You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto

Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _________


Seksiyon: ________________

Blg. ng MELC: EsP6PKP-la-i-37


MELC: Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari.

Pamagat ng Aralin: Pagsusuri sa Sarili at Pangyayari

Gawain 1

Panuto: Piliin ang tamang sagot na nagpapakita ng mapanuring pag-iisip sa


makatuwirang paraan sa pagdedesisyon. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Nagpalabas ng kautusan sa inyong barangay na lockdown sa inyong
komunidad sa loob ng dalawampung araw. Ito’y dahil sa mabilis na
pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabas ako ng bahay at kapag nahuli ng barangay officials ay
mag-sorry na lang sa kanila.
B. Lalabas ako ng bahay at hindi ko susundin ang ibinabang kautusang
pambarangay.
C. Hindi ako lalabas ng bahay dahil ito ay para sa kabutihan namin.
D. Hindi ako lalabas ng bahay kapag may barangay officials na nagroronda
subalit kapag alam kong walang nagroronda ay lalabas ako.

2. Nagkaroon ka ng lagnat at kasabay nito ang pagkawala ng iyong panlasa


at pang-amoy. Lola mo lang ang kasama mo sa inyong bahay. Ano ang
gagawin mo?
A. Ililihim sa lola ang sakit.
B. Magsusuob araw-araw at hindi ito ipaaalam sa lola.
C. Magdadasal sa Diyos upang pagalingin agad sa nararanasang sakit.
D. Ipaaalam sa lola ang sakit upang mabigyan ng nararapat na aksiyon.

3. Pinayuhan ka ng iyong ina na huwag lumabas ng bahay habang siya ay


nasa trabaho. Mataas ang kaso ng COVID-19 sa inyong lugar. Nakatanggap
ka ng message sa messenger mula sa iyong kapitbahay at niyayaya kang
maglaro sa kanila. Ano ang gagawin mo?
A. Pupunta sa kapitbahay at gagamit ng air purifier necklace bilang
pangontra sa COVID-19.
B. Pupunta sa kapitbahay upang makipaglaro.
C. Tatanggihan ang paanyaya ng kapitbahay.
D. Sasabihin sa kapitbahay na siya na lang ang pumunta sa inyo upang
kayo ay makapaglaro.
Page 2 of 2

4. Ang iyong ama ay positive sa COVID-19. Hindi mo siya kasama sa bahay


dahil sa lola mo ikaw nakatira. Ano ang gagawin mo?
A. Hihingi ng tulong sa mga kamag-anak at ipagdadasal ang ama na
gumaling.
B. Magpo-post sa Facebook na nasa ospital ang ama.
C. Makikipag-ugnayan sa mga kamag-anak at aalamin ang mga
nakasalamuha ng ama.
D. Magpo-post sa Facebook ng inspiring quotes.

5. Nakita mo sa Facebook na nasa ospital ang ina ng iyong kaibigan at


nanghihingi ng finansiyal na tulong. Ano ang gagawin mo?
A. I-block sa Facebook ang kaibigan.
B. I-unfriend sa Facebook ang kaibigan.
C. Magbibigay ng finansiyal na tulong.
D. Magbibigay ng finansiyal na tulong at i-unfriend sa Facebook ang
kaibigan.

Gawain 2

Panuto: Lagyan ng tsek / ang patlang kung ito’y nagpapakita ng kalakasan sa


personal na buhay ng tao at ekis X naman kung hindi.

_______6. kawalan ng pag-asa sa buhay


_______7. katatagan ng loob
_______8. positibong pananaw
_______9. wakasan ang buhay
______10. pagdadamayan

Inihanda ni:

RONALD T. SIA Iwinasto ni:

MARILYN R. TULAY

You might also like