You are on page 1of 41

ESP-IV

IV-VENUS
Mrs.Anabelle D.Cabacang
Master Teacher
Balik-aral
Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon. MagThumbs-up kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng
pagiging mapanuri sa pagtuklas ng
katotohanan at Mag-ekis naman kung
hindi. Ibukas ang inyong mga camera
upang makita ng guro ang inyong mga
sagot.
1.Kaagad na binili ni Miya ang inuming
iniindorso ng kaniyang idolong artista.

2. Hindi nagpopost ng mga


impormasyong kahinahinala o
walang katotohanan si Abbie.
3 Kapag gagamit si Marina ng
.

internet ay ipinaaalam niya ang


kaniyang gagawin.
4. Binabasa ng mabuti ni Cholo ang
mga sinasaliksik niyang
impormasyon mula sa google .
5. Kapag nanonood si Marko ng
telebisyon ay palagi siyang mayroong
kasamang nakatatanda.
MAHUSAY
Panuto:
Makinig nang
mabuti sa
kwento na
“Ang
Ano-ano ang mga
pamantayan sa
panonood ng
kuwento?
“Ang Reaksyon
ni Raul”
https://www.powtoon.com/ws/dZE4wp7BnNl/1/m
1.Ano ang sinabi ni
Jelly kay Raul?
2. Kanino galing
ang ibinalita ni
Jelly?
3. Ano ang ginawa
ni Raul matapos
makausap si Jelly?
4. Sang-ayon ka ba
sa naging reaksiyon
ni Raul? Bakit?
5. Kung ikaw si Raul,
ganoon din ba ang iyong
gagawin? Ipaliwanag.
Magaling
Ang Mapanuring pagiisip o
Critical thinking ay ang hindi
padalus-dalos na desisyon ng
isang tao. Dapat ito ay sinusuri
ng may sapat na ebidensiya nang
sa gayon ay mabigyang diin ang
pangangatwiran.
Sa pamamagitan ng
mapanuring pagiisip,
maiiwasan natin ang mga
maling desisyon sa buhay at
mabigyan tayo ng mga pag-
iingat sa kung anumang bagay
o pangyayari na maaari tayong
mapabilang.
Ang pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan ay:
a. Nakapagsasabi ng katotohanan
anuman ang maging bunga nito.
b. Nakapagsusuri ng katotohanan bago
gumawa ng anumang hakbangin.
c. Nakapagninilay ng katotohanan.
d. Nakapagsasagawa nang may
mapanuring pagiisip.
Bawat tao ay may kani-
kaniyang pananaw at opinyon
sa balitang naririnig sa radio o
nababasa sa pahayagan. Ang
pagiging mapanuri sa
naririnig o nababasa ay
nagpapakita lamang ng
masusing pag-iisip.
Ayon sa Artikulo 353 ng binagong
Kodigo Penal ng Pilipinas ito ay
tinatawag na Libelo.
1.Pagbibintang ng isang kahiya-hiyang
gawa o kalagayan sa iba;
2. Paglalathala ng mga bintang;
3. Pagkakakilanlan ng taong dating
tanyag na nalaos; at
4. Pagkakaroon ng masamang hangarin.
May tanong ba?
QUIZZIZ
TIME!
Pindutin ang link na nasa inyong
group chat upang makasali sa
ating laro.
Piliin ang salitang MAPANURI
kung ang mga pahayag ay
nakagagawa nang may
mapanuring pag-iisip at HINDI
MAPANURI NAMAN kung
hindi.
QUIZZIZ
TIME!
https://quizizz.com/admin/quiz/61702b00111f4e001de47e39/
mapanuri-sa-katotohanan?fbclid=IwAR399oQ81I0r9v_j5osQgU
fbUQwd6XQVxOi-PGTSAJ2Gw6xWXTDmO75003E
Binabati
ko kayo
Basahin ang kwento ni Jun at Nina at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
Araw ng biyernes, habang naglalakad papunta
sa paaral si Nina ay nakasalubong niya ang
kaniyang kaklaseng si Jun. Sinabihan siya nito
na wala pa ang kanilang guro at dahil doon ay
wala silang pasok. Napagpasiyahan nilang
pumunta sa tabing-dagat upang maglaro.
Habang masaya silang naglalaro ay biglang
napatid si Nina at natusok ng isang kahoy ang
kaniyang binti. Dali-daling pumunta sa bahay
nina Nina si Jun upang ipaalam ang nangyari.
1.Ano ang ibinalita ni Jun kay Nina?
a.Pinapauwi na sila ng guro.
b.Wala ang kanilang guro kaya’t wala ring pasok.
c.May parating dawn a bagyo kaya’t dapat na silang
umuwi.
d.Hindi makakapasok ang guro dahil siya ay may sakit.

2. Ano ang naging tugon ni Nina sa balita ni Jun?


e.Kaagad siyang naniwala kay Jun at sumama sa tabing-
dagat.
f. Nagtanong muna siya sa iba pa nilang kamag-aral.
g.Pumunta siya sa opisina ng punong-guro at nagtanong
kung totoo ba ang balita ni Jun.
h.Nagtanong siya sa iba pang guro ng paaralan.
3. Bakit naisip ni Jun na wala silang pasok?
a.Dahil wala ang dyanitor sa kanilang paaralan.
b.Dahil wala pa ang kanilang guro.
c.Dahil narinig ni Jun sa ibang kamag-aral na walang pasok.
d.Dahil nabasa niya ito sa balitang kaniyang napanood.

4. Ano ang dapat na ginawa ni Nina upang masigurado niyang


tama ang impormasyong kaniyang nakuha?
e.Ituloy ang paglalaro sa tabing-dagat.
f. Umuwi sa bahay at matulog muli.
g.Pumunta sa paaralan at magtanong sa punongguro tungkol
dito.
h.Hikayatin ang iba pang mga kamag-aral upang maglaro sa
tabing-dagat.
5. Anong aral ang ipinahihiwatig sa kuwento?
a.Maniwala kaagad sa mga sabi-sabi.
b.Huwag magtanong sa kinauukulan tungkol sa
mga balitang kahinahinala.
c.Ipagkalat ang mga impormasyon kahit wala
itong basehan.
d.Suriin at pag-isipang mabuti ang mga
impormasyon bago gumawa ng desisyon upang
hindi mapahamak.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at
sabihin kung paano mo maipapakita ang pagiging
mapanuri mo sa bawat sitwasyon.

1.May bagong labas na tsokolateng inumin na


nakapagpapatalino at nakapagpapatangkad daw. Inaaya ka
ng iyong mga kaibigan na bumili rin nito. Ano ang gagawin
mo?
2.May nakapagsabi saiyo na sabi ng isang kalaro mo ay hindi
ka raw nagsisipilyo. Ano ang iyong gagawin?
3. Pinagkakalap kayo ng inyong guro ng impormasyon
tungkol sa Covid-19 paano mo maipapakita ang pagiging
mapanuri mo?
4. Sinabihan ka ng iyong kaklase na may proyektong
pinagagawa ang inyong guro noong hindi ka nakasali sa
online class. Paano mo maipapakita ang pagiging
mapanuri?
5. May narinig kang balita mula sa iyong kamag-aral na
wala raw kayong pasok kinabukasan dahil naka Covid-19
daw ang inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
Mag-isip ng isang
pagkakataon o sitwasyon na
kayo ay naging mapanuri sa
pag-iisip bago gumawa ng
kilos o desisyon.
Ano ang Mapanuring Pag-
iisip??
Bakit kailangang pag-isipan ng mabuti
ang mga balita bago tayo gumawa ng
aksyon?
Basahin ang mga pangungusap at Isulat ang
MAPANURI kung nagkakapita ito ng pagiging
mapanuri at HINDI MAPANURI naman kung
hindi.
1.Nag-isip muna si Kyla kung anong makabubuting
gawin mataposMAPANURI
malaman na sinisiraan siya ni
Carla.
2.Matiyagang nangangalap ng impormasyon si
MAPANURI
Louise bago sya gumawa ng kilos.
3. Ipinagkakalat agad ni Lea ang mga balitang
kaniyang HINDI MAPANURI
narinig mula sa kaniyang mga
kaibigan.
4. Bago bumili ng anumang pagkain si Mina ay
MAPANURI
sinisigurado muna niyang hindi pa ito expired.
5. Kapag may hindi naiintindihan si Bitoy sa
kanilang aralin ay nagtatanong siya sa kaniyang
kalaro.
HINDI MAPANURI
Mga karagdagang gawain ay
ipapasa sa GC.
Huwag kalimutan isulat ang
pangalan at pangkat at baitang sa
papel.
Sagot na lamang.
Isulat sa itaas na bahagi ang ESP-
MODULE 4
MARAMING SALAMAT

You might also like