You are on page 1of 8

1

Department of Education-Region III


TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/
Tel. No. (045) 470 – 8180

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 3 -Week 2
Learning Activity Sheets

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO I
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo
Pangalan:_______________________________________________
Seksiyon:____________________________ Petsa:___________

GAWAING PAGKATUTO
NAKAPAGPAPAKITA NG PAGPAPAHALAGA SA
MGA KARAPATANG TINATAMASA

Panimula (Susing Pagkatuto)


1. Sa araling ito, matutuklasan, masusubok at maipapakita mo ang
pagpapahalaga sa mga karapatang iyong tinatamasa.
Ang Karapatan ay isang kakayahan ng isang tao o mamayan
ng isang bansa na magdesisyon at gumawa ng mga bagay na
may kalayaan.

Kasanayang Pampagkatuto

2. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga karapatang


tinatamasa
Halimbawa:
a.Pagkain ng masusustansyang pagkain
b.Nakapag-aaral
c. Karapatang magkaroon ng tirahan.
d. Karapatang magkaroon ng pamilyang magmamahal at
mag-aalaga sa kanila.
e. Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa
pang-aabuso o pananakit ng sinuman.

Koda: EsP1PPPIIIb-c– 2

Pamamaraan
Gawain 1
Gabay na tanong: Alam mo ba ang iyong mga karapatan bilang
isang bata? Napapahalagahan mo ba ang mga ito?

Tara! Basahin natin ang maikling dayalogo nila Kara, Pat at Tan.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

2
Sila KARA, PAT, at TAN
Dahil sa pandemyang nararanasan
natin ngayon, hindi na nagkikita at
nakapag-aaral sa eskwelahan sila
Kara, Pat at Tan, ang magkaklase
at magkakaibigan. Buti na lang at
may makabagong teknolohiya
ngayon kaya nakapagkamustahan
sila sa video call o facebook
messenger group chat. Ito ang
kanilang usapan. Tayo na’t basahin
natin.

KARA: Magandang araw sa inyo Pat at Tan. Kumusta kayo?


PAT: Okay naman ako Kara.
Medyo nakakainip lang dito sa bahay.
TAN: Mabuti rin naman ako. Hindi rin nakakalabas ng bahay.
Bawal pa kasing lumabas ang bata dahil sa Covid.
KARA: Oo, mas okay narin yun. Para listas tayo.
PAT: Oo nga pala, napanood ninyo ba sa TV ung tungkol sa mga
batang ulila na pakalat-kalat sa daan? May Covid pa naman!
TAN: Ay oo nga! Kawawa sila.
Kara: Nakakaawa, wala silang makain.
Pat: Wala rin silang tirahan na matutuluyan.
Tan: At di rin sila nakakapag-aral.
Kara: Oo, nalulungkot ako para sa kanila.
Di ba may mga karapatan ang mga bata?
Pat: Oo, tanda ko pa tinuro ng guro natin yan.
Karapatang makakain ng masusustansyang pagkain.
Tan: Tanda ko rin. Meron ding karapatang makapag-aral.
Kara: Meron ding karapatang magkaroon ng tirahan.
Pat: At higit sa lahat karapatang magkaroon ng pamilyang
magmamahal at mag-aalaga sa kanila.
Tan: Meron din karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa
pang-aabuso o pananakit ng sinuman.
Pero anong magagawa natin para matulungan sila?
Kara: Oo nga, mga bata pa lang tayo.

3
Pat: Hindi, kahit bata tayo may magagawa tayo. Pwede natin sabihin
ito sa mga magulang o mas nakatatanda at kausapin sila na tawagan
ang Bantay Bata o anumang ahensya na nangangalaga sa mga bata
gaya ng DSWD. Gaya ng sa TV.
Tan: Tama, ang galing mo talaga Pat.
Sabihin na natin sa mga magulang natin.

Kara: Oo, kailangan natin silang tulungan.


Buti tayo natatamasa natin ang mga karapatan natin.
Pat: Oo, kailangan nating pahalagahan ang bawat
karapatan na ibinigay sa atin.
Tan: Napakapalad natin na binibigay ng ating mga magulang
ang mga karapatan natin bilang isang bata.
Kara: Kaya dapat nating pahalagahan ang ating mga
Karapatan.
Bilang isang bata, may karapatan din na makapaglaro. Ngunit
ngayong pandemya. Iwasan muna ang paglalaro sa labas upang
manatili tayong ligtas mula sa panganib na dulot ng Covid19.

ANG MGA TANONG:


Isulat sa patlang ang sagot.
1.Sino- sino ang mga bida sa kwento o dayalogo?
________________________________________________________________

2.Ano ang napanood ni Kara at pinag-usapan nilang


magkakaibigan?

3.Ano-ano ang mga karapatan ng mga bata na kanilang


nabanggit?

4. Sa tingin mo naipakita nila ang kanilang


pagpapahalaga sa karapatan nila bilang isang bata?
________________________________________________________________

5.Kung ikaw rin ang nakapanood sa kaawa-awang karanasan ng


mga batang ulila, anong gagawin mo? Bakit?

4
Gawain 2
A. Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang bilang na nagpapakita
ng pagpapahalaga sa Karapatan ng bata at ekis ( ) naman
kung hindi.

________1. Dahil sa covid, hindi na ako nakakapasok sa paaralan pero


nagkakapag-aral pa rin ako sa pamamagitan ng modular distance
learning sa bahay.
________2. Namamalimos ang bata sa kalye para may makain.
________3. Nakita mong sinasaktan ang isang bata sa tabi ng daan.
________4. Mahal ako ng aking mga magulang.
________5. Hindi nakakapagsulat at nakakabasa ang mga batang
nakilala mo sa tabi ng daan.
________6. Nakahiga lamang sa parke ang isang bata at walang
masisilungan.
________7. Nakita mong walang baon noon ang kaklase mo at
nakatingin lamang sa inyo na kumakain.
________8. Sinuntok ng isang lalaki ang batang tahimik na nakaupo sa
may plaza.
________9. Nakatira ako sa maayos na bahay kasama ang aking
pamilya.
________10. Masaya ako dahil mahal na mahal ako ng aking magulang
at binibigay ang aking mga pangangailangan sa abot ng kanilang
makakaya.

Gawain 3
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at isipin kung gaano ninyo kadalas
nararanasan at napapahalagahan ang mga karapatang inyong
tinatamasa. Iguhit ang masayang mukha sa hanay ng inyong
napiling sagot.

Palagiang Paminsan- Hindi


Mga Sitwasyon
Nararanasan minsan Nararanasan
1. Binibigyan ako ng
aking mga
magulang ng
masusustansyang
pagkain.

5
2. Nakakapag-aral
ako at sinisikap
kong makatapos
ng pag-aaral.

3. Binibigay ng aking
mga magulang
ang mga
kailangan ko.

4. Minamahal ako ng
aking mga
magulang at iba
pang kasapi ng
pamilya.

5. Walang sinumang
nananakit sa akin
nang walang
dahilan.

PANGWAKAS NA GAWAIN:
Panuto: Isulat kung ano ang karapatang hindi natatamasa sa bawat
bilang. Pumili ng sagot sa kahon at isulat ang letra ng iyong sagot sa
patlang.

a. Karapatang mag-aral.
b. Karapatang magkaroon ng tirahan.
c. Karapatan sa masustansyang pagkain.
d. Karapatang mahalin at alagaan ng isang pamilya.
e. Karapatan laban sa pang-aabuso.

6
1.Isang umaga, nakita mo ang isang batang namumulot ng
pagkain sa basura. Anong karapatan ng bata ang hindi
pinapahalagahan dito?
______________________________________________________

2. Naririnig mong may binu-bully na bata at sinasaktan pa.


Anong karapatan ng bata ang hindi pinapahalagahan
dito?________________________________________________

3. May nakita kang batang nawawala, tinanong mo sya kung saan siya
nag-aaral pero hindi sya sumasagot at tila hindi alam basahin ang
direksyon at isulat ang kanyang pangalan kahit tila mas matanda na
siya sa iyo? Anong karapatan ng bata ang hindi pinapahalagahan
dito? ________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
10. 9. 8. 7. 6. 5. 4. 3. 2 GAWAIN 2 1.
5.sariling sagot ng bata.

4. sariling sagot ng bata.

e. Karapatan laban sa pang-aabuso.

d. Karapatang mahalin at alagaan ng isang pamilya.

c. Karapatan sa masustansyang pagkain.

b. Karapatang magkaroon ng tirahan.

3. a. Karapatang mag-aral.

2.Tungkol sa Karapatan ng isang batang napanood ni Kara.

1. Sila Kara, Pat, at Tan


GAWAIN 1

7
Mga Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Grade
1 Learners Material, 2015

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao


Gabay Pangkurikulum Mayo 2016

DepEd MELCs 2020, EsP Grade 1

BUMUO SA PAGSULAT NG LEARNING ACTIVITY SHEETS

Manunulat: Divine B. Danzil


Tagasuri ng Nilalaman: Cynthia F. Cerezo
Tagasuri ng Wika: Mylene C. Palomar
Tagaguhit: Divine B. Danzil
Tagalapat: Joan A. Bugtong
Pangkalahatang Tagasuri:
Anita P. Domingo
EPSvr – Edukasyon sa Pagpapakatao

Lily Beth B. Mallari


LR Supervisor

Robert E. Osongco, EdD


Chief - CID 8

You might also like