You are on page 1of 61

COLEGIO DE SEBASTIAN - PAMPANGA

City of San Fernando, Pampanga

Senior High School

M odyul P ampagkatuto

Baitang 11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang
Pilipino
Linggo 1-4

Pangalan: ______________________________
Baitang at Pangkat: _____________________

Inihanda ni:
Renz Ferry Kris I. Lacson, LPT
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Handa ka na ba?
Maligayang pagdating sa iyong gabay sa Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino! Kami, ang Colegio de Sebastian-Pampanga, ay
nagagalak dahil ikaw ay nasa Baitang 11 na. Maaaring nakakaramdam ka ng
matinding pananabik at kaunting pangamba sa taong pampaaralang ito at
iyon ay karaniwan at normal lamang. Malamang ganoon din ang pakiramdam
ng mga kaklase mo. At, dahil ikaw ay nagkaroon na nga kaalaman sa kung
paano nga ba ang karanasan sa online/modular na pag-aaral, higit pa naming
pagsusumikapan ang paggabay sa iyo tungo sa mahusay, mabuti, at
makabuluhang pagkatuto. Basahin ang sumusunod na mungkahing gabay
para sa iyong pakikipagsapalaran sa pag-aaral, sa pagtahak ng landas mo sa
iyong mga pangarap, at tuluyang maabot ang mga ito.

Mga Gabay sa Pag-aaral:

▪ Simulan ang araw sa panalangin upang bigyan ng gabay ng ating


Panginoon.

▪ Maaring simulang ang araw sa pag-uunat-unat ng katawan upang maging


masigla sa pag-aaral.

▪ Ang paksa sa bawat aralin ay maaring matapos ng 30 minuto hanggang 1


oras at kalahati o ayon sa kahingian ng talakayan.

▪ Ang iyong guro ay laging naka-online upang kayo ay gabayan sa pag-aaral


at makapagtanong sa iyong asignaturang pinag-aaralan.

▪ Maging tapat sa lahat ng oras at ng mga gawain na ibinibigay ng guro,


huwag mandaraya at laging pakatandaang ang Dios ay nakatingin sa inyo
kahit walang ibang nakakikita. Ang mga magulang ay magiging gabay rin
ninyo at tutulong sa inyong pag-aaral upang kayo ay matuto nang husto.

▪ Laging gamitin ang matalinong pagdedesisyon sa lahat ng gagawin.

▪ Huwag mag-aatubling magtanong sa guro at mga kamag-aral kung may


hindi nauunawaan sa gawain sa mga talakayan at aktibidad.

▪ Magpahinga kung sakaling makaramdam ng pagkapagod upang


magkaroon ulit ng panibagong enerhiya na gagamitin sa pag-aaral. At,
huwag kalimutang maging positibo sa lahat ng oras.
Mahahalagang
Konsepto Nito
Linggo 1-4
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Pinagmulan
ng Wika at ang
Kasanayang Pampagkatuto:

▪ Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit


ng wika sa lipunang Pilipino
▪ Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
▪ Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (Facebook, Google,
at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
▪ Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(Ayon kay M. A. K. Halliday)
▪ Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan gamit ang mga
makrong kasanayan
▪ Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa
▪ Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan
▪ Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyong nagpapakita ng gamit
ng wika sa lipunan

Lunsaran:

Pagbabahagi ng opinyon at karanasan sa sumusunod na sitwasyon:

1. Ano kaya ang maaaring mangyari sa loob ng tahanan kung hindi nakapag
uusap ang bawat miyembro ng pamilya?
2. Ano kaya ang maaaring maganap sa paaralan kung di
makapagpapahayag ng saloobin ang bawat isa?
3. Paano kung ang bawat tao ay walang daluyan ng pagkakaunawaan?

Pagtalakay sa Aralin:

Kabuluhan at Katuturan ng Wika

Malayo na ang narating ng mga Pilipino. Nakilala na sa buong daigdig ang


ating talino. Hindi maipagkakailang pumapantay at magkaminsa’y
nangunguna
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto
pa tayo sa iba. Pinalawak na ang ating kaalaman sa pakikipag-ugnayan, at
masasabi naiting hindi na rin nahuhuli ang mga Pilipino sa kalakalan, sa talino, at
sa pakikipag-ugnayan. Malaking bahagi ng pagtamo ng mga ito ay ang
patuloy na pagsubok natin tungo sa intelektwalisasyon ng ating wika.

Wika ang buklod sa pagtatalo at pagkakaunawaan. Ito ang kaisahan sa


pagkakaiba-iba ng pamamaraan tungo sa kaunlaran ng isang bayan. Wika
ang pumapatid sa agwat ng mahirap at mayaman, nag-aaral at mga
mangmang, nag-uutos at sumusunod, namamahala at pinamamahalaan.
Napakahalagang magkaroon tayo ng midyum ng komunikasyon sapagkat sa
maraming
pagkakataon, ito ang ginagamit natin sa kabuoan ng ating buhay rito sa
mundo. Nakasalalay sa wikang nauunawaan ng lahat ang tibay ng ugnayan at
tagal ng samahan. Ito ay ilan lamang sa papel ng wika sa ating lipunan. Sa
modyul na ito ay iisa-isahin ang mahahalagang konseptong pangwika na
makatutulong upang higit na mapahalagahan ang kabuluhan ng wika sa
buhay ng tao.

Gayunpaman, maraming mga dalubwika ang nagbigay-kahulugan sa


wika at ang ilan sa mga ito ay mayroong pakakatulad at mayroon din namang
pagkakaiba. Ilan sa mga pagpapakahulugan sa wika ay ang sumusunod:

▪ Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan


ng mga tao.

▪ Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan,


kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga salita, binabasa
man ng mga mata o naririnig ng tainga, nakasulat man o binibigkas.

▪ Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos


sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura (Henry Gleason, 1988)

▪ Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na


mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa
ibang tao (Emmert at Donagby, 1981).

▪ Nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng kultura (Salazar, 1996).


Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto
▪ Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan
nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental
niyang pangangailangan (Constantino, 1996).

Pinagmulan ng Wika

Pinaniniwalaan ng mga antropologo na ang wika ng mga sinaunang tao


sa daigidig; kung mayroon mang wikang ginagamit noon; ay isang uri ng
wikang di nalalayo sa ginagamit ng mga hayop. Kung totoo ang paniniwala na
ang mga unang tao ay namumuhay noon na kahawig ng sa mga hayop, di
nalalayo na ganoon din ang pamamaraan ng kanilang pakikipagtalastasan.
Kung tutuusin, ang mga tao ay hayop ding maituturing kundi lamang sa
rasyunal nitong pag
isip na kayang linangin ang kanyang wika at kultura bilang tanda ng pag
aangkin nito sa mas higit na mataas na uri ng talino kaysa alinmang hayop na
nabubuhay sa ating daigdig. At, dahil sa likas na katalinuhan ng tao, napaunlad
nito ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagmamanipula at pagpapaunlad
g kalikasang nakapaligid sa kanya hanggang sa tuluyan na niyang maibukod
ang kanyang kariyanan sa mga hayop.

Nalinang at napaunlad ng tao ang kanyang wika at kultura na sa


kasalukuyang panahon ay masasabing ibang-iba na sa wika at kultura ng mga
sinaunang tao. Kung susuriing mabuti, lahat na halos ng wika ay mayroon nang
kasalimuutan at maituturing na maunlad at may malaagham na
pagpapaunlad upang mahusay na magamit ng may wika sa kanyang
pakikipagtalastasan sa anumang diwa, opinyon, saloobin o karunungang
kanayang naising ipahiwatig batay natin sa diwang napapaloob sa kanyang
kinagisnang kultura. Gaya ng karaniwang kasabihang ito:

‘Walang taong nabubuhay ang walang wikang kaagapay at, wala namang
hayop na may wikang tulad ng sa tao na sa kanya'y gagabay.’

Kung may mga ibon mang 'nakapagsasalita’, tulad ng mga loro, hindi ito
maituturing na isang, pagsasalita sapagkat ang tanging ginawa lamang ng loro
ay ang panggagaya nito ng tunog na kanilang paulit-ulit na naririnig sa mga

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


taong nakapaligid sa kanila dahil ang mga binibigkas nilang salita o
pangungusap ay totoo namang hindi nila nauunawaan.

Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng wika ng tao, sa totoo nitong


kahulugan, ay umiedad na ng mahigit isang milyong taon, kung ang
pagbabatayan ay ang mga nahukay na kagamitan o artifacts na gawa ng
mga sinaunang tao sa daigdig. At, ayon na rin sa mga dalubwika, ang
pagsisimula ng wika ay nahahawig din sa pagsisimula ng kultura, mula sa
pinakasimpleng pamamaraan na patuloy na umuunlad sa paglipas ng mga
taon, dumaan sa mga masasalimuot na proseso hanggang sa marating nito
ang kadalisayan na tila ilog na patuloy na dumadaloy at walang patid ang
pag-agos sa pagdaan ng bawat henerasyon.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Iba-iba ang opinyon ng mga dalubwika tungkol sa kung saan marami o


natatangi ang pinagmulan ng wika sa buong daigdig. Ang paniniwalang ito ay
hindi naiiba sa paniniwala hinggil sa pinagmulan ng tao ay nagmula sa iisang
angkan lamang, masasabi rin natin na ang iba’t ibang wika na ginagamit sa
ating daigdig ay nagmula rin sa iisang nunong wika . Kung ang kasalungat
naman nito ang ating paniniwalaan, natural na ang magiging kongklusyon natin
ay ay hindi nagmula sa nunong wika ang iba’t ibang wika na umiiral sa buong
daigdig.

Kung susuriin mabuti ang iba’t ibang mga aklat pangwika, marami pang
mababsa tungkol sa iba’t ibang teorya kung papaano nagsimula at
lumaganap ang wika. Ilan sa mga teoryang ito ay ang sumusunod:

Teoryang Dingdong
Ang bawat bagay sa mundo ay may kaakibat o kaugnay na mga tunog.

Teoryang Bow-wow
Nagsimulang matuto ang tao ng paggamit ng wika sa pamamagitan ng
ng panggagaya nito sa tunog ng kalikasan.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Teoryang Pooh-pooh
Lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng paglalabas ng kasidhian
ng kanyang damdamin tulad ng galit , galak , lungkot ,
tatakot at iba pa.

Teoryang Yum-yum
Lumilikha ng tunog sa pamamagitan ng paggaya sa mga tunog na
nagmula sa kilos o galaw.
Teoryang Tarara-boom-de-ay
Ang mga unang wika ay nagmula sa mga bulong ng mga sinaunang tao
kapag sila ay nagsasagawa ng ritwal habang nangangasao, nagluluto,
nagtatanim, nagpapaanak o iba pang gawain.

Teoryang Sing-song
Ang wika ay nabuo sa pamamagitan ng mga awitin at pagsasayaw ng
mga sinaunang tao. Habang umaaawit at sumasayaw nakalikha ang mga
sinaunang tao ng mga pattern ng makabuluhang tunog. Unti-unti, nagawa ng
tao na makabuo ng salitang may kahulugan.

Teoryang Tata
Ang galaw ng ating katawan ay may kaakibat na wika. At, nagmula raw
ang wika sa pamamagitan ng ating pag-interpreta sa bawat galaw na ito ng
ating katawan.

Ang Tore ng Babel


Hango ang teoryang ito sa Biblya (Gen 11:1-9) kung saan nakasaad na
binigyan ng Diyos ang tao ng iba't ibang wika upang hindi sila magkaunawaan.

Pagkatapos ng malaking baha o delubyo, ang mga lahing nagmula kay


Noah ay dumami nang dumami at lumaganap pagawing silangan. Noong
panahong yon ay lisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao. Sa patuloy
na paghahanap ng tao ng mainam na lugar na mapaninirahan ay natuklasan
nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang magtatag ng isang
lungsod. Doon din nila sinimulang itatag ang napakataas na templong-tore na
halos umabot sa langit. Ang nasabing tore ay isang bantayog na sumisimbulo
sa

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


kanilang kapalaluan at walang-hanggang paghahangad sa kapangyarihan at
katanyagan.

Nang bumaba sa lupa ang Diyos, nakita Niya ang templong-tore na itinayo
ng mga tao. Inisip Nia na kung patuloy na magkakaroon ng isang wika ang mga
tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na
wala nang katapusan ang pagiging mapaghangad ng tao. Ang nasabing tore
ay palatandaan ng palalong pagnanais ng mga tao na mapalapit sa Diyos, at
sa bandang huli'y mapantayan at mahigitan pa ang Kanyang kapangyarihan.

Kaya't ang ginawa ng Diyos ay pinagkalooban Niya ng iba't ibang wika


ang mga to upang hindi sila magkaintindihan. Nang hindi na nagkakaintindihan
ang mga tao, unti-unti nang nagkawatak-watak at kumalat sa buong daigdig.
Mula noon, ang lungsod at templong-tore na kanilang itinatag ay kinilala sa
tawag na ‘Lungsod ng Babel’ at ‘Tore ng Babel’ na ang ibig sabihin ay ‘Ang
Lungsod ng Kalituhan’at ‘Tore ng Kalituhan’ sapagkat doon nakaranas ang
mga tao ng pagkalito, pagkakawatak-watak, at kaguluhan nang pagkalooban
sila ng Diyos ng iba't ibang wika.

Teorya ni Rizal
Hango ang teoryang ito sa tula ni Rizal na pinamagatang ‘Sa aking mga
Kababata’ kung saan sinabi niya na ang wika ay bigay ng Lumikha sa mga tao.
Sa mga Pilipino ay Filipino, sa mga Amerikano ay Ingles, Hapon ay Nihonggo.

Ang Eksperimento ni Psammitichus


Noong unang panahon, ang isang paraoh ng Ehipto na nagngangalang
Psammitichus, ang nagsagawa ng isang eksperimento. Nagpakuha ito ng
dalawang sanggol at pinaalagaan sa isang pook na walang maririnig na
usapan ng mga tao upang alamin kung anong klaseng wika ang kanilang
matututunan. Batay sa pag-aaral ng paraoh, ang unang nabigkas ng
dalawang bata ay ang salitang bekos, isang salita mula sa sinaunang wikang
Phrygian (isang patay na wika ng matandang Indo-Europeo) na ang ibig
sabihin ay tinapay. Dahil rito, nagbigay ng kongklusyon si Psammitichus na ang
dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang Phrygian ay matututo rin ng
wikang Phrygian. Bukod pa rito, nagbigay rin ng kongklusyon ang paraoh na
ang wikang Phrygian ay mas matanda at mas nauna sa wikang Egyptian.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Kung pakasusuriin, batay sa naging kongklusyon ni Psammitichus, lubhang
napakahirap paniwalaan ang naging eksperimento ng paraoh. Subalit, kung
tutuusin, kung natatangi man o sa iba't ibang wika nagsimula ang mga wika sa
daigdig, ang importante ay mailahad sa mga tao ng kasalukuyang henerasyon
na napakarami nag wika ang umiiral sa ating daigdig na ang ilang wika ay may
malaking pagkakahawig—sa ibang wika at ang ibang wika naman ay may
malaking pagkakaiba sa iba pang wika.

Gawain Blg. 1:

Pamagat ng Gawain:

Pagninilay-nilay: Paano ang Mundo kung Walang Umiiral na Wika?

Target sa Pagkatuto:
1. Nailalahad sa pamamagitan ng isang replektibong sanaysay ang mga
sitwasyong maaaring maganap kung walang wikang umiiral sa mundo.

2. Napapanatili ang kaugnayan ng bawat pangungusap sa kahingian ng


gawain, pagiging malikhain, kawastuhan ng gramatika, at ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay.

Panuto:

1. Pagnilayan ang mga sitwasyong maaaring maganap sa buhay ng tao kung


walang umiiral na wika sa mundo.

2. Tandaan na ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay magpapakita ng


kalaliman ng pag-iisip ng indibidwal sa iba’t ibang sitwasyong kanyang
pinagninilayan.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos

Kabuoang nilalaman ng sanaysay 15

Kaangkupan ng nilalaman at kaugnayan sa paksa 10

Kabuluhan, organisasyon, at pagkamalikhan 10

Kawastuhan ng gramatika at mga bantas 5

Kabuoang Puntos 40

Katangian ng Wika

Ang wika ay makabuluhang tunog. Ayon sa mga dalubwika, may


dalawang konsepto ang wika kung ang makabuluhang tunog ang pagtutunan
ng pansin:

1. Tonal Language. Ito ay tumutukoy sa mga salitang pareho ang pagbaybay


subalit kapag nagbago ang pamamaraan ng pagbigkas o tunog nito, nag
iiba ang kahulugan.

Halimbawa:
Ang mga wikang Niponggo, Mandarin Fukien, Wu, Cantonese at Korean.

2. Pinagmulang Tunog. Bawat wikaay may malaking pagkakaiba sa


makabuluhan nitong tunog kung an gang pagbabatayan ay ang pag
iinterpreta sa mga nililikha nilang tunog.
Halimbawa:
(Tagalog) tahol ng aso aw-aw-aw-aw
(Ingles) tahol ng aso arf-arf-arf-arf

3. Nailalahad ng wika ang saloobin ng tao. Naipapahayag ng bawat tao ang


kanyang saloobin sa pamamagitan ng wika. Ito ang lubos na ikinalamang
ng tao sa anumang hayop sapagkat rasyunal nitong nailalahad ang mga
ninanais iparating

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


4. Naglalarawan ng kultura ng isang lipunan o maging isang bansa ang wika.
Tunay na magkakambal ang wika at ang kultura. Hindi ito maaaring
paghiwalayin sapagkat sinasalamin ng wika ang isang kultura at
dumedepende sa kaunlaran ng isang kultura ang kalaliman, karunungan at
kahusayan ng isang wikang umiiral rito.

5. Isang penomenong panlipunan ang wika. Dahil sa pakikipagtalastasan ng


mga tao sa kanyang kapwa, nagiging mabilis ang pagkatuto sa wika ng
sinumang tao ito man ay sa larangan ng pasulat o pasalita.

Ilan pang mga katangian ng Wika ayon sa pagpapakahulugan ni iba’t


ibang mga dalubwika:

6. Ang wika ay sinasalitang tunog. Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay


sinasalita rin. At kapag sinasalita, mayroong tunog na nabubuo. Sa
pamamgitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon kahulugan ng
salita. Sa intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang
salita. Ang tunog ay nililikha ng ating baga na naglalabas ng hangin at
dumaraan sa voice box (artikulador) pagkatapos ay sa ilong at bibig kung
saan ito binabago para sa emosyon (resonador).

Halimbawa:
Saan ka pupunta? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na malambing
o pagalit).

Oh, kumusta ka na? (maaaring lagyan ng emosyon o tunog na


malambing o pagalit).

Huh? (walang direktang kahulugan ang salitang ito, maari itong


mabigyan ng kahulugan ayon sa tunog na nilikha).

7. Ang wika ay arbitraryo. Sumasalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga


tao sa isang lugar. Napagkasunduan ng mga mamamayan ang
pangunahing wikang gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang
gagamitin sa kanilang kabuhayan, edukasyon, pagkain, pagpapalaganap
ng kultura at tardisyon.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Halimbawa:
Bahay Kung mula sa pamayanang Tagalog
Balay Kung mula sa pamayanang Bisaya
Bay Kung mula sa pamayanan ng mga Tausug
Casa Kung mula sa pamayanang Chavacano

8. Ang wika ay dinamiko. Dahil pagbabago lamang ang permannenteng


bagay sa daigdig, maging ang wika ay nakakararanas ng pagbabago. Sa
paglipas ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag
unlad at pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang konsepto ng
makaluma at makabagong pag-uusap. Mabisang paraan upang malaman
ang pagbabago ng wika sa mga salitang ginagamit sa teknolohiya.
Salita Lumang Kahulugan Bagong Kahulugan

mouse daga Device na ginagamit sa


pagpapagalaw ng kursor
ng kompyuter

tablet uri/hugis ng gamot Isang mobile device na


karaniwang malaki pa sa
cellphone

wall dingding o bakod Bahagi ng social media


kung saan maaaring
mag post ang mga
kaibigan

windows mga bintana Isang uri ng operating


system ng kompyuter

load pasanin Ginagamit ng isang


cellphone user upang
makapagdala ng mga
mensahe at magamit
ang device sa iba pang
paraan

9. Ang wika ay nanghihiram. Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi


maiiwasang magkaroon ng palitan o hiraman ng mga salita. Mayroong mga
salitang walang katumbas sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya
naman ang nagiging solusyon dito ay ang panghihiram. Dahilan kung bakit
ang wika ay dinamiko at umuunlad.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Kahalagahan ng Wika

1. Sa Sarili. Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay


nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Sa lahat ng aspeto ng buhay ng
isang tao, nagiging possible ang lahat ng kanyang naisin kung may sapat
siyang kakayahang gamitin at padalisayin ang wikang kanyang nalalaman.

2. Sa Kapwa. Ayon nga sa kasabihang nawiwika sa Ingles, ‘No man is an island’.


Hindi nalikha ang wika para lamang gamitin ng isang tao sa kanyang sarili...
kausapin ang sarili... gamitin sa sarili nang walang ibang nakikinabang kundi
ang kanyang sarili. Nangangahulugan lamang na ang wika ay isang
napakahalagang sangkap upang makihalubilo ang isang rasyunal na tao sa
kanyang mga kapwa rasyunal na nilalang upang mapalawig nito ang
kanyang karanasan, karunungan at pagiging isang tao na nabubuhay sa
mundo ng mga tao.

3. Sa Lipunang Kinaaaniban. Sa pagsama-sama ng mga karanasan, mga


karunungan, mga pangarap at mga saloobin ng bawat rasyunal na nilalang
nabubuo ang isang kulturang nagsisilbing kaluluwa ng isang lipunan. Isang
lipunan na masasabing natatangi sa ibang lipunan sapagkat nagkakaroon
ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat na sulok ng kanilang
nasasakupan.

Kapangyarihan ng Wika

May taglay na lakas at puwersa ang mga sinasalita nating wika. Para itong
isang malakas na ilog ng mga dumadaloy na salita na kung gagamitin ng tama
ay maaaring tumimo sa damdamin, tumarak sa isipan, makakuha ng atensyon
at makalikha ng isang panibagong puwersa na lalong magpapalakas sa wika.
At, dahil sa kapangyarihang taglay nito, sa larangan ng pakikipagtalastasan ay
nagagawa nating magtanong, magpaliwanag, magbigay ng mga
paglalarawan, magpasaya, manalangin, magpahayag g pag-ibig at makipag
ugnayan sa napakadaling pamamaraan tulad g isang simpleng pagngiti sa
ating kapwa.
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto
Dahil sa kapangyarihang taglay nito, ang wika ay maaaring:

1. Makapagdulot ng ibang kahulugan. Nakasalalay ito sa napag-kasunduan ng


mga taong nabibilang sa iba't ibang lipunan. Tulad halimbawa ng 'langgam'
sa katagalugan na makikita mong gumagapang at isang uri ng insekto at
ang 'langgam' sa mga Cebuano na nangangahulugang ‘ibon'.

2. Lumilikha ng Saloobin. Anuman ang nararamdaman ng isang tao, maluwag


nitong naipahahayag ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng paggamit
ng wika.

3. Humuhubog ng Tamang Pag-uugali ng Isang Tao. Sa positibong pananaw,


ang mga mabubuting pananalita ay nagbubunga ng mabubuting resulta.
Ang isang nilalang na busugin mo ng magagandang pangaral na may
kaakibat na aktwal na pagsasagawa, asahan mo't ito ay magiging isang
mabuting mamamayan g kanyang lipunan.

4. Kapangyarihan ng Isang Kultura. Anumang pag-uugali o gawi, karunungan


o kapintasan, at positibo o negatibong pananaw sa buhay mayroon ang
isang lipunan, ito ay nakasalalay rin sa wikang taglay nito. Sinasalamin ng
wika ang kabuuang aspeto ng isang kultura sapagkat produkto ng kultura
ang wika at produkto ng wika ang kultura.

Gawain Blg. 2:

Pamagat ng Gawain:

Simbolismo: Kahalagahan ng Wika sa Komunikasyon

Target sa Pagkatuto:

1. Nakaguguhit ng isang makabuluhang simbolong kakatawan o sasalamin sa


kahalagahan ng wika kaugnay ng komunikasyon sa iba’t ibang konteksto.

2. Naisasalaysay ang simbolismo ng iginuhit na simbolo atn napapanatili ang


kaugnayan ng bawat pangungusap sa kahingian ng gawain, pagiging

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


malikhain, kawastuhan ng gramatika, at ang mga dapat isaalang-alang sa
pagsasawa ng aktibiti.
Panuto:

1. Mag-isip nang malalim at paganahin ang isipan sa malikhaing pamamaraan.


Gumuhit (higit na mainam kung digital art) ng isang simbolong kakatawan o
sasalamin sa kahalagahan ng wika batay sa mga sumusunod na aspeto
(pumili lamang ng isa) Kahalagahan ng wika sa:

Kahalagahan ng wika sa:


a. Lipunan
b. Kultura
c. Edukasyon
d. Pamahalaan
e. Simbahan
f. Politika

2. Tandaang ang pagguhit ng isang simbolo ay nakatutulong upang mahasa


ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa paggawa o pag-iisip sa malikhaing
pamamaraan. Gayundin, ito ay paraan ng pagbibigay ng sariling kuro
patungkol sa isang paksa.

3. Sa ibabang bahagi ng papel, sumulat ng sanaysay hinggil sa simbolismo ng


simbolong inilakip.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos

Kalaliman at orihinalidad ng simbolismo 15

Kaangkupan ng nilalaman at kaugnayan sa tema 10

Kabuluhan, organisasyon, at pagkamalikhan 10

Kawastuhan ng gramatika at mga bantas 5

Kabuoang Puntos 40
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Antas ng Wika

May dalawang antas ang wika na umiiral sa isang lipunan. Ang mga ito
ay ang mga sumusunod:

1. Pormal. Ito ay ang mga estandard na wikang ginagamit at kinikilala ng higit


sa nakararaming tao lalo na ang mga may pinag-aralan. May dalawa itong
lebel:

1.1 Pambansa
1.2 Pampanitikan

2. Di-Pormal. Ang wikang ito ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan.

2.1 Balbal
2.2 Kolokyal
2.3 Lalawiganin

Barayti ng Wika

Bukod sa mga antas ng wika, nagkakaroon din ito ng barayti dahil na rin
kapangyarihan ng tong lumikha ng iba't ibang bersyon nito. Bahagi ito ng
metalingguwistikong pag-aaral ng wika.
Ipinaliliwanag sa teoryang sosyolingguwistikong pinagbabatayan g ideya
ng pagiging heterogenous ng wika ang pagkakaroon ng barayti ng isang wika.
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang mga barayti ng wika pagkakaiba-iba ng
mga indibiduwal na nabibilang sa magkaibang lipunan, interes, hanap-buhay
at kulturang kinabibilangan. Dahil rito, ayon kay Constantino (2006), may
dalawang dimensyon ang baryabilidad ng isang wika. Ito ay ang dimensyong
heograpiko at dimensyong sosyal.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Dayalek. Ito ay ang mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng
isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba't ibang bayang
nasasakupan.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Halimbawa:
Tagalog-Maynila
Tagalog-Cavite
Tagalog-Bulacan
Tagalog-Quezon
Tagalog-Batanggas
Tagalog-Laguna

2. Ekolek. Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan.


Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan
naman ng mga taong gumagamit nito.

Halimbawa:
Pappy = ama
Mumsy = ina

3. Etnolek. Nalikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong pangkat.

Halimbawa:
Wika ng mga Tausug
Wika ng mga Ifugao
Wika ng mga Ivatan

4. Idyolek. Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal


ang paggamit nito.

Halimbawa:

Me ganun?
Oks na Oks
Tama
Wow ha sige

5.

Pidgin. Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga


tagapagsalita at wala itong pormal na anyo.

Halimbawa:

Grabe talaga pards, nainlababo na yata ako.


Dyusku day!! Paminta eber ang istatus symbol niya!

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

6. Rehistro/Jargon. Nabuo ang wikang ito dahil sa iba't ibang propesyon na


umiiral sa isang lipunan.

Halimbawa:
'muhon' sa isang karpintero
'segue' sa isang script writer
'Trancendental phenomenon' sa isang philosopher
7. Sosyolek. Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil
sosyalisasyon na kadalasang nagbabago-bago ng anyo sa paglipas ng
panahon.

Halimbawa:
Pagdiriwang parti, tipar, gimmick,
Mga wika ng bading Mga wika ng tambay

Tungkulin ng Wika

Ayon kay M.A.K. Halliday (1973), sa kanyang Explorations in the Functions


of Language," ang wika ay batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa
ating buhay. Naririto ang pitong tungkulin ng wika na madalas na gamitin sa
pasalita at pasulat na paraan:

1. Heuristik/Hyuristik. Tumutulong ang wika upang makamit ng tao ang iba't


ibang kaalaman sa mundo.

Halimbawa:

Ngayon ko lang nalaman na ang kariyanan pala sa Ingles ay existence.

2.

Imahinatibo. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa nitong palawakin ang


imahinasyon ng isang tao.

Halimbawa:

Sa pusod ng karagatan ay may isang tuyong lupain. Nakatanim rito ang


isang puno ng kamatis na nagbubunga ng mansanas.

3. Instrumental. Sa pamamagitan ng wika, nailalahad ng isang tao ang


kanyang mga mungkahi, panghihikayat, pagbibigay-utos at maging ang
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

pagbibigay ng pangalan sa isang bagay o pangyayaring kanyang


kinapapalooban.

Halimbawa:

Mas makabubuting dumito ka na lang muna hangga't masama pa ang


panahon.

Kung ako sa'yo, gayahin mo ang ginawa ko noong nakaraang taon


para manalo ka rin.

Pakilagay mo nga sa mesa ang mga aklat.

4. Interaksyunal. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa nitong mapatatag ang


pakikipagkapwa o pakikipagrelasyon ng tao sa kanyang kapwa.

Halimbawa:

Mheong: Pare… makakaasa kang kahit anong mangyari, hindi kita


iwan.

Enrico: Salamat, pare… Pinapayapa mo ang aking kalooban…

5. Personal. Sa pamamagitan ng wika, naipahahayag ng tao ang kanyang


mga pansariling kalooban a maaaring magpakita ng kanyang personalidad
o nararamdaman.

Halimbawa:

Sa wakas!
Sinagot na rin
ako ng aking
nililigawan!

6.
Regulatori. Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na kontrolin o
isaayos ng tao ang kapaligiran o lipunang kanyang kinabibilangan.

Halimbawa:

Dito ang tamang tawiran.

7. Representasyunal. Sa pamamagitan ng wika, nakakapagbahagi ang tao ng


mga pangyayari o di kaya ay nakapagpapahayag ng mga detalye. Maaari

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

ring maghatid at makatanggap ng mensahe mula sa iba tulad ng


pagbabalita at pagbibigay-paliwanag o pagbibigay-impormasyon.

Halimbawa:

Matatagpuan ang mga nakalimbag g pilosopiyang Filipino sa mga akdang


pampanitikan na siyang tunay na sumasalamin sa pagkatao nating mga
Pilipino.

Ayon kay Frank Smith (1977), sa kanyang ‘Uses of Language’, may apat na
punang dapat bigyang-pansin ng isang tao sa paggamit ng wika:

1. Nagagamit nang husto ang potensyal ng wika kung ito ay malimit na


ginagamit a pakikipagtalastasan.

2. Hindi nangangahulugan ng kasanayan sa iba pang larangan ang kasanayan


sa isang tungkuling pangwika.

3. Maaaring magamit ang isa o higit pa nang sabay-sabay ang mga tungkuling
pangwika habang nakikipagtalastasan.

4. Kailangan ng tagapakinig ang nagsasalita at kailangan ng nagsasalita ang


tagapakinig. Kailangan din ng nagsusulat ang mambabasa at kailangan din
ng mambabasa ang mg manunulat.

5. Isa lamang alternatibo ang wika sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan at


pagtanggap ng karunungan. Maaari ring gumamit ng iba pang kasanayan
sa
komunikasyon tulad ng pagsensyas at panonood o kumbinasyon ng mga
kasanayang ito upang makakamit ng inaasahang pagkaunawa at
pagkatuto.

Ang mga Dapat Isaalang-alang sa Paggamit ng Wika

May apat na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika:


1. Ang tamang gamit at anyo ng wika
2. Ang paksang pinag-uusapan
3. Ang tugon sa taong kinakausap
4. Pagrespeto sa kausap kahit ano pa ang edad o estado nito sa buhay

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Ilan pang Mahahalagang Konseptong Pangwika

▪ Wikang Pambansa. Wikang sama-samang itinaguyod ng mga mamamayan


sa isang bansa upang magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanan (Topi
Omoniyi, 2010).

▪ Wikang Panturo. Opisyal na wikang gamit sa klase at talakayang guro


estudyante.

▪ Wikang Opisyal. Wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wika ng


opisyal na pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksyon, halimbawa ay sa
mga sangay ng pamahalaan o sa isang kompanya o sa isang organisasyon.

▪ Bilinggwalismo. Pagkontrol sa dalawang wika na para bang katutubong


nagsasalita ng dalawang wikang ito (Bloomfield, 1993)

▪ Multilinggwalismo. Kakayahang makagamit ng dalawa o higit pang wika


(Muriel Seville-Troike, 2006).

▪ Register/Barayti ng wika. Sa sosyolinggwistika, ito ay salita para sa


pagkakaiba iba ng porma ng wika.

▪ Homogenous. May kaisahan sa uri o anyo; nagkakaintindihan sa tuntunin nito


at naibabahagi ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin
sa paggamit ng wika at pakikitungo sa isa't isa.

▪ Heterogenous. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng mga tao na may iba't


ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa.


Linggwistikong Komunidad. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito
ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat isa.

▪ Unang wika. Maaaring wikang natutuhan sa magulang, unang wikang


natutuhan mula kanino man, mas dominanteng wikang gamit ng tao sa
kanyang buhay, unang wika ng isang bayan o bansa, wikang
pinakamadalas gamitin ng isang sa pakikipagtalastasan, o ang wikang mas
gustong gamitin ng isang tao (Skutnabb-Kangas at Philippson, 1989)

▪ Pangalawang wika at iba pa. Anumang bagong wikang natutuhan ng isang


tao matapos niyang matutuhan ang unang wika (Saville-Troike, 2006).

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Gawain Blg. 3:

Kung Nakakain Lang ang Hashtag…


ni Kim Kimberly Derla

Kung nakakain lang ang hashtag, malamang walang nagkalat sa daan. Wala
kang itataboy na magulang, na kanilang anak ay pasan sa lansangan. Kung
nakakapagpakain lang ang 26 milyong tweets ng bawat mamamayan, Hindi
sana nagkaroon ng taong mangmang, walang alam, walang matutuluyan.
Kung may nabubusog lang sa bawat larawan mo sa instagram,
Wala sigurong nagugutom. Walang tiyan na kakalam. Lahat may
alam. Kung may natututunan lang sa bawat selfie sa news feed mo,
Wala sigurong magsasabing, ‘Pangit ako,’ ‘Ang taba ko,’ ‘Ayaw ko sa sarili
ko.’ Kung sa bawat on the way mo, ay paalis ka na talaga,
Marami sana ang magpapahalaga sa oras. Marami sana ang hindi
mawawala. Kung sa bawat rant mo sa social media, ikaw ay
nakapagpapasaya, Wala sanang naaasar sa tuwing nagpapaganda ka lang.
Tila bagong salita na sa social media ang pagiging pabebe.
Dati isa itong hayop, ngayon, ito ay isa nang malaking bagay lalo na sa
Facebook. Kung hindi ka nag-aaksaya ng ilang oras sa hashtag at trending,
Magbabago ka siguro, at makakatulong nang walang ending.

Sanggunian: https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/viewFile/5471/4905

Pamagat ng Gawain:

Ang Wika, Lipunan, at ang Social Media

Target sa
Pagkatuto:
1. Nailalahad ang kahalagahan ng wika sa pamamagitan ng makabuluhan at
responsableng gamit nito sa social media (Facebook, Instagram, Twitter,
atbp.) sa pamamagitan ng isang makabuluhang sanaysay.

2. Napapanatili ang kaugnayan ng bawat pangungusap sa kahingian ng


gawain, pagiging malikhain, kawastuhan ng gramatika, at ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Panuto:

1. Basahin at unawain ang tekstong ‘Kung Nakakain Lang ang Hashtag’ ni Kim
Kimberly Derla.

2. Gawin itong inspirasyon upang makasulat ng isang sanaysay na


magpapahayag ng tama at responsableng paggamit ng wika sa social
media.

3. Maglakip ng larawan o screenshot ng iyong ‘post’ mula sa iyong social


media na kakikitaan ng impluwensyal na aspeto sa mga nakababasa nito.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos

Kabuoang nilalaman ng sanaysay 15

Kaugnayan sa tema at kahingian ng gawain 10

Kabuluhan, organisasyon, at pagkamalikhan 10

Kawastuhan ng gramatika at mga bantas 5

Kabuoang Puntos 40

Mga Kagamitan:

▪ PowerPoint Presentation
▪ Personal/desktop Computer
Sanggunian:

Gonzalvo, R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Mindshapers Co., Inc.

Batnag, A., et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Rex Bookstore, Inc.

Reyes, A. (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Diwa Learning Systems, Inc.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Kumpilasyon ng mga Marka:

Pamagat ng Aktibiti Nakuhang


Inaasahang
Marka
Puntos

Pagninilay-nilay: Paano ang Mundo kung 40


Walang Umiiral na Wika?

Simbolismo: Kahalagahan ng Wika sa Komunikasyon 40

Ang Wika, Lipunan, at ang Social Media 40

Kabuoang Puntos 120

Pagtataya sa Pagkatuto:
Komunikasyon at Pananaliksik Hindi Pa Umuunlad Nakamit na Tala
sa Wika at Kulturang Filipino
Nauunawaan ang mga
konsepto, elementong kultural,
kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino

Natutukoy ang mga kahulugan


at kabuluhan ng mga
konseptong pangwika.

Nagagamit ang kaalaman sa


modernong teknolohiya
(facebook, google, at iba pa)
sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika.

Nabibigyang kahulugan ang


mga komunikatibong gamit ng
wika sa lipunan (Ayon kay M. A.
K. Halliday).

Natutukoy ang iba’t ibang


gamit ng wika sa lipunan gamit
ang mga makrong kasanayan.

Naipaliliwanag nang pasalita


ang gamit ng wika sa lipunan
sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa.

Nagagamit ang mga cohesive


device sa pagpapaliwanag at
pagbibigay halimbawa sa mga
gamit ng wika sa lipunan.

Nakapagsasaliksik ng mga
halimbawang sitwasyong
nagpapakita ng gamit ng wika
sa lipunan.
Ang Wikang
Pambansa sa Iba’t
Ibang Panahon
Linggo 5-8

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Layuning Pampagkatuto:

▪ Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at


pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
▪ Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang
pagtalakay sa wikang Pambansa.
▪ Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na kasaysayan
ng wika.
▪ Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.
▪ Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na yugto ng
kasaysayan ng Wikang Pambansa.
▪ Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pag-unlad ng Wikang Pambansa.
▪ Nakagagawa ng isang sanaysay sa aspektong kultural o lingguwistiko ng
mag-aaral.

Lunsaran:

Dugtungan. Dugtungan ang bawat pahayag upang mabuo ang diwa. Sikaping
gamitin ang alinman sa salitang ‘Tagalog’, ‘Pilipino’, at ‘Filipino’ sa pahayag na
idurugtong.
Halimbawa: Talagang masaya ang kuwentuhan…
Sagot: Talagang masaya ang kuwentuhan kung gagamitin natin ang wikang
Filipino sa ating usapan.
1. Higit na uunlad ang Pilipinas kung…

2. Kung may kaharap akong genie ngayon, hihilingin kong…

3. Iboboto ko ang kandidato sa eleksyon kung…

4. Pinoy ako…

5. Sa aming bayan…

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Pagninilay. Pansining mabuti ang graphic organizer sa ibaba, ihayag ang mga
kaisipang nakapaloob dito.

Tagalog Pilipino Filipino

Pagtalakay sa Aralin:

Kasaysayan ng Pagsilang ng Pambansang Wika


Isa sa pinakamahalagang bahagi ng isang bansa ay ang mga
pinagdaanan nito sa mahabang panahon upang makamit ang tinatamasang
kaunlaran, kalayaan at pagbabago. Ang kasaysayan ang inaalam upang
malaman ang mga dahilan kung bakit ang isang bansa ay nasa kasalukuyang
estado. Ang Pilipinas ay isa sa mga patunay ng bansang may mayamang
kasaysayan na kung saan ay nagbunga ng maraming tradisyon, paniniwala at
kasabihan. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng iisang wika.

Sa modyul na ito, babalikan ang mga mahahalagang pangyayari sa


kasaysayan ng Pilipinas na naging daan upang isilang ang wikang Pambansa at
ang paggamit nito sa makabagong panahon.

Panahon ng Katutubo (Pre-colonial)

Panahon ng Katutubo Maaari rin itong tukuyin na prekolonyal na panahon.


Sinasakop nito ang yugto na inaasahang ang kapuluan ay hindi pa
nababahiran ng impluwensya ng mga dayuhan mula sa kanluraning kultura at
lipunan ng mga katutubong Pilipino lalo na ang kanilang wika: na ang purong
katangian ng katutubong kakanyahan.

Ang Pilipinas ay mayroong higit sandaang wika at wikain. May malaking


pagkakahawig sa isa’t isa ang mga ito at bahagi ng malaking pamilya ng
wikang tinatatawag na Malayo-Polynesia (Lopez, 1965). Ang mga wikang ito ay
sinasalita

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


mula sa Formosa sa hilagang New Zealand sa timog at mga pagtatagpong
nagaganap sa pagitan ng mga wika na nauwi sa pag-iimpluwensiyahan at
paghihiraman ng mga ito sa isa’t isa. Maipaliliwanag kung paano naganap ang
penomenong ito.

Ayon by J. Francisco (1964), ang ‘inter-influence of all the languages of


these identity spread islands is believed to have been caused by the waves of
culture movements in the various period of man's history in these regions’. Kung
gayon, masasabi na ang daloy ng pagkilos na ito ang nagbunsod sa
paglaganap ng mga wikang dala-dala ng bawat grupo ng taong naglalakbay
at nagtatagpo. Kaya't makakikita ng mga pagkakatulad sa loob ng mga wika.

Sa panahong ito, may tatlong paraang maaaring banggitin na magsasabi


kung paano naimpluwensyahan at nanghiram ito sa ibang dayuhang wika. Ito
ay ang (1) migrasyon, (2) komersyo o pangangalakal, at (3) di-tuwirang
pamamaraan.

Ang migrasyon o pandarayuhan ay maaari nang katigan nang nabanggit


na daloy ng kulturang pagkilos. Susog dito ang paniniwalang may iba;t ibang
labi ng tao na dumating at nanirahan sa Piipinas noong unang panahon. Sila’y
ang Negrito, Indones at Malay.

Ang pangangalakal ay dala ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang


nangangalakal ng mga katutubo ng pangangailanagang pangkabuhayan.

Dala ang kanilang produkto, sa pakikipagtransaksyon sa mga katutubo, hindi


lamang nalilimitahan sa pagpapalitang Komersyo ang negosasyon.

Ang di-tuwirang pamamaraan ay nagaganap sa pamamagitan ng o


intervening na wika upang makarating ang impluwensiya ng isang wika na wala
itong direktang pakikipag-ugnayan.

Ang mga sumusunod ang ilang halimbawa ng mga salitang hiniram sa


panahon ng katutubo na bunga ng tatlong paraang nabanggit:

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Intsik Katutubo Malay Katutubo Sanskrit Katutubo

a–chi ate aku ako vamsa bansa

bo-ui buwisit abu abo ahi ahas

kau-ting gunting alang alangan aswamin asawa

pin-tan pinggan babi baboy varita balita

so-si susi bacha basa bhaga bahagi

lau lawlaw damdam damdam bhatarra bathala

Nang sinaunang Tagalog ay isinusulat sa paraang pantigan. Mayroong itong 17


titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ang mga titik sa baybayin ay pinagsama nang
katinig at patinig.

Patinig

a e/i o/u

Katinig
ba ka da/ra ga ha la ma
na nga pa sa ta wa ya

Gawain
Blg. 4:

Pamagat
ng
Gawain:

Balik-tanaw sa Nakaraan: Pagsulat Gamit ang Baybayin

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Target sa Pagkatuto:

1. Nagagamit ang kakayahan sa pagsulat ng mga kasabihang Pilipino mula sa


ating makulay na kultura gamit ang baybayin.

2. Napahahalagahan ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan bilang paraan


upang higit na maunawaan ang pag-unlad ng ating bansa partikular sa
ating wika at magamit natin ito sa patuloy na pagpapayabong ng ating
wika at kultura.

Panuto:

1. Pumili ng kasabihang Pilipino na kung saan nakikilala ang yamang kultural ng


ating bansa at isulat ito gamit ang baybayin.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos

Kawastuhan ng paggamit ng baybayin 20

Kaugnayan sa tema at kahingian ng gawain 10

Kabuluhan, organisasyon, at pagkamalikhan 10

Kabuoang Puntos 40

Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol

Ang ating lupain, bago pa man natuklasan ng mga Europeo, ay may sarili
nang sibilisasyon. Mayroon na itong sistemang pampolitika sa anyo ng mga
barangay; may konsepto ng mga diyos na sinasamba sa pamamagitan ng
paganismo; may sariling teknolohiya at mga kasangkapan na gamit sa iba't
ibang gawain; may ugnayang panlabas; at may panitikan na nagsisilbing
tagapag-ingat ng kultura at kasaysayan. Isa pa sa mga dakilang patunay ng
sibilisasyon ng ating mga ninuno ay ang pagkakaroon ng sariling mga wika—
buhay, may estruktura, at lubos na pinakinabangan sa araw-araw.

Sa mga wika sa Pilipinas, kahit bago pa man dumating ang mga


mananakop, Tagalog ang maituturing na pinakamaunlad at nag-aangkin g

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

pinakamayamang panitikan (San Juan, 1974). Ayon sa paring Heswita na si


Padre. Pedro Chirino, sa Tagalog niya Nakita ‘ang mga katangian ng apat na
pinakadakilang wika ng daigdig: ang hiwaga at hirap ng Ebreo; ang pagiging
natatangi ng mga salita, lalo na sa mga pangngalang pantangi ng Griyego;
ang pagiging buo ng kahulugan at pagkaelegante ng Latin; at ang pagiging
sibilisado at mapitagan ng Espanyol (San Juan, 1974)’.

Ang sinaunang Tagalog ay isinusulat sa parang silabiko o pantigan.


Mayroon itong 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig. Hindi tulad ng alpabetong
Romano na magkabukod ang tungo ng patinig at katinig na nangangailangan
ng pagsasama ng dalawa o higit pa upang makabuo ng pantig, ang mga titik
sa baybay in ay pinagsama nang katinig at patinig (ganap nang pantig) na
nag
iiba-iba lamang ang bigkas na nakabatay sa pagkakaroon ng tuldok at sa
posisyon nito.

Ang mga tunog ng patinig ay kinabibilangan ng /a/, /i/ (maaari ring


maging /e/), at /u/ (maaari ring maging /o/). Ang mga tunog ng katinig ay
binubuo ng /ba/, /ka/, /da/, /ga/, /ha/, /la/, /ma/, /na/, /nga/, /pa/, /sa/, /ta/,
/wa/, at /ya/.

Kakikitaan din ito ng impluwensiyang Tsino, Arabe, at Sanskrit bunsod na rin


marahil ng pakikipag-ugnayan ng ating mga ninuno sa mga lahing nagsasalita
ng mga yaon. Ilan sa mga dayuhang salita na nakapasok sa talasalitaang
Tagalog ay ang am, ate, batutay, buwisit, at hikaw mula sa Tsino; hukom at sulat
mula sa Arabe; at basa, kati, at dusa mula sa Sanskrit (San Juan, 1974).
Napalitan lamang ang silabaryo o palapantigan ng alpabetong Romano sa
huling bahagi ng ika-17 siglo dahil na rin sa pagsisikap ng mga misyonerong
Espanyon (Catacataca at Espiritu, 2005).

Nang masakop ng Espanya ang mga pulo sa Pilipinas, isa sa mga naging
pangunahing layunin pito ay maipalaganap ang Kristiyanismo. Gayunpaman,
naging malaking hadlang sa pagkakaunawaan ang pagkakaiba-iba ng mga
wika. Upang mapadali ang komunikasyon, pinag-aralan ng mga misyonerong
Espanyol ang wika ng mga katutubo upang magamit sa pakikipag-ugnayan sa
kanila. Hindi naman ito naging mahirap dahil maraming tunog sa Tagalog ang
kahawig ng tunog sa Espanyol (San Juan, 1974). Mas praktikal din ito para sa
mga misyoneryong Espanyol dahil naging mas madali para sa kanila ang
pag-aralan at gamitin ang wika ng mga katutubo kaysa ituro sa lahat ang
Espanyol. Mas naging tumpak at kapani-paniwala rin ang pangangaral ng
relihiyon dahil sinasabi mismo ito ng mga pari at hindi na pinaraan pa sa isang
tagasalin o interpreter (Catacataca at Espiritu, 2005).

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Naghanda rin ang mga naunang misyonero ng mga aklat sa gramatika at


bokabularyo na ginamit ng kanilang mga kahalili sa pag-aaral ng wika ng mga
katutubo. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

▪ Arte y vocabulario tagalo (1582) ni Padre Juan de Plasencia, sang


Pransiskano. Pinayagan itong maging aklat sa gramatika ng Sinodo del
Obispos sa Maynila dahil madali itong gamitin at kaya nitong magbigay ng
hustong kaalaman tungkol sa Tagalog (San Juan, 1974).

▪ Arte y reglas de la lengua tagala (1610) na isinulat ni Padre Francisco de San


Jose (kilala ring Padre Blancas de San Jose), isang Dominiko, at inilimbag ni
Tomas Pinpin, ang unang Pilipinong tagalimbag. Itinuturing ito ng mga
misyonero at iskolar bilang komprehensibong kodipikasyon o resulta ng
sistematikong pagsasaayos ng wikang Tagalog (Rafael, 1993).
▪ Arte de la lengua yloca (1627) ni Padre Francisco Lopez, isang Agustino. Ito
ang unang aklat sa gramatika sa wikang Ilocano.

▪ Arte de la lengua bicolana (1754) ni Padre Marcos de Lisboa, isang


Pransiskano. Itinuturing itong unang aklat sa gramatika sa wikang Bikol.

▪ Vocabulario de la lengua tagala (1860) nina Padre Juan de Noceda at Padre


Pedro de Sanlucar, mga Heswita. Itinuturing itong pinakamahusay a
bokabularyong naisulat sa Panahon ng Espanyol (Aguilar, 1994).

▪ Vocabulario de lengua tagala (1613) ni Padre Pedro de San Buenaventura,


isang Agustino.

▪ Compendio de la arte de la lenqua tagala (1703) ni Padre Gaspar de San


Agustin, isang Agustino.


Vocabulario de la lengua bisaya (1711) ni Padre Matheo Sanchez, isang
Heswita.

▪ Arte de la lengua pampanga (1729) at Vocabulario de la lengua pampanga


en romance (1732) ni Padre Diego Bergaño, isang Agustino.

▪ Arte de la lengua tagala y manual tagalog (1745) ni Padre Sebastian de


Totanes, isang Pransiskano.

▪ Ensayo de gramatica hispano-tagala (1878) ni Padre Toribio Minguella, isang


Agustino.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


▪ Gramatica de la lengua de Maquindanao segun se habla en el centro y en la
costa sur de la isla de Mindanao (1892) ni Padre Jacinto Juanmarti, isang
Heswita.

▪ Arte de la lengua bisaya-hiligayna de la isla de panay (1894) ni Padre Alonso


de Mentrida, isang Agustino.

Dahil sa halaga ng wika sa tagumpay ng kolonisasyon, pana-panahong


naglabas ang monarkiya ng Espanya ng mga atas na mamamahala sa wikang
gamit sa mga kolonya. Noong 1550, nagpalabas si Haring Carlos I (namuno
1516- 1556) ng isang kautusan na nagtatakda ng pagtuturo ng
pananampalatayang Katoliko sa wikang Espanyol. Iniatas din ang pagtuturo ng
pagbasa, pagsulat, at mga doktrinang Kristiyano sa mga nais matuto sa parang
madali at hindi hihingi ng dagdag na bayad. Itinakda rin ang pagtatalaga ng
mga guro, gaya ng mga sakristan, upang tuparin ang mga gawaing ito (Blair at
Robertson, 1907).

Noong Marso 1634, nagpalabas si Haring Felipe IV (namuno 1621-1665) ng


isang atas na muling nagtatakda ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo at hindi na lamang sa mga nais matuto. Hiniling din sa mga arsobispo
at obispo na atasan ang mga pari at misyonero sa kanilang nasasakupan na
pangunahan ang pagtuturo a mga katutubo ng wikang Espanyol at ng
pananampalatayang Katoliko.

Sa panahon ni Haring Carlos Il (namuno 1665-1700), nagpalabas siya ng


isang atas na muling nagbibigay-diin sa mga atas-pangwika nina Carlos I at
Felipe IV at nagtakda pa ng parusa sa mga hindi susunod dito. Noong
Disyembre 1792, naglabas naman si Haring Carlos IV (namuno 1788-1808) ng
isang atas na nagtatakda ng paggamit sa Espanyol sa mga kumbento,
monasteryo, lahat ng gawaing hudisyal at ekstrahudisyal, at mga gawaing
pantahanan (Catacataca at Espiritu, 2005).

Mula 1867 hanggang 1899, nakapagpalabas ang mga monarkiya ng


Espanya ng 14 na atas na nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang
Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo.

Isa sa mga tampok na atas-pangwika na ipinalabas ng monarkiya ng


Espanya ay ang Dekreto ng Edukasyon ng 1863. Nag-atas ito g pagtatatag ng
primaryang paaralan sa bawat pueblo sa Maynila upang mabigyan ng
edukasyon sa Espanyol ang mga anak ng mga katutubo. Itinakda rin nito na
wikang Espanyol lamang ang gagamiting midyum ng pagtuturo dahil ang

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

pangunahing layunin ng kurikulum ay ang kakayahang bumasa at sumulat sa


Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005). Isinaad pa ng dekreto na hindi
pahihintulutang humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga
katutubo na hindi marunong magsalita, bumasa, O sumulat sa Espanyol, apat
na taon makaraan ang publikasyon ng batas. Ito ay upang mapilitan ang mga
Pilipino na pag-aralan ang wika ng mga mananakop.

Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon


ang mga katutubo at maituro sa kanila ang Espanyol, nabigo ito dahil sa
paghadlang ng mga prayle. Ayon nga sa bayaning si Marcelo H. del Pilar,
sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang pangwika at sila ang may
kasalanan kung bakit nanatiling mababa ang kalagayang pang-edukasyon ng
Pilipinas. Ito ay dahil natatakot noon ang mga prayle na maging kolonyang
Hispano ang mga Pilipino sa halip na kolonyang monastiko (Catacataca at
Espiritu, 2005). Gayunpaman, nanindigan noon ang mga prayle na ang
kahinaan ng mga batas at hindi sila, ang dapat sisihin sa kabiguan ng mga
patakarang pangwika at kalagayang pang-edukasyon. Sinabi pa ng mga
prayle na maganda ang layunin ng mga batas pangwika subalit kapos ang
pondo para sa mga guro at sa pagpapatayo ng mga paaralan.

Kung tutuusin, may gumagana nang wika ang mga katutubo bago pa
dumating ang mga mananakop. Mahusay na ang wikang ito kaya minabuti ng
mga misyonero na huwag na itong burahin, sa halip ay panatilihim at gamitin sa
kanilang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Kung may pamanang pangwika
man na naiwan ang mga Espanyol sa mahigit 300 taon nilang pananakop, ang
mga ito ay: (1) ang romanisasyon ng silabaryo ny mga wikang ginagamit sa
Pilipinas na nagpapahintulot ng mas madaling komunikasyon ng mga Pilipino sa
daigdig na gumagamit na rin ng sistemang ivon at (2) ang yaman ng
bokabularyong Espanyol na nakapasok sa talasalitaan ng mga katutubong wika
sa Pilipinas. Hinadlangan man ng mga misyonero ang ganap na pagkatuto ng
mga katutubo ng wika ng mga Espanyol, naging kapalit naman nito ang
pananatiling buhay ng mga lokal na wika sa Pilipinas.

Sa pagtatapos ng kolonisasyon ng Espanya at unti-unti noong pag-usbong


ng sariling pamahalaan ng mga Pilipino, kinilala na ang halaga ng pagkakaroon
ng opisyal na wika. Ayon sa Artikulo VIII ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato na
inakda nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan noong ika-1 ng
Nobyembre 1897, "Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal ng
Republika." Dagdag pa, "ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa,
pagsasalita, at pagsulat sa wikang opisyal na Tagalog, at mga pangunahing
simulain ng Ingles. Ang lalong mataas na edukasyon ay bubuuin ng dalawang
kurso ng Ingles at dalawang kurso ng

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Pranses”. Sinabi rin, "kailanma't ang Ingles ay sapat nang malaganap sa buong
kapuluan, ito ay ipapahayag na wikang opisyal".

Sa Konstitusyon ng Malolos na inakda nina Felipe Calderon at Felipe


Buencamino at nilagdaan noong ika-21 ng Enero 1899, ibinalik naman ang
Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang-ayon sa Artikulo 93,
habang pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging opisyal
na wika.

Panahon ng mga Amerikano

Nang lagdaan ng mga kinatawan mula sa Espanya at Estados Unidos


ang Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898, na nagkabisa noong
ika-11 ng Abril 1899, mailipat ang pamamahala g Pilipinas mula Espanya tungo
sa Estados Unidos. Noon ay umuusbong pa lamang na superpower ng daigdig
ang Estados Unidos.

Inihayag ni Pangulong William McKinley ng Estados Unidos ang magiging


bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa Paris noong ika-21 ng Disyembre 1898 sa
pamamagitan n proklamasyon ng Benevolent Assimilation. Ayon dito, papasok
ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang "kaibigan"
na mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay, at karapatang pansarili at
panrelihiyon ng mga Pilipino. Upang mataya ang kalagayan ng Pilipinas bilang
bagong teritoryong pamamahalaan ng Estados Unidos, nagpadala si
Pangulong
McKinley ng dalawang komisyong magsasagawa ng pag-aaral dito. Ang unang
komisyon ay binuo noong ika-20 ng Enero 1899 na pinamunuan ni Dr. Jacob
Schurman, pangulo ng Cornell University. Samantala, ang ikalawang komisyon
ay binuo noong.ika-16 ng Marso 1900 at pinamunuan naman ito ni William
Howard Taft, isang pederal na hukom sa Ohio.
Ayon sa mga konsultasyon at pagdinig na isinagawa ng Komisyong
Schurman, napagalaman na higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles
bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan kaysa mga wikang katutubo
o Espanyol. Ito ay dahil ang Ingles umano ang "mahigpit na nagbibigkis sa
mamamayan at mabisang instrumento sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo
ng demokrasya" (Catacataca at Espiritu, 2005). Dahil dito, inirekomenda ng
komisyon ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralang primarya.
Sinusugan ito n Komisyong Taft na nagrekomenda rin ng pagkakaroon ng isang
wika na gagamiting midyum ng komunikasyon a Pilipinas gayong may kani
kaniyang wika ang bawat pangkat sa bansa.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Dahil pinagkalooban ang ikalawang komisyon ng limitadong


kapangyarihang bumuo ng batas at pamahalaan sa bansa, ipinatupad nito
ang Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Enero 1901 na nagtatag n Department of
Public Instruction (ang kasalukuyang Kagawaran ng Edukasyon) na
mangangasiwa sa libreng pampublikong edukasyon sa bansa. Itinatakda rin
nito na hangga't maaari ay Ingles ang gagamiting wikang panturo sa lahat n
paaralang bayan. Ayon kay Taft, napili ang Ingles na maging opisyal na wika
ng Pilipinas dahil ito ang wika ng silangan, wika ng isang demokratikong
institusyon, wika ng kabataang Pilipino na hindi marunong ng Espanyol, at wika
ng puwersang namamahala sa Pilipinas. Sinasabing mas madali ring matutuhan
ang Ingles kaysa Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005). Sang-ayon ito sa
naunang ulat ni Kapitan Albert Todd, pansamantalang pinuno ng pagtuturong
publiko sa ilalim ng pamahalaang militar, na nagmungkahi ng mga sumusunod:

1. Dapat agad a itaguyod ang komprehensibong sistema ng makabagong


paaralan na magtuturo ng panimulang Ingles, at gawing sapilitan ang
pagpasok dito kung kinakailangan.

2. Dapat magtayo ng mga paaralang pang-industriya na magtuturo ng mga


kasanayan sa paggawa kapag may sapat nang kaalaman sa Ingles ang
mga katutubo.

3. Dapat gamiting wikang panturo ang Ingles sa mga paaralan na nasa ilalim
ng pamamahala ng mga Amerikano at gagamitin lamang sa panahon ng
transisyon ang mga wikang katutubo o ang Espanyol.

4. Dapat magpadala sa Pilipinas ng sapat a guro sa Ingles na bihasa sa


pagtuturo sa elementarya upang pangunahan ang pagtuturo at
magsisimula ito sa malalaking bayan.

5.

Dapat magtayo n isang paaralang normal na huhubog ng mga Pilipino na


magiging guro ng Ingles.

Bilang tugon sa mga rekomendasyon ni Kapitan Todd, mahigit 500 gurong


Amerikano na lulan ng United States Army Transport (USAT) Thomas ang
dumaong sa Maynila noong ika-23 ng Agosto 1901. Idinestino sila sa mga
lalawigan upang magturo ng Ingles-pangunahin sa mga bata sa umaga at sa
mga katutubo (anuman ang edad at antas panlipunan) sa gabi. Nakipamuhay
sa mga Pilipino ang mga naturang guro upang lubos nilang makuha ang loob
ng mga ito. Ginampanan din nila ang iba't ibang tungkulin-mula sa pagiging
paramedikong

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

nagturo ng modernong paggamot sa mga sakit hanggang sa pagiging


karpintero na tumulong sa mga gawaing konstruksiyon (Catacataca at Espiritu,
2005). Sinuportahan ang mga pagsisikap na ito ng pagpapatayo ng higit na
paaralang pambayan, pagdaragdag ng mga pasilidad pampaaralan, at pag
aangkat ny mga materyales na panturo mula Estados Unidos na pawang
nagpatatag sa pagtuturo ng/sa Ingles.

Samantala, upang along maobliga ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles,


nagpatupad si Newton W. Gilbert, pansamantalang gobernador-heneral ng
Pilipinas noong 1913, ng isang kautusang tagapagpaganap na nagbigay-diin sa
halaga ng Ingles sa pamahalaan. Nakasaad sa kautusan ang mga sumusunod:

1. Ang mga katitikan ng pulong ng mga sangguniang pambayan at


panlalawigan ay dapat nakasulat sa Ingles.

2. Ang lahat ng opisyal na korespondensiya, sa mga naglilingkod man sa


pamahalaan o sa mga pribadong indibidwal, ay dapat nakasulat sa Ingles.

3. Uunahing itaas ang ranggo ng mga indibidwal na may sapat na kasanayan


sa Ingles, parehong sa pasalita at pasulat na komunikasyon.

Pagsapit ng 1928, naiulat na halos lahat ng sangguniang pambayan at


panlalawigan ay nakagagamit na ng Ingles. Masasabing nagpapatunay ito na
nagtagumpay ang mga Amerikano sa pagpapalaganap ng kanilang wika
(Catacataca at Espiritu, 2005).

Panahon ng Komonwelt

Pagkalipas ng mahigit tatlong dekada ng direktang kontrol a Pilipinas


(1901- 1935), gumawa na rin ng malaking hakbang ang Estados Unidos upang
maipagkaloob sa mga Pilipino ang ganap na kalayaang pampolitika at
mapamahalaan ang sarili. Pinatunayan ito ng Philippine Independence Act,
mas kilala sa tawag na Batas Tydings-McDuffie (sunod sa pangalan ng mga
may akda nitong sina Senador Millard Tydings at Kinatawan John McDuffie ng
Estados Unidos), na ipinasa ny Kongreso ng Estados Unidos at pinagtibay noong
ika-24 ng Marso 1934.
Ang Saligang Batas a kahingian ng Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng
Pambansang Asamblea noong ika-8 g Pebrero 1935 at pinagtibay naman ng
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito noong ika-14 ng
Mayo 1935. Anim na buwan pagkaraang mapagtibay ang Saligang Batas ng
1935, inihalal naman ang mga pinuno ng Pamahalaang Komonwelt at
nanungkulan

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

sila ng 10 taon. Sila ay sina Pangulong Manuel L. Quezon at Pangalawang


Pangulong Sergio Osmeña na kapuwa mula sa Partido Nacionalista.

Ayon sa Seksiyon 2(a)(8) ng Batas Tydings-MeDuffie, "Provision shall be


made for the establishment and maintenance of an adequate system of public
schools, primarily conducted in the English language.”

Naging punto ng mainit na pagtatalo ang probisyong ito dahil isinara na


nito ang usapin tungkol sa patakarang pangwika. Sa halip na mapagtalunan
pa ng kumbensiyong konstitusyonal, lalo pa at lumalakas ang argumento
tungkol sa paggamit ng unang wika bilang wikang panturo, tila nagdesisyon na
ang mga nakatataas na Ingles na ang gagamitin at wala nang iba.
Gayunpaman, nagkasundo ang mga delegado ny kumbensiyon na ituloy pa
rin ang debate tungkol sa pagpili ng wikang pambansa dahil ito ang tamang
lugar upang matalakay ang isyu (Catacataca at Espiritu, 2005).

Ayon kay Isidro (1949) na sinipi nina Constantino, et al. (2002), ang mga
sumusunod ay mga argumentong pabor sa paggamit ng Ingles:

1. Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang


pagtuturo dahil iba-iba ang wikang gagamitin sa bawat lalawigan-magiging
isang suliranin kapag lumipat na sa paaralang nasa ibang lalawigan ang
isang estudyante.

2. Magbubunsod ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo


batay sa mga katutubong wika. Magdudulot din ng sentimentalismo ang
iginiit sa isang katutubong pangkat na ang gamitin ay ang wika ng ibang
pangkat, sa halip na ang sa kanila.
3. Magtutulak ng code-switching sa mga estudyante ang sabay na pagtuturo
ng dalawangwika (unang wika at Ingles) na hindi kaaya-ayang pakinggan.

4. Malaki na ang naipamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo ng Ingles na


umaabot na sa 500 milyong piso.

5. Itinuturing na Ingles ang susi sa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa na


maaaring hindi matamo kung bibigyang-diin ang iba't ibang wika.

6. Makatutulong ang pagkatuto ng Ingles kung nais ng Pilipinas na lumahok sa


globalisasyon dahil ito ang gamit sa pandaigdigang kalakalan.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

7. Mayaman ang Ingles sa mga katawagang pang-agham at pansining na


magpapaunlad sa kalinangan ng Pilipinas.

8. Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga ng pagkatuto sa


Ingles dahil ayon sa mga pag-aaral, maging ang Estados Unidos ay
natagalan din sa pagtatamo ng bunga sa pag-aaral ng Ingles.

Ang mg sumusunod naman ang mga argumentong pabor sa mga


katutubong wika sa Pilipinas (Isidro, 1949 na sinipi nina Constantino, et al., 2002):

1. Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil


hanggang mababang paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante;
80% sa kanila ang tumitigil na sa pag-aaral bago sumapit ng ikalimang
baitang kaya dapat ibuhos na ang lahat ng dapat matutuhan sa
katutubong wika sa sandaling panahon na nasa paaralan ang mga
estudyante kaysa gugulin pa sa Ingles.
2. Walang laman (content) ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga
ang konsepto kaya upang maituro ito, kailangan pang ituro muna ang wika
(Ingles); kung sa katutubong wika na magtuturo, nasa kamalayan na agad
ny bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto.

3. Kung kailangan talaga ng isang wikang gagamitin sa buong bansa na


binubuo ng iba't ibang pulo na may iba't ibang pangkat at iba't ibang wika,
mas madaling linangin ang Tagalog kaysa Ingles dahil 1% lang ng mga
Pilipino ang gumagamit ng Ingles sa kanilang mga tahanan.

4. Hindi natutulungan ng Ingles ang mga estudyanteng Pilipino na matutuhang

harapin ang pang-araw-araw na realidad na kanilang nararanasan; ang


Ingles ay mapapakinabangan sa hinaharap lamang kung tutuloy ang mga
estudyante sa unibersidad o mangingibang-bansa.

Habang binubuo pa lamang ang Saligang Batas Mg 1935, ang mga


sumusunod ang naging mga panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kina
Catacataca at Espiritu (2005):

1. Ingles ang dapat na maging wikang opisyal.


2. Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal.
3. Ingles at Espanyol ang dapat na maging wikang pambansa.
4. Tagalog ang dapat na maging wikang pambansa.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

5. Dapat itatag ang isang Akademya ng Wikang Pambansa na may


mandatong pangunahan ang pag-aaral at pagrerekomenda ng isang
wikang pambansa.
6. Dapat magmula ang wikang pambansa sa mga umiiral na katutubong wika
sa Pilipinas na pipiliin sa pamamagitan ng referendum.
7. Dapat bumuo ng isang wikang pambansa na nakabatay sa Tagalog.

Matapos mapakinggan ang opinyon mg bawat panig na may kinalaman


sa usapin, napagpasiyahan ng Komite sa Opisyal na Wika na ibatay ang wikang
pambansa sa isa sa mga katutubong wika sa Pilipinas at hindi sa isang
dayuhang wika, ngunit pananatilihin ang Ingles at Espanyol bilang mga wikang
opisyal.
Naisatitik ang resolusyong ito sa huling bersiyon ng Saligang Batas n 1935 sa
Artikulo XIV, Seksiyon 3.

Ayon kay Roberto Añonuevo (2011), ang nasabing probisyon sa Saligang


Batas ng 1935 ay ipinaglaban sa kumbensiyong konstitusyonal ng mga
sumusunod na delegadong di-Tagalog: Felipe R. Jose (Mountain Province),
Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo
Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Sa kaniyang
mensahe sa pagbubukas ng unang sesyon ng Pambansang Asamblea noong
ika-16 ng Hunyo 1936, muling binigyang-diim ni Pangulong Quezon ang
probisyong pangwika ng Saligang Batas at hiniling sa mga mambabatas na
isaalang-alang ito. Aniya:

“While it is my hope and conviction that the English language will


remain one of the most generally spoken languages in the
Philippines even after independence, nevertheless, we cannot
ignore the injunction of the Constitution that we take steps for the

formation of a national lanquage based on one of the existing


native languages… Perhaps a committee may be created to study
the question and make recommendations (Official Gazette, 16
Hunyo 1936).”

Mabilis naman ang naging pagtugon ng Pambansang Asamblea. Limang


buwan lamang pagkatapos ng mensahe ng pangulo, ipinasa agad nito noong
ika-13 ng Nobyembre 1936 ang Batas Komonwelt Big. 184 na pinamagatang
"An Act to Establish a National Language Institute and Define Its Powers and
Duties."
Ayon sa Seksiyon 5 ng batas, ang pangunahing magiging tungkulin ng National
Language Institute (NLI) o Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay magsagawa
ng pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang
pauunlarin at kikilalaning wikang pambansa. Ilan pa sa mga tiyak na tungkulin
nito ang mga sumusunod:

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


1. Suriin ang mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng kahit
kalahating milyong Pilipino man lamang.

2. Tukuyin at ayusin mula sa nasabing mga wika ang mga sumusunod: (a) mga
salita o pahayag na magkakatulad ng tunog at kahulugan; (b) mga salitang
magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba ng kahulugan; at (c) mga
salitang magkakalapit ng tunog ngunit magkakatulad o magkakaiba ng
kahulugan.

3. Pag-aralan at tukuyin ang sistema ng ponetika at ortograpiyang Pilipino.

4. Magsagawa ng komparatibong pagsusuri ng mga panlaping Pilipino (unlapi,


gitlapi, at hulapi).

5. Piling batayan g wikang pambansa ang wikang may pinakamaunlad na


estruktura, mekanismo, at literatura na tinatanggap at sinasalita g
nakararaming Pilipino sa panahong iyon.

Ayon pa sa Seksiyon 7 ng batas, dapat ihayag ng Surian ang wikang napili


nitong pagbatayan ng wikang pambansa at iharap ang rekomendasyon sa
pangulo ng bansa na siyang magpoproklama naman nito sa pamamagitan ng
atas na magkakabisa dalawang taon matapos ang proklamasyon.

Ang SWP ay binuo ng mga kinatawan mula sa mga pangunahing wika sa


Pilipinas. Naging pangulo nito si Jaime C. De Veyra (Bisaya-Samar-Leyte)
samantalang ang mga orihinal na kasapi ay sina Santiago A. Fonacier (Ilokano),
Cecilio Lopez (Tagalog), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Filemon Sotto
(Bisaya-Cebu), Felix S. Salas Rodriguez (Bisaya-Panay), at Hadji Butu (Muslim). Si
Sotto na noon ay may karamdaman ay pinalitan ni Isidro Abad; samantalang si
Butu na namatay nang hindi inaasahan ay pinalitan ng kaniyang anak na si
Gulamo Rasul.
Nadagdag naman na mga kasapi sina Lope K. Santos (Tagalog) at Jose I.
Zulueta (Pangasinan) sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 333 na ginawang siyam
ang orihinal na pitong kasapi ng Surian.

Pagkaraan ng mahigit isang taon ng masusing pag-aaral, inirekomenda.ng


SWP ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Nagkabisa ito salig sa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, S. 1937 na pinamagatang "Proclaiming
the National Lanquage of the Philippines Based on the Tagalog Language" na
nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Ayon sa kautusan, batay sa pagsusuri ng mga ekspertong bumuo sa SWP,


ang Tagalog ang wikang pinakamalapit na nakatutugon sa mga kahingian ng
Batas Komonwelt Blg. 184. Sinasabing nagkakaisa rin ang mga iskolar at
makabayang Pilipino, magkakaiba man ang kanilang pinanggalingan at pinag
aralan, sa pagkapili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil
sinasabing tanggap at ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga Pilipino
bukod pa sa pagpapatotoo ny mga lokal na pahayagan, publikasyon, at
manunulat. Ang pagpili rin sa Tagalog bilang batayan ng pauunlarin at
kikilalaning wikang pambansa ay hindi taliwas sa Batas Tydings-McDuffie na
nagtatakda sa Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralang primarya dahil
mananatili ito.

Dahil inilabas ni Pangulong Quezon ang proklamasyon kasabay ng


pagdiriwang ng ika-41 anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal, bumigkas na rin
siya ng isang talumpati sa radio na nagbibigay-pugay sa ating bayani at
nagpapaliwanag sa ipinalabas niyang kautusan. Aniya, ang pagpapatibay mg
isang wikang pambansa na pinili mula sa iba't bang wikang sinasalita sa
Pilipinas, lalo na sa Tagalog na katutubong wika ni Rizal at pinakamaunlad sa
lahat ng umiiral na wika sa bansa, ay nagsasakatuparan ng isa sa mga mithiin
ng ating
bayani. Bilang pinakamataas na pinuno ng bansa, sinabi ni Pangulong Quezon
na ilang ulit na siyang nakadama ng malaking kahihiyan dahil kapag
nagpupunta siya sa mga lalawigang ang unang wika ay Ilokano, Bisaya,
Kapampangan, o Bikol, kinakailangan pa niyang kumuha ng isang tagasalin
makausap lamang ang mga tao roon. Dagdag pa niyang pagtatanggol sa
kapasiyahang magtalaga n isang wikang pambansa:

“…Kalabisan a sa aking ilarawan pa kung gaano kahalaga sa ating


bayan ang pagkakaroon ng isang wika na magagamit ny lahat sa
kanilang pag-uusap araw-araw. Hindi maaaring Ingles o Kastila,
maliban na lamang marahil, kunq bagaman, kung makaraan na ang
maraming henerasyon at sa napakalaking gugol. Hindi tayo
makapaghihintay ng ganoon katagal. Dapat na sa along madaling
panahon ay makapag-usap tayo nang tuwiran sa pamamagitan n
lisang wika. Kailangan natin ang kanyanq lakas upang lubusang
mabigkis tayo sa lisang pagka-bansa na malakas at matibay.
Makapagbibigay ito ng inspirasyon at sigla sa ating kilusang bayan
at magdudulot sa ating pagka-bansa ng isang bagong kahulugan
na hindi natin kailan man naipahayag nang sapat at lubusan
(Official Gazette, 30 Disyembre 1937).”

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Lumipas pa ang dalawang taon, noong ika-30 ng Disyembre 1939, bago


ganap na nagkabisa ang pagpapatupad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na nagdeklara sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
Samantala, pagsapit ng ika-1 ng Abril 1940, ipinalabas naman ni Pangulong
Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, S. 1940 na pinamagatang
"Authorizing the Printing of the Dictionary and Grammar of the National
Language, and Fixing the Day from Which Said Language Shall Be Used and
Taught in the Public and Private Schools of the Philippines.” Ayon sa atas,
pinahihintulutan ng pangulo ang paglilimbag ng dalawang publikasyon na
nagsisilbing kodipikasyon ng wikang pambansa—ang A Tagalog-English
Vocabulary at Ang Balarila ng
Wikang Pambansa. Simula rin ika-19 ng Hunyo 1940, iniatas ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng paaralang publiko at pribado sa bansa. Inatasan
din ang kalihim ng Pagtuturong Publiko na maghanda ng mga alituntuning
magsasakatuparan ng atas.

Panahon ng Hapon (Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino)

Taong 1941-1944, nang magkaroon ng pagitan sa panahon ng pananakop


ng Amerika sa Pilipinas. Tulad ng dati, hindi ito nangangahulugan ng kalayaan
Pilipinas kundi muli na namang pagpapalit ng mananakop. Panandaliang
pumasok at humalili ang mga Hapon sa Pilipinas upang ito ay sakupin,
hanggang sa pagtanggi sa mga paniniwala ng mga taong inatasang
magpaunlad dito. Dala ng labis na pagpapadalisay sa pamantayan ng mga
taong namamahala sa pagpapaunlad, tuluyang tinanggihan ng marami ang
mga pagsisikap na ginawa ng mga naatasan. Nagpatuloy lamang ang interes
sa pagbuo ng mga salitang teknikal sa wikang pambansa nang mag-alab ang
nasyonalismo sa bansa noong dekada '50.
Dala ng kahirapan at katiwalian sa panahon, ang pagpapaliwanag at
pagmumulat sa mga mamamayan ng tatlong -ismo (pyudalismo, burukrata
kapitalismo, at imperyalismo) na kinokonsider na sakit na pumapatay sa
lipunang Pilipino, nagkaroon ng puwang upang higit na paunlarin ang wikang
pambansa na siyang opisyal na wika ng kabataang aktibista na siyang
namamahala sa pagmumulat ng sambayanan. Ang mga taong nasa
akademya na sumuri at umintindi sa karaingan ng panahon ay lumabas at
nagpaliwanag sa kalsada, bukid, bundok na gamit ang wika ng bayan. Sa
panahong ito umusbong ang mga salitang d.g., simposyum, rali,
demonstrasyon, aktibista, anti-bases, unyonismo, neo-kolonyalismo, alyansa,
atbp.

Isa sa mga patakarang unang pinalabas ng mga Hapon na maestablis na


ang kanilang kontrol sa bansa ay may kaugnayan sa wika at edukasyon. Mulat

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

sila sa bisa ng dalawang bagay na ito sa pagpapatahimik ng isang sinasakop


na bansa. Puspusan nilang itinaguyod ang pagpapaunlad ng isang wikang
katutubo, ang Tagalog na noon ay kinikilalang basehan ng wikang pambansa.
Ngunit kasabay nito ay pagtataguyod din nila ng kanilang wikang Nihonggo.
Pinilit din nilang ipasok at ipaalam ang wikang ito sa mga Pilipino. Bagamat hindi
nagtagumpay, mayroon pa ring mga salitang Hapon na pumasok sa Pilipino
tulad ng kimono, haiku, atbp.

Sa panahong din ng pananakop ng mga Hapon isinilang ang Kapisanan sa


Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o mas kilala sa tawag na KaLiBaPi. Si Benigno
Aquino ang hinirang na direktor nito. Ang pagpapalaganap ng Wikang Pilipino
sa buong kapuluan ang pangunahing proyekto ng nasabibf kapisanan at
katuwang dito ang Surian ng Wikang Pambansa. Ipinatupad ng mga Hapones
ang isang ordinansa na kung tawagin ay ‘Ordinansa Militar Blg. 13’ na nag-uutos
na gawing opisyal ang wikang Tagalog at Nihonggo.

Gawain Blg. 5:

Pamagat ng Gawain:

Wika-saysayan: Ang Timeline ng Aking Pagkatuto ng Wika

Target sa Pagkatuto:

1. Nakabubuo ng isang timeline na nagpapakita ng pagkatuto ng wika ayon


sa itinakdang pamantayan.

2.

Napapanatili ang kaugnayan ng bawat pangungusap sa kahingian ng


gawain, pagiging malikhain, kawastuhan ng gramatika, at ang mga dapat
isaalang-alang sa pagsasagawa nito.

Panuto:

1. Bumuo ng timeline mula sa iyong kapanganakan hanggang sa kasalukuyan


kung saan maipakikita ang pagkatuto ng wika (language
learning/acquisition).

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

2. Maaring kapanayamin ang mga kasamahan sa bahay kung paano ang


naging proseso ng pag-unlad ng paggamit ng wika noong nasa taon ng
kamusmusan.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos

Kabuoang nilalaman ng sanaysay 15

Kaugnayan sa tema at kahingian ng gawain 10

Kabuluhan, organisasyon, at pagkamalikhan 10

Kawastuhan ng gramatika at mga bantas 5

Kabuoang Puntos 40

Panahon ng Ikatlong Republika hanggang sa Kasalukuyang Panahon

Isang hindi malilimutang araw sa kasaysayan ng Pilipinas ang ika-4 ng Hulyo


1946 dahil kasabay ng pagdiriwang ng Estados Unidos ng sarili nitong Araw ng
Kasarinlan, Ideneklara rin ang kalayaan ng Pilipinas ng mula sa kanila. Isinilang
ang bagong Republika ng Pilipinas na tumapos sa 48 taong (1898-1946) sa
pamamahala ng Estados Unidos . Ginanap ang makasaysayang pagsasalin ng
kapangyarihan sa Luneta na pinangunahan nina Manuel A. Roxas, huling
pangulo ng Pamahalaang Komonwelt at unang pangulo ng Ikatlong Republika,
at Paul V. McNutt, mataas na komisyoner ng Estados Unidos sa Pilipinas na
kumakatawan kay Pangulong Harry S. Truman at unang embahador din ng
Estados Unidos sa Pilipinas.

Ang sumusunod ay ang mga batas na ipinatupad na nagpayabong,


nagpayaman, at nangalaga sa wikang pambansa.

1. Proklamasayon Blg. 12, s. 1954. Ipinalabas ito ni Pangulong Magsaysay noong


ika-26 ng Marso 1954 na nag aatas ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril taon ng bilang
paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.
2. Proklamasyon Blg. 186, s. 1955. Ipinalabas ito ni Pangulong Magsaysay noong
ika-23 ng Setyembre 1955 na sumususog sa naunang proklamasyon. Inilipat
ang petsa ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika-13 hanggang ika-19 ng

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Agosto bilang paggunita sa kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon


na kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa”

3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963. Ipinatupad ni Pangulong


Diosdado Macapagal noong ika19 ng Disyembre 1963 na nagtatakda ng
pagkanta ng pambasang awit ng Pilipinas sa Pilipino sa alinmang
pagkakataon sa loob at labas ng bansa. Ito ay sa dahilang lubha umanong
kapansin-pansin at hindi naaayon sa diwa ng pagkabansa ang pag-awit sa
wikang banyaga.

4. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967. Ipinatupad ito ni Pangulong


Ferdinand E. Marcos noong ika-29 ng Oktubre 1967 na nagtatakda ng
pagpapangalan sa Pilipino ng lahat ng edipisyo, gusali, at ahensiya ng
pamahalaan.

5. Memorandum Sirkular Blg. 172, s. 1968. Ipinalabas ito ni Kalihim


Tagapagpaganap Rafael M. Salas noong ika-27 ng Marso 1968 na
nag-aatas ng mahigpit na pagsunond sa Kautusang Tgapagpaganap Blg.
96. Iniatas din nito ang pagbigkas sa Pilipino ng panunumpa sa sa tungkulin
ng lahat ng opisyal ng pamahalaan at paglalagay ng salin sa Pilipino ng
mga katawagang Ingles na nasa letterhead ng mga kagawaran,
tanggapan, at ahensiya ng pamahalaan.

6. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969. Ipinalabas ni Pangulong


Marcos noong ika-6 ng Agosto 1960 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin
ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa
lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.

7.
Memorandum Sirkular Blg. 277, s. 1969. Ipinalabas ito ni Kalihim
Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda noong ika-7 ng Agosto 1969 na
nagpapahintulot sa swp na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga seminar
tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod sa bansa, maging sa mga
tanggapan ng ahensiya at pamahalaan, upang paigtingin ang
kamalayang Pilipino ng mamamayan.

8. Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970. Ipinalabas ito ni Kaliihim


Tagapagpaganap Alejandro Melchor noong ika-7 ng Agosto 1970 na nag
aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, iba pang sangay ng
pamahalaan, at korporasyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng
pamahalaan na magtalaga ng kaukulang kawaning mangangasiwa ng

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

lahat ng komunikasyon at transaksiyon sa wikang Pilipino. Ito ay


pagpapaigting ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969.

9. Memorandum Sirkular Blg. 368, s. 1970. Ipinalabas ito ni Pansamantalang


Kalihim Tagapagpaganap Ponciano G.A. Mathay noong ika-2 ng Hulyo 1970
na nag-aatas sa lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang pambansa at lokal,
kasama ang mga korporasyong pagmamay-ari o kontrolado ng
pamahalaan na magdaos ng 30 minuto sa alinmang araw ng Linggo ng
Wikang Pambansa. Ang paksa ay “Magkaisa sa Pagbabago” bilang
pagkilala sa wikang pambansa na susi sa pagkamit ng tunay na diwang
makabayan.

10.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, s. 1971. Ipinalabas ni Pangulong


Marcos noong ika-16 ng Marso 1971 na bumabago sa komposisyon ng SWP.
Upang matulungan ang SWP na lalong mapaunlad at mapalaganap ang
wikang pambansa, gayundin ay maisangkot ang lahat ng pangkat
lingguwistiko sa Pilipinas, minabuting baguhin ang komposisyon nito na
kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Bicol. Cebuano,ng mga wika ng
mga pamayanang Kultural, Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinan,
Samar-Leyte, at Tagalog.

11.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, s.1987. Ipinalabas ito ni Pangulong


Corazon Aquino noong ika-30 ng Enero 1987 na nag-aatas ng
reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports (DECS) Ayon
sa Seksiyon 17 nito, ang SWP ay kililanin bilang Linangan ng mg Wika sa
Pilipinas (LWP) o Institute of Philippine Languages sa ilalim ng kagawaran.
12.Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 ng DECS. Ipinalabas ito ni Kalihim
Lourdes R. Quisumbing ng DECS noong ika-12 ng Marso 1987 na nagtatakda
ng paggamit ng salitang “Filipino” kailanman tutukuyin ang wikang
pambansa ng Pilipinas. Ito ay pagsunod sa isinasaad sa Artikulo XV Seksiyon
6-7 ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino at dapat magsagawa ng hakbang upang ilunsad at panatilihin ang
paggamit nito bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang
panturo sa sistemang pang-edukasyon.

13.Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS. Ipinalabas ni


Quisumbing na nagpapakilala sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino na binuo ng LWP. Ayon sa dokumento, ang alpabetong
Filipino ay binubuo ng ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ṅ,
NG, O, P, Q, R, S, T, U,

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

V, W, X, Y, Z. May dagdag itong 8 hiram na titik sa mga dayuhang wika,


kumpara sa Wikang Pambansa ni Lope K. Santos na mayroon lamang 20.
Pang-Ingles binibigkas ang mga titik maliban sa enye.

14.Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s.1988. Ipinalabas ito ni Corazon


Aquino noong ika-25 ng Agosto 1988 na nag-atas sa lahat ng kawanihan,
tanggapan, ahensiya, at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa ng
mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksiyon,
komunikasyon, at koresponsdensiya upang lalong maintindihan at
mapahalagahan ng mga Pilipino ang mga programa, proyekto, at gawain
ng pamahalaan para sa pambansang pagkakaisa at kapayapaan.
15.Batas Republika Blg. 7104. Ipinasa ito ng Kongreso at ipinatupad noong ika
14 ng Agosto 1991 na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ayon sa
batas, ang KWF ay dapat buuin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang
pangkat-etnolingguwistiko sa bansa mula sa iba’t ibang disiplina na may
pangunahing mandato na magsagawa, mag –ugnay, at magsulong ng
mga pananaliksik para sa pagpapayabong, pagpapalaganap, at
pangangalaga ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas.

16.Proklamasyon Blg. 10, s. 1997. Ipinalabas ito ni Pangulong Fidel V. Ramos


noong ika-15 ng Hulyo 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Ito ay pagpupugay pa rin sa
kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa” na si Manuel Quezon na isinilang
noong ika-19 ng Agosto 1897. Mahalagang papel nito sa ating Himagsikan
ng 1896 tungo sa kasarinlan.

17.Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 ng DECS. Ipinalabas ito ni

Pangalawang Kalihim Isagani Cruz na nagpapakilala sa 2001 Revisyon ng


Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at nagtakda ng
paggamit ditto bilang gabay sa pagtuturo, pagsulat ng batayang aklat,
korespondensiya opisyal, at iba pang gawain ng kagawaran. Ayon sa
praymer ng 2001 Revisyon, kinikilala nito na ang 1987 Patnubay na Ispeling
ay napakahigpit upang tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipino na
may kakayahan kapuwa sa katutubo at banyagang wika na nagresulta sa
papalit-palit na gamit ng mga wikang ito.

18.Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 ng DepEd. Ipinalabas ito ni


Kalihim Jesli A. Lapuz noong ika 9 ng Oktubre 2006 na nagpapabatid ng
ginagawang pag-aanalisa ng KWF sa Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino dahil sa negatibong tugon ditto ng mga guro,
estudyante,
Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

magulang at iba pang tagagamit ng wika. Itinatagubilin din na itigil muna


ang implementasyon nito habang nirerepaso at sumangguni muna sa 1987
Alfabeto at Patnubay sa Ispeling para sa paghahanda o pagsulat ng ga
sangguniang kagamitan sa pagtuturo at sa mga opisyal na
korespondensiya.

19.Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 ng DepEd. Ipinalabas ito ni


Kalihim Br. Armin A. Luistro, FSC noong ika-14 ng Agosto 2013 na
nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa, ang binagong gabay sa
ortograpiya ng wikang Filipino na binuo ng KWF makaraan ang masusing
pag-aaral ng mga nagdaang ortograpiya ng wikang pambansa. Ayon sa
kautusan, ang Ortograpiyang Pambansa ay isang paglingon sa kasaysayan
ng ortograpiyang Filipino; pagpapanatili ng maiinam na gabay sa
ortograpiya; at pagsasaalang-alang sa mga katutubong wika sa Pilipinas sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng tunog ng schwa mula sa Ibaloy,
Pangasinan, Mëranaw, at iba pa na kakatawanin ng titik ë at ang
aspirasyon mula sa Mëranaw. Layunin din ng bagong ortograpiya na
mailahok ang mahahalagang kaakuhan o kani-kaniyang katangian ng
mga katutubong wika tungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na
maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas. Magiging mainam na
ambag ito sa pagbuo ng mga kagamitang panturo ng mga guro at
pagpapahusay ng mga akda, dokumento, komunikasyon, at iba pang
opisyal na dokumento ng pamahalaan, ng media, at ng mga palimbagan.

20.Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 ng KWF. Ipinasa ito ni Tagapangulo Virgilio s.


Almario noong ika-12 ng Abril 2013 na nagpapasiya n pagbabalik ng opisyal
na pangalan ng bansa mula ‘Pilipinas’ tungong ‘Filipinas’ at pagpapatigil sa
paggamit ng una upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong
katawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng
pagkabansa nito.
Ipinapasiya rin ng resolusyon ang unti-unting pagbabago sa baybay ng mga
selyo, letterhead, notepad, at iba pang kasangkapang may tatak na
‘Pilipinas’ tungo sa ‘Filipinas’. Ipinapasiya ring himuking baguhin ang opisyal
na pangalan ng mga institusyon at kapisanang may ‘Pilipinas’ ngunit hindi
sapilitan lalo na sa mga entidad na naitatag sa panahong wala pang ‘F’ sa
alpabetong Filipino, habang ipinatutupad ang pagpapagamit ng ‘Filipinas’
sa lahat ng itatatag na organisasyon pagkatapos pagtibayin at
palaganapin ang mungkahi ng resolusyon.

Sa isang panayam sa pahayagan (Philippine Star, 11 Hulyo 2013) kay


Almario, sinabi iyang hindi umano labag sa batas ang resolusyon at hindi na
rin

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

nangangailangan ng bagong lehislasyon mula sa Kongreso dahil wala


namang batas na nagsasabing ‘Pilipinas’ ang pangalan ng bansa. ‘Filipinas’
umano talaga ang pangalan ng nasyon hanggang sa katapusan ng ika-19
na siglo, gaya ng paggamit dito ni Jose Rizal sa kaniyang mga akda at ni
Andres Bonifacio sa kaniyang tulang ‘Katapusang Hibik ng Filipinas’.
Napalitan lamang ng P ang F nang gawin ni Lope K. Santos ang Balarila ng
Wikang Pambansa noong 1940 na ang paglalathala ay pinahintulutan ni
Pangulong Quezon sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134. Sa balarila ni Santos, 20 lamang ang titik at wala ang C, F, J, N, Q, V, X,
at Z. Naging kontrobersiyal ang Resolusyon Blg. 13-19, s. 2013 at bagaman
hindi naman ito binawi ng KWF, hindi rin naman ito laganap na sinunod sa
bansa maging ng mismong pamahalaan.

Gawain Blg. 6:

Pamagat ng Gawain:
Sulong: Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wika

Target sa Pagkatuto:

1. Nakabubuo ng patakaran, regulasyon o batas kung saan maipakikita ang


patuloy na pagpapayaman, pagpapayabong, pagpapaunlad, at
pagtatanggol sa wikang Filipino.

2. Napapanatili ang kaugnayan ng bawat pangungusap sa kahingian ng

gawain, pagiging malikhain, kawastuhan ng gramatika, at ang mga dapat


isaalang-alang sa pagsasagawa nito.

Panuto:

1. Mag-isip ng kasalukuyang isyung may kinalaman at kaugnayan sa wikang


pambansa o wikang Filipino. Bumuo ng patakaran, regulasyon o batas kung
saan maipakikita ang patuloy na pagpapayaman, pagpapayabong,
pagpapaunlad, at pagtatanggol sa wikang Filipino.

2. Maaring magsaliksik ng mga proseso sa pagpapatupad ng batas na


maaaring magamit na gabay sa pagsasagawa ng aktibiti.

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto


Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Puntos
Kabuoang nilalaman 15

Kaugnayan sa tema at kahingian ng gawain 10

Kabuluhan, organisasyon, at pagkamalikhan 10

Kawastuhan ng gramatika at mga bantas 5

Kabuoang Puntos 40

Mga Kagamitan:

▪ PowerPoint Presentation
▪ Personal/desktop Computer

Sanggunian:

Gonzalvo, R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Mindshapers Co., Inc.

Batnag, A., et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Rex Bookstore, Inc.

Reyes, A. (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Diwa Learning Systems, Inc.

Kumpilasyon ng mga Marka:

Pamagat ng Aktibiti Nakuhang


Inaasahang
Marka
Puntos
Balik-tanaw sa Nakaraan: Pagsulat Gamit 40
ang Baybayin

Wika-saysayan: Ang Timeline ng Aking Pagkatuto 40


ng Wika

Sulong: Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wika 40

Kabuoang Puntos 120

Baitang 11 | Modyul Pampagkatuto

Pagtataya sa Pagkatuto:
Komunikasyon at Pananaliksik Hindi Pa Umuunlad Nakamit na Tala
sa Wika at Kulturang Filipino

Nasusuri ang kalikasan, gamit,


mga kaganapang
pinagdaanan at
pinagdadaanan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas

Nakapagbibigay ng opinyon o
pananaw kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa
wikang Pambansa

Nasusuri ang mga pananaw ng


iba’t ibang awtor sa isinulat na
kasaysayan ng wika

Natutukoy ang mga


pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo
sa pagkabuo at pag-unlad ng
Wikang Pambansa

Nakasusulat ng sanaysay na
tumatalunton sa isang partikular
na yugto ng kasaysayan ng
Wikang Pambansa

Natitiyak ang mga sanhi at


bunga ng mga pangyayaring
may kaugnayan sa pag-unlad
ng Wikang Pambansa

Nakagagawa ng isang sanaysay


sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng mag-aaral
“Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag
iingatan ang isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan
din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng
pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang
mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip.
Ang wika ang pag-iisip ng bayan.”

El Filibusterismo

You might also like