You are on page 1of 2

Holy Spirit School of Tagbilaran

Ikalawang Markahan
Unang Mahabang Pasulit sa Filipino 7

CNPangalan 7- Setyembre 22, 2016 Iskor KAALAMAN: ______


PROSESO: ______
PANG-UNAWA:_____
PAKSA: Aralin 1: Mga Awiting-bayan at Bulong mula sa Kabisayaan;
Aralin 2: Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
I. KAALAMAN: A. Tukuyin ang mga hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Hanapin sa kahon ang
kasagutan.
salitang pormal maluwaybulong pang-uri
alamat awiting-bayan balbal
oyayi o hele lalawiganin kundiman

1. Ito’y ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag


napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog at iba pang
lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto.
2. Awit sa sama samang paggawa.
3. Bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.
4. Nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kalauna’y nilapatan ng himig
upang mahayag ng pakanta.
5. Awiting pang hele o pampatulog ng bata at tinatawag na lullaby sa Ingles.
6. Tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t madalas na
tinatawag na salitang kanto o salitang kalye. Ito’y slang sa Ingles.
7.Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsya o kaya’y sa
partikular na pook.
8. Ito ang bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa Tagalog.
9.Mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-
aral sa wika.
10.Ito’y legend sa Ingles na mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang
“upang mabasa.”
B. Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat pahayag kung ito ba ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.
1.Siya ay tila anghel sa aking paningin. Kay ganda niyang pagmasdan kapag nakangiti.
2. Oh My God! Ang sarap talaga ng dinner namin!
3. Sinabi ni besh sa akin na maaga kaming papasok bukas.
4. Kelan kaya siya darating? Pagod na ako sa kakahintay sa wala.
5. Sige, dine na kamo kaon.
6. Ipapakilala ko na kina mudra at pudra ang aking nobyo.
7. Ang pag-aasawaý hindi parang kaning isususbo na maaaring iluwa kapag na paso.
8. Na-nenok iyong bagong selpon na binili ko.
9. Yeko lang ako. Gora na tayo.
10.Just call me and I’ll be there kahit saan ka man magpunta.
II. PROSESO:
A. Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng awiting-bayan. Bilugan ang titik ng tamang sagot at ipaliwanag
ang iyong sagot. (5pts. bawat sagot)
1. Batang munti, batang munti, matulog kana,
Wala rito ang iyong ina,
Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti, matulog kana.

Isinasaad ng awiting-bayang ito na.


a. Ang pag-aawit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya.
b. Ang pag-awit para sa sanggol ay para maging mahusay na mang-aawit.
Ito ang kaisipang napili ko dahil

2. “Dandansoy, iiwan na kita


Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ikaý mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw.”

Isinasaad ng awiting bayang ito na….


a. Pinaglalapit ng isang awit ang dalawang magkalayong nagmamahalan.
b. Napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang nagmamahalan.
Ito ang kaisipang napili ko dahil

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa Älamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.”
1. Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kanyang mga anak na sasama sa mga binatang bago palang
nilang nakilala? 2pts.

2. Maktwiran ba ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang mga anak? Bakit? 3pts.

C. Ang binasa nating alamat ay nagtataglay ng mensaheng maaring kapulutan ng aral. Piliin at lagyan ng tsek (/)
ang lahat ng mensaheng taglay ng binasa. Ekis (×) naman ang ilagay sa hindi. Ipaliwanag ang kahalagahan ng
mga mensaheng nilagyan mo ng tsek sa buhay ng isang kabataang tulad mo. (10pts)
Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak.

Ipinagbili ng ama ang lahat ng mayroon siya para lang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.

Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang nasa isipan ng ama kahit pa naging suwail ang mga ito sa kanya.
Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa kanilang magulang.
Ikinamatay ng ina ng pitong dalaga ang hirap sa pag-aalaga sa kanila.

Nagsisisi at muling nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak.

Ano ano ang kahalagahan ng mga mensaheng nilagyan mo ng tsek (/) sa buhay ng isang kabataang tulad mo?

______
III. PANG-UNAWA : Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Batay sa iyong sariling pag-unawa sa binasang alamat, ano-ano ang mga mahahalagang aral na natutunan
mo? Paano o sa anong paraan mo ito maipapakita at maiaaplay bilang isang anak? (20pts.)
Mga Aral nanatutunan Mga gawain bilang anak upang mapahalagahan ang
1. mga aral na natutunan sa alamat

2.

3.

4.

5.
2. Isipin mo ang iyong mga magulang. Paano sila nakatutulong sa iyo? Ano ang dapat mong gawin upang
masuklian ang mga paghihirap na ginawa nila para saiyo? (5pts)

You might also like