You are on page 1of 11

2

Mother Tongue
Unang Markahan – Modyul 2:
Aralin 2:
Pagbasa ng mga Salitang may Maramihang Pantig na
Palagiang Binabaybay

GABAY SA LINGGUHANG GAWAIN PAMPAGKATUTO

Unang Linggo/ 2 Araw

ARAW AT ORAS KASANAYANG GAWAIN


PAMPAGKATUTO
Unang Nababasa ang mga Alamin
Araw/________ salitang may Subukin
maramihang pantig
Balikan
na palagiang
binabaybay Tuklasin
(MT2PWR-la-b-7.3) Suriin

Ikalawang Pagyamanin
Araw/_________ Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang
Gawain
Pagbasa ng mga Salitang
Aralin may Maramihang Pantig na

2 2 Palagiang Binabaybay
Paggamit ng Pangngalan
sa Pangungusap

Alamin
Sa katapusan ng mga gawain, inaasahan na:
1.Nababasa nang wasto ang tula
2.Nasasagot ang mga tanong hinggil sa tulang binasa
3.Nababasa ang mga salitang may maramihang pantig na
palagiang binabaybay (MT2PWR-la-b-7.3)

Subukin

Ang pagbabasa ay isang napakahalagang kasanayang dapat


mong linangin bilang isang mag-aaral. Sa bawat tekstong iyong
binabasa ay binubuo ito ng mga letra o tunog na siyang
bumubuo ng mga pantig at mga pantig na bumubuo ng mga
salita. May mga salitang may kaunting pantig at maramihang
pantig. Handa ka na ba?
Bilugan ang mga salitang may 3 hanggang 5 pantig.

1. paaralan
2. bahay

3. pamilihan
4. bili
5. pumasok

Mahusay!

Ipagpatuloy mo ang iyong


magandang panimula.

Balikan
Sa pagbasa ng isang tula o alinmang teksto, mahalaga ang
wastong pagbabaybay ng mga salita.
Mahalagang alam din natin ang panlapi at salitang ugat na
ginamit upang mabuo ang salitang may maramihang pantig.

Tuklasin
Basahin nang wasto ang tula.
Babangon Tayo
ni Maricel G. Sarmiento

Sa landas ng buhay, aking natanto


Tagumpay, nais nating matamo
Mapabata man o matanda
Anumang hamon ay babatahin
Babangon tayo, ang laging pipiliin.

Matamang sundin
Mga hakbang pangkaligtasan para sa atin
Sa iba’t ibang uri ng community quarantine
Tila wala paring solusyon sa COVID -19.

Solusyon? Mayroon ba nito? Paano?


Pagbabago, simulan sa sarili mo.
Disiplinang pansarili taglayin mo
Pagmamalasakit sa kapwa mo
Sa gawa, ipakita mo.

Pagsasagawa ng physical distancing, sundin


Pagsusuot ng face mask, ugaliin
Paghuhugas ng kamay, ulit-ulitin Tularan Natin ‘To!
Ang batang masunurin sa tagubilin
Kapag uubo o babahing Kaligtasa’y makakamit
Mula sa kumakalat na sakit.
Pagiging ligtas, pakaisipin.

Pakaisiping mahalaga ang pagiging masunurin


Sa mga babala at mga ordinansang itinakda
Ating pamahalaan, tunay ang suporta
Kaya ikaw, ako, huwag sumuko
Magpakatatag, babangon tayo.
Galingan mo!

Batang matalino.

Suriin
Pangalan:______________________________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________________________
Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Tungkol saan ang tula?


A. tungkol sa pagtatago kapag may problema sa buhay
B. tunkol sa pagbangon kapag may problema sa buhay
C. tunkol sa pagtakbo sa problema
D. tungkol sa pag-aaral

2. Sa iyong palagay, ano ang mensahe ng tula?


A. Mahalaga ang pagsunod sa paalala ng pamahalaan.
B. Hindi mahalaga ang pakikpagtulungan sa pamahalaan.
C. Masama ang maging masunurin sa pamahalaan.
D. Walang ibinibigay na tulong ang pamahalaan.

3. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?


Matamang makinig sa mga pamantayang itinakda ng
pamahalaan.
A. madaling makinig
B. makinig nang mabuti
C. tama ang pakikinig
D. magsalita habang nakikinig

4. Ilang pantig ang bumubuo sa salitang pangkaligtasan?


A. 5
B. 6
C. 7
D. 2
5. Alin sa sumusunod na salita ang may wastong baybay?
A. babangon
B. babagon
C. babungon
D. baabangon

Pagyamanin Talino mo, hasain


mo pa!

Pangalan:______________________________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________________________

Pagsasanay 1. Sagutin Natin!


Tala para sa Guro/Magulang: Ang sumusunod ay mga gawaing
mapatnubay. Ang inyo pong gabay o tulong sa mag-aaral ay
lubos na kinakailangan.

Basahin ng tatlong beses ang sumusunod na salita mula sa tula.


Palagdaan sa magulang kung nabasa mo nang wasto ang mga
salita.
1. pamahalaan
2. masunurin
3. pakaisipin
4. disiplinang pansarili _____________________________
5. ordinansa Lagda ng Magulang
Pagsasanay 2. Kayang-kaya Ko!
Tala para sa Mag-aaral: Ang gawaing ito ay para sa iyo lamang.
Ang tulong ng guro o magulang ay hindi na kailangan.

Piliin ang salitang inilalarawan ng parirala. Kulayan ang na


tumutukoy sa iyong sagot.

1. katangian ng pagsunod sa mga utos o tagubilin

masuwayin masunurin mabait maingay

2. mga utos o tagubilin na dapat sundin para sa kaayusan at


kaligtasan ng isang komunidad

piyansa pagkukusa ordinansa pangontra

3. mga pag-uugaling pansarili na dapat taglayin tulad ng


pagiging masunurin

disiplina premyo gantimpala kayamanan


4. gobyernong gumagawa ng ordinansa

sarili kapwa manunulat pamahalaan

5. palaging tandaan at huwag kalimutan

pakaisipin balewalain alisin iwasan

Pakatandaan
Isaisip mo!

Sa pagbasa at pagkilala ng mga salita,


Wastong kaalaman sa tunog ng letra ay mahalaga
Tiyakin ding maisulat wastong baybay nila
Upang talasalitaan ay mapaunlad pa.

Ang mga salita ay nagiging mahalaga


Kapag kahulugan nito ay alam mo na
Kaya makinig sa iyong maestra
Tiyak lalalim ang kaalaman at matututo ka.
Isagawa
Kayang-kayang mong gawin dahil isa
kang batang masunurin!

Pangalan: ______________________________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________________________
Ayusin ang ginulong mga letra. Isulat nang may wastong baybay
ang salitang tinutukoy.
1. tawag mo sa taong bumabalik sa ating bansa
(kabayanab) ____________________________

2. tawag sa sakit na mabilis kumalat sa buong daigdig


(pedmanya)_____________________________

3. kasingkahulugan ng salitang problema


(sluininra) ________________________________

4. kasalungat ng pagiging pasaway


(msunurnia) _____________________________

5. itinuturing na frontliners o makabagong bayani


(dotkro)______________________
Tayahin
Pangalan:______________________________________________________
Baitang at Pangkat: ____________________________________________

Basahin ang sumusunod na parirala. Piliin sa mga salitang may


maramihang pantig na nasa loob ng kahon ang tinutukoy sa
parirala. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

kamag-aaral punongguro pagbabasa

pisara paaralan

________1. tawag sa lugar kung saan nag-aaral ang mga bata


________2. tawag sa namumuno sa paralan
________3. isang mahalagang kasanayan na dapat matutunan ng
isang batang tulad mo
________4. kasingkahulugan ng salitang kaklase
________5. sinusulatan ng guro ng mga aralin

Magaling! Nauunawaan mo
na ang aralin.
Karagdagang Gawain

Basahin ang mga salita at ekisan ang naiiba sa hilera.

1. makiisa makiisa makiasa makiisa makiisa

2. sumunod sumulat sumunod sumunod sumunod

3. magpasalamat magpasalamat magpasalamat magpasali

4. magbigay magbigay magbigay magbilang magbigay

5. magbasa magbasa pagbasa magbasa magbasa

Binabati kita!
Ipagpatuloy mo ang
iyong kasipagan.

You might also like