You are on page 1of 8

7

Filipino
Ikalawang Markahan-Ikalawang Linggo

MGA PILYEGO NG GAWAING


PAMPAGKATUTO
(Learning Activity Sheets - LAS)

ANTAS NG WIKA

Manunulat:

VICIO, MABLE A.
TIU, MARIE LYN R.
BONONO, ANALYN E.
Mataas na Paaralang Pambansa ng Del Carmen
Sangay ng Siargao
Panimula
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity Sheets – LAS) ay
disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa Ikapitong Baitang upang
maipaliliwanag at masusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa
pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang


nabibigyang-kahulugan ang mga piling salita na ginamit sa awiting-bayan.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:

Aralin 1: Iba’t ibang Antas ng Wika

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nabibigyang kahulugan ang mga piling salita na ginamit sa awiting-bayan;
2. Naihahanay ang mga salitang bihira at karaniwang naririnig sa usapan sa
pagbuo ng pangungusap;
3. Natutukoy ang pagkakaiba ng mga antas ng wika at nakapagbibigay ng
halimbawa nito; at
4. Napagsama-sama ang mga salita mula sa awiting-bayan batay sa
pormalidad ng salitang ginamit.
Pag-aralan ( Key Concepts)
Tingnan din ang inyong aklat sa pahina_

PAKSA: ANTAS NG WIKA

May dalawang kaantasan ang mga salita.Ito ay ang pormal na mga salita at ang
impormal o di- pormal na mga salita.

1.Pormal –Ito ay salitang pamantayang dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at


ginagamit ng karamihang nakapag -aral sa wika. Ito ang kalimitang ginagamit sa
mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal. Ang pormal na mga
salita ay nauuri sa dalawa:

a. Pambansa- Ang mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing


ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng
pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral.

Halimbawa: kapatid, malaki, katulong

b. Pampanitikan- Mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang


matataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.

Halimbawa: kapusod, ga-higante, katuwang,balat-sibuyas

2. Di-Pormal o Impormal- Ito ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit


sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at
kaibigan. Ito naman ay nauuri sa tatlo:

a. Lalawiganin (Provincialism)- Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang


ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita,
bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono ito.

Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)

b. Balbal (slang)- Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang
mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may
pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay
tinatawag ding salitang kanto o salitang salitang kalye..
halimbawa:

erpat—tatay tsikot—kotse

sikyo—security guard lispu—pulis

yosi—sigarilyo praning—baliw

c. Kolokyal (Colloquial)- Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

Halimbawa:

Pormal Kolokyal

Aywan ewan

Piyesta pista

Nasaan nasan

Sa mga awiting bayan, mapapansin natin ang iba’t ibang antas na wikang ginamit sa
akda. Tingnan ang halimbawa.

Saan Ka Man Naroroon

by: Ric Manrique Jr.

Saan ka man naroroon sinta


Pag-ibig kong wagas ang 'yong madarama
Kailan pa man sa iyo'y di lilimot
Pusong uhaw sa iyong pag-irog
Saan ka man naroroon sinta
Pangarap ko'y ikaw,
pagkat mahal kita

Pusong-uhaw ay mapabilang sa antas na wikang pormal. Ito ay nasa


pampanitikang anyo sapagkat ito ay nagtataglay ng mataas na pag-unawa sa mga
mambabasa sa kadahilanang ang kahulugan ay nakatago. Samantalang ang mga
katagang ’yong, ’di ,ko’y ay pawang mga impormal na antas ng wika.
Mga Gawaing Pampagkatuto
( Learning Activities)

Pangkalahatang Panuto: Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel


GAWAIN 1A
Panuto: Piliin a ang mga salitang di- pormal na matatagpuan sa
pangungusap.Gawin ito sa sagutang papel.

1. Dahil sa kahirapan ng buhay ang utol ko ay tumigil muna sa kanyang pag aaral
2. Maraming mga tao ang tila may topak na na dahil hindi nila alam kung paano
harapin ang buhay
3. Ewan ko ba kung bakit may mga taong manloloko sa kanyang kapwa.
4. Pa’no mo nalalaman ang balitang iyan?
5. Ang mga kano ay humahanga sa kagandahan ng ating bansa.

GAWAIN 1-B. Subukin pa natin!

Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na salita sa bawat bilang. Tukuyin
kung anong antas ng wika ang kinabibilangang mga salitang ito.Isulat ang balbal,
kolokyal,lalawiganin pambansa o pampanitikan

1. dyan-
2. nasan-
3. penge-
4. kelan-
5. pista
6. Bunga ng pag- ibig
GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang balbal na ginamit sa usapan nina
Dindo at ng kanyang mga kaibigan. Piliin sa kahon ang katumbas nito sa wikang
pambansa . Isulat ito sa sagutang papel.

___Dindo: Masaya ang tipar kina Jun kagabi.


___Rico: Oo nga pero maaga akong umuwi. May sakit kasi si erpat kaya
Kailangan ko siyang bantayan.
___Nino: Dehins ako nakarating.
_____ Dumating kasi si utol kaya
sinundo muna namin sa airport.
___Bong: Ako nama’y nasiraan ng tsekot nang papunta pa lang.
_____ Sinita nga ako ng lespu. Sa gitna ng kalye ba naman kasi ako tumirik.
___Dindo: Palitan mo na kasi yang tsekot mo ng tsedeng para hindi ka
nasisiraan.
___Rico: Wala pa tayong datung, P’re. Saka na yan.
___Nino: Bagets ka pa naman. Mag-ipon ka pa at tiyak na makakabili
ka rin ng tsedeng balang-araw
___Bong: Pangarap ko ‘yan bago ako maging gurang.
___Dindo: O pano, uwi muna ako. May iniuutos pa kasi si ermat.
___Bong: Sige.. kita na lang tayo bukas.

Ama/ tatay Bata pa handaan hindi Inay/ ina


kapatid kotse matanda pera pulis
bukas Kapit bahay ulila masama abogado
GAWAIN 3
Suriin ang antas ng wikang ginamit SA AWITING –BAYAN na pinamagatang
“Sa Ugoy ng Duyan”
Ihanay ang mga salitang nakadiin o itiniman sa kolum na pormal o kaya ay
di pormal

SA UGOY NG DUYAN
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

PORMAL NA SALITA DI PORMAL NA SALITA


Publishing House .Inc.
DAYAG,ALMA M. et.al.(2015) Pinagyamang Pluma 7 Quezon City.Phoenix
Mula sa Aklat:
Sanggunian
GAWAIN 3
pormal Di pormal
Tanod Ko’y GAWAIN 2
Langit ay buhay Sana’y 1.tepar- handaan
2.erpat- ama/tatay
nanay di 3.dihens- hindi
4.utol- kapatid GAWAIN1B
Gawain 1A
Awit ng pag-ibig Ako’y 5.tsekot- kotse
6. lespu- pulis 1. Kolokyal
2. Kolokyal 1. UTOL
bituin 7.datung- pera
3. Balbal 2. TOPAK
8. bagets- bata pa
4. Kolokyal 3. EWAN
9.gurang-matanda
5. Pambansa 4. Pa’no
10.ermat-ina
6. Pampanitikan 5. kano
Susi sa Pagwawasto
___________________________________________ 3.
___________________________________________ 2.
___________________________________________ 1.
A. Natutuhan ko sa araling ito ang mga sumusunod:
Paglalahat / Repleksyon

You might also like