You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Schools Division of Isabela
AURORA ELEMENTARY SCHOOL
Aurora, Quezon, Isabela

Araling Panlipunan 1

I. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng limampung minutong talakayan, ang mga mag-aaral na may hindi bababang pitumput-limang
porsyentong bahagdan ng kasanayan ay inaasahang:
a. nakatutukoy ang mga bagay at istruktura na makikita sa nadadaanan mula sa tahanan patungo sa
paaralan.
b. nakaguguhit ng mga bagay at istruktura na makikita sa nadadaanan mula sa tahanan patungo sa
paaralan.
c. naiuugnay ang mga bagay at istruktura na makikita sa nadadaanan mula sa tahanan patungo sa paaralan
sa ating pang araw-araw na gawain.
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang kahalagahan ng pagpapanatili at pangangalaga sa sariling
kapaligirang ginagalawan tulad ng tahanan, paaralan at komunidad.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakagagamit ang konsepto ng distansya sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang
ginagalawan.
C. Kasanayan sa Pagkakatuto:
Natutukoy ang mga bagay at istruktura na makikita sa nadadaanan mula sa tahanan patungo sa paaralan.
AP1KAP-IVc-5.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Mga Bagay at Istrukturang Nadaraanan mula Bahay Patungong Paaralan.

B. Mga Sanggunian: MELCS page 27


Learner’s Materials
Curriculum Guide page 19

C. Mga Kagamitan: Bond paper, cartolina, video clips, visual aids and Powerpoint Presentation

D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa mga bagay at istruktuka


III.PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral


upang pangunahan ang panalangin)
Panginoon, maraming salamat po
sa araw na ito na ipinagkaloob nyo
sa amin, nawa’y gabayan mo po
kami sa mga gawain na aming
gagawin sa araw na ito. Sana po
gabayan niyo rin ang aming guro na
siyang magtuturo sa amin.
2. Pagbati
Magandang –araw mga bata! Magandang araw din po guro

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtetsek ng lliban at hindi
liban
Bago kayo umupo pakipulot ang
mga kalat na nasa ilalim ng inyong
mga lamesa at paki-ayos ang inyong mga (Magpupulot ng mga kalat ang
upuan. mga mag-aaral at aayusin ang
kanilang mga upuan.)

Maari na kayong maupo.

May liban ba sa ating klase ngayon? Wala po.

Magaling! Bigyan ng 5 bagsak ang sarili dahil


lahat kayo ay naririto ngayon.

4. Balik-Aral

Magbalik aral muna tayo sa ating nagdaang


aralin mga bata. Pag-aralan ang mapa ng sa
labas ng bahay nila Lena.Sagutin ang mga
tanong kasunod nito.

Ano ang makikita mo sa sumusunod?


Barangay Maligaya.
1. Batay sa mapa, saang barangay
nakatira si Lena?

Magaling Mark. Bibigyan ng “ Bravo Clap” si Mark


ng mga kaklase.
Bigyan natin ng “ Bravo Clap” si Mark.

2. Saang bahagi ng mapa makikita ang Hilaga


paaralan?

Mahusay Jam. Bibigyan ng “ Bravo Clap” si Jam


ng mga kaklase.
Bigyan din natin ng “ Bravo Clap” si Jam.

3. Anong gusali naman ang nasa


bandang kanan ng bahay ni Lena? Ospital po.

Tama Samuel. Magaling.


Palaruan
4. Anong gusali ang makikita sa harap
ng bahay ni Lena?

Mahusay Martha.

Ngayon mga bata, ano-ano and salitang


nagsasabi sa lokasyon o kinalalagyan ng iba’t
ibang estruktura sa labas ng bahay nila Lena? Hilaga, silangan, kanluran at timog.
Yes, Grace Opo, Ma’am.

Magaling Grace.

4. Pagganyak

Ngayon mga bata may gagawin tayo. Familiar


ba kayo sa larong “4 Pics 1 Word” sa English.
Ganito ang gagawin natin mga bata. Gamit
ang apat na larawan. Punan ang mga titik ng
bawat ngalan ng lugar upang mabuo ito.

Ospital

Ano ang nasa larawan? Sabihin niyo nga ang


inyong sagot? Opo guro
Magaling Jarvey.
Mga doctor at Nars guro
Nakapunta na ba kayo sa ospital?

Sino-sino ang nakikita natin sa loob ng


ospital?

Mahusay. Sa ospital din tayo nagpapagamot


pag may karamdaman tayo.

Simbahan po

Sumasamba at nagpupuri sa
panginoon guro.

Ano ang nasa larawan?

Magaling Jazz. Ano ang ginagawa natin sa


simbahan?

Mahusay.

Paaralan po. Para mag-aral po guro.

Ano ang nasa larawan?

Magaling Ben. Ano ang ginagawa niyo dito


sa paaralan?
Tama.

Palengke po.

Dito tayo namimili ng mga gulay at


prutas po.

Ano ang nasa larawan? (Bibigyan ng limang bagsak ang


mga kaklase)
Mahusay Mary. Nakapunta na ba kayo sa
palengke?

Tama.

Bigyan ng “Limang Bagsak” ang inyong mga


kaklase.
B. Paglalahad Napapansin ba ninyo ang mga nadadaanan
ninyo kapag pumapasok sa paaralan mula sa
tahanan? Opo guro

Magbigay nga kayo ng halimbawa?


Hayop at mga puno po guro.
Tama. Ano pa Marie?
Mga sasakyan po
Ano ba Ben?
Simbahan at palengke po.
Mahusay. Lahat ng inyong nabanggit ay ang
mga bagay at istrakturang ating nadadaanan
papuntang paraalan.

Sino ang hindi nakakapansin o nakikita ang


dinaraanan ninyo papasok sa paaralan?

Diba wala. Lahat tayo napapansin ang mga


bagay na ating dinaraanan.

May inihanda akong kwento para sainyo


upang mas maintindihan ang ating aralin.

Handan na ba kayong making mga bata. Opo guro.

Pero bago kayo makinig, ano ang mga bagay


na dapat ating tandaan habang nakikinig sa
kwento.
Makinig ng maayos.
Magbigay nga ng isa Mark.
Huwag makipag-usap sa katabi.
Ano pa Mary?

Mahusay mga bata.


(Babasahin ng mga bata ang mga
(Ipabasa ng guro ang mga dapat tandaan sa dapat gawin sa pakikinig sa
pakikinig sa kwento) kwento)
May Madyik! Ang mga paa ko!

(Ipapakita ng guro ang mga katanungan)

Batay sa napakinggang kwento. Sagutin ang


mga sumusunod na katanungan. Si Mila at ang kanyang ina.
1. Ano ang pamagat ng kwento?

Yes, Czech

Mahusay! Kabahay, mga punong-kahoy at


2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? mga hayop.

Yes, Maica
Mahusay!

3. Ano-anong mga bagay o istruktura Simbahan, palengke, munisipyo,


ang nakitang bata sa daan? hospital, istasyon ng pulisya at
bumbero.
Yes, Destiny
(Bibigyan ng limang bagsak ang
Tama mahusay! kanilang mga kaklase)

Meron pa bang nadaanan sina mila?

Yes, France

Magaling mga bata. Walo (68 po guro.


(Babasain at bibilangin ng mga
Bigyan yan “Limang Bagsak” ang inyong bata)
mga kakalse

4. Ilang istrurtura ang nabanggit sa


kwento?
(Bibigyan ng limang bagsak ang
Yes, Melody mga sarili)

Walo nga ba mga bata? Basahin at bilangin


nga natin uli ang mga estrakturang nabanggit?

Mahusay!. Walo nga!


Maraming makikitang mga
Bigyan ng “Limang bagsak” ang istruktura o mga bagay sa daan.
inyong mga sarili.
May Magik ang mga paa ni mila
5. Pagkatapos maglakad ng mag-ina, ano dahil nararating niya pala ang
ang naunawaan ng bata nang kanyang paaralan gamit lamang ang
makarating sa paaralan? kanyang mga paa.

Yes, Maggie

Ano pa yun lang ba mga bata?


Mahusay!
C. Pagtatalakay
Tignan at kilalanin natin ang mga larawan ng
iba’t ibang mga estrukturang nadadaanan
natin mula sa bahay papuntang paaralan.

1. Hospital

Anong uri ng estruktura ang nasa larawan? Hospital po guro.

Ano ang ginagawa natin dito sa estrukturang Dito po tayo nag papagamot pag
ito? may sakit po tayo.

Mahusay Kevin. (Basahin ng mga bata ang


kahulugan)
(Ipabasa ng guro ang kahulugan ng hospital)

2. Simbahan

Simbahan po guro. Dito po tayo


nagsisimba tuwing linggo.
Pumupunta ba kayo dito? Ano ang ginagawa
natin dito?

Tama mga bata. Ito ay simbahan dito tayo (Basahin ng mga bata ang
nagsisimba. kahulugan)
(Ipabasa ng guro ang kahulugan ng
Simbahan)

3. Palengke

Palengke po.

Dito po tayo namimili ng mga


Ano ang estrukturang ito? gamit sa bahay po.

Ano ang kalimitang ginagawa ng mga tao


dito? (Basahin ng mga mag-aaral ang
kahulugan)
Magaling Ben.
(Ipabasa ng guro ang kahulugan ng palengke)

4. Tulay

Opo. Tulay po

Nakakita na ba kayo ng ganitong estruktura


mga bata? Ano ang tawag natin dito? (Basahin ng mga mag-aaral ang
kahulugan)
Magaling Carlo. Ito ay isang tulay.

(Ipabasa ng guro ang kahulugan ng tulay)

5. Paaralan

Paaralan po.

Para mag-aaral at matuto po.

Ano ang nasa larawan? (Basahin ng mga mag-aaral ang


kahulugan)
Tama. Ano ang ginagawa dito sa paaralan?

Mahusay Mary.

(Ipabasa ng guro ang kahulugan ng paaralan)

6. Himpilan ng Pulisya

Iyan po ay Himpilan ng pulisya.

Mga pulis po.

Nakakita na ba kayo ng ganitong estruktura (Basahin ng mga mag-aaral ang


mga bata? Ano ang tawag natin dito? kahulugan)

Tama Maria. Sino-sino ang makikita dito?


Mahusay Mario.

(Ipabasa ng guro ang kahulugan himpilan ng


pulisya)

7. Himpilan ng Bumbero

Himpilan ng Bumbero

Sunog po guro.

Ano naman ang tawag natin dito mga bata?


(Basahin ng mga mag-aaral ang
Tama Jazzledd. Ito ay himpilan ng bumbero. kahulugan)
Ano ang inaapula ng mga bumbero?

Mahusay Joshua.

(Ipabasa ng guro ang kahulugan himpilan ng Bangko po.


pulisya)
Mga kabahayan po.

Magbigay nga kayo ng alam niyo pang Munisipyo at Brgy. Hall po.
estruktura na hindi natin na banggit?

Yes Loiue. (Bibigyan ng limang bagsak ang


mga kaklase)
Tama. Magbigay ka pa nga ng isa Leo?

Mahusay. Meron pa ba Kyle?

Magaling Kyle.
Bigyan ng “ Limang Bagsak” ang inyong mga
kaklase.

Ngayon. Tignan at kilalanin natin ang mga


larawan ng iba’t ibang mga bagay nadadaanan
natin mula sa bahay papuntang paaralan.
Masdan ang nasa larawan.

Ano-ano ang mga bagay na nasa larawan?

Mga Puno at Halaman po.

Mga Hayop po.

Mga poste at sasakyan po.

Yes Grace. Opo guro.


Tama. Magbigay ka pa ng isa Harvey?

Magaling. Meron pa ba Mark? Opo guro

Mahusay.
Wala na po.
Nadaraanan niyo ba ang mga bagay na ito
papuntang paaralan?

Magaling.

Naintindihan niyo ba ang ating aralin mga


bata?

May katanungan ba kayo patungkol sa ating


paksa ngayon?

Ayan. Mahusay.
D. Paglalapat Bago pangkatin ang mga bata ipabigay ang
mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain.

Magbigay ka nga ng isa Destiny.

Tama Destiny.
Ma’am kailangang magtulungan
Ano pa Belle? kami sa paggawa.

Mahusay Belle.
Ma’am kailangang tahimik lang
Mayroon pa bang dapat tandaan sa kami sa paggawa.
paggawa ng pangkatang gawain Rey?

Magaling Rey Ma’am kapag tapos na ang pangkat


ay tahimik na babalik sa upuan.

(Ipapabasa ulit ng guro ang mga dapat


tandaan sa pangkatang gawain.) (Babasahin ng mga bata ito.)

Papangkatin sa apat ang mga bata para sa


pangkatang gawain.

Unang Pangkat: Aralin Mo! Unang Pangkat: Aralin Mo!

Panuto: Pag-aralan ang mapa sa


Pag-aralan ang mga mapa sa ibaba. Piliin at ibaba. Piliin at bilugan ang titik ng
bilugan ang titik ng tamang sagot. tamang sagot.

Ako si Jinky Valdez. Nag-aaral ako


sa Quezon Central School. Marami
akong nadadaanan na mga
estruktura.

1. Ano ang unang nadadaanan


ni Jinky pagpasok sa
paaralan?
a. Simbahan
b. Munisipyo
c. Himpilan ng Bumbero

2. Pagkatapos ng simbahan,
ano ang susunod na
madadaanan ni Jinky?
a. Hospital
b. Munispyo
c. Himpilan ng Bumbero
3. Anong estruktura ang nasa
unahan ng paaralan?
a. Himpilan ng pulisya
b. Munisipyo
c. Himpilan ng Bumbero

4. Anong estruktura ang


pinupuntahan natin tuwing
linggo?
a. Hospital
b. Paaralan
c. Simbahan

5. Alin sa mga sumusunod ang


hindi madadaanan ni Jinky
pagpasok sa paaralan?
a. Simbahan at Hospital
b. Himipilan ng Pulisya at
Bumbero
Pangalawang Pangkat: Tukuyin Mo! c. Hospital at Himpilan ng
Pulisya
Tukuyin kung ano ang isinasaad ng larawan.
Lagyan ng Kahon ang tamang sagot.
Pangalawang Pangkat: Tukuyin
Mo!

Panuto: Tukuyin kung ano ang


isinasaad ng larawan. Lagyan ng
Kahon ang tamang sagot.

Si Carlo ay isang mag-aaral sa


Quezon Cetral School. Siya ay
naglalakad papuntang paaralan.
Marami siya nadadaanan na mga
bagay at estruktura. Pero hindi
niya alam kung ano ang mga ito.
Halina’t tulungan si Carlo para
malaman niya kung ano-ano ang
mga bagay at estrukturang ito.

1.

Ospital Simbaan

2.

Munisipiyo Himpilan ng
Pulisiya

3.

Himpilan ng Pulisya
Himpilan ng Bumbero
4.

Tricycle Kotse

5.
Pangatlong Pangkat: Iguhit Mo!

Iguhit ang mga bagay o istruktura na makikita


sa nadadaanan sa inyong tahanan patungo sa
paaralan.
Mga puno Mga Hayop

Pangatlong Pangkat: Iguhit Mo!

Panuto: Iguhit ang mga bagay o


istruktura na makikita sa
nadadaanan sa inyong tahanan
patungo sa paaralan.
\

Pang-apat na Pangkat:

Basahin ang sumusunod na pangungusap at


tukuyin ang inilalarawang estruktura nito.
Punan ang kahon ng angkop na titik upang
mabuo ang mga salita.

Pang-apat na Pangkat:

Panuto: Basahin ang sumusunod na


pangungusap at tukuyin ang
inilalarawang estruktura nito.
Punan ang kahon ng angkop na titik
upang mabuo ang mga salita.
1. Dito pumapasok ang mga
batang katulad mo upang
mag-aral.

2. Dinadala ang mga taong


may sakit upang
magpagamot.

3. Kalimitan ay mataas ito at


sa tuktok ay may nakalagay
na krus.
4. Ito ang lugar kung saan
namimili ang mga tao.

5. Dito ka tumitira kasama ang


inyong pamilya.

Pagkatapos ng pangkatang gawain tanungin Ma’am kami ay masaya at excited


ang mga bata. gumawa.

Ano ang naramdaman ninyo habang


gumagawa ang inyong grupo? Ma’am kami po ay nagtulungan.

Ano ang ginawa ninyo para matapos ninyo


agad ang inyong trabaho? Ma’am gumawa kami ng tulong
tulong at pinuri ang ginawa ng
Magaling mga bata. ibang grupo.

Paano ninyo naipakita ang pagpapahalaga sa


ginawa ninyo at sa ginawa ng ibang grupo?

Magaling.

Palakpakan natin ang ating mga sarili.


E. Paghahalat Ano-ano ang mga estruktura na nadaraanan
papuntang paaralan.
Simbahan, hospital, humpilan ng
Yes, Chloe pulisiya at bumbero, munisipyo,
tulay, parke, bangko, mall,
gasolinahan at iba pa.

Mahusay Chloe. Bigyan ng “Bravo Clap”yan. (Bibigyan ng bravo clap si chloe ng


mga kaklase)
Ano-ano naman ang mga bagay na
nadaraanan papuntang paaralan.

Yes, Joy. Mga punong-kahoy, halaman,


poste, sasakyan, hayop at iba pa.
Magaling Joy. Bigyan ng “Bravo Clap”.
F. Pagpapahalaga Bakit mahalagang malaman ang mga bagay at
estrukturang ating nadaraanan papuntang
paaralan? Ito po ang magsisilbing gabay para
po hindi tayo maligaw o mawala.
Yes, Alvin.

Tama. Ito ang mag sisilbi nating gabay para


hindi tayo mawala.

Sa ating buhay, sino-sino ang mga nag sisilbi


nating gabay para maabot natin ang mga
pangarap natin sa buhay?

Yes, Maica. Magulang at kamag-anak po.


Tama. Ano pa magbigay ka nga ng isa Mae?
Guro po.
Mahusay. Meron pa ba? Sila lang ba ang
nagsisilbi nating gabay?
Ang Panginoon po.
Yes Anthony.
Tama. Magaling.

Ang ating mga magulang, kapamilya,


kaibigan, mga guro at higit sa lahat ang ating
panginoon ang mga mag sisilbi nating gabay
upang makamit ang mga mithiin o pangarap
natin sa buhay. Sila ang mga estruktura sa
buhay natin na nagsisilbing gabay para hindi
tayo mawala o maligaw ng landas.

Naintindihan niyo na ba ang ating leksyon


ngayong araw?
Opo guro.
May mga katanungan pa ba?

Mahusay. Wala na po guro.


Bigyan ng “Mabuhay Clap” ang bawat isa.
(Bibigyan ng mabuhay clap ang
mga kaklase)

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Tignan at pag-aralan ang larawan sa ibaba. Bilugan ang tamang sagot.

1. Saan pupunta si Vicky?


a. Sa tindahan b. Sa palengke c. Sa ilog d. Sa paaralan

2. Bakit kailangan malaman ni Vicky ang mga bagay at estruktura na madadaanan niya papuntang paaralan?
a. Para hindi maligaw papuntang paaralan. c. Para tumaas ang grado niya.
b. Para makapaglaro at makapagpahinga. d. Para maganda ang daraanan niya.
c.
3. Ano ang dapat gawin ni Vicky pag tatawid siya sa daan para hindi siya mabunggo ng sasakyan?
a. Maglaro habang naglalakad sa kalsada. c. Maglakad sa gitna ng kalsada.
b. Maglakad sa gilid ng kalsada. d. Makipaghabulan sa mga kasama.

4. Sa pag-uwi ni Vicky, ano sa mga ito ang dapat gawin?


a. Pumuntang maligo sa ilog.
b. Umakyat sa puno ng manga at kumuha ng bunga nito.
c. Naglaro sa palaruan.
d. Umuwi agad sa kanila para hindi mag-alala ang kanyang ina.

5. Ano ang nararapat gawin para mapanatili ang kaayusan ng mga nadaraanan natin patungong paaralan?
a. Itapon sa kalsada ang mga pinagkainan. c. Sa ilog ang basurahan.
b. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan. d. Hayaang nagkalat ang mga basura.
V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Gumuhit ng mga estruktura na inyong nakikita sa inyong nadaraanan mula bahay patungong paaralan.
Kulayan ito pagkatapos. Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka.

Rubriks sa Pagbibigay ng Marka


Kraytirya Pamantayan Puntos
Tema Natukoy ang mga bagay at
impraestruktura na nakikita sa 5
nadadaanan mula sa paaralan.

Pagkamalikhain Maganda at maayos ang pagguhit 3


at pagkulay sa Gawain.

Kalinisan Malinis ang mga larawan at ang 2


papel na ginamit sa pagguhit.

Kabuuan 10

Inihanda ni:

Mary Jossa G. Dizon


Guro

You might also like