You are on page 1of 78

FILIPINO 2

3 Quarter
rd

Week 2
Day 1
Noong pista sa aming bayan,
nagkaroon ng prusisyon. Kayo,
ikuwento n’yo nga ang
karanasan ninyo noong pista sa
inyong barangay o sa isang
pistang inyong napuntahan.
Pista
Noong pista sa aming
bayan/barangay,nagkaroon ng
________________________
___________________________
_______.
Basahin ang mga parirala.

a. kulturang Pilipino
b. sa bayan ng Lucban,
Quezon
c. prusisyon ng mga
kalabaw at mga higante
d. pansit habhab
e. ipinagdiriwang
na pista
f. palamuting
kiping
g. tiyangge tuwing
Pahiyas
Paghawan ng balakid

a. kultura
Bahagi ng kulturang Pilipino ang
pagkakaroon ng malaking handaan
tuwing pista. Maraming kaibigan at
kamag-anak ang pumupunta para
makisaya sa pista. Ang ibig sabihin ng
kultura ay __________.
a) isang okasyon
b) isang pagdiriwang
c) katutubong ugali ng isang
grupo ng tao
b. palamuti
Kapag may ikakasal sa aming
simbahan, may mga palamuting
puting bulaklak sa dadaanan ng
ikakasal. Ang palamuti ay
________.
a) dekorasyon
b) halamanan
c) plorera
c. tiyangge
Tuwing Linggo, may tiyangge sa aming
bayan. Maraming mabibiling pagkain,
gulay, at prutas. Mayroon ding mga
gamit sa kusina at mga
laruan. Hindi na kailangang pumunta sa
malaking palengke ang mga tao. Ang
tiyangge ay ________.
a) isang malaking groseri
b) isang kainan o restoran
c) isang di-permanenteng
palengke
d. pansit habhab
Ang pansit habhab ay isang uri ng
pansit na inihahanda ng mga taga-
Lucban, Quezon. Sa halip na ilagay
sa plato, ito ay inilalagay sa dahon
ng saging. Hindi gumagamit ng
kutsara o tinidor ang pagkain ng
habhab. Inilalapit ang dahon ng
saging na may pansit habhab sa
bibig upang kainin ito.
Kailan ang pista sa inyong
barangay/bayan?

Paano ipinagdiriwang ang


pista sa inyong
barangay/bayan?
Sa babasahin ninyong
kuwento, alamin:

Kailan ang pista sa Lucban,


Quezon?
Paano ipinagdiriwang ang
pista sa Lucban, Quezon?
Tingnan ang pabalat ng
babasahin ninyong aklat.

Tingnan ang larawan sa


pabalat. Tungkol saan kaya ang
kuwento?

Basahin ang pamagat.


Basahin ang may-akda at
tagaguhit ng aklat.

Buklatin ang aklat at tingnan


ang mga larawan sa bawat
pahina.
Binasa ba ninyong maigi ang kuwento? Makinig
sa aking mga tanong at sagutin ang mga ito:

a. Ano ang tinutukoy na bahagi ng


kulturang Pilipino?
b. Ano ang tawag sa pista ng Lucban,
Quezon? Kailan ito ipinagdiriwang?
c. Paano ipinagdiriwang ang pista sa
Lucban?
d. Bakit makulay ang lahat ng
bahay sa Lucban tuwing pista?
e. Ano ang kiping?
f. Bukod sa mga dekorasyong
kiping sa bawat bahay, ano ang
mapapanood tuwing Pahiyas?
g. Ano ang mapupuntahan tuwing
Pahiyas?
h. Ano ang espesyal na handa tuwing
Pahiyas?
i. Ano kaya ang mararamdaman ninyo
kapag pumunta kayo sa
Pista ng Lucban? Ano-ano kaya
ang inyong gagawin?
j. Sa palagay ninyo, ano-ano ang
kabutihang naidudulot ng
pagdiriwang ng pista?
Day 2
Kahapon ay binasa nang sabay ng
bawat magkapareha ang
kuwentong pinamagatang Pista ng
Pahiyas.

Ngayon naman hahatiin ko


kayo sa dalawang pangkat.
Ang Pangkat A ay papakinggan kong magbasa ng kuwento,
habang ang Pangkat B naman ay sasagot sa pagsasanay.
d. May handa ring pansit na ang
tawag ay __________.

e. Mapapanood ang parada ng


mga kalabaw at ______.

f. Nakabibili ng mga laruan at


gamit na gawa sa Lucban sa
_______.
Punan ang patlang ng tamang sagot. Maaaring isulat
sa kuwaderno ang sagot ninyo:

a. Ang tawag sa pista sa Lucban,


Quezon ay ______.

b. Ipinagdiriwang ang pista


tuwing buwan ng ________.

c. Lahat ng bahay ay may


palamuting ____________.
Para sa Pangkat B:
Kunwari pumunta kayo sa Lucban noong
nakaraang pista. Isulat ang isang bagay na
nakita ninyo. Maaaring gamitin ang
umpisang pangungusap sa ibaba:

Noong isang taon, dumalo


kami sa pista sa Lucban.
Nakita ko________.
Isulat sa inyong kuwaderno ang ididikta kong
mga salita na galing sa binasa ninyong kuwento:

a. pista
b. palamuti
c. prusisyon
d. disenyo
e. Makulay
f. higante
g. tiyangge
h. kalabaw
i. kultura
j. ipinagdiriwang
Day 3
Binasa natin ang kuwento tungkol
sa pista sa Lucban.

Sa kuwentong Ang Lumang


Aparador ni Lola, may mga iba’t
ibang selebrasyon ding binanggit.
Banggitin ang mga selebrasyong
ito.
Ano-ano naman
ang selebrasyon na
nagaganap sa
inyong bayan?
Basahin ang mga nakasulat na
selebrasyon.
a. piyesta
b. Bagong Taon
c. kaarawan
d. Ramadan Puasa
e. Araw ng mga Puso
Pumili ng isang selebrasyon
at ikuwento kung paano
ninyo ito ipinagdiriwang.
Maaaring gamitin ang mga
pangungusap na nakasulat sa
pisara para umpisahan ang
inyong kuwento:
“Isang Selebrasyon sa
Aming __________”

Tuwing __________,
ipinagdiriwang ang _____.
sa aming __________.
________________________.
Kuwento
Ang Paalala kay Arnel
Nagmamadali si Arnel.
Tinanghali siya ng gising. Baka
mapagalitan siya ni Bb. Ruiz.
Alalang-alala siya.
Halos patakbo niyang
narating ang paaralan
kahit na siya’y muntik nang
makagat ng aso dahil hindi
niya napansin ang paalalang
“Mag-ingat sa aso.”
Nang makarating siya sa paaralan,
agad siyang napahinto nang makitang
itinataas pa ang watawat at umaawit ng
Lupang Hinirang ang mga mag-aaral.
Bigla niyang naalala ang kaniyang
leksiyon sa Araling Panlipunan kaya’t
tumayo siya nang tuwid at inilagay niya
ang kaniyang kanang kamay sa tapat ng
kaniyang dibdib at nakisabay sa pag-
awit
Nang matapos ang flag ceremony,
tinungo ni Arnel ang kanilang silid-
aralan, habang naglalakad nakita niya
ang kaniyang kaklase na si Lito na
nagtapon ng balat ng kendi sa sahig
kaya’t nilapitan niya ito at sinabing,
“Lito, hindi mo ba nakikita ang mga
babala?”
Tumingin sa paligid si Lito at nakita
niya ang mga babala.
Bawal magtapon ng basura dito.

Itapon ang basura sa tamang lalagyan.

Napahiya si Lito kaya’t dali-dali


niyang pinulot ang balat ng kendi
at agad itong itinapon sa
basurahan.
“Arnel, labis akong nahihiya sa aking
ginawa. Salamat at pinaalalahanan mo
ako. Ipinapangako ko na susundin ko na
ang mga babala,” wika ni Lito.
“Walang anuman,” tugon ni Arnel.
At masayang tinungo ng magkaklase
ang kanilang silid-aralan nang may ngiti
sa labi.
a. Bakit nagmamadali si
Arnel? Sino si Bb. Ruiz?

b. Bakit muntik na siyang


makagat ng aso?

c. Ano ang ginawa ni Arnel


nang makita niyang itinataas
ang watawat at kinakanta ang
Lupang Hinirang?
d. Habang patungo si Arnel sa
silid-aralan, sino ang nakita
niya? Ano ang ginagawa ni
Lito?
e. Ano ang nakasaad sa
babala?
f. Ano ang naramdaman ni
Lito nang mabasa ang
nakasulat sa babala? Ano ang
ginawa niya?
Takdang-Aralin:
Day 4
Sa binasa nating kuwento kahapon, may nakita
si Litong babala. Basahin nga natin ang babala:

Bawal magtapon ng basura dito.

May nabasa rin siyang paalala. Basahin


natin:
Itapon ang basura sa tamang
lalagyan.
Ano ang kaibahan ng babala
sa paalala?

Alin ang nagsasaad ng


direksiyon ng tamang
gagawin? Magbigay ng
halimbawa.
Ang paalala ay nagbibigay ng panuto o
direksiyon
ng tamang gagawin.
-Mag-ingat! Madulas ang daan.
-Maging alerto! Maging Handa!

Ang babala ay nagpapaalala kung ano ang


hindi dapat gawin.
-Bawal tumawid!
-Bawal ang magkalat
Lagyan ng P ang kung Paalala at B
naman kung Babala ang isinasaad ng nasa
kahon:
Tumayo nang matuwid kapag inaawit
ang “Lupang Hinirang.”

Bawal tumapak sa damo.

Dito po ang tamang tawiran.

Bawal kumain sa silid-aklatan.


Lagyan ng P ang kung Paalala at B
naman kung Babala ang
isinasaad ng nasa kahon:

Huwag pumitas ng mga bulaklak!

Pumila nang maayos.


Bibigyan ko ng manila paper ang bawat
pares ng mag-aaral.
Magsusulat kayo ng isang babala at isang
paalala. Lagyan ng dekorasyon
ang inyong ginawa.

Babala Paalala
Pagdating ni Arnel sa bahay, nagkuwento siya sa
kaniyang nanay
ng mga nangyari sa paaralan:
a. Tumakbo ako papunta sa paaralan
kaninang umaga.
b. Pumila ang mga kaklase ko nang
maayos sa bakuran ng
paaralan.
c. Tumayo sila nang matuwid.
d. Umawit din ako ng “Lupang
Hinirang.”
e. Lumakad kami nang marahan
pabalik sa silid-aralan.
Basahin natin ang mga salitang
nagsasaad ng ginawa ng mga mag-
aaral:
tumakbo
pumila
tumayo
umawit
lumakad
Ano ang tawag sa mga salitang
nagsasaad ng aksiyon na
ginawa
ng mga bata?
Tama! Pandiwa ang tawag sa
mga ito.

Kailan nangyari ang mga


ginawa ng mag-aaral?
Ang tawag sa aksiyon na
nagdaan ay pandiwang
pangnagdaan.

-Ginamit ang mga salitang


kaninang umaga para isaad na
tapos nang
gawin ang aksiyon.
Ang salitang-ugat ng salitang
kilos na tumakbo ay takbo.

Basahin ang salitang-ugat ng


ibang pandiwa:
pila tayo
awit lakad
Anong pantig ang idinagdag sa
salitang-ugat para magsaad na
nangyari na ang aksiyon?

Tama! Ginamit ang pantig na –


um–. Isinulat sa gitna ng salitang-
ugat ang –um– kaya ang tawag dito
ay gitlapi.
Isulat ang pandiwang pangnagdaan sa
sumusunod na pandiwa. Ilagay ang gitlaping
–um–:

(kain) a. Kahapon _________


ako ng hinog
na bayabas.

(bili) b. __________ ako ng


tinapay kaninang umaga.
(gawa) c. __________ si Kuya
Ipe ng saranggola
noong Sabado.

(tawa) d. Kagabi, _____ kami


sa kuwento
ni Lolo Naldo.
(sama) e. _______ ako kay
Ate Linda sa simbahan noong
Linggo.
Takdang-Aralin:
Isulat ang pandiwang
pangnagdaan sa sumusunod
na pandiwa. Gamitin ang
pandiwang pangnagdaan sa
pangungusap.
a. takbo d. punta
b. kuha e. bili
c. gapang
Day 5
Basahin ang mga
pangungusap. Sabihin ang
pandiwa sa bawat
pangungusap:
a. Kahapon naglinis si
Kuya ng bakuran.
b. Nagwalis si Ate ng
mga tuyong dahon.
c. Nagluto ako ng piniritong
saba.
d. Naghanda rin ako ng
malamig na inumin.
e. Nagpasalamat si Nanay
dahil sa ipinakita naming
kasipagan.
Kailan nangyari ang salitang kilos?
Ano ang tawag natin sa salitang kilos na
nagawa na?
Ano ang idinagdag sa salitang-ugat na
linis, walis, luto, handa, at salamat?

Dinagdagan natin ng pantig na nag-.


Isinulat sa unahan ng salitang-ugat ang
nag- kaya ang tawag dito ay unlapi.
Isulat ang pandiwang pangnagdaan
ng bawat salitang-kilos. Gamitin
ang unlaping nag-:
a. lakad
b. laba
c. aral
d. Sulat
e. tinda
Basahin ang mga pangungusap.
a. Naglakad si Lito at Arnel
papunta sa silid-aralan.
Si Lito’t Arnel ay magkaklase.

b. Nagtapon si Lito ng balat ng


kendi at mamon sa sahig. Pinulot
ni Arnel ang balat ng kendi’t
mamon at itinapon ang mga ito sa
basurahan.
c. Nabasa ni Arnel ang paalala at
babala. Itinuro niya ang
paalala’t babala kay Lito.
d. “Tayo ay dapat sumunod sa
paalala,”sabi ni Arnel kay Lito. “Tayo’y
dapat matutong maglinis sa paligid.”
e. “Ako ay natututo sa iyo,” sabi ni Lito
kay Arnel.“Ako’y magiging mabuting
mag-aaral din.”
Basahin natin ang bawat pares ng
pangungusap sa una at ikalawang
kolum:
Ano ang napapansin ninyo sa mga
salita sa ikalawang kolum?

Ano ang nangyari sa dalawang


salita?

Paano pinaikli ang dalawang


salita?
Ang tawag sa bantas na pampalit
sa nawalang letra sa at at ay ay
kudlit (‘).
A.Isulat sa pinaikling
anyo.
1. baka at kambing
2. pako at martilyo
3. buwaya at ahas
4. tao at alagang hayop
5. salita at kilos
B. Isulat ang mga may
salungguhit sa pinaikling
anyo.

1.Tayo ay matiyaga sa pag-aaral.

2.Siya ay masunurin sa
magulang at guro.
3. Kami ay sasama sa iskawting
at sa mga
gawain pampaaralan.

4. Ako ay batang malusog kaya


matalino.
5. Sila ay marurunong ngunit
mapag- pakumbaba.
Basahin ang sumusunod na
pangungusap. Kopyahin sa inyong
kuwaderno ang pinaikling anyo ng
dalawang salita:
a. Ikaw ba’y nakinig sa iyong
guro?
b. Magkatabi ang babae’t
lalaki sa upuan.
c. Nasa kahon ang pambura’t
lapis.
d. Kumain po ako ng tokwa’t
baboy sa kantina.
e. Ang kaklase ko ay bumili ng
sago’t gulaman.
Takdang-Aralin:
A. Isulat ang pinaikling anyo sa
sagutang papel.
1. lalaki at babae
2. paroparo at bulaklak
3. kumakanta at sumasayaw
4. sipa at yoyo
5. bumasa at sumulat
Gayahin ang kabit-kabit na pagsulat ng
sumusunod na salita:
Maraming
salamat
po!

You might also like