You are on page 1of 4

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino VII

I. Layunin

Pagtapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang awiting-bayan;


 Naibibigay ang kahulugan ng awiting bayan at mga uri nito.
 Nakabubuo ng sariling kanta gamit ang tono ng mga awiting bayan na nabanggit.

II. Paksang Aralin


 Aralin: Awiting Bayan at Mga Uri ng Awiting Bayan
 Sanggunian: Supplemental Lesson Plan – pahina 21-22
 Kagamitan: Laptop, visual aids, handouts, pisara at chalk

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Ang mga mag-aaral ay tatayo para sa isang maikling (Tatayo ang mga bata at magdadasal.)
panalangin.
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Ma’am Iggi!
3. Pagtala ng mga lumiban sa klase
Mayroon bang lumiban ngayon sa klase? (Sasagot ang mga bata)
4. Balik Aral
Bago tayo magsimula sa bagong aralin, atin munang
balikan ang nakaraang aralin

Ang dula ay isang uri ng panitikan na ang


Ano ang kahulugan ng dula? pinakalayunin ay itanghal sa isang tanghalan o
entablado.
Magaling!

Ano naman ang mga bahagi ng dula? Ang mga bahagi ng dula ay yugto, tanghal at tagpo.

Mahusay!

Ano ang mga uri ng dula? Ang mga uri ng dula ay ang trahedya, komedya,
melodrama, parsa at saynete.
Magaling!

5. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay igugrupo sa lima at bibigyan ng
kopya ng isang awitin. Bubuo ng isang maikling skit ang Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang skit ay
mga mag-aaral tungkol sa nais iparating ng nabasang ibabahagi sa klase sa pamamagitan ng role play.
awitin.
Mahusay mga mag-aaral!

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga mag-aaral ay makikinig sa isang awitin.
Pagkatapos making, magsasagot ng mga paunang Ang mga mag-aaral ay makikinig sa awitin.
katanungan.
Mga Gabay na Tanong: Nais iparating ng awitin ang pinagdaanan ng mga
1. Ano ang nais iparating ng awiting inyong taong gumagawa ng isang trabaho katulad na
napakinggan? lamang ng pangingisda.
(Maaaring magkaiba-iba ang kasagutan ng mga mag-
aaral.)
Maaaring kaya nagkaroon ng mga awitin tulad ng
aming napakinggan sapagkat maaaring sila ay naiinip
2. Bakit nagkaroon ng mga awiting tulad ng
at nakabubuo ng isang awitin.
inyong napakinggan?
(Maaaring magkaiba-iba ang kasagutan ng mga mag-
aaral.)
2. Pagtatalakay
Tatalakayin ang awiting bayan at mga uri nito.

Ang mga awiting-bayan ay mga awit ng mga


Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin.

Ito ay mga awiting batay sa pamumuhay, tradisyon,


at diyalekto ng isang partikular na lugar sa Pilipinas.

Ang mga paksa nito ay nagbibigay hayag sa


damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon at
kabuhayan.

Mga Uri ng Awiting-bayan:

 Kundiman – awit ng pag-ibig


hal. Manang Biday
 Kumintang o Tagumpay – awit ng pandigma
hal. Awit ng Kabataan
 Dalit o Imno – awit sa diyos-diyosan ng mga
Bisaya
hal. DALIT (HIMNO) of Mabini town (Batangas,
Philippiness) to its Patron, St. Francis of Paola.
Patron namin, San Francisco,
kami’y turuam mo
pagkilalag, pagmamahal,
paglilingkod sa Diyos.
 Oyayi o Hele – awit ng pagpapatulog ng bata
hal. Dandansoy
 Diona – awit sa kasal
hal. Kung ang aso hinahanap
Pag nagtampo’t naglayas
Ikaw pa kaya anak.
- Ferdinand Bajado
 Suliranin – awit ng mga manggagawa
hal. Mayo Uno
Ito ang tanging araw na ating ipagdiriwang
Araw ng manggagawa sa buong daigdigan
Halina't makisama sa martsa nitong bayan
Sabay nating isisigaw ang lahat nang karaingan
 Talindaw – awit sa pamamangka
hal. Sagwan, tayo'y sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tangayin,
Pagsagwa'y pagbutihin.
 Dungaw – awit sa patay
hal. Ay ama nga nageb-ebba
Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.
3. Pagpapatibay ng Konsepto at Kasanayan Ang mga mag-aaral ay babasahin ang ang akda.
Ang mga mag-aaral ay babasahin ng tahimik ang isang
akdang Bisaya – Ang Niyog. Aaralin ng mga mag-aaral (Maaaring magkaiba-iba ang kasagutan ng mga
kung anong uri ng awiting bayan ang kanilang binasa. mag-aaral base sa kanilang pagkaka-unawa.)

4. Paglalahat
Sasagot ang mga mag – aaral.

Ang awiting bayan ay isang awitin ng ating mga


ninuno na hanggang sa ngayon ay inaawit pa din.
Ano ang kahulugan ng awiting bayan?
Ito rin ay mga awiting batay sa pamumuhay,
tradisyon, at diyalekto ng isang partikular na lugar sa
Pilipinas.

Maaaring ang mga paksa nito ay nagbibigay hayag sa


damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon at
kabuhayan.
Magaling! Tama ang lahat ng inyong kasagutan.
Ang mga uri ng awiting bayan ay ang kundiman,
Ano- ano naman ang mga uri ng awiting bayan?
kumintang, dalit o imno, oyayi o hele, diona,
suliranin at dungaw.
Mahusay!
Sa pamamagitan ng mga awiting bayan, ang mga
Pilipino ay mas napapalapit sa mga kanta o
masasabing tradisyunal na kanta ng ating mga
Ano ang kadalasang nagiging tulong ng isang awiting
ninuno.
bayan sa isang Pilipino? Sa isang mag-aaral na tulad
mo?
sa isang mag-aaral na tulad ko, nakakatulong ito na
mas makilala ang mga tradisyon at mga libangan ng
ating mga ninuno.
5. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay papangkatin at gagawin ang
mga sumusunod na gawain:

1. Makaguguhit ng isang larawan tungkol sa


binasang awiting bayan;
2. Makagagawa ng isang maikling pagsasadula
tungkol sa binasang awiting bayan;
3. Makapag-iisip ng isang kanta na konektado sa
awiting bayan na Niyog;
4. Makabubuo ng isang sariling awitin gamit ang
isa sa mga uri ng awiting bayan.

Pamantayan:
Nilalaman – 15 puntos
Partisipasyon – 5 puntos
Presentasyon – 10 puntos

Malinaw ba ang mga gagawin ng bawat pangkat? Opo, malinaw po ma’am!

Maaari na kayong magsimula. Bibigyan ko kayo ng 15 Ang mga mag-aaral ay gagawa kasama ng kanilang
minuto upang maghanda. grupo.
IV. Pagtataya
Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod na pangungusap.
______________ 1. Ito ay isang awitin na nanggaling sa mga ninuno na kadalasang batay sa
pamumuhay o tradisyon sa isang partikular na lugar sa Pilipinas.
______________ 2. Ito ay isang uri ng awiting bayan tungkol sa pag-ibig.
______________ 3. Ito ay isang uri ng awiting bayan tungkol sa diyos-diyosan ng mga Pilipino.
______________ 4. Ito ay isang uri ng awiting bayan na kinakanta upang magpatulog ng bata.
______________ 5. Ito ay isang uri ng awiting bayan na kinakanta para sa mga manggagawa.

V. Takdang Aralin

Magsalisiksik ng iba pang mga awiting bayan mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Isulat ang mga nasaliksik na
awiting bayan sa kuwaderno.

REGINA M. RIVERA BELEN V. MARTIN


GURO I HEAD TEACHER

You might also like