You are on page 1of 20

4

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit nang Wasto
at Angkop na Pangatnig
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit nang Wasto at Angkop na Pangatnig
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pamapagkatuto

Manunulat: Jasmin Camille G. Abieras


Editor: Mary Anne C. Angeles
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Ritz A. Catacutan
Sheila Marie F. Sanchez
Tagaguhit at Tagalapat: John Spencer D. Arlega
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan sa Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Paggamit nang Wasto
at Angkop na Pangatnig

Panimula

Magandang araw! Kamusta ka ngayon? Alam ko na


ginagawa mo nang buong husay ang bawat gawaing iniaatas sa
iyo. Ipagpatuloy mo ito!

Alam mo ba ang tawag sa salita o lipon ng mga salita at


kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa
salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang
pangungusap sa kapwa pangungusap?

Sa araling ito, iyong mapag-aaralan ang tungkol sa


pangatnig. Handa ka na ba?

Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig.


(K4WG-IIIh-11)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga pangatnig sa pangungusap, tula at


kuwento,
2. nakabubuo ng sariling pangungusap gamit ang
pangatnig; at
3. nakagagamit nang wasto at angkop na mga pangatnig sa
pangungusap at talata.

Balik Aral

Panuto: Isulat ang TAMA sa sagutang papel kung tama ang


ipinapahayag na kaisipan at MALI kung hindi.

1. Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning


magkuwento ng mga pangyayari na maaring nabasa o
narinig.

2. Pagbali-baliktarin ang mga pangyayari sa kuwento upang


maisalaysay ng maayos ang napakinggang teksto.

3. Maaaring maisalaysay ang napakinggang teksto sa


pamamagitan ng pasalita o pagsulat ng mga pangungusap.

4. Hindi makatutulong sa pagsasalaysay ang pag-iisa-isa ng


mga detalye ng pangyayari sa tekstong binasa o
napakinggan.

2|Pahina
5. Talasan ang pandinig at ituon ang buong atensiyon sa
nagsasalita o sa pinapakinggan.

Pagtalakay sa Paksa

Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Henerasyon: Noon at Ngayon


ni Jasmin Camille G. Abieras

Naaalala pa ni Aling
Liza, noong siya ay bata pa.
Nakatayo siya sa harap ng
kanilang bahay noon,
habang pinagmamasdan
niya ang mga bata sa
kalsada. Pinapanood niya sa
may bintana ang mga
batang naglalaro, bagama’t
mga walang sapin sa paa, masaya pa rin silang naghahabulan
at nagbibiruan. Hindi alintana ang init ng araw kahit
katanghaliang tapat. Hindi pansin ang paligid, bagamat may
peligro itong maidudulot. Ang mahalaga sila ay masaya.

Kay saya noon, kahit simple lang ang buhay. Payak ang
uri ng pamumuhay ngunit ang mararamdaman mo ay hindi
maipaliwanag na kasiyahan. Mga panahong hihinto ka at
magdadasal, kapag kumalembang ang kampana. At pagdating
ng takipsilim, nasa loob na ng tahanan ang lahat at sabay
sabay na magdarasal. Kay simple at kay saya ng buhay noon,
kahit ito ay punong-puno ng kapayakan.

3|Pahina
Napabuntunghininga na lang si Aling Liza, “Ang laki ng
pagka-iiba ng kabataan noon at ngayon, datapuwat parehong
masigasig sa pagharap sa anumang pagbabago, ngunit
magkaiba sa paraan ng pagtanggap nito.” Bigla siyang tinawag
ng kaniyang panganay na anak, “Ma, sale ngayon sa isang
online shop, may magandang bag. Maganda na at saka mura
pa. Gusto mo Ma?” Dumating namang umiiyak ang bunso
niyang anak, “Bakit?”, ang tanong ni Liza. “Nawala ang mga
protection points ko, kaya siguradong matatalo na ako Ma”,
sagot ng kanyang anak. “Akala ko kung ano na, online games
lang pala ang iyong iniiyakan.”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Ayon sa kuwento, ano ang pagkakaiba ng kabataan ngayon


at kabataan noon?
2. Anong uri ng laro ang kinawiwilihan ng mga bata noon at
ngayon?
3. Kung ikaw si Liza, paano mapananatili o maituturo sa
kabataan ngayon ang simpleng pamumuhay?

Basahin ang mga pangungusap na hango sa kuwento.

A. Pinapanood niya sa may bintana ang mga batang


naglalaro, bagaman mga walang sapin sa paa,
masaya pa rin silang naghahabulan at nagbibiruan.

B. “Nawala ang mga protection points ko, kaya


siguradong matatalo na ako Ma.”

4. Ano ang ginamit na pang-ugnay sa pangungusap letrang A?


sa pangungusap letrang B?

4|Pahina
5. Ano-anong mga salita ang mga pinag-uugnay sa
pangungusap letrang A? sa pangungusap letrang B?
6. Ayon sa dalawang kaisipang pinagsama sa pangungusap
ano ang ipinahihiwatig nito?
7. Sa mga nabasang pang-ugnay sa kuwento pumili ng isa at
gamitin sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
8. Ano pang mga pang-ugnay ang mababasa sa kuwento?

TANDAAN:

Ang Pangatnig ay mga salita o lipon ng mga salita at kataga


na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng
isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa
kapwa pangungusap.

Halimbawa:

• Pangatnig na nag-uugnay ng dalawang salita


a. ina at ama
b. prutas o gulay

• Pangtanig na nag-uugnay ng dalawang parirala


a. matangos na ilong at mapungay na mata
b. mahiyaing bata subalit matalino

• Pangatnig na nag-uugnay ng mga kaisipan o ideya sa


pangungusap
a. Maganda ang bahay pero walang nakatira.
b. Tutulong ako sa aking mga magulang kapag
nakapagtrabaho na ako.

5|Pahina
Muling balikan ang mga halimbawa. Sa mga pangungusap
na ito. Ang mga nasalungguhitan ay pinag-ugnay ng pangatnig
na bagaman at kaya.

A. Pinapanood niya sa may bintana ang mga batang


naglalaro, bagaman mga walang sapin sa paa,
masaya pa rin silang naghahabulan at nagbibiruan.

B. “Nawala ang mga protection points ko, kaya


siguradong matatalo na ako Ma.”

Mga halimbawa ng pangatnig

- o, ni, maging, man - kung ngayon


- kung, kapag, pag - daw, raw
- ngunit, subalit - kung sino, kung ano, siya rin
- sa wakas

Paggamit ng Pangatnig:

1. Pangatnig na o, ni, maging, man, kaya – ginagamit upang


itangi ang isa sa ibang bagay o kaisipan.

Halimbawa:
1. Anoman ang mangyari maging matatag ka palagi.
2. Makikinig ka ba o makikipagkuwentuhan na lamang?
3. Ni kausapin si Ana ay hindi ko kayang gawin.

2. Pangatnig na kung, kapag, pag, sana, sakali – ginagamit


upang maisaad ang nais o pasubali.

Halimbawa:
1. Hindi magiging normal ang lahat kung ang mga tao ay
mananatiling matigas ang kanilang ulo.
2. Hindi tayo makapaglalaro kapag wala si Koko.
6|Pahina
3. Magbibisikleta sana kami ni nanay nang biglang umulan.
4. Pag lumakas ang ulan hindi makakapunta dito si Tina.
5. Hindi tayo makahuhuli ng isda sakaling lumakas ang
alon.

3. Pangatnig na bagkus, bagaman, subalit, habang, maliban,


samantala, kahit, datapuwat – ginagamit sa tambalang
pangungusap kung saan ang isang pangungusap ay
kasalungat sa isang punto.

Halimbawa:
1. Maagang nagising si Tim samantalang mahimbing ang
tulog ni Pol.
2. Mahal ni Eric si Roda, subalit hindi niya gaanong
naipararamdam ito.
3. Si Nena ay kumakanta habang sumasayaw.
4. Maliban kay Nika wala ng ibang maaasahan ang
kanilang nanay sakanilang magkakapatid.
5. Matutuloy pa rin tayo sa ating pupuntahan kahit na
hindi sila dumating.
6. Nanalo pa rin sa paligsahan si Tina datapwat may mas
magaling sa kaniya.

4. Pangatnig na gawa ng, dahil, sapagkat, kasi, mangyari,


kaya – ito ay nagsasaad ng dahilan ng isang pangyayari at
sinasagot ang tanong na bakit.

Halimbawa:
1. Gawa ng katigasan ng ulo ng mga tao, mabilis na
kumalat ang COVID-19.
2. Si Alex ang napiling presidente ng kanilang klase dahil
siya ang karapatdapat.

7|Pahina
3. Si Anika ang aking pinagsasabihin ng sikreto sapagkat
siya ay mapagkakatiwalaan.
4. Nadulas si Ken kasi siya ay makulit.
5. Napansin ni Aki na nawawala ang kaniyang pitaka kaya
hinanap niya ito.

5. Pangatnig na kung gayon, samakatuwid, kaya – ito ay


upang maging klaro ang isang pahayag na nasabi na.

Halimbawa:
1. Dali-dali ka kasing sumugod kaya ka nasaktan.
2. Si Juan ang nanalo sa eleksiyon, kung gayon siya ang
mamumuno sa klase.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Panuto: Sumulat ng limang pangatnig na makikita sa tula.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kalinisan o Karumihan?

Paghuhugas ng kamay laging paalala,


kaya ito’y ating ginagawa.
Kalinisan panatilihin nang sa sakit
hindi mahawa.
Katigasan ng ulo ating alisin,
bagkus pagkamasunurin ang
pangimbabawin.

8|Pahina
Pagiging malinis, huwag katamaran, bagkus ating gawin.
Paghuhugas, paliligo, kapag ipinagwalang bahala
Tiyak na dumi at mikrobyo sa iyo ay kakapit
Kapag sa katawan ito’y nagtagal, sakit ang aanihin.

Halina, pakinggan payo ng magulang natin


at ito ay ating sundin.
Kalinisan panatilihin bagkus katamaran iwaksi natin.
Sana’y kalinisan panatilihin,
Walang mawawala bagkus lalawig ang buhay natin.

B. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang mga


pangatnig sa bawat pangungusap at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Nahuli si Yan sa online class dahil tanghali na siyang


nagising.
2. Nais mamasyal ni Lola Goring subalit hindi siya pinayagan.
3. Nakasuot lagi ng face mask at face shield si Xam para
mapangalagaan ang kaniyang kalusugan.
4. Kahanga-hanga ang ipinamamalas na katapangan ng mga
frontliners ngunit napakadelikado nang kanilang gawain.
5. Kaunti ang taong makikita mo sa mall sapagkat limitado
ang taong pinapayagang pumasok.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap.
Piliin ang tamang pangatnig upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Hindi mo (maging, man) gusto wala kang magagawa.


2. Nasugatan si Ana (subalit, dahil) hindi siya nag-iingat.
3. (Gayon din, Dahil) malakas ang hangin, maraming bahay
ang nasira.

9|Pahina
4. (Kung gayon, Kung sabagay) hindi niya rin naman gusto
ang mamuno sa grupo.
5. Hindi mo malalaman (kung, kapag) hindi mo susubukan.
6. (Nang, At sa wakas) tumigil din ang ulan!
7. (Kapag, Habang) pumunta kami sa Baguio, ibibili kita ng
pasalubong.
8. (Maliban, Datapwat) kay Rosa wala na akong ibang
mapagkakatiwalaan.
9. Ipinagtabuyan na siya ng kaniyang magulang (ngunit,
bagaman) ayaw niyang umalis.
10. Bata pa lang si Bebang ay nagtrabaho ni siya (at, gawa ng)
kahirapan sa buhay.

Pang-isahang Pagsasanay
A. Panuto: Pagdugtungin ang dalawang pangungusap gamit ang
tamang pangatnig na nasa loob ng saknong upang makabuo
ng buong pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

(dahil, pero) 1. Dapat siyang tularan. Mabuti ang


kaniyang ginagawa.

(kaya, subalit) 2. Panatilihin ang kalinisan. Laging


maghugas ng kamay.

(kapag, habang) 3. Nakikinig siya ng balita. Iniaayos


niya ang kaniyang gamit.

(upang, maging) 4. Masunurin siyang bata. Ang


kaniyang mga kapatid.

(dahil, pero) 5. Masayang mamasyal sa parke.


Mapanganib ang lumabas.

10 | P a h i n a
B. Panuto: Sumulat ng isang maikling kuwento na binubuo ng
10-15 na pangungusap gamit ang mga pangatnig, tungkol sa
kakilala o hinahangaang frontliner. Salungguhitan ang mga
pangatnig na ginamit at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Batayan sa Pagmamarka

5 4 3 2 1

Napaka- Mahusay Mahusay Katamtaman Sanayin


Kasanayan husay na pa
mahusay

1.Nakasulat nang
maikling
kuwento na
may 10-15 na
pangungusap

2.Nagamit nang
wasto ang mga
pangatnig sa
pagsulat ng
maikling
kuwento.

3.Naisulat nang
maayos ang
kuwento.

Kabuoan

11 | P a h i n a
Pagsusulit

A. Panuto: Isulat ang pangatnig na bubuo sa pangungusap.


Pumili sa mga pangatnig sa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

subalit kaya dahil


upang kung ngunit

1. Hindi ako nakatulog nang maigi kagabi ___________ maingay


ang aking kapitbahay.

2. Sanaying maghugas lagi ng kamay ___________ makaiwas sa


sakit.

3. Walang maidudulot na mabuti ang katigasan ng ulo________


laging gawin ang makabubuti sa inyo.

4. Hapo ang pakiramdam ni Liam na isang frontliner _________


hindi niya inalintana ang kaniyang nararamdaman.

5. Maaari tayong mamasyal ____________ titila na ang ulan.

12 | P a h i n a
B. Panuto: Punan ang patlang nang wastong pangatnig na bubuo
sa diwa ng talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang mga guro, mga sundalo, (1)_________ mga


doktor ay mga dakilang bayani ngayong panahon ng
pandemya. Pare-parehong nagnanais na maglingkod
sa bayan habang nabubuhay, (2)_______ nasa peligro
ang buhay. Gayon man, marami pa rin ang hindi
nakauunawa ng kanilang kalagayan, (3)_______ halos
kaliwa’t kanan ang pambabatikos ang natatanggap.
Ano nga ba ang higit na kanais-nais? Ang patuloy na
maglingkod sa bayan (4)________ ang paglingkuran ka
ng iyong bayan? Sa nararanasang problema ngayong
panahon ng pandemya, (5)_________ pagkakaisa at
pagdadamayan ang siyang manaig sa bawat isa.

13 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Punan nang tamang sagot ang mga patlang. Pumili ng


sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

kung, kapag, pag, sana, sakali

gawa ng, dahil, sapagkat, kasi, mangyari, kaya

o, ni, maging, man, kaya

kung gayon, samakatwid, kaya

gayun man, bagkus, bagaman, subalit

1. Pangatnig na ___, ___, ____, ____, ____– ginagamit upang


itangi ang isa sa ibang bagay o kaisipan.

2. Pangatnig na ____, ____, ____, ____, _____ – ginagamit upang


maisaad ang nais o pasubali.

3. Pangatnig na _____, _____, _____, _____, ay ginagamit sa


tambalang pangungusap kung saan ang isang
pangungusap ay kasalungat sa isang punto.

4. Pangatnig na _____, ____, _____, ______ ay nagsasaad ng


dahilan ng isang pangyayari at sinasagot ang tanong na
bakit.

5. Pangatnig na ____, ____, ____ ay ginagamit upang maging


klaro ang isang pahayag na nasabi na.

14 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Raflores, Ester V., Bagong Likha: Wika at Pagbasa 4, by ISBN


978-971-655-331-4, pp. 429-430

Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc,


Nestor S. Pinagyamang Pluma 9, ISBN 978-971-06-3652-5,
pp. 87

Calatrava, S. at et. al., 2015 Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa


Filipino, Kagamitan ng Mag-aaral.Pasig City: FEP Printing
Corporation, pp.131-137

https://www.slideshare.net/mariejajaroa/pangatnig-58499902

Raflores, Ester V. ISBN 978-971-655-331-4, Bagong Likha: Wika


at Pagbasa 4

15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Balik-Aral
5 4 3 2 1
Kasanayan 1. tumpak
napak Mahusay mahus katamt Sanayi
ahusa na ay aman n pa 2. hindi tumpak
y mahusay
1.Nakasusul
3. tumpak
at nang 4. hindi tumpak
maikling
kuwento.
5. tumpak
2.Nagagamit
nang wasto Pinatnubayang Pagsasanay 1
ang mga
pangatnig A.
sa pagsulat 1. o
ng maikling
kuwento. 2. kaya
3. bagkus
3.Naisusula 4. bagama’t
t nang 5. kapag
maayos ang
kuwento.
Kabuoan B.
1. dahil
Pagssusulit 2. subalit
A. 3. para
1. dahil 4. ngunit
2. upang 5. sapagkat
3. kaya
4. ngunit Pinatnubayang Pagsasanay 2
5. kung 1. Man
2. Dahil
B. 3. Dahil
1. at 4. Kung sabagay
2. kahit 5. Kung
3. kaya/kung kaya 6. At sa wakas
4. o 7. Kapag
5. sana 8. Maliban
9. Ngunit
Pangwakas 10. Gawa ng
1. o, ni, maging, man, kaya
2. kung, kapag, pag, sana, sakali Pang-isahang Pagsasanay
3. gayun man, bagkus, bagaman, A.
subalit, habang, bago, maliban, 1. dahil
samantala, kahit, datapuwat 2. kaya
4. gawa ng, dahil, sapagkat, kasi, 3. habang
mangyari, kaya 4. maging
5. kung gayon, samakatwid, kaya 5. pero
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:
For inquiries of feedback, please write or call:
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Department of Education – Region III – Division of Zambales
Tel./Fax No. (047)
Learning 602 1391
Resources Management Section (LRMS)
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Zone 6, Iba, Zambales
Website: www.depedzambales.ph
Tel./Fax No. (047) 602 1391

You might also like