You are on page 1of 15

1

MODYUL SA EL.ED.124: PAGTUTURO NG FILIPINO SA


ELEMENTARYA 1

PANIMULA
Magandang Araw sa iyo!

Ako ay nagagalak na makasama ka sa ating


panibagong paglalakbay ngayong taong 2022
gamit ang mga bagong hakbang at
pamamaraan sa pagkatuto. Sa pagsisimula,
nais kong ipabatid na ang iyong kaligtasan
ang aking higit na isinasaalang-alang sa gitna
ng krisis at pagsubok na ating kinahaharap, kung
kaya ang mga bagong pamamaraan sa
pagkatuto ang ating gagamitin. Matutulungan
ka ng mga ito na higit na maunawaan ang ating mga aralin. Ang modyul
na ito ay isang paraan upang patuloy na matugunan ang adhikain natin
na magkaroon ng maayos na edukasyon sa kabila ng pandemya. Layunin
nito na matutuhan mo ang mga bagong aralin na makatutulong sa
patuloy na pag-unlad ng iyong mga mahahalagang kaalaman at
kasanayan upang maging isang holistikong mag-aaral. Halika at sama-
sama nating tuklasin ang mga mahahalagang detalye na nakapaloob sa
modyul na ito.
Ang bawat aralin/modyul ay naglalaman ng mga sumusunod:
Panimula – nagbibigay sa iyo ng ideya kung tungkol saan ang
aralin/modyul

Layunin – naglalaman ng mga inaasahang magagawa mo


pagkatapos ng aralin/modyul

Panimulang Gawain – nagsisilbing panghikayat na gawain upang


maihanda ka sa mga matututuhan mo.

Panlinang na Gawain – Dito mo makikita ang nilalaman ng aralin at


mga panlinang na gawain upang mas maintindihan mo pa ang
aralin/modyul.

Pangwakas na Gawain – Ito ay naglalaman ng buod o pambuod na


gawain.

KABANATA 1 | J.RIVERA
2

Naniniwala ako na sa ating pagtutulungan sa pagpapaibayo ng


ating kaalaman at pagkatuto ng mga bagong kasanayan ay
mapauunlad natin ang ating potensiyal at kakayahan. Hayaan nating
sa ating pagsisikap na ginagawa ay mapagtagumpayan natin ang takot
at pagkabahala na nararanasan dala ng kasalukuyang krisis at
pandemya. Tiyak din na tayo ay magtatagumpay kung sama-sama.
Kayang-kaya nating gawin ang anumang gawain! Malalampasan din
natin ang mga kasalukuyang hamon kung tayo’y magkakaisa. Nawa’y
ang bawat pagbuklat ng pahina ng modyul na ito ay magdala ng
panibagong oportunidad at kaalaman sa bawat isa. Magkita-kita tayo sa
bawat aralin na ating tatalakayin.
Maligayang pagsisimula ng panibagong semestre ng pagkatuto!

KABANATA 1: FILIPINO SA KURIKULUM NG ELEMENTARYA


I. PANIMULA

Isang maligayang pagbati sa iyo! Binabati kita sapagkat ngayon ay


may pagkakataong kang matuto ng mga kaalaman na makatutulong
upang ikaw ay maging handa sa pagtuturo ng Filipino sa Elementarya.
Tutulungan ka ng modyul na ito na mas mapahusay pa ang iyong
katangi-tanging galing at talento para buoin ang pagkatao at
tulungang mahasa ang isang mag-aaral na Pilipino na magkaroon ng
pagmamahal sa kaniyang wika at bansa. Ang modyul na ito ay nahahati
sa iba’t ibang bahagi o aralin upang higit na maging magaan para sa iyo
ang pag-aaral. Ang mga araling ito ay:

 Aralin 1 – Kahulugan at Katangian ng Wika


 Aralin 2 - Filipino Bilang Aralin sa Elementarya
 Aralin 3 - Balangkas ng Kurikulum ng Filipino sa K-12

II. PANGKALAHATANG LAYUNIN

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na maipamamalas mo


ang mga kaalaman at kaunawaan sa koseptuwal na balangkas,
pamantayan, layunin, at nilalaman sa pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
sa ilalim ng K-12 Kurikulum.

KABANATA 1 | J.RIVERA
3

III. NILALAMAN
Aralin 1 – Kahulugan ng Wika

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga


sumusunod:

1. Natatalakay ang kahulugan ang wika, mga angkan nito at ang


kaugnayan nito sa mga dalubwika at kultura.
2. Naipapakita ang pagpapahalaga sa paggamit ng wika.

3. Nakasusulat ng pagninilay tungkol sa isyung pangwikang


tinalakay.
B. PANIMULANG GAWAIN

Naisip mo na ba ang maaaring mangyari kung walang wika at hindi


natin maipahayag ang sarili nang pasalita o pasulat man? Ano ang
gagawin mo para maiparating ang sumusunod?
TSS 1 (TANONG SA SARILI)

1. Nais mong ipaalam sa isang tao (maaaring magulang, kaibigan, o taong


malapit sa puso mo) na mahal mo siya.

2. Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinang-ayunan


ang mga bagay na ginagawa niya.

3. Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na kalagayan


o problemang mayroon ka.

C. PANLINANG NA GAWAIN

"Ang Wika ay susi ng puso at diwa. tuluyan ng tao 't


ugnayan ng bansa. "—Marisol Apula

Mahalagang matutunan ng tao ang kanyang wika


sapagkat ito ang nagbibigay sa kanya ng
kapangyarihan—kapangyarihang maunawaan ang
mga bagay sa kapaligiran.

KABANATA 1 | J.RIVERA
4

Bawat tao ay may sariling wika. Ito ang ginagamit niya sa


pakikipamuhay at pakikisangkot sa kanyang mga kalahi. Sa pamamagitan
ng wika naipahahayag niya ang kanyang kaisipan, damdamin, adhikain,
pangarap, imahinasyon at pagpapasya. Sa wika rin naipadama ang sidhi
ng damdamin, lungkot, galak, katuwiran, layunin, katotohanan,
pasasalamat, paghanga at ng iba pang nais iparating ng sinuman.

Ano nga ba ang wika? Iba-iba ang pagpapakahulugan dito. Ilan sa mga
kilalang dalubhasa at manunulat ay naglahad ng kanilang iba't ibang
kaisipan at pagpapakahulugan sa wika.

 Madalas banggitin ng mga manunulat ukol sa wika si Henry Gleason,


isang dalubwika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo
(walang tiyak na basehan). Ang mga tunog ay hinuhugisan o
binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-
sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng mga
kaisipan.
 Ayon kay Webster, isang leksikograper na Amerikano, ang wika ay
kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang
maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na
pananalitang nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng karatig na
organo ng pananalita.
 Ayon kay Edgar Sturtevant, isang kontemporaryong lingguwista, ang
wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog
para sa komunikasyon ng tao. Ang wika ay binubuo ng mga salita,
kung paano bigkasin ang mga ito. Ito ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga salita na ginagamit at nauunawaan ng
isang komunidad at nagiging matatag sa mahabang panahon ng
pagkakagamit. Ito ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan
upang magkaisa ang mga tao ayon kina Rubin, et al. 1989).
 Ang wika ay mga simbolong salita na kumakatawan sa mga bagay
at pangyayaring nais ipahayag ng tao sa kanyang kapwa. Ang mga
simbolong salitang ito ay maaaring simbolismo o katawwagan sa
mga kaisipan at saloobin ng mga tao ayon kina Cruz at Bisa (1998).
 Ang wika ay tumutukoy sa anumang paraan ng pakikipagtalastasan
at pagpapahayag ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
sarili upang maunawaan ng kapwa. Ito'y binubuo ng mga salita,
parirala, at pangungusap na nagtataglay ng kahulugan ayon kay
Lachica (1998).

KABANATA 1 | J.RIVERA
5

 Ayon kina Paz, Hernandez at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na


ginagamit para maipahayag at magyari ang anumang minimithi o
pangangailangan nati. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit. Ginagamit ng tao ang
wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at
pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili.
 Ang siyentipong si Charles Darwin ay naniniwala na ang wika ay
isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake,
o pagsusulat. Hindi rind aw ito tunay na Iikas sapagkat ang bawat
wika ay kailangan munang pag-aralan bag matutuhan.

Madalas, hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi


gaanong napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o
natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating
pagpapahayag mula pa sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit
marahil iyo nang napagtanto na ang wika ay hindi lang basta tunog na
nalilikha ng tao, bagkus ito'y isang napakahalagang instrumento ng
komunikasyon. Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa
pmamagitan ng wika kaya't nararapat lang na pagyamanin at gamitin
nang naaayon sa angkop na layunin.

Aralin 2 – Filipino Bilang Aralin sa Elementarya

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga


sumusunod:
1. Natutukoy ang tunguhin ng pagtuturo ng Filipino sa elementarya.

2. Napaliliwanag ang mga makrong kasanayan na dapat


malinang sa pagtuturo ng Filipino
3. Natutukoy ang iba’t ibang pamantayan sa kurikulum.

4. Nasasabi ang kahalagahan ng pagtuturo at pagkilala sa wikang


Filipino.

B. PANIMULANG GAWAIN

TSS 2 (TANONG SA SARILI)

KABANATA 1 | J.RIVERA
6

1. Sa iyong pananaw, gaano kahalaga ang pag-aaral ng Filipino sa


elementarya?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit kaya sa panahon natin ngayon maraming kabataan ang


nahihirapan sa pag-unawa sa kanilang mga aralin sa Filipino? Ano-ano
kaya ang nakaaapekto sa kanilang pagkatuto?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Bilang magiging guro sa hinaharap, ano sa tingin mo ang magagawa


ng mga guro sa Filipino upang matulungan ang mga mag-aaral na
mahalin at pahalagahan ang asignaturang Filipino?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

C. PANLINANG NA GAWAIN

Basahin at unawain ang teksto hinggil sa pagtuturo ng Filipino sa


Elementarya sa ilalim ng K-12 Kurikulum.

Ang isang gurong nagtuturo sa elementarya ay


dapat may natatanging kakayahan na taglay
sapagkat isang malaking hamon ang magturo sa
mga nasa murang edad pa lamang. Ang mga
matututuhan nila ay magsisilbing pundasyon sa
kanilang landas na tatahakin at batayan ng
kanilang pagkatuto. Kung ikaw ay magtuturo ng Filipino sa elementarya,
kinakailangan na maging magiliw at masayahin ka rin upang matuto rin
ang mga mag-aaral nang masigla at masaya lalo na sa Filipino.
Makatutulong rin kung ikaw mismo bilang guro ay nagpapakita ng
pagmamahal sa ating sariling wika.

Ayon sa Artikulo XIV Seksiyon 6, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas


ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.” Patunay ito na dapat nating patuloy na pagyamanin at
payabungin ang wikang Filipino at isang paraan ang pagtuturo ng

KABANATA 1 | J.RIVERA
7

asignaturang Filipino. Nabibigyang-halaga rin natin ang wikang Filipino


sa pamamagitan ng paggamit nito sa ating araw-araw na
pakikipagtalastasan.

Sa pagtuturo rin ng wika, kinakailangang ilantad ang mga mag-


aaral sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang maiparanas sa
kanila ang tunay at kapaki-pakinabang na gamit ng wika. Maaaring
bigyan sila ng mga babasahin, pasulatin ng tula o kuwento,
pagtatalumpati, pagbigkas ng tula, pagsasagawa ng dula, panonood ng
makabuluhang palabas o pagsusuri ng pelikula, pakikinig sa balita at
pagbibigay ng opinyon hinggil dito, at marami pang iba na maglilinang sa
limang makrong kasanayan.

Ang limang makrong kasanayan sa pagtuturo ng Filipino ay:


pagsasalita, pagbasa, pagsulat, pakikinig, at panonood.

Pagsasalita – Mahalagang malinang ang kakayahan at


kasanayan sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin,
makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay ng mga karanasan,
makapagbigay ng reaksiyon, makipanayam, atbp.
Pagbasa – Mahalagang mahasa sa paghahanap ng kaalaman at
katotohanan, pag-apuhap ng kahulugan at kabuluhan ng mga
bagay-bagay sa paligid o paglinang sa mapanuri at malikhaing
kaisipan.

Pagsulat – Kailangang mapaunlad sa pagpapahayag ng


kaisipan ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo
(titik). Makatutulong din sa pagpapahayag ng saloobin,
reaksiyon, o opinyon.

Pakikinig – Mahalaga sa pagkuha at pag-unawa ng


impormasyon at maging daan sa pagkakaunawaan ng isa’t isa.

Panonood – Kailangang mahasa upang mapaunlad ang


kasanayan sa paghihinuha, pagwawakas, pagsusuri, paglalahat,
pagkilatis sa katotohanan o opinyon, at maging alerto sa mga
nangyayari sa paligid.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naglabas ng kurikulum (K-12)


na may iba’t ibang pamantayan sa programa (Core Learning Area
Standards), bawat yugto (Key Stage Standards), at bawat baitang

KABANATA 1 | J.RIVERA
8

(Grade level Standards) na inaasahang maipamamalas sa bawat yugto


at baitang ng isang mag-aaral sa Filipino.

Itinuturo ang asignaturang Filipino sa loob ng 30 minuto mula


ikalawang markahan hanggang ikaapat na markahan ng unang baitang.
Samantalang, 50 minuto naman itong itinuturo sa ikalawa hanggang
ikaanim na baitang.

Mahalagang tandaan na ang pagtuturo ng Filipino ay isang paraan


upang patuloy na mas mapaunlad ang iba’t ibang kasanayan. Kung kaya
naman ang paaralan ang maaasahang katuwang para mapabilis ang
pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino.

Nawa’y maipakita mo ang pagmamahal sa wikang Filipino sa


pamamagitan ng pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga susunod na
henerasyon. Sa tulong ng iba’t ibang kapamaraan, kayang-kaya mong
gawing masaya at makabuluhan ang klase. Ikaw, bilang magiging guro
na rin sa mga susunod na taon ang magiging susi upang mas lalong
mahalin at pahalagahan ng mga kabataan ang ating sariling wika.

Aralin 3 – Balangkas ng Kurikulum ng Filipino sa K-12

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahan na magagawa mo ang mga


sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang Konseptuwal na Balangkas sa Filipino;
2. Natutukoy ang nilalaman ng gabay pangkurikulum; at
3. Nasusuri ang mga teorya at pilosopiyang basehan sa pagbuo ng
kurikulum.
B. PANIMULANG GAWAIN

Pag-aralan nang mabuti ang Konseptuwal na Balangkas sa Filipino sa


ibaba.

KABANATA 1 | J.RIVERA
9

TSS 3 (TANONG SA SARILI)


Ang pangkalahatang tunguhin ng pagtuturo ng Filipino sa Basic Education
ay ang pagkakaroon ng buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi.

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng literasi?


________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

C. PANLINANG NA GAWAIN

Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino


Sa larawan ng Konseptuwal na Balangkas ng Kurikulum sa Filipino,
makikita na ang tunguhin ng pagtuturo ng asignaturang ito ay

KABANATA 1 | J.RIVERA
10

pagkakaroon ng buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na


kaalaman. Layunin naman ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang
(1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at,
(3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at
patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong
nagaganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang


panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa
administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko,
pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang
panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at
pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal
na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at
wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky
(Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert
Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated
Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at
Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating
pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan
ang pag-asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika,
pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga
teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo
ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at
tekstong palahad. Samantala, makikita rin na ang bawat baitang ay may
iba’t ibang domain na nakapaloob sa limang makrong kasanayan na
lilinangin:
 Para sa Baitang I-III:
1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Kamalayang Ponolohiya
b. Pag-unlad ng Talasalitaan
c. Palabigkasan at Pagkilala sa Sarili
d. Kaalaman sa Aklat at Limbag

KABANATA 1 | J.RIVERA
11

e. Pag-unawa sa Binasa
4. Pagsulat
a. Pagsulat at Pagbaybay
b. Komposisyon
5. Estratehiya sa Pag-aaral
6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

 Para sa Baitang IV
1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Pag-unlad ng Talasalitaan
b. Pag-unawa sa Binasa
4. Pagsulat (Komposisyon)
5. Panonood
6. Estratehiya sa Pag-aaral
7. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

 Para sa Baitang V-VI


1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Pag-unlad ng Talasalitaan
b. Pag-unawa sa Binasa
4. Panonood
5. Estratehiya sa Pag-aaral
6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan

Mga Batayang Teorya at Pilosopiya ng Pagtuturo sa Filipino

Isang saligan sa kurikulum ng kagawarang ang paniniwala sa


teorya ng constructivism. Ang mga mag-aaral ang siyang tagabuo
ng kahulugan sa tulong ng kaniyang dating kaalaman at karanasan.
Ang mga mag-aaral ay nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at ibinabahagi
ang kanilang nauunawaan, nararamdaman, at karanasan para

KABANATA 1 | J.RIVERA
12

makabuo ng bagong kaalaman. Ang mga guro ay nagiging


facilitator o tagapagdaloy ng kaalaman. Hinihimok ang mga mag-
aaral na makipag-ugnayan, magpalitan ng kuro-kuro, karanasan, at
makabuo ng bagong kahulugan at kaalaman na batay sa kanilang
pangangailangan sa tulong ng interbensiyong ibibigay ng guro.

Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan din


ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya /
simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng
wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at
tekstong palahad.
Sa cognitive development ni Jean Piaget, pinaniniwalaan na ang
isang tao ay nakabubuo ng kahulugan kung may ugnayan at interaksiyon
ito sa pagitan ng kaniyang karanasan at ideya. Ito ay nakapokus sa
development ng tao na may kakayahang iugnay ang mga pangyayari
sa kaniyang buhay sa tulong o impluwensiya ng ibang tao para makabuo
ng kahulugan.

Ang sociocultural learning naman ang pinahahalagahan ni Leo


Vygotsky. Ayon sa kanya, mahalaga kung paano nakikipag-usap sa
mga nakatatanda at sa mga kaibigan para makabuo ng kahulugan
sa pamamagitan ng zone of proximal development. Pinalawak pa ito
ni Jerome Bruner at iba pang sikolohista sa pamamagitan ng pagbuo
ng instructional scaffolding kung saan napahahalagahan ang
kaalamang pangkapaligiran para makabuo ng kahulugan.

Layunin din ng programang K-12 na malinang ang ika-21 siglong


kasanayan. Ang bawat kasanayang pampagkatuto ay napapabilang
sa mga kasanayang ito na tunguhing ihanda ang mga mag-aaral para
maging buo at ganap na Pilipino na may kapaki-pakinabang na
kaalaman.

IV. PANGWAKAS NA GAWAIN (40 pts.)


Takdang Petsa (Due Date) Pebrero 9, 2022

Basahing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain at sagutin ito nang buong
ingat.

KABANATA 1 | J.RIVERA
13

Aralin 1 – Kahulugan ng Wika

Gawain 1: Batay sa tinalakay tungkol sa wika , sumulat ng pangungusap o


talata upang makabuo ng sariling pagpapakahulugan sa wika sa
pamamagitan ng akrostik. (3 pts.bawat letra)

Gawain 2: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit nahhirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na pinupuntahan


natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika? (2 pts.)

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Sumasang-ayon ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang , “Hindi tunay


na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago
matutuhan.” Ipaliwanag ang iyong pananaw. (3 pts)

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Aralin 2 – Filipino Bilang Aralin sa Elementarya

Gawain 3: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga makrong kasanayan sa pagtuturo ng wikang Filipino?


Paano makatutulong ang mga ito sa pagpapaunlad ng pagkatuto ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino? (5 pts.)

KABANATA 1 | J.RIVERA
14

2. Bakit mahalaga na alam ng guro ang bawat pamantayan ng kurikulum lalo


na ang pamantayan sa bawat baitang? (3 pts.)

3. Sa loob ng anim na taon mo sa Kagawaran ng Edukasyon, ay nakilala kang


isang magaling na guro sa Filipino, kaya’t naimbitahan kang maging
tagpagsalita para sa isang panayam. Paano mo hihikayatin ang mga
nakikinig/manonood na kinakailangan ng isang mag-aaral ang asignaturang
Filipino sa kanilang buhay? Maglahad ng mga kapamaraanan o plano sa
maaari mong gawin. (5 pts.)

KABANATA 1 | J.RIVERA
15

Aralin 3 – Balangkas ng Kurikulum ng Filipino sa K-12

Gawain 4: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang nilalaman ng gabay pangkurikulum? (5 pts.)

2. Bakit mahalagang alam ng guro ang mga teorya at pilosopiyang naging


batayan sa pagbuo ng gabay pangkurikulum? Ano-ano ang mga
kasanayan na maaaring malinang kung gagamitin ito ng isang guro sa
kaniyang pagtuturo? (5 pts.)

KABANATA 1 | J.RIVERA

You might also like