You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN

FILIPINO 7
ARALIN 2.2.1 ALAMAT

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa


sa mga akdang pampanitikan sa Kabisayaan.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting –
bayan gamit ang wika ng kabataan.

I. LAYUNIN:
( F7PN-IIc-d-8) Naihahayag ang nakikitang mensahe ng napakinggang
alamat.
(F7PB-IIc-d-8)Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang
Allamat ng Kabisayaan.

A- Nakapagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari mula sa alamat.


B- Napapahalagahan ang alamat ng Kabisayaan.

II. PAKSANG ARALIN:


A. Paksa: : Panitikan: Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Ikalawang Edisyon, pahina 170-173
C. Kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

III. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagganyak
Pagtawag ng dalawang mag-aaral upang ikuwento ang
pinagmulan ng kanilang lugar.
1. Anong mensahe ang nakuha sa napakinggang kuwento?

B. PAGLALAHAD

b.1 Pagtatanong

1. Nasubukan mo na bang sumuway sa iyong magulang?


2. Paano mo sila sinuway?
3. Ano ang ibinunga ng iyong pagsuway?
4. Sa iyong palagay, paano maiiwasan ng pamilya ang mga
sitwasyong humantong sa pagsuway ng anak sa magulang?

b.2 Pagbasa sa Akda

Pagbasa sa Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan sa


pamamaraang dugtungan.(Pinagyamang Pluma 7 pahina 170-173).
C. PAGTATALAKAY

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng alamat ng Isla ng Pitong


makasalanan?
2. Kung ikaw ay isa sa mga anak ng mangingisda, gagawin mo rin
ba ang ginawa nila?Bakit?Pangatwiranan ang iyong sagot.
3. Batay sa narinig na alamat, isa-isahin natin ang kaligirang
pangkasaysayan ng alamat sa kabisayaan. (Pinagyamang
Pluma 7 pahina 178-179).

D. PAGLALAHAT:

1. Muling isalaysay ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang


alamat ng Kabisayaan.
2. Ano-ano ang mga mensaheng nakuha sa alamat na binasa.

E. PAGLALAPAT:

1. Bakit mahalagang patuloy na babasahin, pag-aralan at matuto


mula sa iba’t ibang alamat ng ating bayan?
2. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga alamat?
3. Paano mo magagamit ang aral na taglay ng alamat sa pang-
araw- araw mong pamumuhay?

IV. PAGTATAYA:

A. Panuto: Ngayong nabasa o nabatid mo na ang tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng alamat, maghinuha ka tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng binasa nating alamat mula sa Kabisayaan; ang “Alamat
ng Isla ng Pitong Makasalanan.” Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga dalagang sumuway sa kanilang ama ay naging mga isla. Bakit
kaya mga isla? Ano ang kaugnayan nito sa uri ng kapaligirang mayroon
ang tagpuan?
2. Nagmatigas ang ama sa kanyang kagustuhang huwag mapalayo ang
kanyang mga anak sa kanyang piling. Sa anong panahon kaya nangyari
ang akdang ito? Ano ang kaugnayan ng panahon sa naging desisyon ng
ama?

B. Panuto: Piliin at lagyan ng tsek (/) ang lahat ng mensaheng taglay ng binasa at
Ekis (x) naman kung hindi.
1. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak.
2. ipinagbili ng ama ang lahat ng mayroon siya para maitaguyod ang pag-aaral ng
kanyang mga anak.
3. Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
4. Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa kanilang
magulang.
5. Nagsisi at muling nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak.

V. KASUNDUAN:

1. Magbasa ng iba pang alamat ng Kabisayaan at ibigay ang mensaheng


napapaloob dito.

You might also like