You are on page 1of 5

Department of Education

REGION X – NORTHERN MINDANAO


DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
MAHAYAHAY INTEGRATED SCHOOL
Detailed Lesson Plan
ESP 6 QUARTER 3

Name of Teacher HAROLD B. DAGOOC Quarter: 3 WEEK 7 (Mon-Thursday)


Leaning Area ESP Time
Grade Level SIX Date

I. MGA LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagkaunawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa
at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa, at
mapagkalingang pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga gawaing nagbibigay inspirasyon sa kapwa upang
makamit ang kaunlaran ng bansa.
C. Pamantayan sa Pagkatuto Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahan na naipakikita ang pagiging
malikhain sa paggawa ng anumang proyekto na makatutulong at
magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa
(EsP6PPP-IIIh-39).
II. Nilalaman
A. Paksa
B. Sanggunian K to 12 MELC p. 87; Self Learning Module Week 5
C. Kagamitang Pangturo Laptop, Telebisyon, Timer
D. Stratehiya 4A’s,
E. Integrasyon Reading, ICT, ARTS
E. Springboard Video Presentation
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Preparatory Activities
1. Drill
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon.
Isulat ang Oo kung ito ay makatutulong na malinang
ang pagkamalikhain ng isang tao at Hindi kung ito ay
hindi makatutulong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
Mga sagot:
1. Makilahok sa iba’t ibang paligsahan sa paaralan at 1. Oo
pamayanan.
2. Panonood ng palabas sa telebisyon tungkol sa 2. Oo
paglinang ng talento.
3. Paggawa ng mga proyektong mula sa lumang bagay 3. Oo
na nasa paligid.
4. Hindi nakikinig sa mga utos at payo ng mga 4. Hindi
nakatatanda.
5. Gawing libangan ang pagbabasa ng mga 5. Oo
makabuluhang aklat.
6. Palaging puyat dahil sa paglalaro ng computer 6. Hindi
games.
7. Pagkakaroon ng malawak na interes sa mga bagay - 7. Oo
bagay.
8. Tamang pagtatapon ng basura upang mapanatiling 8. Oo
ligtas at malinis ang kapaligiran.
9. Matatag ang loob na harapin ang anumang 9. Oo
pagsubok, makapagtatapos lang sa pag-aaral.
10. May tiwala sa sarili na magawa ang anumang 10. Oo
bagay ng may pananalig sa Diyos.
Magaling mga bata.

1
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
MAHAYAHAY INTEGRATED SCHOOL
Detailed Lesson Plan
ESP 6 QUARTER 3
2. Balik-aral Panuto: Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang iyong Mga sagot:
sagot sa patlang.
____1. Pagtapon ng basura kahit saan. 1. Mali
____2. Paggamit ng eco bag sa pamimili. 2. Tama
____3. Paghihiwa - hiwalay ng plastik, bote, at papel. 3. Tama
____4. Paggawa ng flower pot mula sa lumang gulong. 4. Tama
____5. Paggawa ng flower vase mula sa lumang 5. Tama
dyaryo. Such a beautiful talent. Keep it up!

3. Pagganyak Iparinig sa klase ang awit ni Asin, “Kapaligiran” (Umaawit…)


(ICT Integration) Magkaroon ng talakayan pagkatapos mapakinggan ito.

4. Mga Panlinang na
Gawain Panuto: Basahin ang tula. Ipaliwanag kung paano nakatulong kay Ben ang kaniyang
pagiging malikhain.
(Pagtatanghal ng 4A's)
A. Gawain Si Ben Kutingting
Constancia Paloma

Limang taon gulang pa lang itong si Ben,


Kita na agad, kaniyang pagkamalikhain,
Ano mang bagay, sa kaniya makarating
Ilang saglit lang, iba na sa paningin.

Ubos lakas at isipan, kaniyang lilikhain


Anumang hugis, na kaniyang naisin.
Kaya’t kapag siya’y tahimik, di ka pinapansin,
Kakayanan sa paglikha, ibig niyang pagyamanin.

Dumaan ang panahon, si Ben Kutingting,


Lumaki na, pero, nasa dating gawi pa rin,
Sa pag-aaral naging honor man din,
Kaniyang pagkamalikhain, puhunan din.

Nagtapos, nagtrabaho, sunog kilay pa rin.


Sa pagiging manggagawa tunay na malikhain
Sa sipag at tiyaga, negosyo’y nagkabiyaya,
Yumaman na, di na isang kahig, isang tuka.

Kaya pagyamanin, iyong pagkamalikhain,


Tiyak makakamtan, magandang hangarin
Magsikap, mag-aral, magtapos at maghanapbuhay.
Pagkamalikhain, dala’y magandang buhay.

B. Pagsusuri Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa buong


pangungusap. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Bakit nabansagan si Ben na “kutingting”


2. Anong aral ang natutuhan mo sa tula?
3. Nagbunga ba ang inspirasyon sa iyo ang tula?
4. Ibigay ang kahulugan ng pagkamalikhain.
5. Ilarawan ang mga katangian ng isang taong
malikhain.
6. Sa iyong palagay, paano makatutulong sa pag-unlad
ng bansa ang pagiging malikhain ng isang
manggagawa.
7. Paano natin maipakita at mapaunlad ang ating
pagkamalikhain?

C. Abstraction Mga katangian ng taong malikhain.


1. Orihinal
Ang taong malikhain ay totoo sa kaniyang
nililikha. Hindi ito bunga ng panggagaya.
Nakapag-iisip at nakalilikha siya ng mga

2
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
MAHAYAHAY INTEGRATED SCHOOL
Detailed Lesson Plan
ESP 6 QUARTER 3
bagong idea at bagay na hindi naiisip kaagad
ng ibang tao. Ang orihinal na likha ay makikita
sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan.
2. Mayaman sa idea
Ang Pilipino ay mapangarapin sa buhay. Ginagamit
niya ang kaniyang mga pangarap upang mapayaman
ang kaniyang idea sa bias ng pananaliksik, pagsubok,
at matagalang pagsisikap. Dahil ditto, napagaganda
niya ang anumang proyektong nililikha mula sa
kaniyang imahinasyon. Marami ang nasisiyahan o
nakikinabang sa yaman ng idea ng isang malikhain.
3. Madaling makibagay at iangkop ang sarili sa
iba’t ibang pagkatao
Ito ang kodigo ng malikhaing Pilipino. Kayang-kaya
niyang iangat ang kaniyang sarili sa anumang mukha
ng buhay na siyang nagpapayaman ng kaniyang
pagiging malikhain.
4. Sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran
Madali para isang taong mailkhain na bigyan ng
solusyon ang mga kakulangan. Nakagagawa siya ng
paraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga lumang
bagay na nasa paligid.
5. Nakatayo sa sariling desisyon
Ang taong malikhain ay may kalayaang magpamalas
ng kaniyang paninindigan. Ito ay nakikita sa kaniyang
kawilihang pumili ng mga desisyong naiiba sa
karaniwang opinion at tumuklas ng mga bagay na
hindi pa nararating ng isip ng ibang tao.
6. Malakas na motibasyon upang magtagumpay
Ang taong malikhain ay masigasig sa paggawa
ng kaniyang proyekto kahit na dumaranas siya ng
hirap. Matatag siya at malakas ang loob na
harapin ang kinalalabasan ng kaniyang
malikhaing proyekto kahit ito pa ay kakaiba sa
karamihan o hindi katanggap-tanggap sa iba.

D. Paglalapat Panuto: Pumili ng isa sa mga katangian ng taong


malikhain. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit
kung paano ito makatutulong at magsilbing
inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng
bansa. Gamitin ang iyong pagkamalikhain at
iguhit sa isang bond paper.
B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat Ang anumang gawain na ginagamitan ng
pagkamalikhain ay nagpapayaman ng sariling
kakayahan at ang pagiging malikhain ay makatutulong
sa pagtuklas ng bagong solusyon sa mga suliranin,
pansarili o panlipunan man ito. Kung hindi dahil sa
mga malikhaing paggawa ng mga tao, hindi matatamo
ng lipunan ang kaginhawaan at kaunlaran.

2. Paglalapat Anu-ano ang katangian ng taong malikhain?

3
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
MAHAYAHAY INTEGRATED SCHOOL
Detailed Lesson Plan
ESP 6 QUARTER 3
3. Pagpapahalaga Ano ang Magandang dulot ng taong malikhain?

IV. Pagsusuri A. Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng


pagkamalikhain ang ipinahayag sa bawat
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ang titik ng tamang sagot patlang.

1. Si Karen ay nakalilikha ng proyekto na hindi


nanggagaya.
V. Assignment 2. Siya ay may kalayaang magpamalas ng sariling
panindigan at desisyon
na naiiba sa karaniwang opinion ng tao.
3. Ginagamit niya ang kanyang pangarap upang
mapayaman ang kanyang idea sa bisa ng pananaliksik,
pagsubok at pagsisikap.
4.Nakakagawa siya ng paraan upang mabigyan ng
solusyon ang kakulangan sa pamagitan ng paggamit
ang mga lumang bagay sa paligid.
5. May kakayahan siyang iangkop ang kanyang sarili
sa anumang kalagayan at kondisyon ng buhay.

REMARKS
REFLECTION
A. No. of learners who earned
80% in the evaluation.
B. No. of learners who require
additional activities for
remediation who scored
below 80%.
C. Did the remedial lessons
work? No. of learners who
have caught up with the
lesson.
D. No. of learners who
continue to require
remediation.
E. Which of my teaching
strategies worked well? Why
did this work?
F. What difficulties did I
encounter that my principal or
supervisor can help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I
use. /discover that I wish to

4
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
MAHAYAHAY INTEGRATED SCHOOL
Detailed Lesson Plan
ESP 6 QUARTER 3
Prepared by:

HAROLD B. DAGOOC
TEACHER I

Noted by:

JOANNA P. BAHIAN
Head Teacher III

Attested by:

RIC D. GABE
Public School District Supervisor

You might also like