You are on page 1of 7

Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa paggamit sa magagalang na


pananalita na angkop sa sitwasyon sa pagpapakilala sa
sarili.Matapos mong mapag-aralan ito,inaasahang magagamit mo
ang angkop na magagalang na pananalita sa bawat sitwasyon.

Mahalagang malaman mo ang aralin na ito upang magamit mo


ang wastong magagalang na pananalita bilang pagpapakita ng
pagrespeto sa kapwa.

Subukin

Panuto: Basahin ang talata sa ibaba at tukuyin ang

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 1


wastong gagawin batay sa ibinigay na sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Isang umaga ay nasalubong mo ang inyong guro na


papasok na sa paaralan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

A. Magandang umaga po, maam/sir.


B. Magandang tanghali po, maam/sir.
C. Magandang gabi po, maam/sir.
D. Magandang hapon po maam/sir.

Aralin

1 Magagalang na Pananalita

Learning Competency:
Nasasabi ang wastong magagalang na pananalita.

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 2


Balikan
Natatandaan mo pa ba ang iyong napag-aralan tungkol sa paggamit ng
magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon? Ang magalang na
pananalita ay ginagamit natin sa pakikipag-usap bilang pagpapakita
ng respeto sa ating kausap. Halimbawa dito ang mga sumusunod:
Magandang umaga po na ginagamit sa pagbati sa umaga .
Magandang tanghali po na ginagamit sa pagbati sa tanghali.
Magandang hapon po na ginagamit sa pagbati sa hapon.
Magandang gabi po na ginagamit sa pagbati sa gabi.

Tuklasin
Mula sa sitwasyon sa ibaba, ipapakita sa iyo kung papaano ang
paggamit ng magalang na pananalita sa pagpapakilala sa sarili na
angkop sa sitwasyong ibinigay.

Halimbawang sitwasyon:
Pagbati at pagpapakilala ng baguhang mag-aaral sa gurong
tagapayo.

Magandang umaga po Gng. Renielyn S. Manlosa. Ako


po si Betty Santos bagong lipat po sa paaralang ito.
Nagtanong po kami ng nanay ko sa isang guro kung saang
pangkat ng grade 1 ako napabilang. Dito po sa silid-aralan
ninyo ang kanyang itinuro.
Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 3
Suriin
Tandaan na ang paggamit ng magagalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon; pagpapakilala sa sarili ay palaging
gumagamit ng katagang po bilang pagbibigay galang sa mga
magulang na nakikinig.
Sa aking sinabi, ang magalang na pananalita na aking
ginamit ay ‘’ Magandang Umaga po’’, dahil ito ay nangyari
isang umaga. Gumamit din ako ng po tanda ng aking paggalang
sa aking mga kausap.

Pagyamanin
Basahin mo ang isang sitwasyon. Gamitin ang magalang na
pananalita sa pagpapakilala sa sarili na angkop na sitwasyong ito.
Isulat sa nakalaang patlang ang sagot.

Unang araw ng pasukan. Nais kang makilala ng


iyong guro at kaklase. Tinawag kayong isa-isa sa harap ng
klase.

Sagot:
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 4


Isaisip
Ang magalang na pananalita ay ginagamit natin sa
pakikipag-usap bilang pagpapakita ng respeto sa ating kausap.
Ngayon, malinaw na sa iyo kung paano gagamitin ang
magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon sa
pagpapakilala sa sarili. Handa ka na ba sa isa pang gawain?

Isagawa
Isa pang sitwasyon ang mababasa mo ngayon. Mula rito,
gagamitin mo ang magalang na pananalita sa pagpapakilala sa
sarili batay sa angkop na sitwasyon. Isulat sa nakalaang patlang
ang sagot.

May bago kayong kapitbahay. Medyo nahihiya pa ang


batang kasing-edad mo na lumapit at makipag-usap sa iyo
kaya ikaw na lang ang lumapit sa kanya.

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 5


Sagot:
________________________________________________________
_______________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at gamitin ang
magalang na pananalita na angkop sa sitwasyong ibinigay sa
pagpapakilala sa sarili. Isulat sa nakalaang patlang ang sagot.

Isang umaga, nagtatanong ang mga bago mong


kaklase sa iyo kung sino ka.

Sagot: ________________________________________________
________________________________________________

Karagdagang Gawain

Basahin ang sitwasyon sa ibaba at gamitan ng magalang na


pananalita na angkop sa pagpapakilala sa sarili. Isulat sa nakalaang
patlang ang sagot.

Sasali ka sa isang paligsahan sa telebisyon. Gusto


mong ipaalam ang iyong kayang gawin at ang iyong
pangarap sa buhay.

Sagot:
___________________________________________________

Dipolog Rose of Sharon Academy Inc. | Modyul sa Filipino 1 | Based on MELC | 6

You might also like