You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 1

(AP1PAA-IIIb-4)
I. Layunin
Nailalarawan ang mga tungkuling bumubuo sa paaralan (e.g.punong guro, guro, mag-aaral,
doktor at nars, dyanitor, etc.)
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Tauhan sa Paaralan ko, Pahahalagahan ko
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 1 pp. 164-174
C. Kagamitan: mga larawan, flash card, strips of paper, sombrero
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-tsek ng liban sa klase
3. Balik-Aral
Ilagay sa linya ang masayan mukha kung
tama ang pangungusap at malungkot na mukha
naman kung hindi.

______ 1. Sa kantina nagaaral ang mga bata.


______ 2. Sa palaruan naglalaro ang mga bata
pagkatapos ng klase.
______ 3. Sa silid-aralan tinuturuang magbasa at
magsulat ng guro ang mga bata.
______ 4. Sa klinika ginagamot ang mga batang
nasugatan.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Maglaro ng “PINOY HENYO” . Ipahula sa mga
mag-aaral ang mga salita nakadikit sa sombrero.
1. Guro
2. Dyanitor
3. Punong guro
4. Gwardya
5. Nars

2. Paglalahad
Guro, dyanitor, punong guro, gwardya, nars
Sino-sino ang mga tauhan na nabanggit kanina sa
ating laro?

Tama! Dahil ang aralin natin ngayon ay tungkol


tauhan ng mga paaralan at kani-kanilang
tungkulin

(Magpakita ng tsart na may larawan ng guro,


punong-guro, gwardya, dyantor at iba pang mga
bumubuo ng paaralan habang gumaganap ng
kanilang mga tungkulin.)
Makinig, huwag maingay at tumulong sa grupo.
3. Pagtatalakay

Bago tayo magsimula sa ating pangkatang


Gawain, ano ang mga dapat nating tandaan
tuwing tayo ay mayroong pangkatang gawain?

Pangkatang Gawain

Gumawa ng Information Chart ng mga tauhan


ng eskwelahan. Isa-isahin ang mga tauhan at ang
kani-kanilang mga tungkulin sa paaralan.
TAUHAN TUNGKULI
N

Guro, nars, punong guro, dyanitor, gwardya

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Sino-sino ang mga tauhan sa ating paaralan at
ang kanilang mga tungkulin?

2. Pagsasanay
Ipakita sa mag-aaral ang mga larawan ng tauhan
sa paaralan. Ipatukoy sa kanila ang mga
tungkulin ng bawat isa.

IV. Pagtataya

Piliin sa kahon ang mga sagot. Isulat sa patlang. .

Guro

Dyanitor

Gwardya

Punong guro

Nars
_________ 1. Pinapaganda ni kuya Efren ang
paaralan sa pamamagitan ng paglilinis nito araw-
araw.

__________ 2. Tinuturuan ni Ginang Cruz na


mag bilang at sumulat ang mga estudyante .

__________ 3. Binabantayan ng maigi ni


Ginoong Santos ang paaralan para malayo sa
sakuna ang mga guro’t estudyante.

____________ 4. Ginagamot ni Binibining Abad larawan


ang mga estudyanteng nasusugatan.
pusa
____________ 5. Pinapamahalaan ni Ginang
Lopez ang mga guro at iba pang tauhan upang ilaw
mapabuti at maayos ang paaralan.
halaman
V. Takdang Aralin

Magbigay ng isang tauhan at pangalan at


kanyang tungkulin sa paaralan.

Inihanda ni:
ROSALIE G. LUCES

You might also like