You are on page 1of 10

REH MONTESSORI COLLEGE

168 Quezon Street, MKD,Talavera, Nueva Ecija

Filipino 7
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Mga Bulong at Awiting-Bayan

Inihanda ni Alan S. Ramos

Pangalan:______________________________________ Petsa:_______________
Baitang at Pangkat: ___________________________________
PANIMULA

Pag-aaralan sa araling ito ang isang matandang uri ng panitikan, ang Bulong, at ang katutubong
panitikan na mga Awiting-Bayan. Ang dalawang panitikan na ito ay nasa anyong patula. Mabibigyan
ang mag-aaral ng ideya tungkol sa kahulugan nito at kung paano ito nagsimula at lumaganap sa
ating bansa. Tatalakayin ang ilang halimbawa ng mga bulong sa iba’t-ibang lugar gaya ng
Pangisanan, Pampanga, at Bicol. Maging ang mga iba’t-ibang uri ng awiting-bayan ay makikilala ng
mga mag-aaral sa modyul na ito. Bukod sa mga panitikang tatalakayin, ang kaantasan ng wika ay
pag-aaralan din rito. Lubos na mabibigyang-kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa mga wikang
pormal at impormal. Dito malalaman ng mga mag-aaral kung saan nabibilang ang mga salitang
karaniwan nang naririnig sa pang-araw-araw na pamumuhay.

LAYUNIN

o Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng


napakinggang bulong, awiting-bayan.
o Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng awiting-bayan
(balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)

PANIMULANG GAWAIN
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag, at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
patlang ang sagot bago ang bilang.

______ 1. Isang uri ng katutubong panitikan na nasa anyong patula ngunit may mga tugtugin at
indayog na naaayon sa damdamin, kaugalian, at himig ng pag-awit noong unang panahon.
a. Sarsuwela
b. Awiting-bayan
c. Oyayi
d. Diyona

______ 2. Awiting-bayan na patungkol sa kasal o nuptial songs.

a. Talindaw
b. Kumintang
c. Oyayi
d. Diyona

______ 3. Awit ng pandigma o war/battle songs.

a. Talindaw
b. Soliranin
c. Kutang-kutang
d. Diyona

_______4. Awit na panrelihiyon.

a. Talindaw
b. Dalit
c. Dung-aw
d. Balitaw

_______ 5. Awiting panlasangan o street songs.


a. Kutang-kutang
b. Talindaw
c. Sambotani
d. Paninitsit

_______ 6. Panghaharana sa tagalog o serenades.

a. Kumintang
b. Pananapatan
c. Diyona
d. Kundiman

_______ 7. Awit sa sama-samang paggawa o work songs.

a. Maluway
b. Kundiman
c. Pananapatan
d. Dalit

_______ 8. Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog o dirges.

a. Pangangaluluwa
b. Dung-aw
c. Dalit
d. Maluway

_______ 9. Ang Paninitsit ay awit ng:

a. Bicolano
b. Kapampangan
c. Pangasinense
d. Bagobo

_______10. Siya ang haligi ng tahanan ng pamilyang Ramirez. Ang pariralang nakapalihis ay
halimbawa ng:

a. Pampanitikan
b. Pambansa
c. kolokyal
d. lalawiganin

_______ 11. “Asan na ba ang bahay ng ating tiyuhin?” Ang salitang nakapalihis ay halimbawa ng:

a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Panretorika

________12. Sina dikong at ditse ang kauna-unahang dumating sa kaarawan ni nanay.

a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Panretorika

ARALIN 5

Mga Bulong

Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mmga sinaunang tao sa kapuluan.
Ito ay itinuturing na kauna-unahang dula ng mga ninuno. Nagpasalin-salin ito sa bibig ng mga
sinaunang tao at maging sa kasalukuyan. Kung susuriin ang mga kaisipan ng bulong ay nananatili pa
rin ito sa tunay na kahulugan nito.

Narito ang ilang halimbawa ng bulong mula sa mga rehiyon sa kapuluan:

1. Bagobo sa Mindanao
Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana mata mo,
Mamaya ang katawan mo,
Patayin ka ng mga anito

2. Pampanga
Tabi… tabi Tabi…tabi
Nuno apo Nuno apo
Makilabas ko pu Makikiraan po
Eda ko pu akakit Hindi po naming kayo nakikita

3. Bicol
Tabi…tabi Tabi… tabi
Tabi! Maikagi Tabi! makiraan
Mga buta kami Mga bulog kami
Dai tabi kamo magrami Huwag po kayong lalapit
Baad matungtungan ni Baka naming kayo maipit

4. Pangasinan
Bari…bari Bari… bari
Bari! Midalanac pa, Bari! Makikiraan po,
Apo bai, Apo laki Apo bai, Apo laki

5. Ilonggo

Tabi, tabi! Tabi, tabi!


Maagi lang kami, Daraan lang kami
Kami patawaron Patawarin kami
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’y aming masagi.

Awiting-bayan

Ang mga awiting-bayan ay isang uri ng katutubong panitikan na nasa anyong patula ngunit may
mga tugtugin at indayog na naaayon sa damdamin, kaugalian, at himig ng pag-awit noong unang
panahon. Marami sa mga awit na ito ay naririnig pa hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang mga awiting-bayan ay nagsasalaysay ng damdamin, karanasan, kaugalian, at
pananampalataya. Maririnig ang mga ito sa buong Pilipinas at ang bawat lalawigan ay may kani-
kanyang awiting bayan na nagpapasalin-salin sa mga henerasyon.
Ang mga awiting baya ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na lumitaw bago
dumating ang mga Kastila. Ito’y naglalarawan ng mga kalinangan n gating tinalikdang panahon.

Karamihan sa mga ito ay may labindalawang pantig. Ito’y may tugma at indayog. Sinasabing ito
ay tula muna bago naging awit. Ang mga titik ng mga awiting-bayan ay naglalarawan ng ugali ng mga
Pilipino na may bakas ng bagong kalinangan at kabihasnang dala rito ng mga Kastila.

Mga Uri ng Awiting-Bayan


1. Oyayi o ayayi – ito’y awiting panghele sa bata o lullabies.
2. Diyona – ito’y awiting tungkol sa kasal o nuptial/courtship songs.
3. Kundiman – ito’y awit ng pag-ibig o love songs.
4. Kumintang – awit ng pandigma o war/battle songs.
5. Soliranin – awit sa paggagaod o rowing songs.
6. Kutang-kutang – awiting panlasangan o street songs.
7. Mulaway – awit sa sama-samang paggawa o work songs.
8. Pananapatan – panghaharana sa tagalog o serenades.
9. Talindaw – Ito’y awit sa pamamangka o boat songs.
10. Sambotani – awit ng pagtatagumpay o victory songs.
11. Balitaw – awit sa paghaharana ng mga Bisaya.
12. Dalit – awit na panrelihiyon o hymns.
13. Paninitsit – (O Kaka, O Kaka)- awiting pantawag pansin (kapampangan).
14. Pangangaluluwa – awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog o dirges.
15. Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilakano.
16. An-naoy – awit sa paggawa ng a palayan sa gilid ng bundok (igorot)
17. Tub-ob- awit sa pag-aani ng palay (manubo, Agusan)
18. Dururu – awit sa pangunguha ng kahoy na panggatong (negrito, Pinatubo)
19. Harana – panawagan sa dalaga sa tapat ng bintana nakaraniwang sinasaliwan ng gitara
(tagalog)
20. Layew- isang awit ng pagpuri pagkaraang paakyatin na sa bahay ang nangharana.

KAANTASAN NG WIKA

A. PORMAL
1. Pambansa – ito ay may salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila.
Kadalasan itong ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa:
ama aso mapalad
maganda halaman labada
aklat bahay malaya

2. Pampanitikan o Panretorika – Ito ay mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang


mga akdang pampanitikan. Karaniwang matayog, masining, at makulay ang mga salitang ito.
Kadalasa’y ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugan.

Halimbawa:
ilaw ng tahanan hindi maarok
sumakabilang-buhay alagad ng simbahan
pusong mamon patay-saling

B. IMPORMAL
1. Lalawiganin – Mga bokabularyong dayalektal. Ginagamit ang mga ito sa isang partikular na
pook o lalawigan.

Halimbawa:
nagpudot mekeni kwarta
sangko agawid dikong
ditse awan bilot (tuta sa Batangas)

2. Kolokyal – Ang mga salitang ito ay ginagamit sa pang-araw-araw a pakikipag-usap ngunit


may kagaspangan at pagkabulgar bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa
nagsasalita. Pinaikli na halaw sa mga salitang pormal, at ginagamit sa mga impormal na
okasyon.

Halimbawa:
pelikula – penikula bakit – ba’t
piyesta – pista tayo na – tena
nasaan – ‘asan kailan – kelan

3. Balbal – itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Tinatawag itong slang sa ingles at


kadalasang tinatawag na salitang kanto. Singaw ng panahon din ito sapagkat bawat panahon
ay may nabubuong ganitong mga salita. Bunga rin ito ng mga partikular na grupo na lumikha
ng sarili nilang wika na may kakaibang tunog o dating.

Halimbawa:
utol tepok jowa
eskapo atik tibo
yosi ermats haybol

GAWAIN 1
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa hiwalay na sagutang papel

1. Ano- ano ang kaisipang ipinahihiwatig ng mga bulong at awiting-bayan? Itala sa talahanayan.

Bulong Awiting-bayan

2. Masasabi bang ang mga bulong at awiting-bayan ay bahagi ng tradisyon o kaugaliang


Pilipino? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Alin sa mga bulong at awiting-bayan ang naibigan mo? Bakit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Paano nagkakaiba-iba ang mga bulong at awiting-bayan ng bawat lalawigan o rehiyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Anong mensahe ang nais ipabatid ng mga bulong at mga awiting-bayan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
GAWAIN 2
Panuto: Ang “Ay Kalisud” ay isa ring awiting-bayan sa Visayas na isinalin sa wikang Filipino.
Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob dito.

Ay Ay Kalisud Ay Kahirapan
(Ilonggo folk song)

Ay ay kalisud, kalisud ng binayaan Ay kahirapan


Adlao gabi firmita itao gui Kahirapang pinabayaan
Natangisan Araw, gabi
Ay ay Inday nga walay sing Palagi kitang iniiyakan
Kapalaran Ay Inday
Walay guid walay guid Nawala ang kapalaran
Sarang ko kalipayan Wala talaga
Wala talaga
Ay cielo azul iabao! Diin ka na
Baluiguita bangi ang nabilango Paano pa ako magiging Masaya?
Sang gugma Nasaan ka na nga ba?
Mayad pa ang mamatay kun halus Tulungan mo ako, saklolohan ako
Mamatay Na nakulong sa iyong pagmamahal
Agud di ako maka dumdum Mas nanaisin ko pa ang mamatay
Nga ako walay kalipay. At tuluyang mamatay
Naku ‘di ko na maalala
Na ako’y walang kaligayahan.

Mga kaisipan mula sa “Ay Kalisud”:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

GAWAIN 3

Sagutan sa iyong teksbuk ang “Pagsasanay A, B, at C” na matatagpuan sa pahina 83


hanggang 84.

GAWAIN 4
Panuto: Sumulat ng sariling bersyon ng Awiting-bayan. Pumili sa mga iba’t-ibang uri ng awiting-bayan
ng nais isulat at isaalang-alang ang paggamit wika ng kabataan. Sundin ang pamantayan sa pagsulat
ng sariling bersyon ng awiting-bayan. Matapos makabuo ng bersyon, kuhanan ng bidyo ang sarili
habang ito ay inaawit at ipasa ang kopya sa iyong guro.

Pamantayan Bahagdan Iskor


May kaugnayan sa paksa 5
May maayos na pagpapahayag 5
May tugmaan 5
Orihinal ang mga salitang ginamit 5
20
PAGTATAYA
A. Tukuyin ang nilalaman ng mga proyektong panturismo. Piliin ang titik ng tamang sagot
sa

______ 1. Isang uri ng katutubong panitikan na nasa anyong patula ngunit may mga tugtugin at
indayog na naaayon sa damdamin, kaugalian, at himig ng pag-awit noong unang panahon.
a. Sarsuwela
b. Awiting-bayan
c. Oyayi
d. Diyona

______ 2. Panghaharana sa tagalog o serenades.


a. Kumintang
b. Pananapatan
c. Diyona
d. Kundiman

______ 3. Awiting-bayan na patungkol sa kasal o nuptial songs.

a. Talindaw
b. Kumintang
c. Oyayi
d. Diyona

_______ 4. Ang Paninitsit ay awit ng:


a. Bicolano
b. Kapampangan
c. Pangasinense
d. Bagobo

_______5. Awit na panrelihiyon.

a. Talindaw
b. Dalit
c. Dung-aw
d. Balitaw

_______ 6. Awiting panlasangan o street songs.

a. Kutang-kutang
b. Talindaw
c. Sambotani
d. Paninitsit

_______ 7. Awit ng pandigma o war/battle songs.

a. Talindaw
b. Soliranin
c. Kutang-kutang
d. Diyona
_______ 8. Awit sa pangunguha ng kahoy na panggatong.

a. Dururu
b. An-naoy
c. Lawey
d. Tub-ob

_______ 9. Awit sa sama-samang paggawa o work songs.

a. Maluway
b. Kundiman
c. Pananapatan
d. Dalit

_______10. Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog o dirges.

a. Pangangaluluwa
b. Dung-aw
c. Dalit
d. Maluway

_______11. “Tabi… tabi, Nuno apo, Makilabas ko pu, Eda ko pu akakit..” Ang bulong na binanggit ay
mula sa:

a. Pangasinan
b. Pampanga
c. Bicol
d. Ilonggo

_______12. “Tabi…tabi, Tabi! Maikagi.. Mga buta kami..Dai tabi kamo magrami,Baad matungtungan
ni..” Ang bulong na binanggit ay galing sa mga taga:

a. Pangasinan
b. Pampanga
c. Bicol
d. Ilonggo

_______13. Itinuturing na pinakamababang antas ng wika.

a. Kolokyal
b. Panretorika
c. Balbal
d. Lalawiganin

_______14. Siya ang haligi ng tahanan ng pamilyang Ramirez. Ang pariralang nakapalihis ay
halimbawa ng:

a. Pampanitikan
b. Pambansa
c. Kolokyal
d. lalawiganin

_______ 15. “Asan na ba ang bahay ng ating tiyuhin?” Ang salitang nakapalihis ay halimbawa ng:

a. Balbal
b. Kolokyal
c. Lalawiganin
d. Panretorika

B. Tukuyin ang uri kaantasan ng wika ng mga sumusunod na salita. Isulat sa patlang kung
PAMBANSA, PAMPANITIKAN, LALAWIGANIN, KOLOKYAL o BALBAL.

________________ 16. tam’nan ________________ 21. astig


________________ 17. kuwaderno ________________ 22. damo
________________ 18. tawag ng kalikasan ________________ 23. tahanan
________________ 19. jokla ________________ 24. amiga
________________ 20. ewan ________________25. kulam

SANGGUNIAN
De Guzman, Nestor C. PhD, Tadeo-Santos, Maylene, David, Hazel M., Santos, Mildred M. at
Pamintuan, CValvin Franco. Bukal ng mga Kasanayan sa Filipino 7: Panitikang Rehiyonal at
Ibong Adarna Philippines: Bright House Publishing 2020

Merida, Marina G., Naval, Evelyn P., at Dela Paz, Elynita S. Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at
Panitikan, Ikatlong Paglilimbag. Quezon City: Abiva Publishing House Inc., 2017

Jamero, Dolores F., at Guevarra, Cecila M. Filipino: Panitikan at Wika, Binagong Edisyon. St.
Bernadette Publishing House Corporation, 2019.

You might also like