You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

University of Southern Mindanao


College of Education

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA MTB-MLE 2


Ipinasa nina: MANTAWIL, Jehaina at CALILAN, April Joy
3 BEED-A

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 45 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nalalaman ang elemento ng isang kwento.


b. Nakabubuo ng maikling talatang nagsasalaysay ng mga tauhan, tagpuan, at
banghay na mga pangyayari, at;
c. naiuugnay ang kahalagahan ng kwento sa pang-araw-araw na buhay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagsusulat ng Talatang Nagsasalaysay
Kagamitan: Visual Aids, video presentation, worksheet
Sanggunian: PIVOT 4A CALABARZON- MTB-MLE G2

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


a. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- Tumayo ang lahat para sa ating panalangin
na pangungunahan nina Lino para sa Muslim (ang mag-aaral ay mananalangin)
prayer at si Lina para naman sa Christian
prayer.

2. Pagbati
- Magandang Araw sa inyong lahat! - Magandang araw din po.
- Kamusta ang inyong araw? - Mabuti naman po.
- Bago kayo magsi-upo, ayusin muna ang
inyong mga upuan at tignan ang mga kalat sa
inyong kapaligiran.

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


- Sino ang lumiban sa ating klase ngayon? - Wala po titser, narito po ang lahat.

4. Paglalahad ng pamantayan sa klase


- Anu-ano ang dapat nating tandaan pa gang - Umupo ng matuwid
guro ay nagsasalita sa harapan? - Itaas ang kanang kamay kung nais
sumagot
- Iwasan ang paglalakad sa loob ng
klase kung hindi kinakailangan.

- Maaasahan ko ba itong lahat sa inyo? - Opo titser

5. Takdang- Aralin/ Pagbabalik- Aral


- Pakipasa sa harapan ang inyong mga
takdang aralin.
- May ipapakita ako sa inyong mga larawan at
inyong tutukuyin ang mga pamatlig na ginamit
sa pangungusap na nasa ibaba ng larawang
aking ipapakita.
B. Paglinang na Gawain

- Ano ang nakikita nyo sa unang larawan? -elepante, lion, usa, mga ibon at puno po
titser.
- Saan ninyo nakikita ang mga hayop sa - sa bukid po.
larawan?
- Ano kaya ang ginagawa ng mga ito? - sila po ay nakatayo lamang titser.
- Magaling! Base naman sa ikalawang
larawan, ano ang inyong na-oobserbahan? - ang tipaklong at ang langgam.
- Ano ang pagkakatulad ng dalawang - Ang dalawang larawan ay nagpapakita
larawan? ng mga hayop sa bukid.
- Tama, ito ay nagpapakita ng hayop sa bukid
at narinig niyo na ba ang kwento ukol sa mga - Wala pa po
hayop sa bukid?
- Ngayong umaga, ating pag-aaralan ang
elemento ng kwento at paggawa ng maikling
talata na nagsasalaysay.
- Bago tayo magpatuloy sa klase, atin (babasahin ang layunin)
munang basahin ang ating layunin sa araw
na ito.

1. Pagganyak (Activity)

1. Sino ang pangunahing tauhan o


gumanap sa kwento?
a. Jayjay b.Jaypee c.Jaylo

2. Saan at kayl;an naganap ang kwento?


a. kahapon, sa may simbahan
b. sa bahay nina Jaypee
c. noong unang panahon sa lobo, Batangas

3. Saan galing ang perang ipinambili ni


Jaypee?
a. Sa ipon at baon niya
b. Sa tatay niya
c. Napulot niyang pera

4.Bakit nakawala ang lobo ni Jaypee?


a. inagaw ng isang bata
b. nabitawan niya.
c. naputol ang tali
5.Ano ang nadama ni Jaypee ng makawala
ang kaniyang lobo?
a. natuwa
b. nagulat
c. nanghinayang

2. Paglalahad
- Ano ang napansin ninyo sa ating activity? - Tungkol sa kwento
- Magaling, ngayong araw, pag-uusapan natin
ang tungkol sa kwento

3.Pagtatalakay (Abstraction)
- Obserbahan ang larawan, ano ang - Ang larawan ay tungkol sa kwento
inyong nakikita? ng
- Tama, ito ay kwento ng mga Hayop
- Sa isang kwento, ano-ano ang dapat - Tauhan, tagpuan at banghay ng
nating makita? isang kwento.
- Tama, sa isang kwento, inaasahang
makikita ang tauhan, tagpuan at ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari
sa kwento.
- Kayo ba ay nakakita o nakarinig na ng - opo
isang Kwento?
- Gaya lamang ng larawan na aking
ipinakita, ang larawang iyon ang
patungkol sa kwento ng hayop bukid.
- Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang - Ang tauhan ay syang gumaganap
tauhan? sa isang kwento
- Ang larawang ito ay nagpiprisenta ng
tauhan sa isang kwento.
- Base sa larawan na aking ipinakita, - elepante, lion, usa, mga ibon,
ano ang mga tauhan sa kwento? tipaklong at pagong
- Natatandaan niyo pa ang kwento ng
isang batang si Lina? Si Lina, batang 7
taong gulang, ay masiyahan.
Tinutulungan niya ang kaniyang nanay
sa pagtitinda ng kakanin.
- Sa katauhan ni Lina, nabanggit natin
ang kaniyang pangalan, katangian at
kilos sa kwento.
- Ano ang mga katangiang binanggit kay - Siya ay pitong taong gulang at
Lina? masiyahin.
- Ano namang kilos ang kaniyang - Tumutulong sa nanay sa pagtitinda
ginawa sa kwento? ng kakanin.
- Batay sa talatang ito, ano ang
gagamitin nating talatang
magsasalaysay kay Lina ay:
- Siya po ang gagamitin nating
Siya ay pitong taong gulang. talata.

- Magaling! Ang gagamitin nating talata


upang magsalaysay ay Siya.
- Ngayon naman ay tapos na nating
siyasatin ang tauhan sa isang kwento,
kilalanin natin natin ang tagpuan ng
kwento.
- Sa inyong sariling opinion, ano ang
tagpuan?
- Ang tagpuan ay syang tumutukoy
- Tama, ang tagpuan ang siyang kung saan at kailan naganap ang
ginagamit upang tumukoy kung saan kwento.
at kailan naganap ang isang kwento.
- May inihanda akong maikling kuwento
at atin namang uusisain ang mga
ginamit na tagpuan rito.
Madalas ang magkapatid na sina Mal, Anna at
Kate sa may tabing ilog noong wala pang
COVID-19. Subalit nanatili na lamang sila sa
loob ng bahay at doon maaaring maglaro.
Isang araw, habang nag-aalmusal sa hapag-
kainan ay ipinaliwanag ng kanilang ina ang
mga pagbabago sa nakagawian ng pamilya.

- Ano ang tagpuan na ginamit sa


kwentong ito?
- Tabing ilog, loob ng bahay, isang
- Tama, ang mga talatang ito ay syang araw at nag-aalmusal sa
tinatawag nating mga tagpuan sa hapagkainan.
kwento.

- Paano naman tayo gagamit ng mga


talatang nag-uugnay sa tagpuan?
- Tama. Sa parke ay maaari nating
gamitin upang tumukoy sa tagpuan ng - Sa parke tayo dadaan.
isang kwento.
- Ang iba pang talatang maaari nating
gamitin ay: bahay, eskwelahan, ilog,
tindahan at marami pang iba.
- Ano na nga ba ang mga element ng - Tauhan at tagpuan
kwento ang ating natalakay?
- Tama, ang tauhan at tagpuan. Ngayon
naman, ating tatalakayin ang
panghuling elemento ng kwento, ang
Banghay
- Ano nga ba ang Banghay?
- Ang Banghay ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o kaganapan sa kwento.
Mayroon itong limang bahagi:
1. Panimula
2. Saglit na kasiglahan
3. Kasukdulan
4. Kakalasan
5. Wakas
- Mayroon ba kayong ideya kung ano - Ang Panimula ay kung papaano
ang ibig sabihin ng Panimula? nagsisimula ang isang kwento.
- Tama, ang panimula ay
nagpapahiwatig kung papaano
nagsisimula ang isang kwento.
Maaaring magsimula ito sa mga ingay
na naririnig o mga nababasag na gamit
sa bahay.
- Ang Saglit na Kasiglahan ay dito
naman nagsisimula ang suliranin sa
kwento samantala, ang kasukdulan
naman ay ang bahaging
kapanapanabik. Dito nagaganap ang
tagpong may pinakamasidhing
damdamin.
- Isang halimbawa nito ay; nangyari ito
nang makita ni Lino ang kaniyang
inang umiiyak.
- Ang kakalasan naman ay tagpong
nagkakaroon ng lunas o solusyon ang
mga suliranin sa kwento.
- Ang panghuling bahagi ng banghay ay
ang Wakas. Dito naman ay
nagkakaayos ang samahan ng tauhan
sa kwento.
- Upang mas lalo nating maintindihan
ang tatlong element, narito ang isa
pang halimbawa.

4. Paglalahat (Analysis)
- Ngayong araw, inyong natutuhan ang
pagbuo ng talata gamit ang mga - KUWENTO
impormasyon mula sa K_W_N_T_.
- Ibigay ang tatlong elemento ng - Tauhan, tagpuan at banghay
kwento.
- Magbigay ng halimbawa ng tauhan. - Tina
- Magbigay ng halimbawa ng tagpuan. - Nasa simbahan
- Ano ang limang uri banghay. - Panimula
- Saglit na kasiglahan
- Kasukdulan
- Kakalasan
5. Paglalapat (Application) - Wakas
- Batay sa binasang kuwento, buuin ang
talatang nagsasalay say Mona.
Salungguhitan lamang tamang sagot.
6. Repleksiyon
- Nagustuhan ba ninyo ang ating mga - Opo
ginawang aktibidad?
- Anong aral ang inyong natutunan sa - Ang element ng kuwento at
ating ginawang aktibidad? paggamit ng talatang nagsasalay.
- May mga katanungan ba kayo tungkol - Wala na po
sa ating aralin?

IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Ito ay nagsasalaysay ng isang paglalahad ng tunay o isang kathang pangyayari
tungkol sa isang tao.
a. Kuwento b. Tauhan c Tagpuan

2. Ito ay gumaganap sa kwento.


a. Banghay b. Tauhan c Tagpuan

3. Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kuwento.


a. Banghay b. Tagpuan c. Tauhan

4. Ang sumusunod mga elemenot ng kuwento, maliban sa:


a. Kuwento b Banghay c. Tagpuan d. Tauhan

5. Ilan ang bahagi ng Banghay ng isang kuwento?


a. 3 b. 4 c.5 d. 6

V. Takdang Aralin
- Basahin ang maikling kuwento at tukuyin ang Tauhan, tagpuan at Banghay na
ginamit sa kuwento.

GEMKARL RUFER DENAYN B. GALANG


Guro

You might also like