You are on page 1of 58

FILIPINO 3-

IKAAPAT NA
LINGGO
(QUARTER 1)
Isinulat ni:
Gng. Michelle L. Guinita
Inilahad ni:
Gng. Nina Marie L. Villalon
I. Paghahanda
Mga bata dahil panahon ngayon ng pandemic,
dapat stay at home lang tayo palagi para makaiwas sa
sakit na COVID-19. Kaya sa panahon ngayon
kailangan marami kayong matutunan na gawaing
bahay. Dapat tumulong kayo sa inyong mga magulang
dahil mahirap ang maghanapbuhay lalong- lalo na sa
panahon ngayon.
MGA BATA MAKINIG KAYO SA KUWENTO
NA AKING BABASAHIN
Bago natin basahin ang kuwento bibigyan muna natin ng
kahulugan ang mga mahihirap na salita na mababasa o
matatagpuan sa kuwento.
• panggatong- piraso ng kahoy na gagamitin sa pagluto ng pagkain
• basahan- trapo
• hapag- kainan- mesa
MATULUNGING BATA
Ang mabait, masipag, maalalahanin
at mapagmahal na bata ay tumutulong
nang kusa sa bahay, di lamang para sa
sarili kundi pati sa mga magulang at
mga kapatid.
Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa
kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng
aking gamit sa paaralan, sa bahay at sa
iba pa. Sa ganito, ay hindi ako
maghahanap at mag-aaksaya ng
panahon lalo na kung nagmamadali ako.
Hindi na rin ako mapagalitan. Laging
nasa lugar ang mga libro, kuwaderno,
lapis, pentelpen, pad paper, bag,
payong, sapatos, at lahat-lahat na.
Walang kakalat-kalat.
Sa kuya at ate ay tumutulong din ako lalo na kung sila
ay abalang-abala sa ibang gawain. Pagdating nila
mula sa paaralan ay sasalubong na ako sa hagdan pa
lamang, upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay
ko na sa kani-kanilang lalagyan. Kapag nagpuputol ng
panggatong ang kuya ko ay iniaakyat ko na ang
maliliit na piraso. Sa ate naman, kapag nagwawalis,
ay kukunin ko ang basahan at ako na ang
magpupunas sa mga mesa at upuan.
Si Tatay at Nanay ay wala; sila ang
gumagawa para sa amin. Ay, mayroon pala.
Sabi ng Nanay na malaking tulong daw sa
kanila ni Tatay kung ako, kaming
magkakapatid, ay masunurin, masipag,
magalang at malinis. Natutuwa raw sila at
hindi raw nila nararamdaman ang pagod, at
nagpapasalamat pa sa Panginoon.
Kaya naman maingat kami sa damit
upang di sobrang marumi ang lalabhan.
Takbo ako agad sa pagtulong kung kaya
ko rin lamang gaya ng paghahanda sa
hapag-kainan, pag-urong ng mga ito
pagkatapos, paghugas at pagligpit.
Ang dami, ano? Pagnakagawian na ay
walang mahirap. At napakasarap pang
pakiramdaman at pakinggan ang, “Ay
salamat! Mabait at matulungin ang aking
anak!”
Gabay na tanong :
1. Ilarawan ang katangian ng anak na nasa
kuwento at gamitin ito sa pangungusap.

Sagot: mabait, masipag, maalalahanin,


mapagmahal at matulungin.
Mabait- Ang mabait na bata ay pinagpala ng
maykapal.
2. Ano ang aral na makukuha mo sa kuwento?

Sagot: Bilang isang bata, dapat marunong


tayong tumulong sa ating mga magulang
lalong- lalo na sa gawaing bahay.
3. Ano kaya ang maramdaman ng
magulang kung ang mga anak ay
masunurin at matulungin?

Sagot: Sila ay matutuwa


4. Ano ang unang gagawin sa
bata sa kuwento?

Sagot: Dapat tutulong ang bata


ng kusa sa mga gawaing bahay.
5. Ano- ano ang kanyang liligpitin para
walang kalat?

Sagot: Libro, kuwaderno, lapis,


pentelpen, pad paper, bag, payong,
sapatos, at kung anu- ano pa.
6. Ano ang tanging hangad o gusto ng
kanyang mga magulang para sa anak?

Sagot: Gusto ng mga magulang na maging


mabait, matulungin at mapagmahal ang
kanilang mga anak.
Pagtatalakay:

May mga salitang naka-bold sa kuwentong binasa


natin. Ito ay ang mga sumusunod:
bata, bahay, magulang, kapatid, paaralan, libro,
kuwaderno, pad paper, lapis,bolpen, bag, payong,
sapatos,kuya, ate, pagkain, hagdan, at marami pa.
Ito ay tinatawag na pangngalan.

Ano ang pangngalan?


-Ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
DALAWANG URI NG PANGNGALAN
Ang bahagi ng pananalita na ito ay mga salitang nagsasaad
ng pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
Sa Ingles, ito ay ang itinatawag nating noun.
Mga Halimbawa:
Tao
1. Si Paul ay aking matalik na kaibigan.
2. May pulis sa ilalim ng tulay.
Bagay
1. May bago akong damit.
2. Maganda ang suot mong Rolex.
Hayop

1. Ang laki ng kanilang aso!


2. Nakita mo ba si Bantay ko?
Pook o Lugar
1. Gusto kong maglaro sa may tabing-ilog.
2. Ako ay nakatira sa Danao City.
Pangyayari
1. Sa kanyang kaarawan ay isinurpresa siya ni Lenie.
2. Ang Bagong Taon ay malayo pa kaya marami pang
pwedeng mangyari.
MGA KASANAYAN:

1. NAGAGAMIT ANG PANGNGALAN SA PAGSASALAYSAY


TUNGKOL SA MGA TAO, LUGAR AT BAGAY SA PALIGID.

2. NAISASALAYSAY MULI ANG TEKSTO NANG MAY


TAMANG PAGKAKASUNOD- SUNOD NG MGA PANGYAYARI
SA TULONG NG PAMATNUBAY NA TANONG AT BALANGKAS
• Nagagamit ang pangalan sa pagsasalaysay
tungkol sa mga tao, lugar o bagay sa paligid

• Sa pagsasalaysay muli ng isang kuwento nang


may tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ay kailangan ang mga gabay na
tanong at ang gamit ng balangkas.
Sino sa inyo ang makapagsalaysay
muli ng kuwentong “Matulunging
Bata” nang may tamang
pagkakasunod- sunod?
Mga bata laging tandaan na kung magbabasa ng kuwento,
dapat intindihing mabuti ang kuwento para makapagsalaysay
sa kuwento nang tamang pagkakasunod- sunod. Dapat ding
kilalaning mabuti ang mga tauhan sa kuwento upang
lubusang maintindihan ang kuwento. Maliban sa mga gabay
na tanong ay maaring gamitin din ang balangkas upang
madaling maisalaysay muli ang isang kuwento nang may
tamang pagkasunod-sunod ang mga pangyayari.
ANO ANG BALANGKAS?
(OUTLINE)

•Ang balangkas ay ang pagkasunod-sunod


ng mga pangyayari sa kuwento. Ito rin ay
ang maayos na paghahanda ng ulat o
pagsalaysay sa pamamagitan ng mga
mahahalagang punto hinggil sa paksa.
BAHAGI NG BALANGKAS:
Tandaan:

• Maaring kaunti lamang ang galaw ng mga


pangyayari, depende sa kuwentong binasa.
• Kung walang naisulat na wakas ay ikaw na
ang kailangang gumawa o sumulat ng
sariling wakas sa kuwento.
 
IV.Paglalapat: (Gawain Blg. 1)

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong.

Manonood Ako!
May karera ng kotse. Makukulay raw ang mga
kotse. Manonood ako ng karera.Magdadala ako ng
kamera.Magsisimula na ito. Sasakay na ako sa
bisikleta. Mabilis ang andar ko. Naku! Dumulas ang
bisikleta!
Aray! Kay raming putik ng tuhod ko!
Gabay na tanong:
1. Saan papunta ang bata sa
kuwento?
Papunta ang bata sa .
a. parada ng mga kotse
b. karera ng mga kotse
k. karera ng mga bisikleta
•B. karera ng mga kotse
2. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa
mapapanood ng bata?
a. Madaming bisikleta rito.
b. Makukulay ang mga kotse rito.
k. Makukulay ang mga bisikleta rito.
 
• B. Makukulay ang mga kotse rito.
•3. Bakit kaya mabilis ang andar ng bata?
• a. Gusto niyang mapanood ang karera.
• b. Sasali siya sa makulay na parada.
• k. May kaibigan siya sa karera.
• A. Gusto niyang mapanood ang karera.
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang nasaktan
ang bata sa kuwento?
a. Mabilis and andar ko.
b. Naku! Dumulas ang bisikleta!
k. Aray! Kay daming putik ng tuhod ko!
• K. Aray! Kay daming putik ng tuhod ko!
• 5. Ano ang panonoorin ng bata?
• a. bisikleta
• b. kotse
• k. karera
•K. karera
6. Ano ang dadalhin ng bata sa
panonood?
a. bisikleta
b. kamera
k. kotse
• B. kamera
• 7. Saan sasakay ang bata?
• a. bisikleta
• b. kotse
• k. motorsiklo
•A. bisikleta
8. Ano ang dumulas at nasaktan
ang bata?
a. bisikleta
b. kotse
k. kamera
•A. bisikleta
Para sa bahaging pagtataya at
takdang aralin, isumite ang inyong
sagot sa inyong gurong sa takdang
araw na ibinibigay.
Pagtataya: (Gawain Blg. 2)
A. Punan ang patlang upang mabuo ang bawat
pangungusap:
1. Ang pangngalan ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng
______, ______, _______. ________ at ________.
2. Ang tawag sa pangngalang nagsisimula sa malaking titik ay
____.
3. Ang tawag sa pangngalang nagsisimula sa maliit na titik ay
_____.
4. Ang ______ ay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
B. Pagtambalin ang mga pangngalang pantangi na
nasa Hanay A sa pangngalang pambalana na nasa
Hanay B. Pagdugtungin gamit ang linya:

Hanay A Hanay B
____1. Ang Probinsyano A. aso
____2. Safeguard B. presidente
____3. Blackie C. teleserye
____4. Pangulong Duterte D. sabon
C. Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan
ang pangnglan at isulat sa patlang kung ito ay pantangi o
pambalana.
Halimbawa:
Pambalana 1.Ang ganda ng bago mong sapatos.

_____1. Masaya ako kapag araw ng Sabado dahil walang klase.


_____2. Namasyal kami sa Boardwalk matapos magsimba.
_____3. Nakakita sila ng magandang pusa habang naglalaro.
_____4. Ang aking ina ay masarap magluto.
VI.Takdang Gawain
Gawain Blg. 3

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang ginabayang balangkas ng kuwento:

Ang Mag-anak ni Mang Tino

Araw ng Linggo. Ang mag-anak ni Mang Tino ay sama-samang naglinis ng


bahay maliban kay Romeo. Siya ay nasa labas ng bahay at naglalaro. Tinawag siya
ng nanay para tumulong pero hindi siya sumunod. Napagsabihan tuloy si Romeo
ng kanyang tatay kaya tinulungan niya kaagad ang tatay sa pagsibak ng kahoy.Si
Nelly ay naghuhugas ng pinggan. Ang bunso naman na si Anna ay nagdidilig ng
mga halaman. Masayang nagsalu-salo ang mag-anak sa tanghalian.
1.Ano ang pamagat ng kuwento?
2.Saan naganap ang kuwento?
3.Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4.Ano -ano ang mga pangyayari sa kuwento? Isulat
ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
KARAGDAGANG GAWAIN:
BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MAIKLING KUWENTO. GUMAWA NG
BALANGKAS NG KUWENTO GAMIT ANG MGA BAHAGI NITO. (GAWAIN BLG 4)

Ang Mangingisda

Sa mga bayang malapit sa dagat, ang pangunahing hanapbuhay ay ang


panghuhuli ng isda. Dahil sa gusto ng ibang mangingisda na makahuli ng maraming
isda, sila ay gumagamit ng dinamita. Isa na rito si Mang Juan. Marami siyang
nahuhuling isda. Kahit na ang malilit na isda ay kasamang nahuhuli. Tuwangtuwa siya
kung maraming huli.

Isang gabi, bigla na lamang nakarinig ang taong-bayan ng malakas na pagsabog


sa dagat. May sumabog palang isang bangka dahil sa dinamita.

• 
. Ipasa ang lahat na mga Gawain sa susunod na
linggo.
. Gamit ang Journal sumulat ng iyong natutunan
sa aralin sa buong linggo
Kaya mga mahal kong mag-aaral dapat maging masipag kayo sa
pagbabasa ng mga kwento nang sa gayon malinang ninyo ang tinatawag
na Reading Comprehension.

Maraming Salamat po hanggang sa muli.

Ito po ang inyong gurong nagserbisyo nang tapat

Gng. Nina Marie L. Villalon

You might also like