You are on page 1of 11

DATAMEX INSTITUTE OF COMPUTER TECHNOLOGY

DOOR C, ADM BLDG., AWAYAN, POBLACION III CARCAR CITY, CEBU


_____________________________________________________

LEARNING MODULE
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
KULTURANG
PILIPINO
SUBJECT

QUARTER 1

WEEK 2

_____________________________________________
NAME OF STUDENT/GRADE LEVEL

MR. MARK ANDRIS R. GEMPISAW


SUBJECT TEACHER
ALAMIN
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman
sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing
inihahanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao?
Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang
tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa
araling ito, ang iyong kaalaman sa pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Handa ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 1

Mga Konseptong Pangwika

Markahan:Unang Linggo: 1st

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento ng


komunikasyon. Ang mga kasanayang matutuhan dito ay makatutulong nang malaki upang
ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.

Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika.


Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan
sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at
lipunan.

1
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86;
b. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika
nakapag-uugnay-ugnay ng mga ideya gamit ang makatwirang lohika . F11PT – Ia
– 85. Sa huli, nilalayon ng kabanatang ito na masuri ang kalikasan at gamit ng
wika.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo


ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay
kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang.
Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman
sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong
pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga
kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan
ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa
araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-
pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa
aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating
kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay
na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay
at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng
pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
ARALIN 1

Ang Wika

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa mga konsepto ng wika.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa mga konseptong pangwika.

A. TUKLASIN

cCegQIABAA&oq=wika+sinasalita++clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCABQ25ULWLy3C2CZugtoAHAAeACAAakBiAGEDZIBBDAuMTKYAQCgAQGqAQtnd3Mtdhttps://www.google.com/search?q=wika+sinasalita+
+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwibroXjornpAhXNq3ayz9tGXM 2l6LWltZw&sclient=img&ei=plPAXpvDBtGHmAWf4JSgCg&bih=676&biw=1517#imgrc=s5RA6YKHR8wBaQQ2-

3
B. SURIIN

Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga
konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal.

Sa pangunguna ng kanilang lider na si Angelo Carrtte, pinag-uusapan nila ang paksang


tatalakayin ng kanilang pangkat, ang tungkol sa mga konseptong pangwika.
Kasama sa pangkat sina Maxine, Stephanie, Nathalie, Angela at Messiah.
Angelo Carrtte: Handa na ba kayo sa tatalakayin natin para sa klase bukas? Maxine: Ako
ang mauuna. Wika ang napunta sa akin. Gaya ng napagkasunduan natin, gagawan ng
handouts ang tatalakayin kaya’t kumuha na kayo ng tig-iisa para masabayan ninyo ako.
Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sisitema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa
komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng
sagisag ang isang wika. Sa nabanggit na depinisyon, tinutukoy rin na ang wika ay para sa
tao. Bagaman ang mga hayop ay mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi maituturing
na wika ang mga ito. Samakatuwid, ang wikang tinutukoy sa pagtatalakay ay ginagamit ng
tao sa pakikipag- ugnayan sa kanyang kapwa tao.
Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakasalimuot na kasangkapan
sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na
idudulot sa mag-aaral na matutunan ang wika upang makapaghanapbuhay,makapamuhay
sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang
ginagalawan.
Angelo Carrtte: Mahusay, talagang malawak ang naging pananaliksik ni Maxine. Si
Stephanie naman, wika rin itinakda sa iyo, di ba?

Stephanie: Tama ka. Narito naman ang iba pang kahulugan ng wika. Isinaayos ko ito sa
pamamagitan ng isang tsart.

Gleason (1961) Sapiro Hemphill


(Sapiro sa Ruzol (Hemphil sa Ruzol
2014:15) 2014:15)
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang Ang wika ay isang masistemang
balangkas ng mga lakas at makataong kabuuan ng mga sagisag na
sinasalitang tunog na pinili at pamamaraan ng sinsalita o binibigkas na
isinaayos sa paraang paghahatid ng mga pinagkaisahan o kinaugalian ng
arbitaryo na ginagamit sa kaisipan, damdamin,at isang pangkat ng mga tao,at sa
pakikipagkomunikasyon ng hangarin sa pamamagitan nito’y
mga taong kabilang sa nagkakaugnay,nagkakaunawaan
pamamagitan ng isang
isang kultura at nagkakaisa ang mga tao.
kusang-loob na
kaparaanang lumikha
ng tunog.

Angelo Carrtte: Wow! hindi nagpatalo si Stephanie. Pakinggan naman natin si Angela sa
pagtatalakay niya.
Angela: Ang gamit ng wikang panturo ay magtamo ng mataas na antas ng edukasyon.

4
Wikang Panturo

Ang wikang pambansa na itinadhana ng batas ay gagamitin bilang Wikang


Panturo.Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon.
Mahalaga ang mabilis na pag-unawa sa tulong ng wikang panturo upang makaagapay sa
akademikong pag-unlad. Magiging makahulugan ang pagkatuto gamit ang wikang panturo.
Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV seksyon 6 ng Saligang-batas
ng 1987, kaugnay ng wikang panturo na:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang,ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at ibang pang mga
wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng panturo
sa sistemang pang-edukasyon.

Angelo Carrtte: Napakakomprehensibo ng talakay mo, Angela. Sige,si Messiah naman ang
pakinggan natin para sa huling konseptong pangwika. Ang Wikang Opisyal.
Messiah: Okey, ako naman.

Wikang Opisyal

Tinatawag na Wikang Opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa


pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya. Ipinahayag naman sa Artikulo XIV
seksyon 7 ng Saligang-batas ng 1987 na: “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang
batas, Ingles.” Tinatanggap din ang Ingles na isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon.
Hangga’t walang batas na nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon, kaagapay
ito ng Filipino bilang Wikang Opisyal.

Angelo Carrtte: Nakatutuwa naman at talagang handing-handa na tayo para sa talakayan


bukas, Maidaragdag na, dahil sa ang mga wika ay buhay, patuloy na umiinog ito sa mga
pagbabago. Maging kahulugan o depinisyon lumalawak din at nagbabago. Sige, bukas na
natin alamin.Tayo na. Umuwi na tayo at maghanda para bukas.

Lahat: Tama ka, para maging maayos ang pagtatalakay natin bukas.

- Sipi mula kay M Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino:Vibal,Inc ,2016 p.4-6

Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan ang literal na

5
kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing pangwika.Maaari rin ito sa
pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangan ito.Higit sa lahat ang karanasan ng
mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na gamit sa aktuwal na buhay sa a raw-araw
na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring

batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito natutunghayan
ang kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang pambansa,wikang panturo,at wikang
opisyal).
Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng:
Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon upang
magkaunawaan. Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan at
ginagamit sa pamamahal a at pakikipag-ugnaya sa mamamayan. Wikang

panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Tinatawag naman na
wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan

at sa politika,sa komersiyo at industriya .☺

TAYAHIN
HULING PAGTATAYA

Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titik o
letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may
iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit
bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d.Wikang Panturo

______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon
sa gobyerno, pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo

______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin d. Lope K. Santos

_______4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano
c. Bisaya d.Waray

6
_______5.Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng
mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill
c. Gleason d. Hutch

_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987


na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI

_______7.Ano ang ating wikang Pambansa?


a. Ingles b. Ilocano
c. Tagalog d. Filipino

_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro
c. Quezon d. Hemphill

_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang


Pangsekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila

_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.


a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig

SANGGUNIAN

A. Mga Aklat
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng
pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa
pananaliksik.Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc. 2006.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House,


Inc. 2006.

7
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela
A.Sining ng pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc. 2000.

Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961.

The personal promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987.

De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private
HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000.

Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa


pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP
Diliman. 1999

Maddux, K. March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-
98. 1997

Nolasco, Ma. Ricardo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang pambansa.


Lagda, 12-20. 1998.

B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.

http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph

http://atin-americanliterature.edu.ph

https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm

http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

8
9

You might also like