You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 8:
Pagiging Mahinahon sa Pang-araw-araw na Gawain

I. MGA LAYUNIN
1) Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
Pangnilalaman hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
2) Pamantayan sa Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
Pagganap ikabubuti ng lahat
3) Pamantayan sa Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
Pagkatututo desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti
ito
1.3. paggamit ng impormasyon (Code: EsP6PKP-Ia-i-37)

II. NILALAMAN Paksa : Pagiging Mahinahon sa Pang-araw-araw na Gawain


Kaugnay na Pagkamahinahon
Pagpapahalaga:
Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa
Pagpapakatao May 2016, pahina

Iba pang laptop, projector, video clips ng mga “Anger


Kagamitan: Management Techniques”, “Anger Eating
Monster”, powerpoint presentation na nagpapakita
ng mga sitwasyon, manila paper, gunting,
permanent marker, masking tape, graphic
organizers

III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


1. Panimulang  Panalangin
Gawain  Setting of Standards
2. Pagganyak Bilang mag-aaral, paano makatutulong
ang pagiging mapagtiis sa iyong
paggawa ng pasya?
Basahin ang sumusunod na
talasalitaan at ibigay ang kahulugan
nito sa pamamagitan ng paglalagay
ng linya patungo sa tamang titik ng

Column A Column B

1. padalos-dalos A. kalmado,
matiwasay,
mahinahon
2. mahinahon B. Kanal o
daluyan ng
maruming tubig
3. estero C. Asamblea,
kumbento
4. kongregasyon D. matiyaga

E. Pabigla bigla

sagot.

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon.


Ipahayag ang tunay na saloobin sa
pamamagitan ng pagsulat sa
sagutang papel ng Palagi, Minsan, o
Hindi mo ito ginagawa.

Mga Sitwasyon:
1. Nag-iisip ng ilang beses bago ito
sabihin.
2. Pinagtutuunan ng pansin ang
bawat gawain kahit wala
ang guro.
3. Sumasangguni sa magulang o
guro kung hindi tiyak
sa gagawing pagpapasya.
4. Tinitimbang ang kalalabasan ng
pasya/kilos.
5. Binibigyan ng sapat na
paghahanda ang bawat gawain

3. Paglalahad Ngayong araw na ito ay inyong


pakikinggan ang isang kwento ni
“Pong Padalos-dalos”.

Si Pong ay isang batang


ipinanganak sa Paco, Maynila. Ang
kanilang pamilya ay naninirahan sa
gilid ng Estero de-Paco. Silang apat na
magkakapatid ay maagang naulila sa
kanilang ina kaya napilitan siyang
huminto sa pag-aaral upang
matulungan ang kanilang ama sa
paghahanap-buhay.
Bilang panganay na anak, naging
katuwang siya ng kaniyang ama sa
paghanap ng kanilang pang-araw-araw
na panggatos para sa kanilang
pangangailangan.
Sa edad na labing isa ay nahinto na
siya sa pag-aaral at kinakitaan na siya
ng pagiging padalos-dalos sa kaniyang
mga gawain at pananaw sa buhay.
Isang araw, may mga bisita siyang
inabutan sa kanilang bahay nakausap
ang kanilang ama. Ang isa ay si Sister
Ana, mula sa Kongregasyon ng
Daughters of Charity kasama si Gng.
Isla, isang social worker. Nais nina Sr.
Ana at Gng. Isla na siya ay matulungan
sa kaniyang pagbabalik-eskwela.
Habang sila ay nag-uusap, napansin ni
Sr. Ana ang pamamaraan ni Pong ng
pagsagot sa sumusunod na tanong:
Kailan ka babalik ng paaralan? Ano
ang plano mo sa pagbabalik mo ng
paaralan? Iyong tipong sasagot siya
kaagad ng “ngayon na”, “sige lang siya
ng sige’’, “opo ng opo’’, “ganun na
nga po”, ‘’hindi po’’, at iba pa, sa mga
katanungan.
Ipinaabot kay Pong ng
kaniyang ama ang dahilan ng pagpunta
sa kanila ng mga bisita. Lingid sa
kaalaman ni Pong ang madalas na pag-
uwi ng hapon ng kaniyang ama ay
upang iaplay siya sa programa ng
Kongregasyon ng Daughters of
Charity.
Matapos ang ilang taon na
pangangalaga sa kaniya ng Daughters
of Charity, si Pong ay nakatapos ng
kaniyang pag-aaral at naging isang
matagumpay sa larangan ng
pamamahayag bilang isang brodkaster
sa telebisyon.
Sa wastong pamamatnubay ng mga
madre ay naging mahinahon siya.

4. Pagtatalakay 1. Bakit “Pong Padalos-dalos” ang


pamagat ng kuwento?
2. Kung ikaw ang nasa katayuan
ni Pong, tatanggapin mo din ba
ang tulong ng madre?
3. Ano-ano ang naging epekto ng
desisyon ni Pong?
4. Nagkaroon ka na ba ng
karanasan na katulad sa ating
kuwento?
5. Paano mo ipinakita ang
pagiging mahinahon mo sa
iyong buhay?
6. Anong katangian ang dapat
taglayin ni Pong? Bakit?
7. Kung ikaw ay nakarinig ng
isang balita sa iyong kapitbahay
na wala namang katotohanan,
ano ang nararapat mong gawin?
Bakit?

Ipapanood sa mga mag-aaral ang video


clip na “How to Stay Calm- The Anger
Management Motivational Video”

 Tungkol saan ang napanood na


video?
 Paano ipinakita ang pagiging
mahinahon nito?
 Saang bahagi ng video clip
naipakita ang halaga ng
pagiging mahinahon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
 Bakit mahalaga na maging
mahinahon? Pangatwiranan at
magbigay ng halimbawa.

8. Paglalahat  Nagkaroon na ba kayo ng


karanasan kung saan ay nasubok
ang inyong pagiging mahinahon?
 Paano ninyo ipinakita ang pagiging
mahinahon sa ganitong uri ng
sitwasyon?

TANDAAN NATIN:

Ang pagkamahinahon ay ang


katangian ng tao upang maging kalma
sa kahit anong sitwasyon. Ito ay
positibong karakter upang supilin ang
mga negatibong nararamdaman sa iba
katulad ng pagkagalit, pagkainis at
pagkamuhi. Ito ang pumipigil sa mga
gawain o aksyon na hindi maganda
tungo sa iba

9. Paglalapat Sa pamamagitan ng iba’t ibang paksa Gawain


na may kaugnayan sa katatagan ng 1 malikhaing
kalooban sa pagbibigay ng pasya sa pagguhit
sarili at pamilya, bigyang laya ang mga 2 maikling dula-
mag-aaral na maipahayag ang kanilang dulaan
sarili gamit ang mga gawaing
nakatalaga sa bawat pangkat. 3 paglikha ng
tatlong (3) “hugot
Pamantayan sa Pagmamarka line”
4 paglikha ng awit
Husay sa Pagganap
 3- Lahat ng kasapi sa pangkat ay 5 paggawa ng
nagpakita nang mataas na maikling
kahusayan sa pagganap. kasabihan
 2-1-2 na kasapi ng pangkat ay (saying)
nagpakita ng katamtamang husay
sa pagganap.
 3-4 na kasapi ng pangkat ay hindi
nagpakita ng kahusayan sa
pagganap.

Angkop/Tamang Saloobin sa
Sitwasyon
 3- Naipakita nang maayos at may
tiwala ang tamang saloobin sa
sitwasyon.
 2- Naipakita nang maayos ngunit
may pag-aalinlangan ang tamang
saloobin sa sitwasyon.
 1- Hindi naipakita ang tamang
saloobin sa sitwasyon.

Partisipasyon ng mga Kasapi sa Unang Sitwasyon:


Pangkat Si Marcel ay madalas
 3- Lahat ng miyembro ng pangkat tuksuhin ng kaniyang mga kaklase.
ay nakiisa sa pangkatang gawain. Lagi siyang kinikutya ng mga ito
sa oras ng recess. Minsan pa ay
 2- 2-3 na miyembro ng pangkat ay
umaabot ito sa punto ng pambu-
hindi nakiisa sa pangkatang
bully lalo na sa oras ng uwian.
gawain.
Minsan, sa oras ng labasan habang
 1- 4-5 na miyembro ng pangkat ay
binu-bully siya ng kaniyang
hindi nakiisa sa pangkatang
dalawang kaklase ay hindi nila
gawain.
napansin na nakita sila ni Bb.
Gener, ang gurong
tagapamatnubay ng paaralan. Sa
tulong ni G. Alberto, ang
guwardiya ng paaralan ay
sandaling naantala ang kanilang
pag-uwi at sila ay kinausap at
pinaliwanagan ng kanilang gurong
tagapamatnubay.
Sa paglabas nila ng opisina ni Bb.
Gener ay masasaya na silang
nagkukwentuhan hanggang sa
pagsapit nila ng gate ng paaralan.
Muling nagulat si Marcel nang
bigla siyang tapikin ni G. Alberto
na siyang nakapupuna ng
palagiang ginagawa sa kaniya ng
kaniyang mga kaklase. Binati siya
nito at hinangaan sa kaniyang
pagiging mahinahon at sa hindi
niya pagpatol nang marahas sa
kaniyang mga kamag-aral.
Nagpasalamat siya dito at
masayang-masaya siyang lumabas
ng gate ng paaralan.

Ikalawang Sitwasyon:
Sa lugar nila Miko ay maraming
bata na palaging naglalaro at
nagkakasiyahan sa kalye.
Gustong-gusto niya na
makipaglaro sa mga ito
ngunit nilimitahan ng kaniyang
nanay ang pakikipaglaro niya sa
mga kapuwa niya bata.
Pinagsabihan siya nito na ilaan
ang kaniyang oras sa pag-aaral at
sa paggawa ng kaniyang takdang
aralin.

Ikatlong Sitwasyon:
Si Mavi at ang kaniyang mga
kapatid ay nasa pangangalaga ng
kanilang lolo, lola, at tiyahin
tuwing wala ang kanilang mga
magulang na nagtatrabaho sa
ibayong dagat. Bilang panganay sa
magkakapatid ay nakaatang sa
kaniyang mga balikat ang pang-
araw-araw na gawaing bahay. Sa
kabila nito ay nagagawa pa rin
niyang gampanan nang mahinahon
ang lahat ng gawaing bahay.

Ikaapat na Sitwasyon:
May aktibidad sa komunidad ang
mga mag-aaral na sina Angel,
Luisa, Carol, Elsa, Marlo at Tofer
para sa mga batang may edad na
pito (7) hanggang labing dalawa
(12). Umabot sa dalawampu ang
mga batang nakilahok. Ano ang
kanilang maaaring gawin sa
dalawang bata na kinakitaan nila
ng pagiging padalos-dalos sa
ibinigay nilang gawain?

Ikalimang Sitwasyon:
Si Carlos ay madalas masabihan
ng kanilang guro sa Matematika na
huwag laging nag-aapura sa
pagbibigay ng sagot. Ipinaaalala
ng kanilang guro na “Isipin muna
nang maigi bago ito isagawa”.

IV. PAGTATAYA Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan o pahayag:


1. Paano ka dapat bumuo ng kilos o desisyon para sa isang sitwasyon o
pangyayari?
2. Gamit ang iyong natutuhan, sa paanong paraan mo pa mapauunlad ang
iyong sarili?
3. Makasampung beses munang isipin bago mo ito sabihin. “Gawin mo lagi
ang pinakakayang gawin at ang Diyos na ang bahala sa iba pang hindi mo
na kayang gawin”.
4. Ang tumatakbo ng matulin, kung matinik ay malalim. Sa matamang pag-
iisip, mahinahong desisyon

V. TAKDANG- Isulat sa TALAARAWAN iyong repleksiyon gamit ang mga gabay na


ARALIN tanong:

1. Paano ka dapat bumuo ng kilos o desisyon para sa isang sitwasyon o


pangyayari?
2. Gamit ang iyong natutuhan, sa paanong paraan mo pa mapauunlad ang
iyong sarili?
Inihanda ni:

JOHN KALI LUCKY T. FABRIGA


Bachelor of Elementary Education

Iniwasto ni :

Gng. ANNELYN L. ABEJERO


Tagapayo, Grade Six-A

You might also like