You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga Del Norte

______________________________________________________________________________

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4


UNANG KWARTER
IKALAWANG LINGGO-IKAAPAT NA ARAW

I. LAYUNIN Inaasahan kong sa pagtatapos ng araling ito ay matutuhan


mo ang pagsasalaysay muli nang may wastong
pagkakasunod-sunod ang napakinggang teksto gamit ang mga
tekstong prosidyural, larawan, signal words, at pangungusap.

Mga Kasanayan sa Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-


Pampagkatuto sunod ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan,
signal words at pangungusap. (F4Ps-Ib-h-6.1)

II. PAKSANG ARALIN Pagsasalaysay Muli nang may Wastong Pagkakasunod-


sunod ang mga Napakinggang Teksto Gamit ang mga
Tekstong Prosidyural, Larawan, Signal words, at Pangungusap

A. Sanggunian

B. Kagamitan Mga larawan, istrips, tsart

III. PAMAMARAAN

Direksiyon: Gawin ninyo ang mga sumusunod na hakbang


ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
A. Pagganyak

1. Una, gumuhit ka ng malaking puso sa gitna ng parihaba.

2. Ikalawa,isulat mo ang pangalan ng matalik mong kaibigan


sa gitna ng malaking puso.

3. Sunod,bilugan mo ng pulang krayola ang pangalan niya.

4. Pagkatapos, sa paligid ng pangalan niya, isulat mo ang


mabuting katangian na iyong hinahangaan sa kanya.

5. Panghuli,sumulat ka ng isang pangungusap para sa


kanya.
Alamin muna natin ang kahulugan ng mga salitang
mahirap sa kwento na ating babasahin.

Tukuyin ang salitang angkop para sa pangungusap.Piliin


ang salita sa loob ng kahon.

B. Pag-alis ng
Sagabal/Paghahawa lumbay payak
n ng Balakid
simpatiya

taliwas tutugma

1. ________lamang ang pera ni nanay pambili sa gusto naming


ihanda sa umagahan. (tutugma)

2. Kung nakita kong nakangiti ang nanay ko, nawawala ang


aking _______. (lumbay)

3. ________sa paniniwala ng karamihan na ang pamilya ay


masamang impluwesiya (taliwas )

4. Mabuting pamilya ang mayroon kami dahil kahit


_________lang ang pamumuhay naming mag-anak, ni
minsan hindi nanlamang sa iba. (payak)

5. Ipinaramdam ko ang aking ________sa kahirapan ng aming


pamilya. (simpatiya)

Babasahin at intindihin natin ang nilalaman ng kahon.

Ang tekstong prosidyural ay isang seleksiyon


na nakatuon sa paglalahad ng mga tiyak na hakbang
tungkol sa isang bagay. Madalas itong makita sa
mga resipe, na ginagamit sa pagluluto o paghahanda
ng pagkain at inumin.

Basahing mabuti ang seleksiyon at alamin kung paano


mapapasaya ang isang Pamilya. (Sundin ang mga
pamantayan sa pagbabasa ng tahimik ).

C. Pagbibigay ng

Pagganyak na Mga Pamantayan sa Pagbasa ng Tahimik


tanong
1. Maupo ng matuwid

2. Hawakan ang aklat ng dalawang kamay


sa ibabaw ng pupitre.

3. Mga mata ang gamitin sa pagbasa.

4. Itikom ang bibig

5. Bumasa ng matulin hanggat maari.

6. Unawain ang binabasa.


D. Pamantayan sa
7. Pagkabasa itiklop ng marahan ang
Pagbasa aklat.
{Tahimik/Malakas
sa Pagbasa }

Ang Aming Pamilya

Isang umaga, naisipan namin ni nanay na


pumunta sa palengke upang bumili ng mga sangkap para sa
putahe na lulutuin namin sa umagang iyon. Payak lang
kaming uri ng pamilya kaya tugma lang sa perang hawak ni
nanay ang aming napag-isipang ihanda na ulam para sa
pang-agahan. Ako ang kasimpatiya ni nanay sa paghahanda
ng pagkain araw-araw para sa pamilya. Nakita ko lagi na
kapag sinamahan ko siya sa pamamalengke masayang
masaya si nanay kaya nawawala ang aking lumbay dahil sa
kahirapan ng buhay. Pritong itlog at gulay lamang ang
angkop para sa perang dala-dala ni nanay. Bumili kami ng
sampong pirasong itlog, kalahating bote ng mantika, isang
supot na asin, at iba pang sangkap para sa nais naming
lulutuin. Pag uwi namin sa bahay, unang ginawa ko ay
inihanda ang mga gagamitin. Pangalawa, binuksan at pinainit
ang kawali, Pangatlo nilagyan ng mantika ang kawali at nang
itoy mainit na, biniyak ang itlog at iniluto.Sunod, hinintay
kung maluto at inihanda. Pagkatapos, inihain ito at kinain
namin kasabay ang pamilya. Masaya kaming pamilya taliwas
sa kaalaman ng iba.

Maliban sa iyong pamilya, mayroon pa bang tao na


palaging handang dumamay sa iyong mga problema at

pangangailangan? Marahil, wala nang ibang tao pang


makagawa nito at ito’y nangangahulugan na ang pamilya ay
dapat magdadamayan at magmamahalan hanggang
kailanman.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa


binasang seleksiyon.

1. Tungkol saan ang binasa mong teksto?

2. Ano ang mahahalagang papel na ginagampanan ng


isang nanay para sa pamilya?

3. Ayon sa teksto, ano-ano ang limang hakbang sa


paghahanda ng ulam isang umaga upang mapasaya
ang pamilya?

4. Naniniwala ka ba na kapag ang lahat ng miyembro ng


pamilya ay nagdadamayan at nagmamahalan ay may
pag-asang umasenso sa buhay ? Bakit?

5. Kailangan bang gumastos nang malaki upang


mapasaya ang pamilya?

Ano-ano ang mga gagamitin upang mabuo ang teksto at


isalaysay mong muli ang limang paraang ibinigay ng may-
akda sa teksto.

Isulat sa bawat kahon ang mga paraan.

1.

2.

3.
E. Pagsagot ng
4.
Pagganyak

5.

Pansinin mo ang mga salitang “una”, “ikalawa”, “ikatlo”, at


“ikaapat”, na ginagamit sa pagsasaslaysay nang may wastong
pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa pagpapasaya ng
kaibigan.

Ang mga ito ay tinatawag na signal words. Ito ay salita o


mga salita na nagpapakita ng koneksyon sa pagitan ng mga
ideya.

Ginagamit ang mga ito upang gabayan ang mga


mambabasa sa pagbabasa upang hindi malayo sa mga paksa.
Ang iba pang halimbawa ng signal words ay sa simula,
pagkatapos, ang sunod ay, sumunod ay, at sa huli ay, at
iba pa.

Sa pagsasalaysay nang may wastong pagkasunod-sunod


ng mga hakbang ng isang gawain, maaari ding gumamit ng
mga larawan at karagdagang pangungusap upang mas
malinaw at maayos ang ideya.

I. Punan ang patlang ayon sa pagkasunod-sunod na gamit


ang letra ( A, B, C, D, E, F )

Una ay sundan sa radio o telebisyon ang mahahalgang


balita sa pagsama ng panahon.Pangalawa ay mag-imbak ng
mga pagkain sa bahay lalong-lalo na iyong mga de-lata upang
hindi magutom.

Pagkatapos ay mag-imbak din ng posporo, kandila,


F. Pagbibigay ng
flashlight at baterya na maaaring magamit kung
mga tanong sa Pag-
kinakainlangan. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling
unawa
mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na
sakuna.

At ang panghuli ay kailangang makinig sa mga balita


tungkol sa pagbabago ng panahon.

_____1.Mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong-lalo na

iyong mga de-lata upang hindi magutom.


_____2.Makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng

panahon.

_____3.Manatilihing mahinahon sa lahat ng sandal upang

makaiwas sa dagdag na sakuna.

_____4.Sundan sa radio o telebisyon ang mahahahlagang

balita sa pagsama ng panahon.

_____5._Mag-imbak din ng posporo,kandila,flashlight at

baterya na maaaring magamit kung kinakailangan.

Panuto: Lagyan ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang


hulwarang pagkakasunod-sunod ng pamamaraan
sa pagluluto ng Banana Cue.

I. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

una pagkatapos

sumunod

pangalawa pinakahuli

_______________ Tuhugin ang nalutong banana cue sa

istik.

________________Talupan ang mga saging.

________________Ilagay ang mga saging sa kumukulong

mantika.

________________Initin ang mantika sa kawali.


________________Ilagay ang asukal para kumapit sa saging.

Sumulat ng salaysay tungkol sa isang masayang sandali


kung kailan kasama mo ang iyong matalik na kaibigan.
G. Mga Pagsasanay

IV. Ebalwasyon
V. Takdang Aralin

Inihanda ni:

MERLYN J. PEROCHO
Teacher II
Malila T. Elementary School
AMID A. CODEZAR
Teacher III/Lay-Out Artist/Illustrator
Sergio Osmena Central School

You might also like