You are on page 1of 6

Name: __________________________________________ Date:_______________________

Year and Section:_______________________________ Score:_____________________


68
st
1 SUMMATIVE TEST IN ESP 10
4TH QUARTER

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang numero

1. Ang pagsasagawa ng pre-marital sex ay humahantong sa:


A. Pagbibigay ng tiwala sa sarili
B. Pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa
C. Pakiramdam na marumi at nagamit
D. Pakiramdam na nakatulong sa kapwa nangangailangan

2. Ang pakikipagtalik ay gawaing nararapat lamang gampanan ng mga:


A. Mag-asawang nais bumuo ng pamilya
B. Magkarelasyon na matagal nang nagmamahalan
C. Nagmamahalang gusting ipakita ang pagmamahal
D. Taong nais gawin ito na umaayon na gawin ang kilos.

3. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa seskswalidad at


dignidad ng tao maliban sa isa:
A. Hindi pinakialaman ni Diego ang pagkababae ng kasintahan dahil sila ay hindi pa
kasal.
B. Pinagalitan ni Dana ang kaniyang kaibigan dahil sa maling paniniwala tungkol sa
sekswalidad.
C. Palaging nanonood si Pedro ng malalaswang palabas sa halip na gawin ang kaniyang
takdang aralin.
D. Hinintay ni Juan na makapagtapos sila ng kaibigan ng pag-aaral bago sabihin ang
kaniyang pagmamahal.

4. Ang paggamit ng kasarian ay para sa mag-asawa na ang layunin ay:


A. Paligayahin ang minamahal na kinakasama
B. Ipakita ang labis na pagmamahal sa bawat isa
C. Ipadama sa bawat isa ang pagmamahal at magkaroon ng anak.
D. Ibigay ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa

5. Ang mga sumusunod ay mga pananaw ng tao na dahilan kung bakit kadalasan ang mga
kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik maliban sa isa
A. Ang pakikipagtalik ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.
B. Angpakikipagtalik ay normal at likas na pangangailangan ng ating katawan.
C. Ang pakikipagatalik ay hindi kabilang sa mga biyolohikal n pangangailangan.
D. Ang pakikipagtalik tama lang lalo na kung ang gumagawa nito ay parehong sang-ayon.

6. Ang layunin ng sekswalidad na kaloob sa atin ay upang:


A. Magkaroon ng maraming kaibigan
B. Makamit at madama ang tunay na pagmamahal
C. Maunawaan ang tunay na kahulugan ng sekswalidad
D. Maibahagi sa kapwa ang nalalaman tungkol sa sekswalidad
7. Ang mga sumusunod ay mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad maliban sa:
A. Paggalang sa sarili
B. Prostitusyon
C. Posrnograpiya
D. Pre-marital sex
8 – 9: Basahin ang sitwasyon at gamitin ang impormasyong nakapaloob ditto kapag sinasagot
ang item 8 at9.
Matagal nang mag nobyo sina Pedro at Petra. Isang araw, inaya ni Pedro si Petra sa kanilang
bahay. Dahil wala doon ang mga magulang ni Pedro, sinabi niya kay Petra na kung mahal niya
ito papayag itong makipagtalik sa kanya habang hinihipoan ito.

8. Ano ang nararapat na gawin ni Petra sa sitwasyon?


A. Hiwalayan si Pedro dahil sa masamang balak nito
B. Isumbong si Pedro sa kaniyang mga magulang
C. Magalit kay Pedro at iwanan siyang mag-isa sa bahay
D. Hindi papayag sa gusto ni Pedro at ipaliwanag na mali ang nasa kaniyang isip
9. Anong isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seskwalidad ang nasa
sitwasyon?
A. Prostitusyon
B. Maagang pagbubuntis
C. Pang-aabusong sekswal
D. Pakikipagtalik nang hindi a kasal

10. Ano ang epekto ng pornograpiya sa tao?


A. Binabago nito ang asal ng tao
B. Magkakaroon ng mas maraming kaibigan
C. Magiging responsible ang paungkol sa gawaing sekswal
D. Makapaghihikayat ng kapwa upang manood ng malalaswang palabas

11. Ano ang tumutukoy sa mahahalay na palabas, larawan o babasahin na may layunin na
pukawin ang sekswal na pagnanasa ng tao?
A. Pornograpiya
B. Prostitusyon
C. Senswalidad
D. Sekswalidad

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ang prostitusyon ay mapagsamantala?


A. Nakapagbibigay aliw ito sa mga tao
B. Nakatutulong ito sa mga nangangailangan
C. Nakapagbibigay ligaya sa mga taong may gusto nito
D. Ang taong bumubili ay sinasamantala ang kahinaan ng taong sangkot ditto

13. Ang isyung pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay isyung may kinalaman sa:
A. Pagkasira ng relasyon ng nagmamahalan
B. Pang-aabusong sekswal
C. Paninirang puri
D. Pre-marital sex

14. Ang kadalasang binibiktima ng mga ito ay mga bata o kabataang may kahinaan ng
kalooban. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Matatanda
B. Pedophiles
C. Parasites
D. Magnanakaw

15. Ano ang sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain?


A. Prostitusyon
B. Pag-aartista
C. Pagtulong
D. Politiko

II. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang tama kapag
wasto ang diwa ng pangungusap at isulat ang mali kapag hindi wasto. Pagkatapos ay isulat mo
nang wasto ang mga pangungusap na may maling diwa ukol sa mga isyu sa sekswalidad.
Isulat ang sagot sa patlang. (2 PUNTOS BAWAT TAMANG SAGOT)

______________________1. Maging mapanuri sa mga makabagong gawi na ipinakilala ng


kabataan tungkol sa pakikipag-ugnayang sekswal.
______________________2. Walang limitasyon ang pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian.
______________________3. Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa kaisipan, emosyon at ispiritwal
na katangiang taglay ng pagiging babae at lalaki.
______________________4. Ang hangarin ng Diyos sa pag-aasawa ay panghabang-buhay.
______________________5. Ang live-in o pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan kahit hindi
pa kasal ay isang eksperimento lamang, patas ang babae at lalaki sa sitwasyong ito.
______________________6. Walang kontrol ang tao sa kanyang damdamin.
______________________7. Dapat maging malinaw sa isang tao ang kanyang pangunahing layunin
sa buhay.
______________________8. Hindi mahalagang makilala mo nang lubusan ang iyong makakasama
sa buhay dahil ang mahalaga ay ang inyong pagmamahalan.
______________________9. Ang paggalang sa sekswalidad ay hindi pagpapatunay ng mataas na
pagtitiwala at respeto sa sarili.
_____________________10. Isabuhay ang pagtitimpi upang mapigil ang sarili mula sa kapusukan.
_____________________11. Ang ating katawan ay tahanan ng ating Diyos.
_____________________12. Hindi dapat maging dahilan ng awayan ang pagkakaiba sa kasarian.
_____________________13. Ang mga payo ng magulang sa pakikipagrelasyon ay dapat pag-isipan
at bigyan ng konsiderasyon.
_____________________14. Marapat itakda ang mga moral na batayan sa pakikipag-ugnayan.
_____________________15. Ang sekswalidad ay mabuti at sagrado.

Panuto. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot sa
kahon at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

A. Jocose lie F. Equivocation


B. Mental Reservation G. Pananahimik
C. Officious lie H. Pernicious lie
D. Pag-iwas I. Plagiarism
E. Pagsisinungaling J. Whistleblowing

_____1. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo


ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon.
_____2. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng pagliligaw sa
sinomang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa mga tanong ng
sinomang taong ito.
_____3. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng pagtanggi sa
pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang katotohanan.
_____4. Ito ay isang pamamaraan ng pagtatago ng totoo sa pamamagitan ng paglalagay ng
limitasyon sa tunay na esensiya ng impormasyon.
_____5. Ito ay isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan na maituturing na
isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat
na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
_____6. Ito ay isang uri ng kasinungalingan na tawag sa isang nagpapahayag upang
maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang
dito mabaling.
_____7. Ito ay isang uri ng kasinungalingan na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid
ng kasiyahan lamang.
_____8. Ito ay isang uri ng kasinungalingan na nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon
ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
_____9. Ito ay isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan na tumutukoy sa
hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o
pribadong organisasyon o korporasiyon.
_____10. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at
katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda,
programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus nabuo lamang dahil sa
illegal na pangongopya.

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pahayag.

kamalayan katotohanan katuwiran

pag-iisip paninindigan

11. Ang pagkakaroon ng _____________________________sa sarili na alamin ang totoo ay


makatutulong sa tao upang magampanan nang tama ang kaniyang tungkulin.
12-13. Ginagamit ng tao ang kaniyang mapanuring ____________________at tamang
______________________ sa pagpapahayag ng paninindigan sa katotohanan.
14. Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa _____________________________________ ng
katotohanan.
15. Ang ___________________________ ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at
layunin niya sa buhay.

III. Panuto: Tukuyin ang bawat pangungusap kung ito ay tama o mali. Isulat ang titik T kung
ito ay nagsasaad ng tamang ideya at M kung ito naman ay maling ideya. Isulat ang iyong sagot
sa patlang bago ang numero.

_____1. Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na mabuti at matuwid na gawain at walang


pasubali na isa itong moral na obligasyon ng tao.
_____2. Ang pagmamahal sa katotohanan o pagiging makatotohanan ay dapat maisabuhay.
_____3. Kasinungalin ang nagingibabaw dahil sa kawalan ng Katotohanan.
_____4. Mas mainam manahimik kaysa magkamali ng mga sasabihin.
_____5. Ang sinumang sumusunod sa katotohanan ay nagkakamit ng kaluwagan sa buhay.
_____6. Ang paggalang sa katotohanan ay kahanga-hangang pag-uugali.
_____7. Whistleblower ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga
maling asal
_____8. Ang pagsasabi ng katotohanan ay pagpapairal ng kung ano ang inaasahan sa atin bilang
tao at mapanagutang mamamayan sa lipunan.

You might also like