You are on page 1of 28

1

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

Mga Naranasan ng mga Gurong Mag-aaral ng Bachelor in Early Childhood

Education sa Kanilang Off-Campus Training

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

1.1 Panimula

Ang pagtuturo ay isang larangang ‘di matutumbasan ng anumang

propesyon. Ito ay ‘di lamang humuhutok ng kasalukuyang panahon kundi pati

na rin ang naghihintay na kinabukasan. Ito`y sa kadahilanang

iniimpluwensyahan nito ang estado ng kahihinatnan ng mundong ginagalawan.

Kaya naman napakahalaga ng sistema ng edukasyon ng isang bansa gayundin

ang kaalaman, kakayahan at kahandaan ng mga tagahubog ng mga itinuturing

na tagapagmana ng kalinangan.

Natatangi ang kaalaman, kakayahan at kahandaan ng bawat isa na

nahubog sa paglipas ng panahon at patuloy na umuunlad sa tulong ng mga

karanasan. Karanasang hindi matutumbasan na maaaring may malaking epekto

sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal. Para sa mga magiging guro sa

parehong konteksto, malaki ang dalang epekto ng kanilang karanasan bilang

isang gurong mag-aaral sa aktwal na pagtuturo. Ang malaking ambag na ito ay

nagmula sa kani- kanilang “off-campus training”.


2

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

Sa mga nagnanais na maging guro sa hinaharap, ang isa sa mga

pinakahihintay na kaganapan sa buhay mag-aaral ay ang maranasan ang

pagiging isang gurong mag-aaral. Makakamtan ang mithiing ito pagdating ng

panahon na kung saan ang mga mag-aaral na nasa ika-apat na taon ay

magkaroon ng “practice teaching” sa kanilang “Off-Campus Training”. Ito ay

ang yugto na kung saan ang mga gurong mag-aaral ay makararanas ng

dalawang papel: ang pagiging mag-aaral at ang pagiging isang guro (Atienza,

et al., 2007). Ayon sa kanila, ang mga gurong mag-aaral ay ipinapadala sa

labas ng pamantasan upang hubuging maging isang ganap na guro. Ang

gawaing ito ay magsisilbing gabay para sa kanila upang makita ng bawat isa

kung ano ang papel na gagampanan ng isang guro bilang tagahubog ng bawat

mag-aaral. Kadalasan itong nagsisimula sa pagmasid sa kapaligirang

pampagtuturo na kung saan isa-isang sinusuri ang mga bagay na sangkot sa

sitwasyon at prosesong pampagtuturo. Sunod, sila ay kailangang makisangkot

sa iba’t ibang gawaing pampagtuturo upang magkaroon ng sapat na kasanayan

at kakayahan na kakailanganin bilang guro. At sa kalauna’y magsisilbi itong

kanilang gabay upang maging handa sa anumang aktuwal na gawaing

pampagtuturo.

Sa pamamagitan ng Off – Campus Training, ang mga gurong mag-aaral

ay nabibigyan ng pagkakataong mabalikan at mailapat ang mga karaniwang

teorya at simulain sa pagtuturo na natutunan mula sa pamantasan. Dagdag pa,


3

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

makatutulong ang mga ito upang mas lalong maging handa sa pagiging ganap

na guro.

Sa pag-aaral na ito, inilatag ang mga mahahalagang natutunan kasabay

ang mga kapana-panabik at ‘di malilimutang karanasang nakuha mula sa ilang

buwang pagtuturo ng IV-BECED. Lubos ang aming kagustuhang malaman ang

mga masasaya’t malulungkot nilang kwento at karanasang tiyak na magagamit

at mapagkukunan ng impormasyon bilang mga gurong mag-aaral na sasabak

din sa parehong hamon. Nais din namin na alamin ang mga natutunang teknik

at kagamitang pampagtuturo na angkop sa iba`t ibang grupo ng mag-aaral, pati

na rin ang mga nagalugad na bagong kaalaman para sa paglago ng kalinangan

at pagkatuto.

1.2 Batayang Konseptwal/Teoretikal na Balangkas

Ang Pamantasang Normal ng Pilipinas Visayas ay itinalagang

Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro na kakatawan sa paghubog ng

isang mahusay na guro. Guro na epektibong nakakapaglipat ng kaalaman at

kasanayan na makatutulong sa pagbuo ng bawat mag-aaral na magkaroon na

panghabambuhay na literasi. Hindi maipagkakailang ang pamantasan ay

kailangang makabuo ng isang guro na makatutulong sa bawat mag-aaral na

magkaroon ng sapat na kakayahan upang ang anumang pangangailangan ay

matugunan. Sa pagtugon ng pangangailangan na ito, ang isang gurong mag-

aaral ay nararapat na magtaglay ng disiplina, pagkamalikhain at angkop na


4

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

paglapat ng pamamaraan sa pagtuturo. Ang mga inilahad na katangian ay

makakamit lamang sa tulong ng pagiging gurong mag-aaral sa ilalim ng Off-

Campus Training.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng “Off-Campus Training” para

sa mga magiging guro dahil ito ay makapagbibigay sa kanila ng kabuuang

larawan hinggil sa kung ano ang hinihingi ng naturang propesyon. Ang

programang ito ng PNUV ay dinisenyo upang mabigyang oportunidad ang mga

gurong mag-aaral na malaman at maipakita ang iba’t ibang estratehiya sa

pagtuturo. Sa ilalim ng Outcomes Based Teacher Education Curriculum

(OBTEC) at Trimester Scheme, ang IV-BECED ng PNUV ay unang inatasang

magkaroon ng Off-campus training bilang pagtupad sa pangangangailan sa

kursong edukasyon.

Ayon kay Jerome Bruner sa kanyang teoryang konstraktibismo, ang

pagkatuto ay aktibong proseso kung saan ang mga mag-aaral ay bumubuo ng

bagong kaalaman o konsepto batay sa kanilang iskema at mga bagong

natutunan. Pinipili at binabago ng mga mag-aaral ang impormasyon, bumubuo

ng mga haypotesis at gumagawa ng mga desisyon na nakabatay sa estrukturang

kognitib upang tupdin ang mga ito. Ang estrukturang kognitib, (tulad

halimbawa ng iskema), ay naglalaan ng mga kahulugan at organisasyon na

nagpapahintulot sa indibidwal na lagpasan ang ibinigay na impormasyon.

Kung titignan, nararapat na lamang na ang guro ay magsikap na hikayatin ang


5

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

mga mag-aaral na aktibong makilahok sa talakayan (halimbawa, socratic

method). Ang tungkulin ng tagapagturo na isalin ang mga kaalamang dapat na

matutunan tungo sa kasalukuyang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nararapat na buuin ang kurikulum sa pamaraang paikid o spiral upang ang

mag-aaral ay patuloy na mahubog sa tulong ng kanilang mga natutunan.

Inilahad ni Bruner na ang teoryang instruksiyon ay nararapat na tumugon sa

apat na aspekto (1). Daan tungo sa pagkatuto, (2.) maayos na paglatag ng mga

kaalaman para sa madaling pagkatuto, (3.) ang pinaka-epektibong

pagkakasunod-sunod ng paglahad ng kagamitan at (4.) angkop na pagbibigay

ng pagpupuri at parusa.

Ayon sa aklat na Student Teaching Worktext, bago ang aktwal na

pagtuturo sa klasrum ay may mga gawaing dapat na maisakatuparan. Ito ay ang

paglibot sa paaralan, oryentasyon sa loob ng klasrum at pakikilahok. Sa

pagpasok sa paaralan, bilang isang gurong mag-aaral, ay nararapat na

magkaroon muna ng ugnayan sa katulungang guro pati na sa punongguro.

Ang mga karanasan ng IV-BECED ay maaaring maganda o hindi,

maaaring masaya o malungkot. Samakatuwid, ito ay mahalaga upang

makakuha ng mga kaalaman batay sa kanilang karanasan o naranasan sa

pagtahak sa mundo ng pagtuturo.


6

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

1.3 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ng mananaliksik upang malaman ang

iba’t ibang naranasan ng mga gurong mag-aaral na nasa ika-aapat na taon na

nagpapakadalubhasa sa “Early Childhood Education”. Maaaring ang

karanasang ito ay may malaking kaugnayan sa paaralan, punongguro,

katuwang na guro, kapwa gurong mag-aaral, mag-aaral at magulang ng mga

ito.

Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga gurong mag-aaral ng IV-BECED na sumailalim sa

Off-Campus Training kung papangkatin bilang:

1.1 Kasarian

1.2 Edad

2 Ano-ano ang ginawang paghahanda bago ipinadala sa napiling paaralan?

3 Ano-ano ang naging unang impresyon o saloobin para sa mga sumusunod:

a. Paaralan

b. Punongguro

c. Guro (Cooperating Teacher at Iba pang mga guro sa naturang Baitang)

d. Kapwa Gurong Mag-aaral

e. Mag-aaral

f. Magulang ng mga mag-aaral


7

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

4 Ano-ano ang mga naging karanasan sa pakikipagsalamuha sa mga sumusunod:

a. Punongguro

b. Koordineytor panggurong mag-aaral

c. Guro (Cooperating Teacher at Iba pang mga guro sa naturang Baitang)

d. Kapwa Gurong Mag-aaral

e. Mag-aaral

5 Ano-ano ang mga nakaharap na problema at paano binigyang solusyon ang

mga sumusunod?

a. Punongguro

b. Koordineytor panggurong mag-aaral

c. Guro (Cooperating Teacher at Iba pang mga guro sa naturang Baitang)

d. Kapwa Gurong Mag-aaral

e. Mag-aaral

f. Magulang ng mga mag-aaral

Pangkalahatang Layunin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang iba’t ibang karanasan ng

mga gurong mag-aaral ng IV-BECED sa kanilang Off-Campus Training.


8
1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS
Ang pag-aaral na itoCenter
The National ay naglalayong makatulong at makapagdulot ng
for Teacher Education

pakinabang sa mga sumusunod:

Gurong Mag-aaral: Ang pag-aaral na ito ay makatutulong bilang magsilbing

gabay sa pagkakaroon ng kabatiran at kahandaan sa mga maaaring maganap sa

kanilang Off-Campus Training.

Katuwang na guro: Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng

katuwang na guro ang mga balakid na nakaaapekto sa gampaning

pampagtuturo ng gurong mag-aaral na maaaring matugunan nang mas maaga.

Gayundin, makaaambag ito para mabigyang solusyon ang mga naranasang

suliranin na sangkot ang mga mag-aaral at ang nakapaligid dito.

Guro: Mabisang kasangkapan ng mga guro ang mga natatanging karanasan ng

mga gurong mag-aaral upang makapagbigay ng karampatang solusyon sa mga

hindi inaasahang pangyayari o problemang mga hinaharap at haharapin pa ng

mga susunod na gurong mag-aaral upang mas maging mabisa ang kanilang

pagtuturo. Dagdag pa, nakapagbibigay ito ng impormasyon na maghahatid ng

kaalaman upang mapagtanto na maaaring baguhin at paunlarin ang mga

programa o sistema ng pagsasanay sa mga gurong mag-aaral upang maging

bihasa, bukas at handa sa mga hindi inaasahang pagbabago.

Koordineytor ng panggurong mag-aaral: Sa tulong ng pag-aaral na ito,

maisasakatuparan ang kinakailangang ugnayan ng koordineytor, “intern

superviser” at mga guro upang matulungan ang gurong mag-aaral sa pagtugon


9
ng mga probema na kinasasangkutan nila o ng mga mag-aaral upang maging
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS
epektibong guroThe
sa kinabukasan.
National Center for Teacher Education

Intern superviser: Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng karagdagang

kaalaman sa Intern Superviser upang mapaunlad ang sistema ng paggabay at

paghubog sa mga gurong mag-aaral. Nakatutulong din sila upang matugunan

ang mga problemang kinakaharap at haharapin ng mga gurong mag-aaral na

nasa kanilang patnubay.

Punong guro: Ang punong guro ay bahagi ng pagpapatupad ng programa at

kurikulum upang maging mabisa at epektibo ang pagtuturo. Ang pag-aaral na

ito ay naglalayong magpabatid ng mga problema na kinakailangan ding

mabigyang pansin upang matugunan at mabigyang solusyon.

1.5 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang inilatag na pag-aaral ay sumasaklaw sa mga gurong mag-aaral ng

IV-BECED sa taong 2017. Anim na mag-aaral ang bumubuo rito. Tatlong(3)

babae at lalaki ang mga kalahok.

1.6 Pagbibigay Kahulugan

Karanasan. Ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa paggawa ng isang

bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa ng isang bagay o ng

isang gawain. Isa itong pag-aaral o pagkatuto sa pamamagitan ng mga gawa,

galaw, o kilos.
10

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


Gurong Mag-aaral (png.).Center
The National Ang for
taong nagtuturo
Teacher Educationsa paaralan sa loob ng

maikling panahon bilang paghahanda sa pagiging isang ganap na guro.

Bachelor in Early Childhood Education. Ispesyalisasyon o programang

kinukuha ng mga mag-aaral na nagnanais na makapagturo sa “primary level” o

elementarya. Maaaring makapagturo ang mga nakapagtapos nito mula Kinder

hanggang sa ika-3 Baitang.

Off-Campus Training. Tumutukoy sa isang programa na dapat talimain ng

isang gurong mag-aaral bilang panapos sa kursong Edukasyon.


11

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Nakapaloob sa kabanatang ito ang iba’t ibang propesyonal at akademikong

babasahin na nakatutulong sa pananaliksik. Layunin nitong palawakin ang

kaalaman at magbigay-linaw ng kahalagahan ng isinagawang pag-aaral.

2.1 Literaturang Konseptwal

Pagtuturo

Ang pagtuturo ay isang masalimuot na proseso sa kadahilanang ang

pagkatuto bilang layunin ay isang desisyon na ginagawa mismo ng mag-aaral.

Kung walang aktibong partisipasyon buhat sa mag-aaral sa proseso ng

pagtuturo at pagkatuto, ang lahat ng pagtuturo ay walang halaga. Kung kaya`t

ang pinakamahalagang prinsipyo sa pagkatuto: “Ang pagkatuto ay isang

gawaing pansarili” (Dewey). Para maging matagumpay ang pagtuturo, ang

guro ay kailangang maglapat ng mga angkop na teoriya at mga napatunayang

pamamaraan sa angkop na sitwasyon, kasabay nito ang pagiging malikhain ng

isang guro sa pagtugon ng likas na pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang

kakayahan ng guro sa tamang paggamit ng teoriya at simulain na nagpapatotoo

na ang pagtuturo ay isang agham. Sa kabilang banda, ang kakayahan ng guro

na ilapat ang mga ito sa epektibong pamamaraan na nagpapatunay na ang


12

PHILIPPINE
pagtuturo ay isang NORMAL ang
sining. Samakatuwid, UNIVERSITY
pagtuturo ayVISAYAS
parehong agham at
The National Center for Teacher Education
sining.(Atienza, et. al., 2007)

Inilarawan naman nina Crosswell at Elliot (2004) bilang isang

“passion” (positive emotional attachment) ang propesyunal na dedikasyon sa

pagtuturo ng isang guro. Dagdag pa, ito’y isang paglaan ng oras sa labas kasama

ang mga mag-aaral; isang pagbibigay ng diin sa pangangailangan ng estudyante;

responsibilidad sa pagbahagi at pagpapalawak ng kaalaman, kaugalian,

pagpapahalaga at bilang pakikiisa sa komunidad ng paaralan.

Ayon kay Ehindero, S. (2004), ang pagtuturo ay isa sa

pinakaimpluwensyal na propesyon sa lipunan. Sa kanilang pang-araw-araw na

gawain, ang mga guro ay makagawa ng malaking pagbabago sa buhay ng mga

mag-aaral na maaaring tuwiran at di-tuwiran. Tuwiran sa paraang makikita sa

kanilang pagtuturo na batay sa kurikulum at di-tuwiran naman sa usaping pag-

uugali, saloobin, karakter, ugnayan at interes ng mga mag-aaral.

Ang mabuting guro ay may positibong pananaw sa kung ano ang

maaaring maabot ng kanilang mga mag-aaral, anuman ang mga pinagmulan o

kalagayan nito. Buhat sa kanilang mga naging karanasan, batid din ng mga guro

kung paano tumugon ang mga mag-aaral sa tagumpay. Ngunit ang pagtuturo ay

higit pa sa pag-aalaga at pagrespeto. Nangangailangan ito ng kaalaman,

kasanayang praktikal na gumawa ng matalinong pagpapasya at sa pagbabalanse

ng mga hamon, tensiyon at pagkamalikhain, interes at pagsisikap pati na rin ang


13

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education
pag-unawa kung paano natututo at nalilinang ang mga bata. (Kappan P.D.,

2006)

Iginiit din ni Oyekan (2000) na ang pagtuturo ay isang marangal na

propesyon na may kaakibat na malaking responsibilidad. Samakatuwid, ang

guro ay dapat maging malikhain, bihasa at matatas sa pagtuturo sapagkat ang

propesyong ito ay sadyang kapakipakinabang. Kung kaya’t kinakailangan ding

mataas ang pamantayan nito. Para sa mga dalubhasa, maaaring magmukhang

madali ang pagtuturo ngunit ang kanilang taglay na kasanayan ay natutunan at

nahahasa sa pamamagitan ng pagdalo sa mga training at sa tulong ng kanilang

kapwa guro ay nakakukuha rin sila ng bagong kaalamaan at pedagohiya sa

pagtuturo.

Ayon kay Alton-Lee (2004), kailangang ihanay ng mga guro ang

kanilang propesyonal na karanasan sa kanilang mga kasanayan at pamamaraan

sa pagtuturo upang makatulong sa mga mag-aaral na matuto.

Isa pang mananaliksik na nagngangalang Deppeler (2000), ang

nagmungkahi na magagawang palitan ng mga guro ang kanilang mga

estratehiya sa pagtuturo kung sinusuri nila ang sariling pamamaraan sa

pagtuturo. Ngunit sa kabaliktaran, hindi maipagkakaila na ang mga guro ay

nawawalan na ng panahon at oras sa pagsusuri ng kanilang pedagohiya na

ginagamit sa araw-araw na talakayan na sana’y siyang magiging daan sa pag-

unlad ng pagtuturo. Naniniwala sila na ang paglalahad ng aralin ang tanging


14

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education
pangunahing responsibilidad at layunin bilang guro at hindi na saklaw sa

kanilang tungkulin na alamin kung natutunan ba ng estudyante ang aralin.

Elemento ng Mahusay na Pagtuturo

Ayon kay Gloria G. Salandanan sa kanyang aklat na naisulat na

pinamagatang Elements of Good Teaching ang dalawang konsepto sa

pagtuturo. Una, ang pagtuturo bilang sining. Sa pangkalahatan, ito ay isang

malikhaing pagpapahayag ng intelektwal at emosyonal na katangian na siyang

mahalaga sa pagtaguyod ng pagkatuto. Ang orihinal na saloobin at

pagpahahalaga na ipinapakita ng mga guro sa kanilang pagtuturo ay naglilikha

ng isang kaaya-ayang kapaligiran para sa pangkalahatang kaunlaran ng mga

mag-aaral. Ang pagtuturo ay isang daan upang maabot ang isip at puso ng mga

kabataan na siyang makatutulong upang iangat ang kanilang paninindigan at

pinaniniwalaan na maging isang produktibong mamamayan. Ang likas na

damdamin ng pagiging mapagmahal at maaruga ay nakatutulong upang mas

lalong mapadali ang pagkatuto kahit na mayroong mga kinakaharap na balakid.

Dahil sa pagkapositibo at pagiging matiyaga, ang mga mag-aaral ay

nahihikayat at nagkakaroon ng inspirasyon upang gawin ang lahat ng kanilang

makakaya sa pag-aaral. Ang malikhaing pamamaraan sa paglutas ng mga

suliranin sa pagkatuto at pagtugon sa mga pangangailangan at interes ng mga

mag-aaral ay nagpapatunay na ang pagtuturo ay mapagbigay at hindi

makasarili. Bilang sining, kinasasangkutan ito ng tao at emosyon. Ito’y


15

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

nangangailangan ng higit na personal na katangian ng mga guro, magulang at

mag-aaral na maging bahagi upang maipakita ang ligaya sa pagkatuto.

Pinatunayan ito ni Jamie Godwin sa kanyang blog na ipinalabas noong

June 14, 2016. (ORAS) Ayon sa kanya, sa panahon ng kanyang off-campus

training, naglaan siya ng mahabang oras para sa gagawing paghahanda ng

banghay-aralin. Nagsumikap maghanap ng iba’t ibang paraan at teknik kung

paano ilahad ang mga impormasyon sa bawat aralin. Dagdag pa, naghanap din

siya ng mga angkop at kasiya-siyang gawain para sa mga mag-aaral at

siniguradong naihanda na ang lahat ng mga materyales bago pa man

magsimula ang klase. Gayon pa man, may mga bagay at pangyayaring hindi

inaasahan. Una, nagkakaroon ng problemang teknikal sa teknolohiya.

Pangalawa, natatapos ng mga estudyante ang gawain nang mas maaga kaysa sa

itinakdang oras. O dili kaya’y ang mga mag-aaral, kung minsan, napahahaba

ang ginugugol na oras sa pagpapaliwanag kaysa sa inaasahan.

Sa ginawang paglalahad ni Godwin, ipinakita na dapat taglayin ng mga

gurong mag-aaral ang pagkamalikhain. Malikhaing sa paraan ng pagtuturo, sa

pamamaraan at angkop na metodo na gagamitin sa angkop na oras at mag-

aaral. Dagdag pa, malikhain sa pagtugon ng mga ‘di-inaasahang suliraning

kahaharapin.

“Ang aking karanasan sa pagiging gurong mag-aaral ay hindi

matatawaran. Nailapat ko ang mga natutunan bilang isang mag-aaral sa sining


16

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

sa Pamantasan ng Colorado, napaunlad ang epektibo at interaktibong

estratehiya sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan. Ang tagumpay sa likod ng

aking karanasan ay mula sa paglikha ng ligtas at kaaya-ayang silid, positibong

pakikitungo sa mga mag-aaral, pagbibigay ng alituntunin sa bawat indibidwal,

kaalaman at paglalapat ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo. Mula sa

naging karanasan, naisipan kong gumawa ng kakaibang banghay-aralin batay

sa indibidwal na pangangailangan ng bawat mag-aaral. Kadalasan kong

kinakausap ang bawat isa sa aking mga mag-aaral na may pag-aalala habang

tinutuklas ang kanilang pangangailangan at pamamaraan kung paano sila

madaling matuto. Madali akong lapitan ng aking mag-aaral upang hingan ng

tulong. Habang ako’y nagtuturo, natutunan kong ilapat ang iba’t ibang

estratehiya na makakatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng kooperasyon

sa mga gawain” (Wilson, DATE).

Ikalawa ang pagtuturo bilang agham. Ang pagtuturo ay kinikilala rin

bilang agham. Ito ay tungo sa pagpapalinang ng mapag-usisang isip at

analitikong pamamaraan sa pagtanggap ng mga katotohanan sa kung paano

mag-isip at gumawa. Kung kaya’t ang pagtuturo ay naglalaman ng

sistematikong paraan at estratehiya na katulad sa mga hakbang na sinusunod sa

isang siyentipikong pag-aaral. Ito ay isinasagawa sa isang masusing

pagkakasunod-sunod ng metodolohiya kung saan ang mga gawain sa pagkatuto

ay organisado at planado na hindi isina-alang-alang ang mga senyales ng


17

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

kahirapan, negatibong pag-uugali at pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. Dahil

dito ang bawat aralin ay nagtatapos na panapos na pahayag na matagumpay o

di kaya’y pagkabigo.

Pagkatuto

“Ang masidhing pagkahilig ng guro para sa pagkatuto ay nakikita sa

kanyang paraan ng pagtuturo. Ang pagkatuto ay nangangahulugang “to come

to know”, pagkuha ng kaalaman o pagpili ng mga ideya. Ang tao ay natututo

kapag siya ay nagiging pamilyar dito sa pamamagitan ng pagkakataon at pag-

aaral. Ang pagkatuto ay siyang pinaka-mithiin ng pagtuturo. Habang natututo,

ang indibidwal ay patuloy na nagsusumikap na madagdagan ang kanyang

kaalaman. Kung ito’y huminto, ang pagtuturo ay huminto rin. Ang mga guro

ay natututo sa bawat aralin na kanilang tinuturo at kung paano ito ituro. Upang

maging epektibo ang pagtuturo, ito’y nangangailangan ng kaalaman kung

paano ito malaman. Ang pagtuturo ay nangangailangan ng pagkatuto.

Kinakailangan ng mga guro ang patuloy na pagtuturo sa kanilang sarili ng mga

bago at binagong ideya sa kani-kanilang asignatura, kasabay nito ang pag-alam

kung paano ito ibahagi ang naturang kaalaman sa kanilang mag-aaral” (Gloria

G. Salandanan 2007).

“Ang pakikipag-komunikasyon ko sa kanila ay tunay na kahanga-hanga

at hindi ko inaasahan ang mga natutunan ko mula sa aking mag-aaral at mula


18

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

sa pakikipag-ugnayan patungo sa gawaing pampaaralan” (Sarah E. Bailly,

DATE).

Ayon kina Atienza, Garibay, Ramos sa kanilang Student Teaching

Worktext, isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagiging gurong mag-aaral ay

paglinang ng maayos at kaaya-ayang relasyon sa iba’t ibang tao. Kabilang dito

ang mga mag-aaral, katulungang guro, mga punong guro, magulang at iba pang

kasapi at kapwa gurong mag-aaral. Mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa

proseso ng pagtuturo at pagkatuto sapagkat taglay nito ang pagpapalitan ng

mga kaalaman na makakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao.

Katuwang Guro

Ayon kay Drowatsky na binanggit ni Montebon (1998), ang

pinakamahalagang taong makaiimpluwensiya sa buhay ng gurong mag-aaral ay

ang mga katulungang guro o ang tinatawag na Cooperating Teacher.

Sa kabuuan, ang katulungang guro ay nagsisilbing fasiliteytor at gabay

ng mga gurong mag-aaral sa aktwal ng pagtuturo sa pamamagitan ng

pagbibigay-payo sa kung ano ang mga dapat at ‘di dapat na gawin sa loob ng

klasrum. Sila rin ay nagsisilbing mabuting ehemplo sa pagiging isang

propesyunal, sila ang nakatutukoy ng kahinaan at kalakasan ng mga gurong

mag-aaral sa iba’t ibang aspeto, at tayahin ang mga personal at sosyal na

katangian ng isang gurong mag-aaral base sa kanilang personalidad, pag-


19

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

uugali, kasanayang pangkomunikasyon at kung paano nahuhubog ang kanilang

sarili bilang isang propesyunal. Sa pamamagitan ng kanilang obserbasyon at

pagbibigay ng palagiang fidbak, nakatutulong ito upang umunlad o madebelop

ang kakayahan ng isang gurong mag-aaral. Ang tagumpay ng isang gurong

mag-aaral ay nakasalalay sa kung paano siya hinubog ng katulungang guro sa

loob ng klasrum.

2.2 Mga Literaturang Pampag-aaral

Pag-aaral tungkol sa Pagtuturo ?

Ayon kay Kirsten sa kanyang pag-aaral na pinamagatang Practice

Teachers’ Role in Teacher Education (2013), binigyang diin ang pagkakaroon

ng malawak na karanasan bilang pinakamahalaang katangiang dapat taglayin

ng isang gurong mag-aaral. Dagdag pa, nararapat na may sapat na kaalaman

sila sa paksang araling ituturo at maging isang mahusay na tagapamahala sa

loob ng silid-aralan. At ayon sa kanya, maraming gurong mag-aaral ang

nagpahayag ng positibong pananaw sa kanilang “practice teaching” at sila’y

naging katuwang ng guro sa loob ng silid-aralan at nagbahagi ng mga

panibagong kaalaman at inspirasyon sa mga bagong sibol na kabataan.

Ang mga gurong mag-aaral ay may malaking paniniwala sa kanilang

sarili at tinuturing na sila’y bihasa na sa kanilang larangan, lalong-lalo na kung

ang ipinag-uusapan ay ang pagkadalubhasa sa paksang aralin at ang pagiging


20

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

taga-pamahala sa silid-aralan. Lumabas din sa kanyang pag-aaral na karamihan

sa mga gurong mag-aaral ay nagtataglay ng kasanayang interpersonal at may

natatanging kagalingan. Ang “practice teaching” ay tungkol sa kung paano

nagtutulungan ang gurong mag-aaral at katuwang na guro sa paglutas ng mga

suliranin sa silid-aralan. Itinuturi rin nila ang kanilang sarili bilang

mapagkukunan ng kaalaman. Inilahad ng pag-aaral na nagiging bahagi ang

mga gurong mag-aaral sa araw-araw na gawain, siyang nagbabahagi rin ng

responsibilidad at lumulutas sa mga umuusbong na hamon habang nasa

kanilang practice teaching.

Estratehiya sa Pagtuturo

Mahalaga na ang mga gurong mag-aaral ay may kaalaman sa pagpili ng

angkop na estratehiya sa pagtuturo upang mailahad ng maayos ang paksang

tatalakayin at makamit ang layunin sa pagtuturo. Maraming pag-aaral ang

nagpapatunay na walang nakakalamang na estratehiya sapagkat ito’y

nakadepende sa mga salik sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.


21

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

KABANATA 3

METODOLOHIYANG PAMPANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, mga datos, mga kinalap

na pamamaraan, instrumento, mga nirebisang katanungan at istatistikal na

datos. Kwalitativ ang metodong ginamit sa pag-aaral na ito.

3.1 Disenyo ng pag-aaral

Sa pananaliksik na ito, ang metodong ginamit ay Kwalitativ sa paraang

nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga naranasan ng mga gurong

mag-aaral ng BECED mula sa kanilang Off-campus training. Ang kwalitativ na

pamamaraan ay naglalayong ilantad ang mga kahulugan ng karanasan ng

indibidwal upang ipahayag ang mga pinagdaanan sa buhay. Nagpahihintulot ito

sa mga mananaliksik upang pag-aralan ang kaligiran at mga detalye ng

napiling suliranin sa isang masusing paraan. Bukod dito, ang kwalitativ na

pammaraan ay nagbibigay ng komprehensibong larawan ng mga pangyayari sa

kapaligiran o reyalidad sa buhay o sitwasyon ng tao na nakatutulong upang

mas maintindihan ang mundo gamit ang punto-de-vista ng mga kalahok(

Muhammad Abdus Salam,2015).

Sa pag-aaral na ito, ang kwalitativ na pamamaraan ang ginamit ng

mananaliksik dahil hinahayaan nito na makakalap ng kaalaman tungkol sa


22

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa publiko at `di publikong paaralan sa

pamamagitan ng pakikipanayam at Focus Group discussion.

Sa pamamagitan ng isang interbyu ay makakakuha ng mga impormasyon

ang mga mananaliksik tungkol sa pinagdaanan ng mga gurong mag-aaral na

maaaring maibahagi sa iba pang mga mag-aaral na siyang susunod na sasabak

sa pagpapakitang-turo.

3.2 Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng anim na gurong

mag-aaral; tatlong(3) babae at tatlong(3) lalaki mula sa IV-BECED. “Incidental

sampling” ang pagpili sa mga ginawang kalahok. Ayon kay Guilford at

Frucher, ang disenyong ito ay akmang gamitin sa pagpili ng kalahok na

isinaalang-alang ang kapasidad na makalagak ng panahon para sa pananaliksik.

Pinili ang mga kalahok dahil sila ang pinakamalapit at tiyak na makalalaan ng

oras sa pagbibigay impormasyon gamit ang mga katanungan na dapat

masagutan tungkol sa kanilang Off-campus training na inihanda ng mga

mananaliksik at makakapagtugon sa mga kakailanganing datos sa sinasabing

pag-aaral.
23

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

3.3 Lugar ng pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral sa Division ng Cadiz City. Ang Lungsod ng Cadiz

ay isang rural at nasa coastal area. Ayon sa dictionary.com Ang sentral na

paaralan ay isang pampublikong paaralan na binubuo ng mga mag-aaral at guro

na matatagpuan sa mga lungsod.

3.4 Instrumento sa pangangalap ng mga datos

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng talatanungang

sarbey kung saan ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan

hinggil sa karanasan o naranasan ng mga gurong mag-aaral na BECED sa

kanilang Off-campus Training. Ang mga katanungan ay naglalayong ipaalam

sa iba pang mga estudyante ang mga kapasidad at kakayahan upang maging

batayan ng mga gurong mag-aaral sa pagpapakitang-turo. Upang malaman ng

mga mananaliksik ang kanilang mga respondente, isinama nila ang mga

personal na datos ng mga ito gaya nga pangalan, edad, kasarian, paaralan at

baitang na tinuturuan. Ang mga katanungan ay inilahad ng mga mananaliksik

sa gurong mag-aaral na BECED gaya ng; Ano-ano ang mga naging karanasan

sa pakikipag-ugnayan sa mga sumusunod: paaralan, punongguro, guro

(Cooperating Teacher at Iba pang mga guro sa naturang Baitang), kapwa

Gurong Mag-aaral, mag-aaral at magulang ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan

ng mga katanungang ito, nakukuha ang mga target na impormasyong


24

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

makatutulong sa mga mananaliksik na makakalap ng karagdagan at

makabuluhang datos na may kaugnayan sa pag-aaral.

Bukod dito, sumailalim din ang mga kalahok sa “Focus Group Discussion”

o FGD para makakuha ng mga karagdagang datos kung saan ang tagapanayam

o tagasiyasat ay naghanda ng mga katanungan kaugnay sa suliranin ng pag-

aaral. Ang mga mananaliksik at mga kalahok ay may kalayaan sa

pagpapahayag ng mga kasagutan o ideya na maaring hindi inaasahan. Ganoon

pa man, may mga bagay na dapat isaalang-alang, paano at saan patungo ang

diskusyon ay nakadepende pa rin sa mga mananaliksik. (Venancio B.

Ardales,2001)

3.5 Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng paghahanda para sa pananaliksik

na ito. Katulad na lamang ng pagbabasa ng mga aklat at pananaliksik sa

internet na may kaugnayan sa pag-aaral na isinasagawa.

1. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa mga sumusunod

na sanggunian: a.) mga aklat sa Student Teaching b.) mga tesis c.) internet d.) sa

mga mag-aaral na nakaranas na ng pananaliksik e.) sa mga eksperto sa

pananaliksik at sa iba pang babasahin na may kinalaman sa pag-aaral.

2. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan tungkol sa mga naranasan

ng mga gurong mag-aaral na BECED.


3. Pinaghandaan din ng mga mananaliksik ang mga katanungan na gagamitin para
25
sa Focus Group Discussion o FGD.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS
4. Ang mga inihandang talatanungan
The National ay Teacher
Center for ipinasuriEducation
sa mga dalubhasa sa Filipino at

eksperto sa pananaliksik.

3.6 Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga datos na nakalap mula sa Interview at Focus group discussion ay

iaanalisa sa pamamagitan ng pagtatasa ng nilalaman. Ang pagtatasa ng

nilalaman o content analysis ay isang paraan ng pagkakategorya ng mga datos

sa berbal at asal sa layuning makapag-uri, makapaglagom o makapagbuod at

makapaghanay.

Mayroong dalawang lebel ang pagsusuri:

1. Pangunahing lebel o lebel na manipesto: isang halimbawa ng datos na

mapaglarawang sinasabi ngunit walang mga komento o mga teorya kung

bakit o paano.

2. Mataas na antas o nakatagong antas ng pag-aaral: isang higit na nag

papaliwanag ng pag-aaral na nag-aalala sa mga tugon pati na rin sa kung

ano ang maaaring natukoy o naipahiwatig.

Paano i-analize ang results


Ang bawat kasagutan ng IV-BECED sa mga katanungan ay inirekord at
26
inihahambing sa bawat isa. Hangarin nitong malaman ang kani-kanilang
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS
karanasan habang nasa
The Off-Campus
National Training.
Center for Teacher Education
27

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education
28

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS


The National Center for Teacher Education

You might also like