You are on page 1of 4

MODYUL 1 LESSON 1 Almazan,

Strielamia P.

GAWIN ITO
1.

SISTEMA KULTURA

PAGKAKAKILANLAN
WIKA KOMUNIKASYON

SENYALES SALITA

2.
SISTEMA- Ang wika ay sistema ng komunikasyon na ginagamit ng partikular na bansa o samahan.
KULTURA- Ang wika ay mahalagang bahagi ng kultura.
KOMUNIKASYON- Ang wika ay ang pangunahing paraan ng komunikasyon.
SALITA- Ang wika ay binubuo ng mga salitang ginagamit sa isang nakabalangkas na paraan at
maaaring maipahatid sa pamamagitan ng pananalita, pagsulat o kilos.
SENYALES- Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon gamit ang mga salita at maaari ring senyales
(hand signals).
PAGKAKAKILANLAN- Ang wika ay sumasagisag ng pagkakakilanlan ng tao.

3.

SISTEMA- hanay ng mga bagay, prinsipyo, o pamamaraan na nasa isang organisadong balangkas.
KULTURA- mga kaugalian, sining, institusyong panlipunan, at mga tradisyon ng isang particular na bansa, tao o iba pang
pangkat ng lipunan.
KOMUNIKASYON- pagbibigay o pakikipagpalitan ng impormasyon.
SALITA- natataning makahulugang element ng pananalita o pagsulat na ginagamit upang makabuo
ng pangungusap.
SENYALES- isang kilos na ginagamit upang maghatid ng impormasyon
PAGKAKAKILANLAN- katangiang tumutukoy kung sino o ano ang isang bagay.
MODYUL 1 LESSON 1

PAGSASANAY

PAGTATAYA
1. Sa inyong sariling malalimang pagkakaunawa, gumawa ng sariling kahulugan ng wika.
Ang wika ay isang mahalagang instrumento na ginagamit nating mga tao sa pakikipagsapalaran sa ating
kapaligiran. Ito ay grupo ng mga salita na may napapabilang sa isang katangian o uri na ginagamit ng partikular
na mga pangkat ng tao.

2. Batay sa mga katangian ng wika na nailahad, ano pa ang maidaragdag mo na makakatulong


upang maging epektibo ang pagpapahayag o pakikipagtalastasa.

Ang wika ay simboliko. Ang sistema ng ating wika ay binubuo ng mga simbolo (isang bagay na
kumakatawan o kumakatawan sa ibang bagay.) Ang mga simbolong ito ay maaaring ipahayag sa paraang
pasalita (binibigkas) o hindi pagsalita (ginagamitan ng aksyon). Halimbawa, ang salitang hindi ay maaaring
maipahatid sa pamamagitan ng pag iling ng ulo.

3. Mula sa iyong natutuhan o mga karanasan, gaano kahalagang pag-aralan ang wika?

Ginagamit natin ang wika sa ating pang araw-araw na pamumuhay; sa bahay, sa trabaho, sa paaralan, sa
internet. Bahagi na ito ng ating buhay na kahit ang mga taong hindi nag-aral ay gumagamit ng wika sapagkat ito
ay natututunan mula pagkabata, natututunan ito sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran sa buhay ngunit kailan
ba nagiging importante ang pag-aaral ng wika? Maraming rason kung bakit pinag aaaralan ng ibang tao ang
wika. Isa na roon ay kapag kailangang makipagsapalaran sa bagong lugar at banyaga at kung sasali sa
patimpalak kung saan kailangan ang kahusayan sa pagsasalita o paggamit ng wika, ngunit ang pag-aaral ng
wika ay hindi lamang importante tuwing may okasyon. Mahalaga itong pag-aralan ng indibidwal upang
mapanatili ang pagkakaunawaan sa paggamit ng mga konsepto, simbolo, aksyon, salita, at tunog.

TAKDANG ARALIN
1. Sa pandemya na kinakaharap natin ngayon ano ang malaking naiaambag ng wika lalong-lalo na
sa pagpapalaganap ng mga impormasyon?
Ginagamit ang wika ngayong pandemya sa paghatid ng pagpapalaganap ng mga impormasyon at mga pag-
aaral mula sa WHO at ibang siyentipiko na nagsasagawa ng pag-aaral sa virus. Sa pamamagitan rin ng wika ay
madaling naipagkaisa ang mga tao sa pagsunod ng mga protocol at mga tuntunin sa mga pampublikong lugar na
nakatulong sa pagkontrol ng paglaganap ng virus.

2. Mahalaga parin ba na pag-aaral at paggamit ng wika kahit nasa kolehiyo ka?


Mahalaga ang paggamit ng wika kahit nasa kolehiyo na sapagkat maaaring magamit ang pag-aaral nito
sap pag unawa ng mga panibagong konsepto at materyal na ginagamit sa kolehiyo.

3. Mula sa iyong natutuhan o mga karanasan, gaano kahalagang pag-aralan ang wika?
Base sa aking karanasan, mahalagang alam mo ang tamang paggamit ng wika upang makaiwas sa hindi
pagkakaunawaan at gulo.

PAGSASANAY
Gumawa ng isang bidyu na nagpapakita ng iba’t ibang idyolek. Isaalang-anang ang mga sumusunod na
alituntunin.

PAGTATAYA
PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN BALBAL
1. Nanligaw Naniningalang pugad 2. Nanguyab Nang chix
Asawa 3.Kabiyak ng puso Asawa o bana 4. Waswit

Bata 4. Bata Bata, gamay 6. Kyota

7. Baliw Nasisiraan ng bait Buang 8. Abnoy


Katulong 9. Kasambahay 10. Katabang Tsimay

TAKDANG-ARALIN

1. Ano-ano ang mga kahirapang naranasan mo habang pinag-aaralan ang modyul na ito?

Una ay ang mahihirap at malalalim na salita at mga pangungusap. Naging mahirap para sa akin ang pag-
unawa at pag proseso ng mga impormasyon sa modyul na ito dahil hindi ito ang nakasanayan kong basahin
pagdating sa pagbabasa ng mga teksbook o modyul.
2. Sa pag-aaral at pagsiyasat mo sa modyul na ito, anu-anong mga kapakipakinabang na kaalaman o
kasanayan ang nalinang mo upang mas pahalagahan ang ating wika?
Nagiging kapanipakinabang ang buong proseso sa paggawa ng mga gawain para sa akin. Kapakipakinabang
rin ang mga kaalaman sa antas at katangian ng wika dahil magagamit ko ang mga ito upang mas maunawaan
ang kahalagahan at tamang paggamit ng wika.

You might also like