You are on page 1of 9

SAINT MICHAEL COLLEGE

Cantilan, Surigao del Sur


College Department

Banghay Aralin sa Filipino VIII (Maikling Kuwento)

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
A. Natutukoy ang kahulugan ng maikling kuwento
B. Nasusuri ang iba’t-ibang elemento ng maikling kuwento gaya ng tagpuan, tauhan,
banghay, at iba pa.
C. Nakakalikha ng maikling kwento sa pamamagitan ng komiks istrip.
D. Nalalaman ang kahalagahan ng maikling kuwento sa ating buhay.

II. Nilalaman: Paksa: Maikling Kuwento (Ang Kalupi)


III. Sanggunian: Aklat sa Panitikan IV nina Badayos, Gugol, Belvez at Villafuerte,
pp. 142-150.
IV. Kagamitan: Mga kagamitang tanaw-dinig (Audio-Visual): Plaskard, Flash drive,
Smartphone(Powerpoint Presentation), paper tape, printed materials, ¼
illustration board at lapis.
V. Values Integrasyon: Katapatan at Kabaitan.
VI. Pamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
- Inaanyayahan ang lahat na tumayo para sa ating
panalangin. - Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu
Santo. AMEN!!!

 Pagbati
- Magandang Umaga mga bata! - Magandang umaga po G. Maratas.
- Maaari na kayong umupo.
- Maraming salamat po
 Pagtsek ng mga mag-aaral sa klase
- Sino ang lumiban sa araw na ito?
- Wala po sir.
- Mabuti naman kung wala.

B. Pagganyak
- Ngayon, sino dito sa inyo ang mahilig magbasa
ng mga kuwento? - Ako po sir.
- Ako rin po sir.
- Magaling dahil karamihan sa inyo ay mahilig
magbasa ng mga kwento.

- Anu-anong mga pamagat ng kuwentong nabasa


niyo? - Anna: Ang Kuwento ni Mabuti
- Justin: Biag ni Lam-ang
- Karl: Ang Pagong at ang Kuneho
- Nako ang gagaling naman. Ako ay nagagalak kasi
nakikitang kong nagbabasa talaga kayo ng mga
kwento.
- Sino sa inyo ang gustong makarinig ng kuwento?
- Kami po sir.
- Sige, makinig ng mabuti mga bata. Handa na ba
kayo? - Opo sir.

- Ang pamagat ng kuwentong ito ay “Ang Kalupi”


ni Benjamin Pascual.

- Ngayon para mas maintindihan ninyo ng mabuti,


ipapakita ko sa inyo ang kwentong “Ang Kalupi”
ni Benjamin Pascual sa pamamagitan ng video
presentation. Ang kailangan lang ninyong gawin
ay manood at makinig ng mabuti dahil
pagkatapos nito ay may itatanong ako sa inyo
tungkol sa inyong pinanood. Maliwanag ba mga
bata? - Opo sir.

- Ngayon may mga tanong akong ibibigay sa inyo.


Tatawag ako ng mga pangalan na sasagot.

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinahayag sa pelikulang inyong pinanood - Peter: Ipinahayag sa pelikulang aming
Peter? napanood ang pagbibintang ni Aling Marta
sa batang nakabunggo sa kanya na ninakaw
niya ang pitaka ni Aling Marta

2. Ano ang pinaka-ugat ng pangyayari sa pelikula - Jina: Ang pinaka-ugat ng pangyayari sa


Jina? pelikulang aming napanood ay ang
pagsisisi ni Aling Marta sa nagawang
pagbibintang sa batang pulubi kaya
naipahamak niya ito.

- Paul: Base sa palabas na aking napanood ay


3. Ano ang aral na nakuha niyo sa pelikula Paul?
natutunan ko na masama na husgahan natin
ang panlabas na anyo ng isang tao.

- Magaling mga bata. Talagang nakinig kayo ng


- Salamat po sir.
mabuti dahil nasagutan niyo lahat ng aking mga
tanong.
- May isa pa akong tanong, ano ang napansin ninyo - Napansin ko po na mas maikli ito kaysa sa
sa ipinakita kong kwento sa inyo? mga nabasa kong kwento sa mga aklat at
magasin.

- Tama! Maikli ito kaysa sa ibang kwentong


makikita niyo sa inyong aklat.

- Alam niyo ba kung ano ang tawag dito?


- Marie: Maikling Kwento po sir.
- Magaling! Ang tawag dito ay Maikling Kwento.

C. Paglalahad
- Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay tungkol
sa Maikling Kuwento.

- Ang kuwentong “Ang Kalupi” na pinanood natin


kanina ay isang halimbawa ng Maikling
Kuwento.

- Sa inyong palagay ano ang kahulugan ng


maikling kuwento Ian? - Ian: Sa aking palagay po ito ay kuwento na
may mga tauhan na gumaganap at may
tagpuan din kung saan gaganapin ang
nasabing pangyayari sa kuwento.
- May punto ka riyan.
D. Pagtatalakay
- Ang Maikling Kuwento ay isang masining na
anyo ng panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa.

.
- Ang maikling kuwento rin ay may mga elemento.
Alamin natin kung ano ito.

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO


1. Tauhan
- ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kuwento.

2. Tagpuan
- ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kuwento.

3. Kaisipan
- ito ay ang mga mensahe ng maikling kuwento sa
mambabasa.

4. Suliranin
- ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng
tauhan sa kuwento.

5. Tunggalian
- ito ay maaaring tao laban sa tao,tao laban sa sarili,
tao laban sa sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

6. Paksang Diwa
- ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kuwento.

- Naintindihan ba ninyo ang mga element ng - Opo sir.


maikling kuwento?
- Magaling! Ano nga ulit ang mga elementong
iyon? - Tauhan , Tagpuan, Kaisipan, Suliranin,
Tunggalian at Paksang Diwa .

- Tama! Masaya ako dahil nakinig kayo ng mabuti


sa ating talakayan. Wala na bang mga tanong?
- Wala na po.

E. Paglalapat
- Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain
- Sige po sir masaya yan!

- Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat, dahil


gagawa kayo ng inyong sariling maikling kwento
sa pamamagitan ng isang komik istrip. Ang
unang column ang magsisilbing unang pangkat at
ang pangalawang column ang siyang
pangalawang pangkat, ang pangatlong column ay
ang pangatlong pangkat at ang pang-apat na
column naman ang pang-apat na pangkat.

- Malinaw ba?

- Opo sir.
- Mayroon akong inihandang apat na ¼ illustration
board at mga lapis para sa paggawa ng komik
istrip.

- Makinig ang lahat sa ibibigay kong panuto.

Panuto:
Para hindi kayo mahirapan sa paggawa ay kayo ang
pipili ng inyong sariling paksa. Ang bawat pangkat
ay bibigyan ng 15 minutos sa paggawa ng komik
istrip.
Rubriks sa paggawa ng Komiks Istrip
Pamantayan Puntos
Kalinisan ng larawan at 5
pahayag na ginamit
Kaisahan ng mga 5
pangyayari
Kalinawan ng salitang 5
ginamit
Kaisipan ng komiks 5
Teamwork 5
Kabuo-an 25

- Malinaw ba ang panuto?

F. Paglalahat
- Pagkatapos ng ginawang komik istrip, ano ang
-Malinaw po sir
inyong naramdaman?

- Magaling. May natutunan ba kayo sa ating


talakayan ngayong umaga?
- Masaya po sir.

- Magaling! Sa inyong palagay ano ang


- Marami po sir.
kahalagahan ng maikling kuwento sa ating
buhay?

- Ben: Sir ang kahalagahan ng maikling


kuwento sa ating buhay ay nagbibigay ito
ng mga mabuting asal o aral na magagamit
- Tama! Malaki talaga ang naidudulot ng mga
natin sa araw-araw nating
maikling kuwento sa ating buhay.
pakikipagsapalaran sa buhay.

- May mga tanong pa ba kayo o hindi naintindihan


sa ating paksa ngayon?

G. Pagsubok
- Kung ganun kumuha kayo ng kalahating papel at
sagutin ang sumusunod na tanong.

- Wala na po.
1. Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kuwento.
2. Ito ay ang mga mensahe ng maikling kuwento sa
mambabasa.
3. Ito ay maaaring tao laban sa tao,tao laban sa
sarili, tao laban sa sa lipunan, o tao laban sa
kalikasan.
4. Ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng
tauhan sa kuwento.
5. Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang
kuwento.

Ipasa na ang papel sa harapan.

H. TakdangAralin
- Magsaliksik ng iba’-ibang uri ng maikling
kwento para sa susunod na talakayan.

- Paalam sa lahat.
- Paalam na po G. Maratas.

You might also like