You are on page 1of 4

JOHN M. HYLAND INSTITUTE OF LEARNING, INC.

Sudtonggan Road Basak, Lapu-Lapu City, Cebu,6015


Contact Number: 0943 366 0105 (032)326 2624
Email Add: jmhschool@yahoo.com

FIRST PRELIM EXAMINATION IN VALUES 5

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Seksyon: _________________________________________ Iskor: _____________________
Guro: Binibining Evan Bacus Dungog

I. Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang TITIK ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag nakita mo na pinost ng kaibigan mo ang
kanyang email at password sa Facebook?
a. Ishashare ko ang status niya.
b. Bubuksan ko ang facebook account niya.
c. Ichachat o tatawagan ko siya at pagsasabihan sa maaring mangyari kapag pinost niya ang
kanyang email at password.
d. Gagamitin ko sa pangloloko ang kanyang account.

2. Nalaman mo na makikipagkita ang kapatid mo sa taong nakilala niya lang sa chat. Ano ang gagawin
mo?
a. Sasama ako sa kanya.
b. Hahayaan ko siya kasi buhay niya yun.
c. Gagayahin ko ang kapatid ko na makigpagkita sa taong nakilala sa chat.
d. Pagsasabihan ko siya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya at isusumbong ko sa
magulang namin.

3. Ibibigay mo ba ang iyong personal na impormasyon sa taong nakilala mo lang sa Social Media?
a. Oo, dahil kilala ko naman siya kahit hindi pa kami nagkikita.
b. Oo, dahil may tiwala ako sa taong nakilala ko sa social media.
c. Hindi, dahil hindi ko pa siya nakikita at nakilala sa personal.
d. Hindi, dahil niya ako binigyan ng pera.

4. Ano ang dapat mong gawin kapag may nakita kang larawan o impormasyon na hindi karaniwan o
hindi naayon para sa edad mo?
a. Ipapaalam sa iyong magulang o nakakatanda.
b. Ipapakita mo sa iyong mga kaibigan na ka edad mo rin.
c. Babasahin ng hindi pinapaalam sa nakakatanda.
d. Wala sa nabanggit.

5. Alin sa mga sumusunod ang gabay para sa ligtas na paggamit ng social media at internet?
a. Huwag ilagay o i-post sa social media ang iyong personal na impormasyon sa social media at
internet.
b. Magpapaalam muna sa iyong magulang kung may impormasyon o larawan ka na nais i-post
o i-download.
c. Huwag makikipagkita nang personal sa mga taong nakilala mo lang sa social media at
internet.
d. Lahat ng nabanggit.
6. Hindi ka pinakopya ng kaibigan mo sa inyong takdang aralin. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi mo na siya sasamahan at papansinin kahit kailan.
b. Hindi mo na siya ituturing na kaibigan.
c. Sisiraan mo siya sa ibang tao.
d. Aalamin mo ang dahilan kung bakit hindi ka pinakopya at gagawin mo ang sariling mong
takdang aralin.

7. May kaklase kang nagmamadaling umuwi pagkatapos ng klase at nakita mo siyang nagbebenta ng
saging tuwing pauwi ka sa inyong bahay galing sa paaralan. Ano ang gagawin mo?
a. Hahangaan ko siya at gagawin ko siyang inspirasyon para pagsumikap lalo sa pag-aaral.
b. Pagtatawanan ko siya.
c. Ikakahiya ko na kaklase ko siya.
d. I-popost ko siya sa social media upang pagtawanan siya ng iba naming kaklase.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng loob?


a. Sa kabila ng kahirapan ay nagsusumikap siya sa kaniyang buhay.
b. Mayroon siyang lakas ng loob at pag-asa na balang araw, ang kaniyang mga pangarap ay
matutupad.
c. Walang balakid o hadlang na makapipigil sa kaniya sa pagtatapos ng kaniyang mga gawain.
d. Lahat ng nabanggit.

9. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng pagkakaroon ng bukas na isipan?


a. Mabilis magalit si Kimmy kapag may binago sa kaniyang gawain.
b. Hindi nakikinig si Joy sa kaniyang mga magulang kapag siya ay pinapayuhan.
c. Mabilis mapikon si Kiven kapag siya ay nakipaglaro sa mga kaibigan.
d. Wala sa nabanggit.

10. Napagsabihan ka ng iyong magulang na wag panoorin ang isang palabas sa telebisyon. Ano ang
gagawin mo?
a. Susunod at maghahanap ng ibang palabas na naayon sa edad ko.
b. Panoorin ko nalang ang palabas pag mag-isa na ako.
c. Hindi ko susundin ang sinabi ni mama.
d. Sasabihan ko ang mga kaibigan ko na panoorin naming ang palabas na ipinagbawal ng
magulang ko sa bahay nila.

11. Kailan mo masasabi ang isang tao na may mapanuring pag-iisip?


a. Pinag-iisipan ang impormasyong natanggap.
b. Iniisip ng mabuti ang mga desisyon.
c. Pinaniniwalaan niya ang mga bagay o impormasyon kapag may basehan o matapos itong
pag-aralan.
d. Lahat ng nabanggit.

12. Nasalanta ng bagyo ang pamilya ni Belinda at nasira ang kanilang bahay at ari-arian ngunit hindi sila
nawalan ng pag-asa na makakabangon sila. Anong katangian ang pinapakita ng pamilya ni Belinda?
a. Mapanuring Pag-iisip.
b. Katatagan ng Loob.
c. Pagkakaroon ng bukas na isipan.
d. Wala sa nabanggit
13. Hindi pinapansin ni Fatima ang mga taong hindi niya kilala sa personal na nagchachat sa kanyang
Facebook account. Anong katangian ang pinapakita ni Fatima?
a. Mapanuring Pag-iisip.
b. Katatagan ng Loob.
c. Pagkakaroon ng bukas na isipan.
d. Wala sa nabanggit

14. Nakatanggap si Mark ng isang text galing sa hindi kilalang numero at sinabing siya ang mama nito
at kailangan magpadala siya agad ng pera kasi nasa ospital siya ngayon ngunit hindi agad naniwala
si Mark bagkus tinatawagan niya ang numero ng kanyang mama at tinanong kung siya ba talaga ang
nagtext. Anong katangian ang pinapakita ni Mark?
a. Mapanuring Pag-iisip.
b. Katatagan ng Loob.
c. Pagkakaroon ng bukas na isipan.
d. Wala sa nabanggit

15. Masayang tinaggap ni Anna ang puna ng kanyang guro sa gawain na kanyang ginawa at
nagpasalamat siya sa kanyang guro dahil magagamit niya ang mga payo na ibinigay ng kanyang
guro sa susunod na gawain nila. Anong katangian ang pinapakita ni Anna?
a. Mapanuring Pag-iisip.
b. Katatagan ng Loob.
c. Pagkakaroon ng bukas na isipan.
d. Wala sa nabanggit

II. Panuto: Gumuhit ng hugis puso ( ) sa patlang kung ang tauhan sa pangungusap ay nagpapakita ng
bukas na isipan at hugis bituin ( ) kung hindi nagpapakita ng bukas na isipan.

_____________1. Pinakikinggan ni Kimmy ang mungkahi ng kanyang mga miyembro sa gropo.


_____________2. Mabilis mainis si Jovelyn kapag inuutusan ng kanyang magulang.
_____________3. Umiiyak si Daylin kapag pinagsasabihan siya ng guro.
_____________4. Nagpasalamat si Franco sa kaniyang guro na nagbigay ng mga puna sa gawain niya.
_____________5. Iniiwasan ni Hilda ang mga taong ayaw magpakopya ng takdang aralin.
_____________6. Marunong tumanggap ng pagkakamali si Anna.
_____________7. Hindi tumatanggap ng pagkakamali si Shelou.
_____________8. Pinakikinggan ni Monique ang payo ng kanyang magulang.
_____________9. Nagalit si Mark ng hindi siya binigyan ng pera.
_____________10. Hindi umuwi si Anthony sa bahay dahil hindi siya binilhan ng mama niya ng
Iphone.
_____________11. Hindi nawalan ng pag-asa si John matapos masalanta ang kanilang bahay ng bagyo.
_____________12. Hindi hadlang ang kahirapan na nararasan ni Honey upang makapagtapos ng pag-
aaral.
____________13. Masaya si Grace tuwing may mga taong nagbibigay ng puna sa kanya.
____________14. Nagdabog si Ivy matapos hindi pinagbigyan ng magulang niya mag order ng pizza.
____________15. Buong puso tinanggap ni Shane ang sermon ng kanyang magulang dahil may nagawa
siyang masama.
III. Panuto: Basahin at unawin ang sumusunod na mga sitwasyon. Tukuyin kung may mapanuring pag-iisip
ang sitwasyon o wala. Lagyan ng tsek ang hanay kng saan naangkop ang sitwasyon.

May Walang
Mga Sitwasyon mapanurin mapanuring
g pag-iisip pag-iisip
1. Hindi ka sang-ayon sa plano ng iyong kaibigan na panoorin ang
isang pelikula na hindi angkop sa edad niyo.
2. Binuksan mo ang isang website na bawal sa mga bata.
3. Sumama ka sa pinsan mo na nanood ng isang music video na hindi
angkop sa edad niyo.
4. Masama ang iyong pakiramdam at naghanap ka lang sa internet
kung ano ang gamot na puwede mong inumin.
5. Tinulungan mo nakababatang kapatid mo sa kanyang proyekto sa
pananaliksik.
6. Nanood ka ng isang palabas na pinagbabawal ng magulag mo.
7. May natanggap kang email na nanalo ka ng 20,000 at kalian mong
ibigay ang iyong bank account, dahil sa kagustuhan mo makuha
ang pera binigay mo ang bank account mo ng walang
pagalinlangan.
8. Naniwala ka agad sa post na nakita mo sa social at hindi mo inalam
kung totoo ba ito o hindi.
9. Mas naniniwala ka sa nakikita mo sa social media kaysa mga payo
ng iyong mga magulang.
10. Hindi ka nakikipagkita sa taong nakilala mo lang sa social media.

“You are braver than you believe, stronger than you seem and smarter than you think.”
– A.A. Milne, British author of Winnie-the-Pooh, 1882-1956

You might also like