You are on page 1of 6

TXTBK + QUALAS

Textbook based instruction


SANAYANG PAPEL Blg.1
paired with MELC-Based SA FILIPINO 1
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter: 3 Linggo 3 Araw:1-5

Pangalan:

Baitang at Pangkat:

Guro: ____________________________Petsa ng Pagpasa : __________________


MELC: 1. Naibibigay ang paksa ng talata at tula F1PN-IIh-10 F1PN-IIIi-7
2.Natutukoy ang salita/pangungusap sa isang talata F1AL-IIh-3
3. Natutukoy ang kasarian ng pangngalan F1WG-II-I 2.2
Aralin: Paksa ng talata at tula

Sanggunian: Test Item Bank Pahina: F1WG-II-i-2.2

Layunin: Naibibigay ang paksa ng talata at tula


Kasanayan Bilang: 1 Pagbibigay -paksa ng talata at tula Araw:1
KONSEPTO:
Paksa- Ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat usapan kina-kailangan ng paksa
upang may pag-usapan. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari na
nagsisilbing pokus ng diwang sinasaad.
Halimbawa:
Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa
iba pang nilikha sa daigdig, walang pag-aalinlangang masasabi na ang tao ang
nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas na antas ng
pag-iisip ng tao.
Paksa-Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang maikling talata sa tulong ng mga magulang o ibang miyembro
ng pamilya.
1
Si Maya ay may bisikleta. Ang bisikleta ay kulay dilaw. Mahilig magbisikleta si
Maya tuwing hapon. Ito ang gamit niya papunta sa palaruan.

Ano ang paksa sa binasang talata? Isulat ito sa patlang.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang tula sa tulong ng mga magulang o ibang miyembro ng


pamilya.

alamy.com

Sa Plasa
Masaya sa plasa. May banda at parada.
Maraming tao ang nagpunta.
Iba’t ibang bagay sa eksibit makikita.
Mga prutas at pagkain,
2 mga bag, sombrero
at sapatos pawang sariling produkto natin.
Ano ang paksa sa binasang tula? Bilugan ang tamang paksa.

Sa plasa masaya sa plasa maraming tao

Layunin: Natutukoy ang salita/pangungusap sa isang talata.

Kasanayan Bilang:2
Pagtukoy ng salita/pangungusap sa isang talata Araw:2-3
KONSEPTO:
Salita- ay nagbibigay ng ibang kahulugan batay sa pagkakagamit nito.
Halimbawa:
bansa malinis bata gamit krayola papel
lapis matipid
Pangungusap
Isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay
binubuo ng Simuno at Panaguri

Simuno- ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.


Halimbawa: Ang bata ay umiiyak.
Ang bata ay ang simuno dahil siya ang pinag-uusapan.
Panaguri- ay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa simuno, kung ano ang
ginagawa ng simuno o kung ano ang nangyayari sa simuno.
Halimbawa: Ang bata ay umiiyak.

Ang umiiyak ay ang panaguri dahil ito ang nagsasabi sa ginagawa ng bata.
Pagsasanay 1

3
Basahin o pakinggan ang maikling talata.Bilugan ang mga salitang nabanggit sa
talata.

Kahit mga bata ay nagmamahal din sa kanilang bansa.


Ipinapakita nila ito sa pagiging matiyaga, masinop at malinis. Sila ay matiyaga sa
pag-aaral gayundin sa pagtulong sa tahanan. Masinop din sila sa kanilang mga
gamit. Hindi sila maaksaya. Matipid sila sa paggamit ng kanilang lapis, krayola,
papel at iba pa. Maingat din sila sa pangangalaga ng kanilang kapaligiran.
Pagsasanay 2

Salungguhitan ang mga pangungusap na makikita o mababasa sa isang talata.

Si Ben ay magalang na bata. Nakikipag-usap siya ng may mahinang boses.


Mahilig si Ben mag basa ng mga aklat, gumuhit ng mga tanawin at maglaro.

Pagasasanay 3

Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang P kung ito ay pangungusap at S
kung salita.

_________ 1. Si Maria ay isang masipag na bata.

_________ 2. Masaya

_________ 3. Nagsimba ako kahapon.


_________ 4. Malinaw

_________ 5. Masarap

Layunin: Natutukoy ang kasarian ng pangngalan


Kasanayan Bilang: 4
Pagtukoy sa kasarian ng pangngalan. Araw: 4
KONSEPTO:
Mga Kasarian ng pangngalan

4
Panlalaki- Ito ay tumutukoy sa pangngalan ng lalaki.
Halimbawa: tatay, lolo, Ben, Ginoong Cruz, Kuya Lino.

Pambabae- Ito ay tumutukoy sa pangngalan ng babae.


Halibawa: Nora, Mira, Nanay,lola,ate cora.

Di-tiyak- Pangngalang maaaring tumukoy sa lalaki o babae


Halimbawa: Guro,manok, mag-aaral,kapatid,
Walang kasarian-Pangngalang tumutukoy sa bagay bagay na walang kasarian.
Halimbawa: sapatos, puno, kalye,prutas,papel at iba pa.

Pagsasanay1
Isulat ang wastong kasarian ng pangngalan B kung babae, L kung lalaki DT kung
di-tiyak at WK kung walang kasarian.

__________1. ama

________2. kwaderno

________3. Gng. Ramos

________4. Guro

________5. tiyo

5
SUSI SA PAGWAWASTO

I. II.

Si Maya ay may bisiklita

Sa plasa

III.

Bata Si Ben magalang. 1. P


Malinis . 2.S
Matiyaga Si Roy ay kaklase ni Ben. 3.P
Gamit Si Roy ay mabait at matalino 4.S

IV.

1.L

2.WK

3.B

4. D

5. LS

You might also like