You are on page 1of 26

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Aking Paaralan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Aking Paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sidney G. Reyes


Editor: Angelica M. Burayag, PhD/ Marie Claire M. Estabillo
Mary Grace P. Valenton/ Romeo M. Layug
Emily DR. Mendoza/ Lorinda P. Dionisio/
Bernadette G. Paraiso, PhD/ Elena V. Almario
Tagasuri: Mila D. Calma/ Nestor P. Nuesca, EdD/ Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug/ Jonathan Paranada/ Ryan C. Pastor/
Mary Rose B. Caguillo/ Jennifer T. De Jesus/
Melinda S. Mendoza / Nerissa D. De Jesus /
Sandee C. Olubia/ Anellen G. Fernandez
Tagaguhit: Jenny P. Hingpit
Tagalapat: Ana May P. Roberts

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Milagros M. Penaflor, PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ang Aking Paaralan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral
sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang


masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na


ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng
suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang
unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 1.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng aralin:


• Aralin 1- Mga Batayang Impormasyon ng Aking
Sariling Paaralan

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
1. Masasabi ang mga batayang impormasyon
tungkol sa sariling paaralan: pangalan nito (at
bakit ipinangalan ang paaralan dito), lokasyon,
taon ng pagkakatatag at ilang taon na ito.

1
Subukin

Saan ka nag-aaral? Nalalaman mo ba ang mga


batayang impormasyon tungkol sa iyong sariling
paaralan? Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pangalan ng iyong paaralan?


2. Paano pinangalanan ang iyong paaralan?
3. Saan ito matatagpuan?
4. Kailan naitayo ang iyong paaralan?
5. Ilang taon nang naitayo ang iyong paaralan?

2
Aralin

1 Ang Aking Paaralan

Ang paaralan ay ang lugar kung saan tayo nag-


aaral. Sa lugar na ito nakakasama natin ang ating guro
at mga kamag-aral. Dito tayo natututong magbasa,
magsulat at magbilang. Nararanasan din natin ang mga
masasayang gawain tulad ng pagguhit, pagkanta at
pagsayaw.
Sa panahon ng pandemya kahit na pansamantala
muna tayong hindi nakapasok sa paaralan, hindi ibig
sabihin nito ay mahihinto na tayo sa pag-aaral.

3
Balikan

Panuto: Lagyan ng masayang mukha kung ang


larawan ay nagpapakita ng mabuting pakikipag-
ugnayan ng pamilya sa ibang pamilya at malungkot na
mukha naman kapag hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
mga batayang impormasyon tungkol sa sariling
paaralan. Mainam na gabayan ang mga mag-
aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul na 4ito.
Tuklasin

Ang Bagong Paaralan ni Eliza


Papasok na si Eliza sa bago niyang paaralan.
Lumipat siya ng paaralan dahil lumipat sila ng tirahan.
Pagpasok pa lang niya sa paaralan ay nakita na niya
ang malaking nakasulat sa pader “Welcome to Tapulao
Elementary School”. Naisip niya na kaya Paaralang
Elementarya ng Tapulao ang pangalan ng paaralan ay
dahil matatagpuan ito sa Barangay Tapulao.
Binati ni Eliza ng magandang umaga ang kanyang
guro na si Ma’am Shelly. Ikinuwento ng kanyang guro ang
pagkakatayo ng Tapulao Elementary School. Ayon sa
kanya, itinayo ang paaralan noong taong 1954. Iisa
lamang ang gusali sa paaralan at iilan pa lang ang mga
silid-aralan. Sinabi din ni Ma’am Shelly na ngayong taong
2020 ay 66 na taon nang nakatayo ang paaralan.

5
Suriin

Panuto: Basahin ang mga batayang impormasyon


tungkol sa paaralan.
1. Pangalan ng Paaralan

Ang F.C. Del Rosario na


nasa Samal, Bataan ay
ipinangalan sa
nagmamay-ari ng lupa
kung saan ito itinayo.

Ang iba namang


paaralan tulad ng Tomas
Pinpin Memorial
Elementary School sa
Abucay, Bataan ay
ipinangalan sa bayani ng
bayan na si Tomas Pinpin.

Ipinangalan naman sa
barangay Tapulao ang
paaralan ng Tapulao
Elementary School kung
saan ito nakatayo.
6
2. Lokasyon ng Paaralan

Ito ang eksaktong lugar


kung saan matatagpuan
ang paaralan. Tinutukoy
nito ang barangay, bayan
at probinsya na
kinaroroonan ng paaralan.

3. Taon ng Pagkakatatag

Ito ang taon kung kailan


itinayo ang paaralan.
Upang malaman mo kung
ilang taon na ang paaralan,
ibabawas mo ang
kasalukuyang taon sa taon
ng pagkakatatag nito.

7
Pagyamanin

A. Panuto: Tingnan ang mga impormasyon tungkol sa


larawan tungkol sa Kabalutan Elementary School. Sagutin
ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kabalutan Elementary School

1963 57
Kabalutan, Orani, Bataan ipinangalan sa lugar

1. Ano ang pangalan ng paaralan?


2. Paano binigyan ng pangalan ang paaralan?
3. Saan ito matatagpuan?
4. Kailan itinayo ang paaralan?
5. Ilang taon na mula nang naitatag ang paaralan?

8
B. Panuto: Piliin kung ang mga sumusunod na
impormasyon kung tumutukoy sa pangalan, lokasyon o
taon ng pagkakatatag ng paaralan. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa sagutang papel.

a. Pangalan ng paaralan
b. Lokasyon ng paaralan
c. Taon ng pagkakatatag ng paaralan

1. 1916
2. Tala Elementary School
3. Pantalan Luma, Orani, Bataan
4. Pulo Elementary School
5. Talimundoc, Orani, Bataan

C. Panuto: Ang mga nabanggit na paaralan ay


matatagpuan sa Orani, Bataan. Ito ay ipinangalan sa
barangay kung saan ito matatagpuan. Isulat ang
lokasyon ng sumusunod na paaralan. Isulat sa sagutang
papel.

Halimbawa:
Tapulao Elementary School - Tapulao, Orani, Bataan

1. Pulo Elementary School -


2. Alikabok Elementary School -
3. Pantalan Luma Elementary School -
4. Pagasa Elementary School -
5. Talimundoc Elementary School –

9
D. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang pangalan
ng paaralan ayon sa logo nito.

1. 2.

3. 4.

5.

10
E. Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang bilang 1-5
ayon sa pagkakasunod-sunod ng taong pagkakatatag
ng mga paaralan hanggang sa kasalukuyan.

Orani South Elementary School

1956

1.

Pulo Elementary School

1997

2.

Sibul Elementary School

1958

3.

Pantalan Bago Elementary School

1965

4.

Kabalutan Elementary School

1963

5.

11
F. Panuto: Isulat kung ilang taon na ang mga sumusunod
na paaralan mula nang ito ay tinatag hanggang sa
taong kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Sibul Elementary School na itinatag noong 1958


2. Pulo Elementary School na itinatag noong 1997
3. Kaparangan Elementary School na itinatag noong
1944
4. Pantalan Bago Elementary School na itinatag noong
1965
5. Paraiso Elementary School na itinatag noong 1976

12
G. Panuto: Paano pinangalanan ang sumusunod na mga
paaralan? Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.

a. Ipinangalan sa nagkaloob ng lupa ng paaralan


b. Ipinangalan sa bayani ng bayan
c. Ipinangalan sa lugar na kinaroroonan nito

1. Antonio Luna Elementary School


2. Facundo Angeles Memorial Elementary School
3. Jose Rizal Elementary School
4. Pantalan Bago Elementary School
5. Pagasa Elementary School

13
H. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na batayang
impormasyon tungkol sa paaralan. Isulat ang iyong sagot
sa sagutan papel.

Paano
Pangalan ng Paaralan pinangalanan
1. ____________________ 2. ______________

Lokasyon ng Paaralan Taon ng Pagkakatatag


ng Paaralan
3. _______________
4. ____________________

Bilang ng taon ng Paaralan


5. ________________

14
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na batayang impormasyon


tungkol sa iyong paaralan ang sumusunod na talata.
Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

a. Pangalan
b. Bilang ng taon ng paaralan
c. Dahilan ng pagpapangalan
d. Taon ng pagkakatatag
e. Lokasyon ng paaralan

(1) Binibigyan ng _____________ ang paaralan


para madali itong makilala. May iba’t ibang
(2)_____________ sa paaralan. Ito ay maaring mula sa
nagkaloob ng lupa ng paaralan, mula sa bayani ng
bayan o mula sa lugar kung saan ito matatagpuan. Ang
(3)____________ ay ang eksaktong lugar kung saan
matatagpuan ang paaralan. Tinutukoy nito ang
barangay, bayan at probinsya na kinaroroonan ng
paaralan.
Ang (4)_____________ ay ang taon kung kailan itinayo
ang paaralan. Malalaman mo ang (5)_____________
kung ibabawas mo ang taon ng pagkakatatag ng
paaralan sa kasalukuyang taon.

15
Isagawa

Basahing mabuti ang talata

Ang Paaralan ng Magpinsan


Isang Sabado ay bumisita sa kanilang lolo at lola
ang magpinsan na sina Gino at Theo.
Ipinagmalaki ni Gino ang kaniyang paaralan.
“Ako po ay nag-aaral sa Tomas Pinpin Elementary
School. Malaki po ang aming paaralan. Marami pong
mga silid-aralan at may mga gusali din na may
dalawang palapag.”
Ibinida din ni Theo ang kaniyang paaralan. “Ako
po ay nag-aaral sa Doña Elementary School. Maliit
lang po ang paaralan namin pero maganda naman
po ito. Marami pong punong nakatanim.”
“Saan ba makikita ang paaralan ninyo?”
“Ang Doña Elementary School po ay makikita sa
Barangay Doña,” sabi ni Theo.
“Ang Tomas Pinpin Memorial Elementary School
naman po ay makikita sa Ibayo, Abucay, Bataan.”
“Itinayo ito noong 1933 kaya walumpu’t pito taon
na po ito ngayong 2020.” dagdag ni Gino.

16
“Mas bata po pala ang Doña Elementary School
dahil 28 taon pa lang ito ngayong 2020. Taong 1992
po kasi ang taon ng pagkakatatag nito,” sabi ni Theo.
“Bakit ba Tomas Pinpin Memorial Elementary
School ang ipinangalan sa paaralan ninyo Gino?”
tanong ni Lola.
“Isinunod po ang pangalan ng aming paaralan
sa bayaning si Tomas Pinpin,” sagot niya.

Panuto: Sagutin ang mga sumusuod na tanong ayon sa


binasang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Saan nag-aaral si Gino?
a. Tomas Pinpin Elementary School
b. Doña Elementary School
c. Tapulao Elementary School
2. Paano inilarawan ni Theo ang kaniyang paaralan?
a. Ito ay malaki at maraming silid-aralan.
b. Ito ay maliit at maraming punong nakatanim.
c. Ito ay malaki at maraming punong nakatanim.
3. Kailan itinatag ang Tomas Pinpin Elementary School?
a. 1992
b. 1993
c. 1933

17
4. Ilang taon na ang Doña Elementary School?
a. 25
b. 27
c. 28
5. Bakit Tomas Pinpin Memorial Elementary School ang
ipinangalan sa paaralan nila Gino?
a. Ipinangalan sa nagkaloob ng lupa ng paaralan
b. Ipinangalan sa bayani ng bayan
c. Ipinangalan sa lugar na kinaroroonan nito

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa sarili mong


paaralan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Kailan itinayo ang iyong paaralan?
2. Ilang taon na ito mula nang ito ay maitatag?
3. Saan matatagpuan ang iyong paaralan?
4. Ano ang pangalan ng iyong paaralan?
5. Bakit ito ang ipinangalan sa iyong paaralan?

18
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang isang malinis na papel, iguhit ang


iyong paaralan at kulayan ito.

RUBRIK PARA SA PAGLALARAWAN NAIS PAGLAKI


Pamantayan Batayang
Puntos
1. Napakahusay. Nailarawan at 4-5
nakulayan ang paaralan.
2. Mahusay. Nailarawan ang 2-3
paaralan ngunit hindi ito
nakulayan.
3. Nangangailangan ng Pagsasanay. 1
Hindi malinaw ang larawang
ginawa.
19
20
Isagawa Isaisip
Pagyamanin- F
1. A A. A
1. 64
2. B B. C
2. 23
3. C C. E
3. 76
4. C D. D
4. 55
5. B E. B
5. 44
Pagyamanin- G
1. B
2. A
3. B
4. C
5. C
Pagyamanin- D Pagyamanin- B Balikan
1. Tapulao Elementary 1. C 1. 😊
School
2. A 2. 😊
2. Paraiso Elementary
School 3. B
3. Alikabok Elementary 3. 😊
School 4. A
4. Kaparangan 4. ☹
Elementary School
5. B 5. ☹
5. Pagasa Elementary
School Pagyamanin- C
Pagyamanin- E
1. Pulo, Orani, Bataan Pagyamanin- A
1. 1 2. Alikabok, Orani,
Bataan 1. Kabalutan
2. 5 3. Pantalan Luma, Orani, Elementary School
Bataan 2. Ipinangalan sa lugar
3. 2 4. Pagasa,Orani, Bataan 3. Kabalutan, Orani,
5. Talimundoc, Orani, Bataan
4. 4 Bataan 4. 1963
5. 3 5. 57
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Miranda, NP., 2017 . Araling Panlipunan- Unang Baitang


Patnubay ng Guro. Department of Education Bureau
of Learning Resources.

Miranda, NP., 2017. Araling Panlipunan- Unang Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education
Bureau of Learning Resources.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

22

You might also like