You are on page 1of 1

SANTIAGO SYJUCO MEMORIAL SCHOOL

E. Jacinto St., Ibaba, Malabon City

LAGUMANG PAGSUSULIT 1 sa
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
PANGALAN: PETSA:
SEKSYON: ISKOR:

ARALIN: I. Mapanuring pag-iisip sa Pagtukoy ng katotohanan.


II. Mabuti at Di-mabuting maidudulot ng mga babasahin, napakinggan at
napanood.

A. Tukuyin kung nagpapahayag ang mga sumusunod na talata ay TAMA o MALI.


Isulat ang Tama o Mali.

1. Nagbabasa ng aklat at magasin na nakadaragdag sa iyong kaalaman at


kakayahan.
2. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang-aralin.
3. Pagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng
bansa.
4. Pakikinig ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa ng
makabuluhang bagay.
5. Pagpapahalaga sa mga napanood na cartoons o anime kaysa mga balita.
6. Paniniwala agad sa patalastas na napanonood o narinig.
7. Pagtulong sa paggawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain.
8. Pagkalap sa iba’t-ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing pinapagawa
ka ng pag-uulat sa klase.
9. Pagtimbang nang magkabilang panig ng isang isyu bago ka gumawa ng
pagpapasiya.
10. Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa opinyon mo.
11. Ang paglalaro ng internet games at pagkakaroon ng kaibigan sa internet kahit
hindi ko sila personal na kakilala ay makatutulong sa akin.
12. Ang pakikinig sa magagandang programa ay makatutulong sa aking pag-aaral
ngunit hindi ko ito gagamitin.
13. Kumuha ng sagot sa google makalipas ang iba’t-ibang pagsusuri ukol sa paksa ng
Gawain.
14. I-post sa facebook ang saloobin mo patungkol sa pagpapagalit s aiyo ng iyong
magulang.
15. Pakinggan sa balita sa telebisyon ang iyong nabasa sa facebook patungkol sa
pandemic para makasiguro na tama ang iyong nabasa.

ESP 5 – Unang Markahan

You might also like