You are on page 1of 3

Teacher-made Learner’s Home Task (Week 4)

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Paksang Aralin: Pananagutan ng Magulang at Gawi sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral at Pananampalataya

Pamamaraan:
Gawain 1: Karanasan mo, Ibahagi Mo!

Mga Pananagutan Karanasang Maibahagi

1. Maayos na Edukasyon

2. Paggabay sa Mabuting Pagpapasya

3. Paghubog ng Pananampalataya

Rubrik sa Pagsulat ng Talata

Pamantayan Napakahusay (10pts) Mahusay (8pts) Nangangailangan ng Pag-


unlad (5pts)

Lahat ng pananagutan ng Mayroong dalawang Mayroong isang


Nilalaman ng Talata magulang ay naibahagi pananagutan ng magulang pananagutan ng magulang
nang tama ang naibahagi nang tama ang naibahagi nan tama
Pagtatalakay
Ang edukasyon din ang tanging maipamamana ng magulang sa anak na kailanman ay hindi mananakaw ninuman
na magsisilbing matibay na pundasyon tungo sa magandang kinabukasan kaya ganoon na lamang nagsusumikap
ang mga magulang sa pagtatrabaho sa umaga maging sa gabi para matustusan at mapagtapos ang anak sa pag-
aaral. Ni hindi alintana ang pagod at hirap basta’t para sa anak walang hindi kayang gawin ng isang magulang.
Mahalaga rin ang paggabay ng magulang sa bawat pagpapasiya ng anak.
Bukod sa paggabay ng magulang ay kinakailangang mahubog ang pananampalataya ng anak.
Sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral:
1. Pagtukoy sa istilo ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagkuha ng mga pasulit upang mabatid ang iyong multiple
intelligence at learning style.
2. Pag-aaral sa komportableng lugar upang magkaroon ng pokus sa pag-aaral.
3. Magtakda ng oras sa pag-aaral araw-araw sa paggawa ng mga proyekto at takdang-aralin.
4. Pamamahalaan nang maayos ang oras sa pag-aaral at paglilibang upang maisaaalang-alang ang mental at physical
health.
5. Pagtatala sa mga gawain at pag-aaralan ang iba’t ibang asignatura upang maging sistematiko ang pag-aaral.
6. Bumili at magbasa ng maraming aklat upang mapalawak ang kaalaman sa mga bagay-bagay.
7. Pagbibigay ng gantimpala sa sarili upang manatili ang kaganyakan na mapag-ibayo ang hangarin na makamit ang
tagumpay.
8. Mangarap para ganahan sa pag-aaral.
Pagtataya:

Panuto:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Bilugan ang titik nang tamang sagot.
1. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapaunlad ng gawi sa pag-aaral?
A. Aktibo si Jaz sa mga pangkatang-gawain sa iba’t ibang asignatura.
B. Pumapasok sa paaralan si Mat bagaman hindi nagsusulat sa klase.
C. Ginagawa ni Mark ang mga gawain sa silid-aralan gaya ng paglilinis.
D. Pumapasok araw-araw si Jean sa paaralan subalit naglalaro ng selpon.
2. Tinatanggap ni Ben taon-taon ang premyo sa pagsisikap na mapaunlad ang pag-aaral. Anong kilos kaya ang
isinagawa ni Ben upang makamit ang hangarin?
A. pag-aaral sa aralin lalo na kung may pasulit
B. paglalaro ng computer games sa oras ng klase
C. pagguhit sa kwaderno ng mga natandaan sa aralin
D. panonood ng mga bidyo sa social media site araw-araw
3. Si Jay ay pumapasok araw-araw sa paaralan ngunit ang hindi alam ng kaniyang magulang ay nahumaling ito sa
computer games na dahilan ng kaniyang pagliban sa klase. Kung ikaw si Jay anong gawi ang iyong papaunlarin sa
sarili upang mapabuti ang pag-aaral?
A. papasok ngunit liliban minsan
B. ipagpapatuloy ang nasimulang masamang gawain
C. ipapahiram sa kaklase ang account para siya na ang maglaro
D. itigil ang paglalaro ng computer games at mag-aral ng mabuti.
4. Si Don ay mahilig kumuha ng larawan. Hinasa niya ang kaniyang kakayahan sa photography sa pamamagitan ng
pagbasa at pagtingin sa larawang kuha ng mga sikat na photographer. Anong gawi ang ipinapakita ni Don?
A. pagkuha ng mga larawan sa iba’t ibang lugar
B. paglinang sa kakayahan sa pamamagitan ng pag-aaral
C. pagbibida ng kaniyang mga gawang larawan sa ibang tao
D. pag-aabot ng regalo sa mga sikat na photographer upang makilala
5. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pagaaral?
A. Gumagawa si Mat ng walang kabuluhang bagay.
B. Ipinagpabukas ni Elle ang lahat ng kaniyang mga gawain dahil hindi pa naman ito ipapasa.
C. Pinagsanib ni Zean ang lahat ng mga gawain o kasanayan upang madali lamang itong matapos.
D. Pagtatakda ng oras upang alamin kung gaano kahaba ang kinakailangang gugulin ni Yan sa pag – aaral sa mga
asignatura.
6. Bakit kailangang malinang ng mag-aaral ang aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal at ispiritwal sa
pagbibigay ng maayos na edukasyon? Upang maging kapaki-pakinabang sa:
A. lolo at lola
B. sarili at mga kakilala
C. lipunang ginagalawan
D. pamilya at kamag-anak
7. Paano mahuhubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?
A. magbasa ng aklat
B. sabay-sabay na manalangin
C. ituro ang daan papuntang simbahan
D. palaging magsuot ng mahahabang damit
8. Nagsusumikap sa pagtatrabaho ang magulang ni Lina. Bagama’t hindi lahat ng gusto ng anak ay ibinibigay nila. Sa
murang edad ay pinapaintindi ng magulang na kailangan nilang mag-ipon at prayoridad ang pagpapaaral sa kaniya.
Bakit nag-iipon ang magulang ni Lina? Upang:
A. maipasyal ang anak
B. mapagtapos sa pag-aaral ang anak
C. maibili ng magandang damit ang anak
D. maibili ng magandang sasakyan ang anak
9. Gusto ni Maria na mag-aral sa pribadong paaralan ngunit hindi pa niya tiyak kung anong kurso ang kukunin. Bilang
magulang, ano ang nararapat gawin upang magabayan ang anak sa pagpapasya?
A. hayaan na lang malito ang anak
B. itanong sa anak kung anong gusto niya
C. magulang ang pipili ng kursong kukunin ng anak
D. magsuhestiyon na kunin ang kursong gusto ng kaibigan
10. Bakit kailangang gabayan ang anak sa pagpapasiya? Upang:
A. hindi madapa ang anak
B. walang pagsisihan sa huli
C. maging mabuting magulang
D. maging responsable sa anumang desisyon

Inihanda ni: Sinuri ni:


HYACINT I. COLOMA ELIZABETH D. ARREGLO
JHS T1 PRINCIPAL II
NELIA TAHADLANGIT
JHS T3

You might also like