You are on page 1of 12

BanghayAralinsa MTB-MLE

Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Nakabibigkas ng kwento na may wastong bilis, kawastuan, diin, at
paghahati
- Naibibigay ang kasing kahulugan ng mga ibang salitang ginamit

II. PaksangAralin:
Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian
- Pagbigkas na Wika: Pagbigkas ng kwento na may wastong bilis,
kawastuan, diin, at paghahati.
A. Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide pah. MTB MLE Teaching Guide p. 51-60
B. Kagamitan: Malaking Aklat, larawan, magic box, task card
C. Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Pabilisan sa pagbasa sa plaskard ng mga salitang napag-
aralan na.
A. Gawain Bago Bumasa:
Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawan/pangungusap.
Sementeryo nagdala ginugunita
Lapida nag-alay humayo
Puntod nagmasid
Kaugalian maligaya
2. Pagganyak:
Nakapunta na ba kayo sa sementeryo?
Ano ang inyong ginawa sa sementeryo?
Ano ang inyong dinala?
Bakit kayo pumunta sa lugar na ito?
Magbabasa tayo ngayon ng kuwento tungkolsa dalawang bata
kasama ang kanilang lola patungong sementeryo.
Ano ang nais ninyong malaman tungkol dito?
3. Pangganyak na Tanong:
Bakit pumunta ang lola at mga bata sa sementeryo?
B. Gawain Habang Bumabasa:
Gamitin ang malaking aklat.
Tanungin ang mga bata sa nakikita nila sa pabalat, may akda at
iba pa tungkol dito.
Pagbasa ng guro sa kuwento:
ARAW NG MGA PATAY
Maagang gumising ang Lola Sayong. Naghanda siya ng kanilang
dadalhin papunta sa sementeryo. Kasama niya ang kanyang dalawang
apo na sina Agnes at Angelito. May dala silang mga kandila at mga
bulaklak.Lola, bakit po tayo pupunta sa sementeryo ngayong araw na
ito?tanong ng dalawang bata.
Alam ba ninyo mga apo, ngayon ay ika-isa ng Nobyembre.Araw ng
mga Patay. Inaalala natin ang mga yumaong mahal sa buhay tulad ng
inyong Lolo Pedring. Magdadala tayo ng magagandang bulaklak at
kandila.Ipagdarasal natin ang kanyang kaluluwa sa langit.
Pagpasok nila sa sementeryo, maraming tao ang may dala-
dalang bulaklak at kandila. Lola Sayong ang dami po palang
pumupunta sa sementeryo kapag araw ng patay at nagsasama-sama
ang pamilya, ang sabi ni Agnes. Kinaugalian na nating mga Pilipino
na alalahanin ang araw ng mga patay tuwing ganitong petsa.
Nagluluto ang pamilya ng ibat ibang matamis na kakanin tulad ng
biko, suman, at binusang pinipig. At siyempre may kanin at ulam din.
Pagkatapos magkwentuhan, nagbasa na si Angelito ng mga pangalan
na nakasulat sa bawat lapida ng puntod.
Atty. Danilo Asnar, Arch. Milagros Casao, Dr. Maning Juan, Engr. Lita
Andal. Maraming pangalan ang binasa ni Angelito sa mga lapida at
sabay sambit kay Lola Sayong. Sige Lola sa susunod na taon sasama
muli kami.

C. Gawain Matapos Bumasa:


1. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento
Saan naganap ang kwento?
Bakit nagpunta ang mag-lola sa sementeryo?
Ano ano ang mga dala nila papunta sa sementeryo?
Anong mahalagang inaalala kapag ika-1 ng Nobyembre?
Ano ang ibig ipakahulugan ng Araw ng mga Patay?
Ano ano ang mga pangyayari sa Araw ng mga Patay?
Kung wala kang dalang kandila o bulaklak papunta sa sementeryo, ano
ang maaari mong gawin?
Ano ang sa palagay ninyo, bakit sa susunod na taon na Araw ng
Patay ay sasama muli si Angelito?
Kung kayo si Angelito gagawin niyo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
2. Pagsasanay:
Iguhit ang bagay na naiisip mo kapag naririnig mo ang Araw ng
Patay.

IV. Pagtataya:
Ikahon ang mga salitang magkasingkahulugan sa bawat
pangungusap.
1. Nagpunta si Lola Sayong sa sementeryo.
Nagtungo din sila Agnes at Angelito sa sementeryo.
2. Nag-alay sila ng kandila at bulaklak.
Inihandog nila ito sa yumaong mahal sa buhay.
3. Nagmasid si Angelito sa paligid ng sementeryo.
Tumingin-tingin siya sa mga pangalang nasa lapida.
4. Masayang umuwi ang mag-lolola.
Maligaya nilang inalala ang mga masasayang araw ni Lolo Pedring.
5. Tuwing ika-isa ng Nobyembre ginugunita ang araw ng Patay.
Inaalala natin ang mga mahal sa buhay na yumao na.

V. Kasunduan:
Ibigay ang kasingkahulugan:
1. ipagdasal 2. Kinaugalian
BanghayAralinsa MTB-MLE
Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas na tekstong
pang-unang baitang
- Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos
at sinabi.

II. PaksangAralin:
Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian
- Pagbabasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas na tekstong
pang-unang baitang
- Paghihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at
sinabi.
A. Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.
MTB MLE Teaching Guide p. 51-60
Kagamitan:
Malaking Aklat, larawan, magic box, task card
Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Balikan ang mahahalagang detalye sa kwentong, Araw ng mga
Patay
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento
Saan naganap ang kwento?
Bakit nagpunta ang mag-lola sa sementeryo?
B. Panlinang na Gawain:
1. . Paglalahad:
Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kwento.
Bigyang-diin ang pagbasa nang may wastong tono at pagpapahiwatig
ng damdamin.
. Lola, bakit po tayo pupunta sa sementeryo ngayong araw na ito?
Alam ba ninyo mga apo, ngayon ay ika-isa ng Nobyembre.
Araw ng mga Patay.
Inaalala natin ang mga yumaong mahal sa buhay tulad ng inyong Lolo
Pedring.
Magdadala tayo ng magagandang bulaklak at kandila.
Ipagdarasal natin ang kanyang kaluluwa sa langit.
. Lola Sayong ang dami po palang pumupunta sa sementeryo
kapag araw ng patay at nagsasama-sama ang pamilya,
. Kinaugalian na nating mga Pilipino na alalahanin angaraw ng mga
patay tuwing ganitong petsa.
Nagluluto ang pamilya ng ibat ibang matamis na kakanin tulad ng
biko, suman, at binusang pinipig.
At siyempre may kanin at ulam din.
. Sige Lola sa susunod na taon sasama muli kami.
2. Pagtalakay:
Ipasabi angdamdaming isinasaad ng bawat pangungusap.
Hal.
. Lola, bakit po tayo pupunta sa sementeryo ngayong araw na ito?
(pagtataka)
Sige Lola sa susunod na taon sasama muli kami.(pananabik)
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Pare-pareho ba ang damdamin ngmga tauhan sa kwento?
Paano inilarawan ni Lola Sayong ang mga pangyayari tuwing Araw ng
Patay?
Ano ano ang mga ibat ibang damdamin na ating nararamdaman
tuwing Araw ng Patay? Bakit kaya nakakaramdam tayo ng ganun?
Tuwing Araw lang ba ng Patay nararamdaman ang damdaming
katulad iyon?
Tandaan:
Iba-iba ang nararamdaman ng tauhan batay sa sitwasyon o
pangyayari.
Hal.natutuwa, napapahiya, nagsisisi, naiinis, nagugulat,
nagagalit,nagtataka
2. Pagsasanay:
Basahin nang may wastong damdamin ang bawat sitwasyon at
sabihin ang damdaming ipinahihiwatig:
Maligayang kaarwan , Inay!_____
Ay, multo!___________
Umalis ka na!________

IV. Pagtataya:
Basahin nang may wastong tono at damdamin ang mga sumusunod
na parirala.
1. Alis diyan!
2. Yehey!
3. Hoy, bangon!
4. Lumayo ka nga sa akin.
5. Ano ba ang kupad mo!

V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 salitang kilos na ginawa nina Agnes at Angelito sa
sementeryo.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.

II. PaksangAralin:
Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian
Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan.
Pagtukoy ang mga salitang magkasalungat.
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.
MTB MLE Teaching Guide p. 51-60
Kagamitan:
Malaking Aklat, larawan, magic box, task card
Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Pahulaan
Tumawag ng piling bata sa harap.
Bulungan ito ng kilos na kanyang gagawin.
Huhulaan ito ng klase.
Ang makahula ang siya namang magpapahula.
Ano ang ginagawa mo kapag Araw ng mga Patay?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Isulat ang kasalungat ng mga sumusunod na salitang may salungguhit
sa pangungusap.
1. Malungkot ang ibang tao kapag Araw ng Patay.
2. Mabagal ang daloy ng mga sasakyan tuwing
sasapit ang Araw ng Patay.
3. Kauntisa mga kamag-anak naming ang
pumupunta sa sementeryo.
4. Galit ang ibang tao sa mga yumao nilang kamag-
anak.
5. Bulok na ang mga bulaklak sa sementeryo.
2. Pagtalakay:
Bakit may salungguhit ang mga salitang ito sa bawat bilang?
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang malungkot? Kapag binaliktad
natin ang ibig sabihin nito, ano kaya ito? (masaya)
2. Anong ibig sabihin ng mabagal? (matagal) Maari nyo bang ipakita
sa akin ito sa pamamagitan ng pagkilos? Kapag binaliktad natin
ito, ano kaya ang ibig sabihin? (mabilis)
3. Anong ibig sabihin ng kaunti? (kakarampot) Ano kaya ang
kasalungat ng salitang ito? (marami)
4. Anong ibig sabihin ng galit? (masama ang loob) Ano kaya ang
kasalungat na salita nito? (mahal o may pagmamahal)
5. Anong ibig sabihin ng bulok? (tuyot,kuluntoy) Kapag ibinigay ang
kasalungat na salita, ano kaya ito? (sariwa)

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang kahulugan mga salitang magkabaliktad o
magkasalungat?
Tandaan:
Ang mga saliatng magkasalungat ang kahulugan ay ang mga
salitang kabaliktaran ng kasingkahulugan nito.
2. Pagsasanay:
Piliin ang kasalungat ng mga salitang nasa Kolum A at Kolum B.
A B
1. tuyot malinis
2. mabango kaunti
3.marumi sariwa
4. tahimik mabaho
5. madami maingay

3. Malayang Pagsasanay:
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilangkaranasan gamit ang
salitang kilos.

IV. Pagtataya:
Isulat sa patlang ang salitang makasalungat ng salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Mabilismaubos ang kandila.______
2. Masaya ang mga tao kung araw ng mga Patay.____
3. Marami silang baong pagkain.______
4. Mahal nila ang mga yumao na.______
5. Sariwa ang dala-dala nilang mga bulaklak._____

V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 pares ng salitang magkasalungat sa inyong notbuk.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
Nakatutukoy ng mga salitang pinaikli o pagdadaglat.

II. PaksangAralin:
Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian Nakatutukoy
ng mga salitang pinaikli.
Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.
Sanggunian: K-12 Curriculum Guide pah.
MTB MLE Teaching Guide p. 51-60
Kagamitan:
Malaking Aklat, larawan, magic box, task card
Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Natatandaan ba ninyo ang kuwento sa Lola Sayong at sa
mga apo niya?
Ano ang huling ginawa ng dalawang bata ng magpunta sila sa
sementeryo?
Ano ang nabasa nila sa lapida?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Isulat sa pisara ang mga pangalang binasa ng mga bata sa lapida.
Atty. Danilo Asnar
Arch. Milagros Casao
Dr. Maning Juan
Engr. Lita Andal
Napansin ba ninyo ang mga salita sa unahan ng bawat pangalan?
Paano kaya ito babasahin?
Ipaliwanag:
Atty. Attorney , Atty. ang basa dito ay attorney. Pinaikli lang siyang
sinulat. Bakit kaya pinaikli ang pagsulat ng attorney? (para madali
itong matandaan) Ang kahulugan nito ay abogado sa Tagalog.
Arch. Architect, Arch. ang basa dito ay arkitek. Pinaikli itong salita
upang madaling matandaan. Ang arkitekto ay gumagawa ng plano
bahay o gusali.
Engr. Engineer , Engr. Ang basa dito ay endyinir. Pinaikli itong salita
upang madaling matandaan. Enhinyero ang tawag sa mga taong
gumagawa ng mga tulay at malalaking gusali sa siyudad.
Dr. Doctor, Dr. ang basa dito ay doctor na lalaki.Pinaikli itong salita
upang madaling matandaan. Doktor ang tawag sa lalaking gumagamot
ng maysakit.
G. Ginoo, G. ang basa dito ay ginoo. Pinaikli itong salita upang
madaling matandaan. Ito ay tumutukoy sa isang lalaki.
Gng. Ginang, Gng. Ang basa dito ay ginang. Pinaikli itong salita
upang madaling matandaan. Ito ay tumutukoy sa isang babae na may
asawa.
Bb. Binibini, Bb. Ang basa dito binibini. Pinaikli itong salita upang
madaling matandaan. Ito ay tumutukoysa isang babae na dalaga pa.

2. Pagtalakay:
Ano ang letra na mababasa sa unahan ng pangalang Danilo Asnar?
Ano ang letra na mababasa sa unahan ng pangalang Milagros Casao?
Ano ang letra na mababasa sa unahan ng pangalang Maning Juan?
Ano ang letra na mababasa sa unahan ng pangalang Lita Andal?
Ano ang masasabi ninyo sa mga salitang Attorney,
Architect,Engineer,Doctor, Ginoo, Ginang, at Binibini?
Paano pinaikli o dinaglat ang bawat isa?
Ano ang tawag sa mga pangalang pinaikli?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano tayo nagdadaglat ng pangalan?
Anong bantas ang maaaring gamitin sa pagdadaglat?
Bakit tayo nagdadaglat?
May mga pangalan bang hindi nadadaglat?
Ano ang pagdadaglat?
Ang pagdadaglat ay mga pinaikling salita.
Tandaan:
Ang mga sumusunod na pangalan ay dinadaglat tulad ng:
Atty. , G., Gng. Dra. , Gob., Kap., Engr.
2. Pagsasanay:
Padiktang pagsulat ng mga dinaglat na salita.

IV. Pagtataya:
Pag-ugnayin ng guhit ang mga dinaglat na pangalan sa salitang
pantawag.
A B
1. Gng. a. Kapitan
2. G. b. Gobernador
3. Gob. c. Doktora
4. Dra. d. Ginoo
5. Kap. e. Ginang

V. Kasunduan:
Daglatin:
1. Koronel
2. Mayor
3. pangulo
BanghayAralinsa MTB-MLE
Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
Nakikilala amg mga salitang kilos tungkol sa larawan.

II. PaksangAralin:
Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian
Pagkilala ng mga Salitang Kilos tungkol sa larawan.
Sanggunian:
K-12 Curriculum Guide pah.
MTB MLE Teaching Guide p. 51-60
Kagamitan:
Malaking Aklat, larawan, magic box, task card
Pagpapahalaga: Pagiging maalalahanin at mapagmahal

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Lagyan ng bilang 1-5 ang sunod-sunod na ginagawa ng mga tao
kung araw ng mga patay:
____kumakain
____dumadalaw
____nagdarasal
____nagdadala
____nagluluto

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
a.) Ilahad ang bugtong:
Bumubukay walang bibig
Ngumingiti nang tahimik
Nang umagay tikom pa,
Nang tanghaliy humahalakhak na.(bulaklak)
b.) Mga salitang kilos sa pangungusap.
1. Sama-samang kumakain ang pamilya sa sementeryo.
2. Maraming dumadalaw sa sementeryo kapag araw ng mga
patay.
3. Ang pamilya ay sama-samang nagdarasal.
4. Maraming nagdadala ng pagkain sa sementeryo kapag araw
ng patay.
5. Nagluluto ang nanay ng mga kakanin tulad ng biko at suman.
2. Pagtalakay:
A.Tungkol saan ang bugtong?
Ano ano ang ginagawa ng bulaklak?
(isulat ang mga sagot ng bata sa pisara)
Ano ang ginagawa nito sa umaga?Sa tanghali?
Mahalaga ba ang bulaklak sa araw ng mga Patay? Bakit?
B. Ano anong kilos ang ginamit sa pangungsap?
1.Anong salitang kilos ang ginamit sa unang bilang?
2. Anong salitang kilos ang ginamit sa ikalawang bilang?
3 Anong salitang kilos ang ginamit sa ikatlong bilang?

4. Anong salitang kilos ang ginamit sa ikaapat na bilang?


5. Anong salitang kilos ang ginamit sa ikalimang bilang
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos at galaw?
2. Pagsasanay:
Magpakita ng larawan.Hayaang pag-aralan ng mga bata ang mga
larawan. Magtanong tungkol sa larawan.

( larawan ng mag-anak na nagdadasal)


( larawan ng nanay na nagluluto ng suman)
Itanong:
Anong mga kilos ang ginagawa?( Isulat sa pisara ang kanilang
kasagutan )
1. Nagdarasal ang mag-anak.
Ano ang ginagawa ng mag-anak?
2. Nagluto si nanay ng suman.
Ano ang ginawa ni nanay sa suman?

IV. Pagtataya:
Anong kilos ang ipinapakita sa larawan? Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. (batang naglalakad) a. naglalakad b.


tumatakbo

2. (batang kumakanta) a. nagsisimba b. kumakanta

3. (gurong nagtuturo) a. nagwawalis b. nagtuturo

4. (batang gumagapang) a. nagsasalita b.


gumagapang

5. (larawan ng nagsusulat) a. nagbabasa b. nagsusulat

V. Kasunduan:
Magdikit ng larawan na nagpapakita ng kilos o galaw sa inyong
kuwaderno.

PHOTO OPS
Grade One Professional
Learning Community ( PLC )
with
Mrs. Edna D. Camarao
MT in-Charge

You might also like