You are on page 1of 23

Health

Ikatlong Markahan – Modyul 4:


Ilarawan ang mga Katangian ng isang
Malinis na Tahanan

Katawan
Health – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlonng Markahan – Modyul 4: Ilarawan ang mga Katangian ng Isang Malinis na
Tahanan (Describes the characteristics of a Healthful Home Environment)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ilarawan ang mga Katangian ng
Isang Malinis na Tahanan
(Describes the Characteristics of
a healthful Home Environment)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health 1 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Ilarawan ang mga Katangian ng Isang Malinis na Tahanan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy,
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Health 1 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Nakikilala ang mga Pagkaing
Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


Subukin natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
Balikan balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
Isaisip katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
Susi sa sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha
o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga iba’t-ibang katangian
ng isang malinis na tahanan. Ang kalinisan ang
pinakamagandang sandata upang hindi tayo madapuan ng
anumang sakit. Kailangan natin maglinis sa ating tirahan at
kapaligiran upang katawan natin ay manatiling malusog. Ang
malinis na kapaligiran ay dulot ng malusog na pangangatawan.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ang


mag-aaral, ay inaasahang:

1. Nababatid ang mga iba’t ibang katangian ng isang


malinis na tahanan.

2. Nasusunod ang wastong paraan ng paglilinis ng


tahanan.

Subukin

Bago mo simulan ang pag-aaral sagutin ang mga


sumusunod na pagsasanay. Makikita mo sa resulta nito kung
gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot. Isulat sa sagutang


papel.
1. Nakita mo na nagkalat ang mga laruan ng iyong bunsong
kapatid, ano ang gagawin mo?
a. Umalis ng bahay para hindi mautusan na magligpit ng
mga laruan.
b. Iligpit ang mga nagkalat na laruan kahit walang sinasabi
ang nanay.
c. Sabihin sa nakababatang kapatid na iligpit ang kanyang
mga laruan

2. Araw ng Sabado. Abalang naglilinis ang bawat miyembro


ng pamilya. Ano ang gagawin mo?
a. Tutulong ako sa paglilinis.
b. Umalis sa bahay para hindi nila ako mauutusan.
c. Makikipaglaro ako habang sila ay naglilinis.

3. Alin sa sumusunod ang dapat mong unang gawin?


a. Paglilinis ng sahig.
b. Paglilinis ng kisame.
c. Paglilinis ng dingding.
4. Bakit mahalaga na palaging malinis at maayos ang ating
tahanan?
a. Maganda sa paningin ng kapitbahay.
b. Maaliwalas at masayang tirahan ng mga mag-anak
ang malinis na tahanan.
c. Magandang paglaruan ng mga kamag-anak.

5. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng malinis na


tahanan?
a. b

c.

Ilarawan ang mga


Aralin
1
Katangian ng Isang Malinis

na Tahanan
Balikan

Ang pagtitipid ng tubig ay ang paggamit g tubig sa


maayos at tamang paraan.
Mga payak na pamamaraan kung paano makatitid ng
tubig.
● Hugasan ang mga prutas at gulay gamit ang
mangkok at hindi ang patuloy na pag-aagos ng
tubig sa gripo.
● Iimbak ang tubig na hindi nagamit.
● Isara ang gripo o shower kapag hindi ginagamit.
● Gumamit ng planggana sa paghuhugas ng mga
kagamitan sa kusina, mga plato at paglalaba ng
mga damit.
● Gumamit ng timba at tabo habang naliligo o
nagdidilig ng halaman.
● Gumamit ng mga pinaggamitang tubig sa paglilinis
ng palikuran at pagdidilig ng halaman.
● Itsek ang gripo, inidoro at shower ng inyong tahanan
at kung may sira ito ay kumpunihin agad.

Tuklasin
Ang Batang Mahilig Maglinis sa Tahanan
Si Yohan ay nasa unang baitang. Bata palang siya
ay nasanay na siyang naglilinis sa kanyang kuwarto at
tinuruan na siya ng kanyang ina sa paglilinis ng kanilang
tahanan. Magligpit ng kanyang higaan, magligpit ng
laruan, mamulot ng kalat sa loob ng bahay at magwalis.
Ang kanyang mga magulang ay masayang masaya
dahil sa kanilang anak na laging tumutulong sa kanila sa
mga gawaing bahay lalong lalo na sa paglilinis ng
kanilang tahanan.

Bilang bahagi ng pamilya, ano ang nagawa nyo sa bahay


upang makatulong na mapanatiling malinis ang inyong
tahanan?
Suriin

Sa panahon ngayon, dumarami ang mga tao na nakakuha


ng sakit katulad ng dengue, pulmonya, at trangkaso.
Nagdudulot ito nang masamang pakiramdam na dahilan ng
pagliban sa klase o pagka-ospital.
Upang maiwasan ang madapuan ng mga ganitong
klaseng sakit, mainam na panatilihin ang kalinisan ng ating
tahanan, mula sa labas hanggang sa loob, mula sa taas
hanggang sa baba. Ang maayos at maaliwalas na bahay ang
isa sa pinakamabisang sandata upang hindi makakuha ng mga
ganitong sakit.

Katangian ng Maaliwalas at Malinis na Tahanan

1. Maayos ang pagkalagay ng mga kagamitan sa loob ng


tahanan.
2. Makintab at walang alikabok ang sahig, pati mga
kagamitan tulad ng mesa, mga upuan at mga palamuti.
3. Malinis ang paligid ng tahanan.
4. Maayos ang mga kasangkapan sa loob ng tahanan.
Pagyamanin

Panuto: Ano ang pakinabang mo kapag pinapanatiling maayos


at malinis ang ating tahanan? Piliin ang titik at ilagay sa loob ng
maliliit na tatsulok. Isulat sa sagutang papel.

a. Masigla at malakas ang katawan


b. Walang kaibigan
c. Magiging ligtas sa sakit
d. Laging inaantok
e. Masaya ang buong pamilya
f. Masayang nakapaglalaro
g. Laging nagkakasa
h. Maaliwalas ang pakiramdam
Isaisip

Panuto: Lagyan ng tsek(✔)ang kahon sa gilid ng


larawan kung ito ay nagpapakita ng malinis na tahanan
at ekis( X)naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel.

1. 2.

3.

4. 5.
Isagawa

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot upang mabuo ang


bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang sahig ay _________________ upang makintab.

2. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan


Kailangang punasan ang mga ito ng ______________
araw-araw.

3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang


_____________ upang hindi lumipad ang alikabok.
4. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng
mga kasangkapan _______________.

5. Ang pagwawalis sa sahig ay sisimulan sa mga


________________ patungo sa gitna.
Tayahin


Panuto: Iguhit ang puso ( ) kapag ito ay nagpapakita ng
pagpapanatili ng maayos at malinis na tahanan at bilog ( )
kung hindi. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

_____1. Araw-arw kaming naglilinis sa loob at labas


ng aming bahay.
______2. Pinadudumi ang alagang aso sa likod ng
Bahay
______3. Iayos ang mga kasangkapan at iba pang
kagamitan sa tahanan upang maiwasan
ang disgrasya.
______4. Kailangang walisin ang mga nagkalat na
mga papel sa loob ng bahay.
______ 5. May nabasag na basong puno ng tubig
habang ikaw ay naglilinis at natapon ito
sa sahig ngunit pinabayaan mo ito at umalis ka.

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ka ng kaya mong gawin upang mapanatili
ang kalinisan sa tahanan. Iguhit sa sagutang papel.

17
Susi sa Pagwawasto

Subukin Suriin Isagawa


1. B 1.√ A
2. A 2. X C
3. B 3.√ E
4. B 4.√ F
5. C 5.X

Isagawa Tayahin
1. binubunot 1. pulang puso
2. tuyong basahan 2. dilaw na puso
3. dahan-dahan 3. pulang puso
4. pababa 4. pulang puso
5. sulok 5. dilaw na puso

Sanggunian

18
K to 12 Health Curriculum Guide, May 2016
LRMDS Portal for Images
● boy washing dishes
● boy cleaning the room
● boy with his toys
Good Manners and Right Conduct 5 (Revised Edition) Lucina T.
Jardin & Rebecca T. Watson pp. 38, 124-125
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 (Kagamitan ng
Mag-aaaral)
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera
pp. 280 - 284

19

You might also like