You are on page 1of 5

LIST OF ACTIVITIES

Mga Gawaing Pampagkatuto


Ang Pagpapakahulugang Metaporikal
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na
kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginagamit ang salita sa pangungusap. Nagkakaroon ng
patayutay na kahulugan o mas malalim na kahulugan.
Halimbawa:
1. Mamon ang puso ng isang ina.
a. Literal na kahulugan – malambot na tinapay
b. Metaporikal na pagpapakahulugan – taong maawain, mapagpatawad
2. Dugo ko ang taong iyan kaya’t di ko siya pababayaan
SEATWORK a. 1 Literal na kahulugan - likidong dumadaloy sa katawan ng tao
b. Metaporikal
Panuto: Batay na pagpapakahulugan
sa iyong binasa ay itala mo ang mga–pangyayari
kaanak, kamag-anak
sa akda na nagpapatunay na ito ay nagaganap sa tunay na
buhay at ipaliwanag ang iyong kasagutan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

SEATWORK 2
Panuto: Magtala ng tiglimang salita mula sa parabulang, “Manggagawa sa Ubasan” at “Ang Mabuting Samaritano”. Bigyan
ng literal at metaporikal na pagpapakahulugan ang bawat salita.

MANGGAGAWA SA UBASAN ANG MABUTING SAMARITANO


Literal na kahulugan Metaporikal na Literal na kahulugan Metaporikal na
kahulugan kahulugan

SEATWORK 3
Panuto: Ibigay ang literal na kahulugan at metaporikal na kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan batay sa
pagkakagamit nito sa pahayag.

1. Para sa isang magulang na tunay na nagmamahal sa anak, anak ang kaniyang mamahaling hiyas.
a. Literal na kahulugan - ______________________________________
b. Metaporikal na kahulugan - _________________________________
2. Sa isang babaeng bago pa lamang nagiging ina, musika sa kaniyang pandinig ang iyak ng kaniyang sanggol.
a. Literal na kahulugan - ______________________________________
b. Metaporikal na kahulugan - _________________________________
3. Dugo at pawis ang puhunan ng magulang upang mapalaki nang maayos ang anak.
a. Literal na kahulugan - ______________________________________
b. Metaporikal na kahulugan - _________________________________
4. Kasabihan ng matatanda nasa hukay ang isang paa ng babae kapag siya’y nanganganak.
a. Literal na kahulugan - ______________________________________
b. Metaporikal na kahulugan - _________________________________
5. Dapat na ituring ng anak na pangalawang Diyos sa lupa ang mga magulang kaya’t dapat nila silang mahalin at
igalang.
a. Literal na kahulugan - ______________________________________
b. Metaporikal na kahulugan - _________________________________

SEATWORK 4

MGA PANLAPI
1. Dahil sa mga panlaping -in at –an
kinaibigan – pandiwang nagsasaad ng isang layuning kaibiganin ang isang tao
2. Dahil sa panglaping mag- at –an
magkaibigan – pangngalang tumutukoy sa dalawang tao opangkat ng mgab taong nagkakaunawaan sa
oras ng pangangailangan.
3. Dahil sa panlaping nag- at –an
nagkaibigan – pandiwang nagsasaad ng parehong kagustuhan magkaunawaan o higit pa
4. Dahil sa panlaping ka- at –in
kaibiganin – pandiwang nagsasaad ng layunin o plano na maging kaibigan ang isang tao

Kumpletuhin ang bawat kolum batay sa hinihinging impormasyon.

SALITANG-UGAT SALITANG NABUO PANLAPING GINAMIT KAHULUGAN NG SALITANG


NABUO
TUWA
BUHAY
AKSAYA
SUBOK
PARUSA

MGA OUTPUT
OUTPUT 1

Pumili ng mga aral sa Bibliya at sumulat ng kuwento tungkol dito. Halimbawa, ang piniling aral ay “Igalang ang ama at
ina”. Sa iyong kuwento, maaari mong simulan na ang anak ay pasaway at palasagot sa magulang, hindi nirerespeto ang
magulang. Hanggang sa mawala ang mga ito at siya ay naging magulang na rin, masama ang turing sa kaniya ng sarili
niyang anak at doon niya natutuhan kung gaano kahalaga ang paggalang sa magulang ng mga anak. Bigyan ng pamagat
ang kuwento ninyo.

OUTPUT 2

Sumulat ng tulang elehiya para sa isang namalaam o yumaong mahal sa buhay tulad ng kamag-anak, kaibigan, kasintahan
o alagang hayop. Binubuo ng 2 saknong, bawat saknong ay may apat na linya.

Hal. Paalam, aking mahal


Mananatili ka sa aking puso nang matagal
Gusto na ulit kitang mayakap at makasama
Nangungulila ako sa iyo, aking sinta
OUTPUT 3

Sumulat ng orihinal na alamat tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. Bigyan ng pamagat at aral.

Halimbawa: Noong unang panahon, bawat mag-aaral ay nagpapakilala upang malaman ang kanilang pangalan. Subalit, sa
isang paaralan sa malayong baryo, may mga pangkat ng mag-aaral na pinipilign huwag magpakilala upang makapanloko
ng kapuwa. Marami na silang biktima at marami na rin ang nagrereklamo sa kanila. Isang gabi, isa sa kanilang mga biktima
ay pamilya pala ng mga engkantong nagpanggap lamang na tao. Humingi ito ng tulong sa kanilang pinuno at
napagdesisyunang parusahan ang mga mag-aaral. Upang sila ay makilala, sinabitan sila ng maka-kwintas na tali at may
mga nakalimbag na pangalan. Hindi na nila ito matatanggal habang buhay upang hindi na sila makapangloko ng kapuwa.
Nagsisi ang mga mag-aaral at natakot din ang mga tao sa kanilang baryo kaya ginaya nila ang kwintas na may pangalan at
nagsuot ang bawat isa. Lumipas ang maraming taon, patuloy pa rin itong ginagamit ng mga tao at tinawag ito bilang “ID”.

OUTPUT 4

Sumulat ng bayani resume at ibigay ang mga hinihinging impormasyon.


QUIZ 3
I. Panuto: Isulat sa papel ang titik PR kung ang 19. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Albert
pang-abay na may salungguhit at bolded ay sa kanyang mga apo.
pang-abay na pamaraan, PM kung ito ay pang- 20. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa
abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay telepono bukas.
na panlunan.
II. Panuto: Tukuyin sa bawat bilang ang pang-abay
1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si sa bawat pangungusap.
Aries.
2. Naglalaba ng mga damit si Kaleb araw-araw. 1. Gumuhit nang mahusay si Matthew habang
3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa pinanonood ng maraming tao.
tindahan. 2. Nalinisan nang maigi ang sasakyan ninyo.
4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga 3. Pabulong magsalita ang bata dahil mahiyain
uniporme ng kanyang mga anak. siya.
5. Si Ate Nica ay naghahanda ng almusal sa 4. Sinuot niya nang baliktad ang kanyang
kusina. damit.
6. Masarap magluto ng tapsilog si Krizia. 5. Ang bangko ay matatagpuan sa dulo ng
7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag- Ayala Avenue.
anak. 6. Tutulungan ako ni Ate Kiarra mamayang
8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa gabi.
paaralan. 7. Nahuli ang magnanakaw sa likod ng bahay ni
9. Naglakad nang matulin ang magkapatid. Gian.
10. Dali-daling tumakbo si Myren sa kanyang 8. Araw-araw nagdarasal ang pamilya ni Dane.
inay. 9. Kumakain kami ng tsokolate paminsan-
11. Niyakap ni Chloe nang mahigpit si Winelle. minsan.
12. Nahalata ni Kevin ang merienda sa ibabaw ng 10. Pinapunta ng nanay ang kaniyang anak sa
mesa. palengke.
13. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit
kanina,” sabi ni Precious III. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat
14. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang pahayag at isulat ang tinutukoy na impormasyon.
leksiyon?” tanong ni Jamaisah.
15. Pumunta muna si Ryonan kina Jaimee at 1. Ang salitang alamat ay mula sa salitang
Krishna dahil may hihiramin siyang aklat. ______ na “legendus”
16. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing 2. Nangangahulugan ang salitang “legendus”
Linggo. ng __________.
17. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-
Magbigay ng tatlong katangian ng alamat maliban
buwan.
sa pagiging isang maikling kuwento nito. (3pts)
18. Nagbakasyon ang mag-anak na Tan sa
Baguio.

You might also like