You are on page 1of 1

Gawain 3: Pag-usapan Natin

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Pag-usapan sa klase kung ikaw ay sangayon o hindi sa mga
pahayag na nabanggit batay sa konseptong napapaloob sa aralin. Magbigay ng dahilan o paliwanag kung
bakit sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag.

1. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan.

2. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan.

3. Tama lang na maghubad kung ito ay para sa sining.

4. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa ikabubuti at ikasasama
ng tao.

5. Ang tao na nagiging kasangkapan ng pornograpiya ay nagiging isang bagay na may mababang
pagpapahalaga.

6. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad.

7. Ang paggamit ng ating katawan para sa seksuwal na gawain ay mabuti ngunit maaari lamang gawin ng
mga taong pinagbuklod ng kasal.

8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera.

9. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay nakaaapekto sa dignidad ng tao. 10. Wala namang nawawala sa
isang babae na nagpapakita ng kaniyang hubad na sarili sa internet. Nakikita lang naman ito at hindi
nahahawakan.

You might also like