ayon sa mga pangyayari kahit ito ay
walang basehan.
   

GAWAIN 3

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag naharap ka
sa sumusunod na sitwasyon? Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong tiket para makapasok sa museo. Dati ka


nang nakapunta sa museo na iyon pero interisado ka pang pumunta uli. Nais ng
mga kaibigan mo na pumunta pero apat kayo at tatlo lang ang tiket ninyo. Ano
ang gagawin mo?
A. Bibili ng isa pang tiket
B. Magmungkahi ng bunutan
C. Iiwan ang isa ninyong kaibigan
D. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nang nakapunta

2. Nagpunta sa isang pagtitipon ang mga magulang mo. Binilinan kang bantayan
ang bunso mong kapatid. Napasiya ka na hayaang maglarong mag-isa ang
kapatid mo dahil abala ka sa paglalaro ng computer. Sa hindi inaasahang
pangyayari, nadapa at nasugatan siya habang naglalaro. Ano ang gagawin
mo?
A. Pagagalitan ang kapatid at babalaang hindi ito magsumbong sa
mga magulang
B. Isusumbong sa mga magulang ang nangyari sa iyong kapatid at
sasabihing nangyari ito dahil sa katigasan ng kanyang ulo
C. Yayakapin ang kapatid at gagamutin kaagad ang kanyang sugat
D. Hindi papansinin ang kapatid dahil kasalanan din naman niya ito

3. Sa susunod na pasukan ay mag-aaral ka na sa mataas na paaralan. Inaaya ka


ng ilan mong kamag-aral na sa pribadong paaralan kayo mag-aral dahil
sigurado raw na maganda ang turo doon. Ngunit alam mo na mahihirapan ang
mga magulang mo sa pagbabayad kung sa pribadong paaralan ka mag-aaral.
Ano ang gagawin mo?
A. Pipilitin mo ang iyong magulang na pag-aralin ka sa pribading
paaralan
B. Maghahanap muna ng trabaho para may pangtustos sa pag-aaral
sa isang pribadong paaralan
C. Titigil ka muna sa pag-aaral upang makapag-ipon
D. Maghahanap ka ng ibang paaralan kung saan ka murang
makapag-aaral

4. Nagkayayaan kayong magbabarkada na pumunta sa bahay ng isa ninyong


kamag-aral na malapit lang sa paaralan. Ito ay upang magdiwang dahil tapos
na ang isang mahalagang pagsusulit na ibinibigay sa mga mag-aaral sa ikaanim
na Baitang. Pagdating ninyo sa bahay, biglang naglabas ng alak ang inyong
kamag-aral. Hindi na man daw malalaman ng kaniyang ama na kumuha kayo
ng alak sa kabinet niya. Alam mo na ayaw ng mga magulang mo na uminom ka
ng anumang klase ng nakalalasing na inumin. Ano ang gagawin mo?
A. Agad na aalis at uuwi ng bahay
B. Sisigawan ang mga barkada at aawayin
C. Iinom kasama ang mga barkada minsan lang naman kasi ito
D. Kausapin sila at ipaliwanag kung bakit hindi mabuti para sa inyo
ang uminom ng alak

5. Laging may oras ang iyong pag-uwi. Hindi ka dapat mahuli sa itinakdang oras.
Dahil dito, hindi ka na nakapagsasanay sa paaralan kasama ang coach mo sa
sasalihan 42 mong contest. Ikaw pa naman ang kampeon sa “Spelling Bee”
noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi na lamang magpapaalam
B. Kakausapin ang magulang at sabihing napakahigpit naman nila sa
anak
C. Sasabihin sa magulang ko na kapag hindi ako nanalo ay sila ang
may kasalanan
D. Ipahahayag ng may katapatan ang pagnanais mo na manatiling
kampeon sa Spelling Bee

You might also like