You are on page 1of 15

Filipino 1

Ikalawang Markahan – Modyul 2


Tanong Tungkol Sa Isang Larawan
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ………… 1
Subukin ………… 2

Aralin 1 Tanong Tungkol Sa Isang Larawan


Balikan ………… 3
Tuklasin ………… 5
Suriin ………… 6
Pagyamanin ………… 6
Isaisip ………… 7
Isagawa ………… 8
Tayahin ………… 9
Karagdagang Gawain ………… 10
Susi Ng Pagwawasto ………… 11
Sanggunian ………… 12
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Tanong Tungkol Sa Isang
Larawan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | vi


Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | vii
II Timoteo 2:15
“Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios,
Alamin
Ang modyul na ito ay tungkol sa pagtatanong tungkol sa isang larawan.
Matapos mong mapag-aralan ito, inaasahang makapagtatanong ka tungkol sa
isang larawan.

Mahalagang malaman mo ang pagtatanong tungkol sa isang larawan


upang lubos mong mauunawaan ang iyong binasa.

Subukin
Mula sa larawan sa ibaba, ikaw ay hinikayat na makapagtanong tungkol
dito. Piliin sa mga pinagpipiliang tanong ang pwede mong itanong sa larawang
iyong nakita. Lagyan ng tsek (/) ang tanong na maaaring itanong mula sa
larawan at ekis (X) kung hindi.

___________________ 1. Ano ang ginagawa ng nanay?


______________________ 2. Sino ang kasama ni tatay sa
paghuhugas ng mga pinggan?
______________________ 3. Saan nagtatanim ng palay ang mga
magsasaka?

Aralin
Tanong Tungkol Sa Isang
1 Larawan
Learning Competency:
Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan. F1PS-IIa-2
Balikan
Upang ikaw ay makapagtanong tungkol sa isang larawan, dapat
alam mo ang iba’t ibang salitang ginagamit sa pagtatanong. Ang mga
sumusunod ay mga salitang ginagamit sa pagtatanong:

1. Ano - ay ginagamit kung nais nating makakuha ng impormasyon o


kaalaman tungkol sa isang bagay hayop, o pangyayari.

Halimbawa : Ang balat ng mga Pilipino ay kayumanggi.


Tanong : Ano ang kulay ng balat ng mga Pilipino?
Sagot : kayumanggi
2. Sino - ay ginagamit kung nais nating magtanong tungkol sa isang
tao.
Halimbawa : Rene ang pangalan ng tatay ko.
Tanong : Sino ang tatay ko?
Sagot : Rene

3. Saan - ay ginagamit kung nais nating magtanong tungkol sa


isang pook o lugar.
Halimbawa : Tumutulong ako sa bahay.
Tanong : Saan ako tumutulong?
Sagot : sa bahay

4. Kailan - ay ginagamit kung nais nating magtanong tungkol sa


panahon, petsa, o oras.
Halimbawa : Ika - 16 ng Oktubre ang kapistahan ng Birhen sa
Santo Rosaryo.

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 2


Tanong : Kailan ang kapistahan ng Birhen sa Santo Rosaryo?
Sagot : Ika- 16 ng Oktubre

5. Bakit - ay ginagamit kung nais nating magtanong tungkol sa


dahilan o pagpapaliwananag ng isang pangyayari.
Tanong : Bakit sa buwan ng Agosto pa ang ating pasukan?
Sagot : upang makaiwas tayo sa maaaring maidulot ng
virus na covid sa ating kalusugan
6. Ilan- ay ginagamit kung nais magtanong tungkol sa dami ng isang
isang bagay, hayop, tao o pangyayari.
Tanong : Ilang mata meron ang tao?
Sagot : dalawa

Tuklasin
Mula sa larawan sa ibaba, ipapakita ko sa iyo kung
paano magtanong sa isang larawan.

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 3


1. Sino ang naghuhugas ng kamay?
Sagot: batang lalaki

2. Ano ang ginamit ng bata sa paghuhugas ng kamay?


Sagot: tubig at sabon

3. Saan naghuhugas ng kamay ang bata?


Sagot: sa hugasan

Suriin
Tandaan na ang pagtatanong tungkol sa isang larawan ay dapat
gumamit ng angkop na salita sa pagtatanong upang makakuha rin ng
angkop at tamang kasagutan.

Pagyamanin
May ipapakita akong isa pang larawan. Gumawa ka ng limang
tanong tungkol sa larawang ito gamit ang mga salitang pananong na
ibinigay sa bawat bilang. Isulat sa nakalaang patlang ang nabuong
tanong.

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 4


Mga Tanong:
1. Sino
__________________________________________________?
2. Ano
__________________________________________________?
3. Ilan
__________________________________________________?
4. Saan
__________________________________________________?
5. Kailan
__________________________________________________?

Isaisip
Ngayon, malinaw na ba sa iyo kung paano magtanong tungkol sa
isang larawan? Handa ka na ba sa isa pang gawain?

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 5


Isagawa
Heto ang isa na namang larawan. Gumawa ka ng tatlong tanong
tungkol sa larawang ito. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot.

Mga Tanong:
1. _______________________________________________

2. _______________________________________________

3. _______________________________________________

Tayahin

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 6


Panuto: Mula sa larawang ito, bilugan ang titik ng mga tanong na nasa ibaba na
maaari mong itanong.

A. Ano ang mga gulay sa larawan?


B. Ano ang napalibutan ng mga bato?
C. Saan makikita ang mga ibon?
D. Kailan ginawa ang pagkuha ng larawan?
E. Ano ang kulay ng bahay?

Karagdagang Gawain
Mula sa larawang ito, bilugan ang titik ng mga tanong na nasa ibaba na
maaari mong itanong.

A. Ano ang dala-dala ng


nanay?
B. Ano ang kulay sa paligid?
C. Saan kaya sila nagpakuha ng larawan?
D. Sinu-sino ang nasa larawan?

Susi sa Pagwawasto

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 7


Isagawa Pagyamanin Subukin
1. /
Tanggapin ang ano Tanggapin ang ano
mang sagot ng mag-
2. X
mang sagot ng mag-
aaral basta’t ito’y may aaral basta’t ito’y may 3. X
kaugnayan sa kaugnayan sa
ipinakitang larawan. ipinakitang larawan.

Karagdagang Gawain Tayahin

c c

d d

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 8


Sanggunian
Aklat
Bumasa at Sumulat Filipino 1 Kagamitan ng Mag-aaral

Internet
https://classroomclipart.com

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 9

You might also like