You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X-NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF ILIGAN CITY
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


IKALAWANG SEMESTRE
Self-Learning Activity Sheet No. 2

Deskripsyon ng Kurso : Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teskto
na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.
Pamantayang : Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
Pangnilalaman pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap : Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.
Paksa : Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t
Ibang Uri ng Tekstong Binasa
Kasanayang Pampagkatuto : Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may mababasang
salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang
pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
gamit nito sa pangungusap. Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang
kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali ang bigkas ng salita,
nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung ito
ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa
kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan,
pandiwa, pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita. Pagkatapos, pag-aralan
ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa
sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na sa
diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito. Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan
nito upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o anumang
karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindi sariling pag-aari ang aklat, gumawa ng
sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa.

Gawain 1.
NEW NORMAL
ni Niňo T. Cansicio

Binago ng COVID-19 ang ating buhay,


Dati rati’y hindi sanay maghugas ng kamay,
Ngunit ngayo’y napaisip na ito’y kailangan,
Isang kaugalian na resulta ng New Normal.

New Normal na nakasentro sa kalusugan,


Prayoridad ang pagpapalakas ng katawan,
Upang matiyak na kayang labanan,
Ang anomang uri ng virus na di natin namamalayan.

Kahit edukasyon malaki ang pinagbago,


Maraming nagsulputan sa pagkatuto,
Nariyan ang distance learning na modular,
Na tiyak lahat ay makikinabang.

Kahit magwakas ang pandemyang ito,


Leksiyong naiwan, hindi malilimutan,
Pinasingkad ang kamalayan sa kalusugan,
Nagkaroon ng bagong kultura at kagawian.

Panuto: Sagutin ang mga tanong bilang pag-unawa sa tekstong binasa. Kopyahin
ang tanong at sagutan sa inyong sagutang papel.
1. Ano-anong mga salita sa loob ng teksto ang hindi mo masyadong naunawaan?
____________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo?
____________________________________________________________________________________________________________________
3. Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto?
____________________________________________________________________________________________________________________
4. Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan mo ito ng kahulugan?
____________________________________________________________________________________________________________________
5. Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong naunawaan?
____________________________________________________________________________________________________________________

Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay
at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita
o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa
salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya,
magasin o pahayagan. Halimbawa: pambihira - katangi-tangi
2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan
Halimbawa: Paghanga- pagmamahal
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga halimbawa.
Halimbawa:Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay
nakararanas tayo ng hirap at minsan naman ay nakararanas ng ginhawa.
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa
salita kapag nilalapian. Halimbawa: Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit) Lagi na
lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa) Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi
ng katawan)
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang
matalinghaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit. Halimbawa: Di-maliparang uwak – malawak
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa
lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang
kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.
A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang
malalalim, makulay, at masining. Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan
B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw- araw. Madalas itong gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na) Nakain ka na? (Kumain ka na) Buang! (Baliw)
2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa
kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Meron – Mayroon,
Nasan – Nasaan, Sakin - sa akin
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa), Orange (bente pesos), Pinoy (Pilipino)
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:
1. Paghango sa mga salitang katutubo. Halimbawa: Gurang (matanda), Bayot (bakla), Barat (kuripot)
2. Panghihiram sa mga wikang banyaga. Halimbawa: Epek (effect), Futbol (naalis)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog. Halimbawa: Buwaya (Crocodile), Bata (Child/Girlfriend), Durog
(powdered/high in addiction), Papa (father/lover)
4. Pagpapaikli. Halimbawa: Pakialam – paki, Anong sinabi -ansabe, Anong nangyari -anyare
5. Pagbabaliktad. Halimbawa: Etneb- bente, Kita- atik, Ngetpa- panget, Dehin- hindi
6. Paggamit ng Akronim. Halimbawa: PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine, PUM-Pasyenteng Uuwi at
Mamalagi sa bahay, AWIT- AW ang sakIT
7. Pagpapalit ng Pantig. Halimbawa: Lagpak / palpak -Bigo, Torpe / Tyope /Torpe -naduwag
8. Paghahalo ng Salita. Halimbawa: Bow na lang ng Bow, Mag-MU, Mag-jr (joy riding)
9. Paggamit ng Bilang. Halimbawa: 45-Baril, 143- I love you, 50/50- naghihingalo
10. Pagdaragdag. Halimbawa: Puti – isputing, Kulang -kulongbisi
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag). Halimbawa: Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino. Halimbawa: Pino -Pinoy, Mestiso-Tiso-Tisoy
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad. Halimbawa: Pantalon-Talon-Lonta, Sigarilyo-Siyo-Yosi
14. Panghihiram at pagpapaikli. Halimbawa: Security -Sikyo, Brain Damage – Brenda
15. Panghihiram at Pagdaragdag. Halimbawa: Get -Gets/Getsing, Cry -Crayola
Gawain 2.
Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang kahulugan at katangian angmahahalagang salitang ginamit sa
teksto.
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan
sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay
makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang
mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. Ang mga payong
ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang
hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado.
Maaaring hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong, at
bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na
ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand
sanitizer na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang
hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang
kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong, at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod
sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o
tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring
may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit
ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong
droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong maylagnat o ubo. Iwasan ang
matataong lugar, lalo na kung ang iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon,
diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung
sinomang may lagnat o ubo.
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag
umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa
sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinomang may iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit,
kahit sinat at ubo lang.
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at
maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad ngunit tawagan mo muna
ang health facility. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung
kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.
Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health
facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Alamin ang pinakabagong impormasyon
tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa
maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na
health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at
tuyong ubo.
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat
na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong
lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.

Sanggunian: “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID19,” World Health Organization, nakuha noong Mayo
25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-labansa-
covid-19
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto. Piliin at isulat sa iyong
sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang
sabon at tubig.
A. Palagian B. Malimit
C. Mabilisan D. Lahat ng ito
2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.
A. Hindi alam B. Wala sa katinuan
C. Hindi apektado D. Wala sa nabanggit
3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene.
A. Pagtakip ng ilog at bibig B. Paghuhugas ng paa
C. Pagpapahinga D. Pagpapapawis
4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag
umubo o bumahing ang isang tao.
A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig B. Talamsik ng tubig sa kanal
C. Tulo ng tubig sa gripo D. Patak ng ulan sa bubong
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
A. Pagtigil C. A at B
B. Pagpirmi D. Paghinto
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa teksto. Piliin at isulat sa inyong
sagutang papel ang wastong sagot.
1. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay maituturo sa tamang health
facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal
2. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal
3. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal
4. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal
5. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa iba’t ibang tekstong binasa.

A. Bago sa pangkaraniwan F. Paggamit ng teknolohiya


B. Hangarin G. Paggawa nang Mabuti
C. Kasama H. Paglayo-layo ng mga tao
D. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa I. Pagtulong ng walang inaasahang kapalit
isang sakit J. Panahon ng kagipitan o peligro
E. Mabisa K. Pangkaraniwan
___1. Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral sa atin.
___2. Buhay pa rin ang Bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga apps at fund transfers.
___3. Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay.
___4. Ine-encourage ding gamitin ang cashless payment options via QR code sa mga groceries bilang contactless way of
payment ngayong may epidemya.
___5. Updated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa ngayong panahon ng enhanced
community quarantine (ECQ) kung saan kailangan sundin ang physical/social distancing.
___6. Nakabubuti din sa atin ang pagiging social media savvy dahil maaari nating gamitin ito sa paggawa ng
mabubuting hangarin o mga advocacies.
___7. Epektibo din ito upang maengganyong lumahok ang ibang tao sa inyong pagmomobilized.
___8. Pagkatapos ng krisis na ito, hindi na tayo babalik sa normal nating pamumuhay.
___9. Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating lahat.
___10. Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating kagustuhang makatulong at tumulong
sa ating kapwang nangangailangan.
Gawain 3.
Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig na
kinakaharap ang problema kaugnay ng pandemyang COVID-19. Salungguhitan ang mahahalagang salita na ginamit
sa loob ng teksto, Tukuyin ang kahulugan at katangian nito. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Rubrik sa Pagsulat
Di Gaanong Dapat
Mahusay Katamtaman
Pamantayan mahusay Pagbutihin
(4) (3)
(2) (1)
Napakahalaga sa Napakahalaga Di gaanong mahalaga Walang halaga sa
sarili, pamilya, sa sarili, pamilya, sa sarili, pamilya, sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at komunidad, bansa, at komunidad, komunidad, bansa, at
Pagpili ng
daigdig ng napiling daigdig ng bansa, at daigdig daigdig ang napiling
Pamagat
paksa at tunay itong napiling paksa at ang napiling paksa at paksa at hindi rin
napapanahon napapanahon hindi rin gaanong napapanahon
napapanahon
Napakamakabuluhan Makabuluhanang mga Di gaanong Walang kabuluhan
angmga salitang salitang ginamit sa makabuluhan ang ang mga salitang
ginamit sa loob ng loob ng sulatin. mga salitang ginamit ginamit sa loob ng
Nilalaman sulatin. Natukoy Natukoy ang sa loob ng sulatin. sulatin. Hindi natukoy
angkahulugan at kahulugan ngunit Walang natukoy na ang kahulugan at
katangian. hindi ang katangian. kahulugan at katangian.
katangian.
Napakalinaw at Malinaw atlohikal ang Di gaanong malinaw at Hindi malinaw at
Organisasyon napakalohikal ng ugnayan ng mga lohikal ang walang ugnayan ang
ng kaisipan ugnayan ng mga kaisipan. ugnayan ng mga mga kaisipan at
kaisipan. kaisipan. kulang sa paliwanag.
Walang maling baybay May ilang maling Di-gaanong maraming Maraming maling
Kawastuang ng mga salita, bantas, baybay ng mga salita, maling baybay ng mga baybay ng mga salita,
panggramatika at kapitalisasyon at bantas, at salita, bantas, at bantas, at
atbp. kapitalisasyon at atbp. kapitalisasyon at atbp. kapitalisasyon at atbp.

You might also like