You are on page 1of 99

FILIPINO (KOMPAN)

GRADE 11

JOHN CARLO C. MELLIZA


09127951336

Page | 1
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman at Konsepto sa Wika

➢ Iba’t Ibang Paniniwala sa Wika


➢ Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa
➢ Mga Konseptong Pangwika
➢ Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

Aralin 2: Gamit ng Wika sa Lipunan

➢ Ang wika at ang lipunan


➢ Gamit ng Wika sa Lipunan
Aralin 3: Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa
➢ Panahon Bago Dumating ang mga Espanyol
➢ Panahon ng Espanyol Hanggang sa Kilusang Propaganda
➢ Panahon ng Amerikano at Hapones
➢ Panahon ng Kasarinlan Hanggang sa Kasalukuyan

Ang modyul na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng masinop at masusing


pananaliksik ng manunulat upang maging saligan sa epektibong proseso ng
pagtuturo at pagkatuto ng Filipino sa ika-11 baitang. Ayon sa isinasaad ng
kurikulum ng Filipino sa SHS, isa sa mga asignaturang dapat mabigyan ng

Page | 2
kaukulang pagpapahalaga ay ang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino.
Pangunahing tuon ng modyul na ito na malinang sa mga mag-aaral ang
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pamamaraan
sa pamamagitan ng pag-unawa sa konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Nilalayon din ng modyul na ito na malinang
sa mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng pagkakataong
kakailanganin ito gayundin sa maayos at mabisang pakikipagtalastasan – pasalita
man o pasulat.

PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Manalangin bago magsimula at pagkatapos sa modyul na ito. Humingi ng
kalinawan ng isip at dedikasyon sa Panginoon nang magawa ang modyul na
ito nang matapat at epektibo.

2. Basahing mabuti ang lahat ng nilalaman ng modyul na ito, mula sa mga panuto

hanggang sa mismong mga gawain.

3. Kung hindi maunawaan ang paksa, maaaring magsaliksik ng karagdagang


impormasyon gamit ang internet o kaya naman ay magtanong sa kapwa
magaaral, sa magulang, o kamag -anak.
4. Gawin nang may buong husay at dedikasyon ang mga gawaing nakasaad
sa modyul.
5. Ipasa ang mga gawain sa aralin sa tamang oras at panahon.
6. PARA SA MGA MAG-AARAL NA ONLINE. Gumawa ng panibagong
Word Document at kopyahin muna ang pamagat ng gawain at maging ang
buong gawain bago sagutan. Ipasa ang mga gawain sa ating Google
Classroom.
7. PARA SA MGA MAG-AARAL NA OFFLINE. Gumamit ng panibagong
papel at kopyahin muna ang pamagat ng gawain at maging ang buong gawain
bago sagutan. Panatilihing malinis at nababasa ang sulat-kamay para maayos
itong maiwasto ng guro. Maaari rin kayo gumamit ng karagdagang papel kung
hindi kasya sa iisang papel.

Page | 3
Kumusta ka, aking mag -aaral? Ako si Ginoong John
Carlo C. Melliza, ang magiging guro mo sa
komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino (KOMPAN). “Sir JC” ang tawag sa akin ng
karamihan. Ako ang makakasama mo sa pagtamo ng
mga kasanayang pagkatuto na dapat mong
matutuhan at maisabuhay. Nawa’y ang modyul na
ito ay makatulong nang lubos.

FB account: John Carlo Cabiles Melliza


Gmail account: jcmelliza96@gmail.com
Contact number: 09127951336

Page | 4
PANALANGIN

Bago magsimula sa aralin…

Ama namin sumasalangit ka, Sambahin


ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin; At huwag mo
kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama.
[Sapagka't sa iyo'y nagmumula ang kaharian, ang kapangyarihan at ang
kaluwalhatian magpasawalang hanggan.] AMEN.

Pagkatapos ng aralin…

Panginoong dakila sa lahat,


Lubos ang aming pasasalamat sa mga aral na aming natarok sa modyul na ito.
Nawa’y magamit namin ito sa pawang kabutihan lamang.
Ituro niyo kami sa tamang landas at ilayo sa kasalanan,
Hangad po naming ang biyaya, karunungan at kalakasan na maisakatuparan ang
layunin sa araw-araw at maiguhit namin ang aming mainam na kinabukasan.
AMEN.

Page | 5
“Ang ating Pambansang Wika ay pahalagahan
Kilalanin ang mahaba at makulay nitong kasaysayan
Alamin ang konsepto, elemento, at gamit sa lipunan
Taglay ng mga ito, sarili nating pagkakakilanlan.”

Bago tayo maglakbay sa mundo ng konseptong pangwika, atin munang alamin kung
ikaw ba ay may dati ng kaalaman sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot
sa panimulang pagtataya. Sundin ang panuto na nakasaad sa bawat bahagi ng
pagtataya.

Alalahanin at unawain ang mga katanungan sapagkat ito’y magsisilbing gabay


habang pinagaaralan ang unang aralin sa unang kabanata tungo sa mabisang
komunikasyon. -

LINGGO 1.1: PANIMULANG


PAGTATAYA
A. Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga tanong. Gumamit ng
isang buong malinis na papel.

1. Salitang Latin na nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe.”


a. lengguwa c. lingua
b. linggua d. lenguwa

2. Salitang Pranses na nangangahulugan ding dila at wika.

Page | 6
a. langue c. lingua
b. linggua d. langue

3. Siya ay naniniwala na ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o


pagsusulat.
a. Socrates c. Aristotle
b. Charles Darwin d. John Dewey
4. Taon ng pagsusog ni Pangulong Quezon ng wikang pambansa na nagbigay-daan sa
probisyong pangwika.
a. 1934 c. 1834
b. 1835 d. 1935

5. Pangulong bumuo ng Komisyong Konstitusyunal na nagpatibay ng Saligang Batas


ng 1987.
a. Manuel L. Quezon c. Corazon C. Aquino
b. Gloria Macapagal-Arroyo d. Fidel V. Ramos

B. Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag. Ibigay ang nararapat
na sagot at isulat sa nakalaang patlang.

6. Wikang naging batayan ng ating wikang pambansa.


__________________
7. Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.
___________________
8. Wikang ginagamit batay sa lugar, panahon, katayuan sa buhay.
_______________
9. Salitang naging wikang pambasa ng Pilipinas. ________________ 10. Isang
kapuluan na binubuo nang mahigit pitong libong pulo na nabibilang sa tatalong
malalaking pangkat ng pulo. __________________

Page | 7
C. Ibigay ang kahulugan ng mga salita na nasa ibaba. Isulat sa isang buong
papel.

11. Wikang Pambansa 12. Mother Tongue 13. Wikang Opisyal


14. MTB-MLE 15. Wikang Panturo

20 ang pinakamataas na puntos sa pagtataya. Kung ikaw ang nakakuha ng


pinakamataas na puntos, isang maligayang pagbati sa’yo! Gayunpaman, halina’t
samahan kami sa pagpapatalas pa ng karunungan sa pamamagitan ng modyul na ito.
Kung ikaw ay nakakuha ng 15-19 na puntos, magaling! Ang modyul na ito ay
makatutulong sa’yong pagkatuto.
Kung ikaw naman ay nakakuha ng 10-14 na puntos, ako’y nagagalak sa iyong
partisipasyon. Pagbutihin sa susunod na mga gawain. Magbasa nang magbasa upang
mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok.

Aralin 1: Mga Batayang Kaalaman at


Konsepto sa Wika
“Mga konseptong pangwika’y mahalagang matutuhan makatutulong sa mas malalim
na pagkakaunawaan”
PAGPAPALALIM NA GAWAIN Sa araling ito’y maiuugnay mo ang mga konseptong
pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon tulad ng isang
talumpati.

Page | 8
LAYUNIN:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggan/ napanood na sitwasyong pangkomunikasyon
sa radyo, talumpati, mga panayam, at telebisyon.
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga
konseptong pangwika.

UNAWAIN NATIN
Ayon sa mga antropologo, magkasabay sumibol sa mundo ang wika at lahi.
Sinasabing ang wika ng mga sinaunang tao ay kahalintulad ng mga tunog na
ginagamit ng mga hayop. Subalit, sa paglipas ng panahon, kasabay ng pag-
unlad ng kultura ng tao, umunlad din ang kanilang wika.
May ilang teorya na ang nailathala o nagpasalin-salin sa pamamagitan
ng bibig ang maaaring gawing batayan sa pinagmulan ng wika sa daigdig.
Bilang paunang pagsasanay, pakinggan ang kuwento hinggil sa Tore ng
Babel mula sa video na nakalap mula sa youtube.com.
https://www.youtube.com/watch?v=YeHOFvU6um0

Page | 9
LINGGO 1.2: GABAY NA TANONG
Isulat sa isang buong papel ang iyong mga kasagutan.

Batay sa inyong napanood, ano ang wika?


1. May kabutihan ba itong dulot? Bakit?
2. Ano naman kaya ang masamang dulot nito?
3. Sa kuwentong Tore ng Babel, naging mabuti ba o masama ang naging
dulot ng wika? Panindigan.
4. Ano ang aral, mensahe, at konseptong mabubuo kaugnay ng Tore ng
Babel? Ilahad sa klase ang iyong sagot.

Malinaw na ipinahahayag sa Banal na Kasulatan ng mga


Kristiyano na ang wika ay kaloob ng Diyos. Napakarami at
napakasalimuot nga naman ng mga wika at halos kung hindi man perpekto
ang pagkakaayos ng mga wika sa daigdig, walang makagagawa nito kung
hindi ang Maylalang ng lahat. Sa Bibliya pa rin, isinasalaysay kung
paanong mula sa iisang wika, ang mga tao sa daigdig ay nagkaroon ng
iba’t ibang wika.

PAGTUKLAS
ALAM MO BA?
Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang
wika. Dahil sa wika, nagkakaunawaan at nagkakalapit-lapit ang mga tao sa
daigdig. Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang
anumang kanyang naiisip, nadarama, at nakikita tungkol sa kanyang paligid.
Nang dahil sa wika ay naitala at nailarawan ng mga unang tao ang kanilang mga
karanasan noong unang panahon. Sa pamamagitan ng wika ay nasasalamin ng

Page | 10
tao ang uri ng pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng
isang bansa.

Bawat bansang malaya, tulad ng Pilipinas, ay nagnanais magkaroon ng


isang panlahat na wikang pambansang may silbi bilang:

(1) isang simbolo ng pambansang dangal,


(2) isang simbolo ng pambansang identidad,
(3) kasangkapang pambuklod ng mga grupong may ibat ibang
sosyokultural at lingguwistikang pinagmulan, at
(4) isang paraan ng komunikasyong inter-aksiyonal at interkultural.

Filipino ang wikang pambansa natin na patuloy na pinauunlad sa anyo,


estruktura, at sa pinaggagamitang larangan – pagbasa at pagsulat.

Ang isang buhay na wika ay ginagamit sa iba’t ibang larangan. Sa


simula pa lamang ay ginagamit natin ang wika sa pakikipag-usap tungkol sa mga
bagay na pang-araw-araw sa buhay ng pamilya at sa ating mga kaibigan, sa
palengke, at pang-ordinaryong pangangalakal.

Ang paggamit ng wika sa diskursong pang-akademik at


pampropesyonal ay tinatawag na intelektuwalisasyon ng wika. Bago ang
katawagang ito at hanggang sa ngayon ay tinutuklas pa natin ang mga dimensyon
ng penomenong ito, kung paano natin mapauunlad ang isang wikang tulad ng
Filipino bilang intelektuwalisadong wika.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga pag-aaral na


may kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika sapagkat napakaraming wika ang
ginagamit ngayon sa mundo. Bilang panimulang pag-aaral, ang modyul na ito ay
tatalakay sa mga teorya at mga konseptong may kaugnayan sa wika.

Page | 11
LINGGO 1.3: SIMULAN NATIN
Naisip mo na ba ang maaaring mangyari kung walang wika at hindi natin
maipahahayag ang sarili nang pasalita o pasulat man? Ano ang gagawin mo
para maiparating ang sumusunod? Gumamit ng isang buong malinis na
papel.

❖ Nais mong maipaalam sa isang tao (maaaring magulang, kaibigan, o


taong malapit sa puso mo) na mahal mo siya. ____________________
_________________________________________________________
❖ Nais mong malaman ng isang taong galit ka o hindi mo sinang-ayunan
ang mga bagay na ginagawa niya. _____________________________
_________________________________________________________
❖ Nais mong humingi ng tulong sa iba para sa isang mahirap na
kalagayan o problemang mayroon ka. __________________________
_________________________________________________________
❖ Nais mong bumawi o humingi ng patawad sa isang taong espesyal sayo
dahil sa nagawa mong ikinalungkot niya. ________________________
_________________________________________________________
❖ Nais mong ibahagi sa mga taong mahal mo ang kagalakan na iyong
nadarama sa tagumpay na iyong nakamit sa buhay. ________________
_________________________________________________________

Batay sa iyong mga sagot, mahirap nga bang mawala ang wika? Ano-
ano ang posibleng mangyari kung walang wikang nauunawaan ng lahat at
ang bawat isa’y may wikang tanging siya lang ang nakakaunawa? Maglahad
ng limang hinuha.

▪ ________________________________________________________
▪ ________________________________________________________
▪ ________________________________________________________
▪ ________________________________________________________
▪ ________________________________________________________

Page | 12
BASAHIN NATIN
MGA NAUNANG TEORYA HINGGIL SA WIKA
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Tinatanggap ng
mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang
teorya tungkol sa pinagmulan nito. Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aral sa
iba’t ibang paniniwala sa pinagmulan ng mga bagay-bagay na may mga batayan
subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Tunghayan ang iba’t ibang teorya ng
wika.

1. Teoryang Ding-dong
Ipinalalagay sa teoryang ito na ang lahat sa kapaligiran ay may
sariling tunog na kumakatawan sa nasabing bagay. Ito ay hindi limitado sa
kalikasan lamang kundi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at ang tunog na iyon ang siyang ginagamit ng mga sinaunang tao na
kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Halimbawa: tunog ng kampana, relo, tren, at iba pang kauri

2. Teoryang Bow-wow

Ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anoman ang pinagmulan, ang


ginagagamit ng tao. Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang
pinanggalingan o tukuyin ang pinagmulan. Marami ang nag-aalinlangan dito
sapagkat hindi nagkakatulad ang mga pandinig ng tao sa iba’t ibang likas na
tunog. Maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang
tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.
Halimbawa: tunog ng kulog, ihip ng hangin, hampas ng alon, kahol ng aso,
at tibok ng puso

Page | 13
3. Teoryang Pooh-pooh lpinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog
at siya ring nagbibigay ng kahulugan dito batay na rin sa kanyang nadarama.
Kapag nasaling ang damdaming ito, nakapagbubulalas siya ng mga salitang
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa
Halimbawa: pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka, at iba pang
bulalas ng damdamin.

4. Teoryang Yo-he-ho
Ito naman ang teoryang nagsasabi na ang tao ay bumabanggit ng mga
salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas. Ito ang mga ekspresyon
na nasasambit ng tao kapag nagbubuhat siya ng mabigat na bagay, o dili kaya
ay babaeng nagluluwal ng sanggol, o sa atletang kalahok sa mga kompetisyon.
5. Teoryang Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita.
Tinawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o
goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas
na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok
o gumaganap sa mga ritwal at sinaunang selebrasyon o okasyon ay lumilikha
ng mga tunog at pag-usal ng mga salita na sa kalaunan ay nabibigyan ng
kaukulang kahulugan ng mga tao.

Halimbawa ng mga okasyong pinaghahanguan ng mga salita ay


ang pangingisda, pakikipagdigma, pagtatanim, pagpapakasal, pag-aalay, at
iba pang katulad ng mga nabanggit na.

Page | 14
Sa bilis ng daloy at takbo ng dambuhalang impormasyon sa buhay ng
tao, magpahanggang ngayon, nananatiling palaisipan pa rin kung saan, paano
at kailan talaga nagsimula ang wika. Isa itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o
misteryo. Ang mahalaga sa lahat, batid nating ang wika ang tagapagbuklod ng
kanyang mga mamamayan, kahit anong dami pa ang wikang sinasalita sa loob
ng kanyang bayan. Maraming pagkakataon nang napatunayan ang
impluwensiya at lakas ng wika sa pagtatayo ng isang malaya at demokratikong
bansa.

PAHALAGAHAN NATIN

MGA KATANGIAN NG WIKA


Wika ang nagsisilbing mahalagang instrumento upang magkaunawaan
ang bawat mamamayan sa isang bansa. Ito rin ay isang salik na
nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa at mabisang sandata upang
labanan ang kamangmangan. Hindi magaganap ang komunikasyon kung
wala itong magiging daan, may tagapagsalita man, may mensahe man, at
may tatanggap man. Ang wika ang daan o instrumento ng komunikasyon
sa tulong na rin ng mga senyas kung minsan. Kung gayon, kailangang
taglayin ng isang wika ang sumusunod na mga katangian:

ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS


Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang
tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas
na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog o ponema. Kapag ang
ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliliit na
yunit ng salita na tinatawag na morpema. Samantala, kapag ang
mga salita (morpema) ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong
makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa

Page | 15
makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon
na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o
higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso.

ANG WIKA AY GINAGAMIT

Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang


kasangkapan, kailangang tuluy-tuloy itong ginagamit. Ang isang
kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay. Gayon
din ang wika. Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, unti-unting
mawawala at tuluyang mamamatay.

ANG WIKA AY KAUGNAY NG KULTURA

Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian,


karunungan, at kinagawian ang bumubuo sa kultura. Ang mga taong
kabahagi sa isang kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop
sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.

ANG WIKA AY DINAMIKO

Patuloy itong nagbabago, dumarami, at nadaragdagan. Hindi ito


maaaring tumanggi sa pagbabago. Ang isang wikang stagnant ay
maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon.

ANG WIKA AY KOMUNIKASYON


Sinasalita ang tunay na wika. Dapat nating tandaan na ang wikang
pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Samakatwid,
mahalagang gamitin ang wika sa pakikipagtalastasang pasalita.

ANG WIKA AY MALIKHAIN AT NATATANGI

Page | 16
Walang dalawang wikang magkatulad. May kani-kaniyang katangian
ang mga ito na dahilan upang mamukod at maiba sa karamihan.

ANG WIKA AY GAMIT SA LAHAT NG URI NG


DISIPLINA

May isang partikular na wikang ginagamit sa bawat disiplina o


propesyon. Ito ang nagpapalawak sa gamit ng wika upang maging
mabisang instrumento sa pagsulong ng isang lahi.

ANG WIKA AY ARBITRARYO

Ang salitang arbitraryo ay nangangahulugang walang tiyak na


batayan. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na
kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay walang
tiyak na batayan o tuntuning sinusunod. Ito’y pinagkakasunduan ng
mga tao sa tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika.

LINGGO 1.4: PAGSASANAY

LINGGO 1.4: PAGSASANAY

Tukuyin ang wastong salitang dapat isulat sa linya batay sa


tinalakay upang mabuo ang diwa ng pahayag. Gumamit ng
isang buong malinis na papel.
Isa sa pinakadalikang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao
ay ang (1) __________. Dahil sa ang wika ay (2) ___________ at
(3) ________________ ang mga tao sa daigdig. Sa pamamagitan ng

Page | 17
wika ay nasasalamin ng tao ang uri ng (4) ___________ng ninunong
pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa.
Ayon sa mga antropologo, magkasabay sumibol sa mundo
ang wika at (5) _______. Sinasabing ang wika ng mga sinaunang tao
ay kahalintulad ng mga tunog na ginagamit ng mga (6) ________.
May ilang teorya na ang pinaniniwalaan hinggil sa
pinagmulan ng wika. Ang teoryang (7) _________ ay nagpapalagay
na ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan
sa nasabing bagay. Samantala, ang teoryang (8) ___________ ay
nagpapalagay naman na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya
ring nagbibigay ng kahulugan dito.
Ang wika ay isa sa mahahalagang salik na makatutulong sa
pag-unlad ng bansa. Ito ay isang mabisang sandata upang labanan
ang (9) ____________ at sa halip ay maisulong ang (10)
___________.

LINGGO 1.5: ISABUHAY MO NA


Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita
ang pagmamahal sa ating wika? Magbigay ng dalawang
paraang madali mong magagawa. Sundin ang format at isulat
sa isang buong malinis na papel.

Page | 18
LINGGO 1.6: PAGTIBAYIN NA
A. Pumili ng LIMA sa walong katangian ng wika. Ipaliwanag
ang bawat isa at magbigay ng mga halimbawa gamit ang mga
sitwasyong pangkomunikasyon sa mga napapanood na
programa sa telebisyon. Kopyahin ang format at isulat sa isang
buong papel.

1.Katangian: ___________________________________________
Paliwanag: __________________________________________
Sitwasyon: __________________________________________

2.Katangian: ___________________________________________
Paliwanag: __________________________________________
Sitwasyon: __________________________________________

3.Katangian: ___________________________________________
Paliwanag: __________________________________________
Sitwasyon: __________________________________________

Page | 19
4.Katangian: ___________________________________________
Paliwanag: __________________________________________
Sitwasyon: __________________________________________

5.Katangian: ___________________________________________
Paliwanag: __________________________________________
Sitwasyon: __________________________________________
AGPAPATIBAY

PAGPAPATIBAY
ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
ANO ANG WIKA?
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika.
Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay
nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito
ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe
sa isa’t isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga
pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng
mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o
pasulat gamit ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang "dila" at
"wika" o "lengguwahe." Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue
na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito’y naging language na
siya na ring ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles.
Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika at dila ay may
halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay

Page | 20
konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba't ibang tunog ay nalilikha
sa
pamamagitan ng iba’t ibang Paz, Hernandez, at
posisyon ng dila. Kaya @ (2003: l)
naman, ang wika ay may
Ang wika ay tulay na ginagamit para
tradisyonal at popular na
pagpapakahulugang sistema maipahayag at mangyari ang anumang
ng arbitraryong vocalsymbol minimithi o pangangailangan natin. Ito ay
o mga sinasalitang tunog na behikulo ng ating ekspresyon at
ginagamit ng mga miyembro komunikasyon na epektibong nagagamit.
ng isang pamayanan sa Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang
kanilang pakikipagtalastasan pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan,
at pakikipag-ugnayan sa isa 't at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging
isa. sa pakikipag-usap sa sarili.

Page | 21
Ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili
at isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura.
Ayon kay Henry Allan
Gleason, Jr., isang lingguwista
at propesor emeritus sa
Univeristy of Toronto.

Ang wika ay isang sining tulad ng


paggawa ng serbesa o pagbe -bake
ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin
daw ito tunay na likas sapagkat ang
bawat wika ay kailangan munang
pag-aralan bago matutuhan.

Charles Darwin, isang English


biologist, naturalist, at
geologist.
Paraan ng pagpapahayag
ng damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita
upang magkaunawaan ang
mga tao.

Jose Villa Panganiban, isang


leksikograpo at lingguwista
Page | 22
Ang ating bansa ay isang kapuluan kaya hindi nakapagtatakang magkaroon tayo
ng iba’t ibang wika at diyalektong ginagamit. Paano kaya magkakaintindihan kung ang
dalawang nag-uusap ay gumagamit ng kanilang magkaibang
kinamulatang wika? Halimbawa: Isang taga-Pampanga at isang taga-Iloilo?

Sa ganitong sitwasyon, kailangan ang isang wikang nauunawaan at kapwa nila


sinasalita.

Ang Pilipinas ay isang bansang may mga mamamayang gumagamit ng


magkakaibang mga wika at wikain. May walong pangunahing wikang umiiral at
ginagamit sa iba’t ibang panig ng kapuluan – Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon
Bikol, Waray, Kapampangan, at Pangasinense. Sa ilalim ng programang
MotherTongue-Based-Multi-Lingual Education (MTB-MLE) ng Kagawaran ng
Edukasyon tinutukoy ang 19 na wika – Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko,
Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray,
Tausug, Maguindanao, Méranao,
Chabacano, Ybanag, Ivatan,
Sambal, Aklanon, Kinaraya, Yakan, at
Surigaonon upang gamiting
midyum sa pagtuturo sa mga
magaaral sa una hanggang ikatlong
baitang dahil sa paniniwalang
napalalakas nito ang kakayahang
kognitibo at sosyo-
kultural na kamalayan.
Ang pagkakaroon ng
maraming iba-ibang wika sa bansa ang
dahilan kung bakit nadama ang
pangangailangang magkaroon ng isang
pambansang wika bilang mga Pilipino
tungo sa pagbuo ng isang malaya,
maunlad, at matatag na bansa.

Page | 23
ANO NAMAN ANG WIKANG FILIPINO?

Mahalaga at kailangan ang maliwanag at nauunawaang


depinisyon ng wikang Filipino. Maraming nag-aakala na Tagalog
din ito. Maging sa ibang bansa, Tagalog din ang opisyal at
pambansang wika na kinikilala at itinuturo ng mga lingguwista at
ginagamit sa mga programa sa wika.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Board of
Commissioners ay nagpalabas ng Resolusyon Blg. 92-1 na
naglalahad ng Batayang Deskripsiyon ng Filipino. Isinulat ito sa
Ingles at isinalin sa Filipino nang ganito:
Ito ang katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang
Pambansang Punong Rehiyon, at 33 iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas
at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad
ng wika para sa iba’t ibang sitwasyong sosyal at para sa mga
paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag.
Sinusugan naman ito sa Resolusyon Blg. 96-1: Amending the
Working Definition of Filipino as Stated in Resolution 92-1.
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa

Page | 24
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa
ibaibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang
sanligang
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskoIarling
pagpapahayag.
Ang tuon ng Wikang Filipino ngayon ay intelektuwalisasyon
o modernisasyon upang ito’y magamit nang mabisa sa mga
pangangailangan at sa mga pagbabago sa kasalukuyan at sa darating
na milenyo. Nakasalalay ngayon sa mga kamay ng kasalukuyang
henerasyon ang hinaharap ng ating wika.

ALAMIN!
Top Ten Spoken Languages

https://www.youtube.com/watch?v=Tb8ZRLi7OhU&t=180s

LINGGO 2.1: PALAWAKIN NATIN

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Gumamit ng isang buong


malinis na papel.

Page | 25
1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao? Ano
kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at
nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura?
2. Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar
na pinupuntahan natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika?
3. Bakit kaya sa maraming bansa sa mundo ay magkakapareho
o magkasingkahulugan ang mga salitang lengguwahe o wika at dila?
Bakit laging naiuugnay ang dila sa wika?
4. Ano-ano ang pagkakapare-pareho sa mga
pagpapakahulugahang binasa at ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa
sa wika? Sa paanong paraan naman sila nagkakaiba-iba ng
pananaw?
5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin
sa sinabi niyang, “hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan
muna itong pag-aaralan bago matutuhan”? Ipaliwanag ang iyong
pananaw.

ANG WIKANG PAMBANSA

Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga


Pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto. Humigit-
kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang
kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit
kinailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at
masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang Wikang ito ang

Page | 26
magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at
tatawaging wikang pambansa.
Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi
naging madali ang pagpili sa wikang pagbabatay ng wikang
pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito.
Sa huling dalawang aralin ng kabanatang ito ay tatalakayin nang mas
malaliman ang kasaysayan ng ating wika simula sa panahon bago
dumating ang mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon
subalit sa ngayon ay magkakaroon ka ng paunang impormasyon sa
pamamagitan ng timeline ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa
pagkakahirang sa Filipino bilang wikang pambansa.
1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa
iba’ t ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging isang
paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa
Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa
wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa
panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat
maging wikang pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-
Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang
pagiging mahusay sa wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong
nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K.
Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L.
Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Qiiezon ay nagbigay-daan sa
probisyong pangwika na nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:

Page | 27
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon
ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong
wika. Hangga’ t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at
Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika."
Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng
maraming talakayan kung anong wika ang gagamiting batayan sa
pagpili ng wikang pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng
isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
Pangunahing tungkulin nito ang “mag-aaral ng mga diyalekto sa
pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa
balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng
nakararaming Filipino.” Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian,
napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil
ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo
tulad ng sumusunod:

“ang wikang pipiliin ay dapat…


| wika ng sentro ng pamahalaan;
| wika ng sentro ng edukasyon;
| wika ng sentro ng kalakalan; at
| wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na
panitikan."

Page | 28
1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L.
Quezon ang wikang Tagalog upang maging Batayan ng Wikang Pambansa
base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang


Tagapagpaganap B1g.134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na
batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa


Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4,1946 ay ipinahayag
ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng
Batas Komonwelt Bilang 570.

Page | 29
1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.
Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran
Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon.
Sa panahong ito'y higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit
ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at
mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa,
gayundin sa iba’t ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng
diyaryo, telebisyon, radyo, magasin , at komiks. Sa kabila nito ay
marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan
ng wikang pambansa.

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong


Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito
ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973,
Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2:

“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na


magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na
wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan
sa wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunpama’y hindi naisagawa ng

Page | 30
Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng
itinatadhana ng Saligang Batas.
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang
implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na
nagsasabing:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang pambansa upang
maging isa itong wikang nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami
itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at magamit
ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa
hinaharap upang lalo pa tayong magkaintindihan at mapalawig ang
ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay.

LINGGO 2.2: PAG USAPAN NATIN


Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Gumamit ng isang buong
malinis na papel.
1. Bakit kinailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang
pambansang magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino?

Page | 31
2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L.
Quezon ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa? Nararapat baa ng
parangal sa kanya bilang “Ama ng Wikang Pambansa”? Ipaliwanag.
3. Bakit kinailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang
naging pangunahing tungkulin nila?
4. Ano-ano ang naging pamantayan ng mga miyembro ng Surian sa
pagpili ng wikang pambansa?
5. Sa iyong palagay, angkop nga kaya ang Tagalog sa mga pamantayang
ito? Bakit oo o bakit hindi?

LINGGO 2.3: BUOIN NATIN!

Punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayaring


nagbigay -daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang
wikang pambansa. Gawing gabay ang mga petsang
nakalahad sa mga kahon sa unahan. Ang una ay
pinunan na para sa iyo. Kopyahin ang
formatat isulat
Nagkaroon ng
.
sa isangshort bondpaper
Kumbensiyong
Konstitusyonal
kung saan isa sa
mainiting
tinalakay at
piangtalunan ang
pagpili ng wika
ng
pagbabatayan ng
wikang
pambansa.

1935 1946 1972

Page | 32
LINGGO 2.4: MAGAGAWA NATIN!

Iugnay ang mga natutuhang konseptong pangwika sa iyong


sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan sa pamamagitan ng
pagsasagawa sa sumusunod:
1. Sa mga binasang tala ay nabatid mo ang
masalimuot at mahabang proseso ng paghahanap ng wikang
magiging batayan ng ating wikang pambansa. Nang mapili
ang wikang Tagalog ay maraming naging hadlang at
maraming taon ang lumipas bago ito napagtibay. Baon ang
kaisipang ito, sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong
pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang
pambansang Filipino? Maglahad ng limang paraang
sadyang magagawa mo at kaya ring gawin ng kabataang
tulad mo. Gamitin ang espasyo sa ibaba.

▪ ________________________________________________
▪ ________________________________________________
▪ ________________________________________________
▪ ________________________________________________
▪ ________________________________________________
2. Mula sa mga paraang isinulat mo sa bilang 1 ay
natukoy mo ang mga nararapat gawin ng mga Pilipino upang
maipakita ang kanilang pagmamalaki, pagpapahalaga, at
pagmamahal sa ating wikang pambansa Ayon nga kay Dr.
Jose Rizal:
“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig
pa ang hayop at malansang isda.”

Page | 33
Gamitin mo ngayon ang iyong kaalaman sa modernong teknolohiya. Bumuo ka
ng isang makabuluhang Facebook post na hihikayat sa iba lalo na sa mga kapwa
mo kabataan upang gamitin, ipagmalaki, at mahalin ang ating wikang pambansa.
Maaari mo itong lagyan ng naaangkop o kaugnay na larawan upang higit na
makakuha sa atensiyon ng iyong Facebook friends.

PAGPAPATIBAY

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


ANG MGA KONSEPTONG PANGWIKA BATAY SA
ITINADHANA NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF)
Para sa mga Pilipino, ang wikang Filipino ay mabisang kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Ito ay wikang dinadaluyan ng lahat ng maganda, mabuti,
makatao, makabayan, at maka-Diyos na mga kaisipan at saloobin ng ating lahi.
Ito ang wikang behikulo ng kulturang sarili at siyang inaasahang magbubuklod sa
bansa. Sa pamamagitan nito’y maaabot ang masa, maaarok ang kanilang saloobin,
hangarin, at mithiin. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng pamayanan,
sa paghahatid sa bayan ng mga karunungan at kaalaman, at sa pagpapaliwanag sa
sambayanan ng mga ginagawang pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.

BASAHIN NATIN
KONSEPTO NG MGA WIKA NG FILIPINAS
Ang tinatawag na "mga wika ng Filipinas" ay ang iba't ibang
wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan. Hindi tiyak ang bilang
ng mga ito, ngunit may nagsasabing 86 at may nagsasabing 170.
Itinuturing ang bawat isa na wika (language sa lngles) dahil hindi
magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nito na may magkaibang

Page | 34
katutubong wika. Bawat isa sa mga wika ay may mga sanga na tinatawag
na mga diyalekto na maaaring magkaiba sa isa't isa sa ilang katangian.

KONSEPTO NG WIKANG KATUTUBO (Unang


Wika)
Ang itinuturing na "wikang katutubo" ay alinman sa mga wika na
kinamulatan ng isang tao na ang mga magulang ay may angkang katutubo
sa Pilipinas. Kabilang sa wikang katutubo ang mga pangunahing wika gaya
ng
Tagalog o Waray o ang maliliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Ito rin ang
tinatawag na “unang wika” ng isang tao-ang kinagisnan niyang wika sa
pamayanang kinalakihan niya.
Maganda ring isaalang-alang ang dépinisyon sa "Philippine Languages"
(na maaaring ituring na Salin sa Ingles ng "mga wika ng Pilipinas”) sa
Republic
Act No. 7104 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang nakasaad
sa Seksiyon 3 ng naturang batas, “(d) Philippine Languages refer to the
indigenous languages of the Philippines including the national language
and the regional and local languages." Ibinibilang ng batas sa “mga
katutubong wika” (indigenous languages) ang Wikang Pambansa (the
national language). Ipinagpapalagay na ang pagbibilang na ito ay dahil sa
pangyayaring ibinatay ang wikang Pambansa sa isang katutubong wika-
ang Tagalog-alinsunod sa alas ng Konstitusyon ng 1935. Anupa‘t umunlad
man ang Filipino bilang wikang Pambansa ay hindi nawawala ang
katangian nito bilang isang wikang katutubo.
Ang karaniwang katwiran sa pagkategorya ng wika bilang
"pangunahing wika" ay: (1) may malaking bilang ito ng tagapagsalita,
karaniwang umaabot sa isang milyo ang tagapagsalita o (2) may

Page | 35
mahalagang tungkulin ito sa bansa bilang wika ng pagtuturo, bilang
wikang opisyal, o bilang wikang pambansa.

KONSEPTO NG WIKANG PANTURO


Ang wikang panturo bilang opisyal na gamit sa pormal na
edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa
pagtuturo sa silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng
edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay
monolingguwal. Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo-ang wikang
lngles.
Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang
panturo sa panahong Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging
guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa
isang sirkular noong Mayo 3, 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador
ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang
regular na asignatura sa lkaapat na Taon sa paaralang sekondarya.
Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa
elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit
ng Wikang Pambansa bilang wikang panturo.

KONSEPTO NG WIKANG PANTULONG


Karaniwang salin ang wikang pantulong ng auxiliary language sa
Ingles. Ang auxiliary ay may pakahulugang "dagdag na tulong o suporta.”
Ang wikang pantulong, samakatwid, ay wika na ginagamit para sa higit na
pagkakaintindihan ng dalawa o mahigit pang nag-uusap. Sa edukasyon,

Page | 36
tumutukoy ito sa wika na higit na alam ng mga mag-aaral sa loob ng silid-
aralan kaysa opisyal na wikang panturo kaya maaaring gamitin ng guro
upang higit siyang maintindihan ng kanyang mga tinuturuan.
Dahil multilingguwal ang Pilipinas, napakahalaga ng paggamit ng
wikang pantulong para sa higit na epektibong pagtuturo sa mga pook na
ikalawang wika lamang ang wikang panturo. Bagaman walang opisyal na
atas, ginagawa ito noon pang mga guro sa mga pook na di Tagalog. Sa
Cebu, halimbawa, ay ginagamit na wikang pantulong.sa pagtuturo ang
Sebwano; sa Vigan, ang Ilokano; sa Benguet, ang Ibaloy; at sa Marawi,
ang Méranaw.
Ang paggamit ng wikang pantulong, lalo na sa antas elementarya,
ay ipinahihintulot mismo ng 1987 Konstitusyon. Alinsunod sa ikalawang
pangungusap ng Artikulo XIV, Seksiyon 7: "Ang mga wikang rehiyonal
ay ang mga opisyal na wikang pantulong sa mga rehiyon at magsisilbing
mga wikang pantulong sa pagtuturo sa naturang mga pook." Kung
tutuosin, ang kasalukuyang MTB-MLE ay maaaring ituring na pagtupad
sa isinasaad ng siniping probisyon mula sa Konstitusyon ng 1987.
Pinalawak lamang ng MTB-MLE ang aplikasyon. Unang-una, dahil hindi
lamang mga wikang rehiyonal ang ipinagagamit sa mga klaseng K
hanggang 3 kundi ang lahat ng mga wikang katutubo ng bansa. Ikalawa,
binigyan ng panahon ang mga bagong mag-aaral na danasin ang pag-aaral
gamit ang kanilang unang wika sa tahanan.

KONSEPTO NG WIKANG PAMBANSA


Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa
mundo na binubuo ng sambayanang may iba-ibang nasyon at iba-ibang
wikang katutubo. ltinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa
pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang layunin sa pagkakaroon ng isang

Page | 37
wikang pambansa ay ang mabilis na pagkakaunawaan at ang pagsibol ng
damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayan na may iba-ibang wikang
katutubo. Katulong ito ng isang pambansang watawat, pambansang awit,
at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang
pamahalaan.
Malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng
dominante at/o pinakamaraming pangkat. Maaaring maging dominante
ang wika ng isang pangkat na gumanap ng pangunahing tungkulin sa
kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ding maging dominante ang wika
sa pook na sentro ng komersiyo, edukasyon, kultura, at gawaing
pampolitika. Sa ganitong paraan lumitaw na wikang pambansa ng France
ang wika ng Paris, ng Great Britain ang wika ng London, ng China ang
wika ng Beijing, ng Espana ang wika ng Castilla, ng Russia ang wika ng
Moskba, at ng marami pang bansa.
Maraming bansa sa Africa at sa Timog America ang nagpanatili sa
wika ng kaniiang mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol ang
wikang pambansa ng Mexico, Cuba, Bolivia, Argentina, Chile, at iba pang
bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa sumakop na Espanya.
Portuges ang wikang pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng Portugal.
Pranses ang wikang pambansa sa Algeria. Ingles ang wikang pambansa ng
South Africa. Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi
pinanatili ng Indonesia ang Dutch, katulad ng hindi pagpapanatili ng
Malaysia sa Ingles, at tulad ng Pilipinas ay pinili ang pagbuo ng
katutubong wikang pambansa.

Page | 38
LINGGO 2.5: PAGSULAT

Bumuo ng sariling katuturan o kahulugan ng Wikang Filipino.


Ang talata ay dapat hindi bababa sa sampung pangungusap.
Isulat sa isang buong malinis na papel.

Ang Wikang Filipino ay __________________________________


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

LINGGO 2.6: ISABUHAY MO NA

Makipanayam sa isang Cebuano, Bicolano, Waray, at Ilonggo. Tanungin


sila kung paano ipinahayag sa kanilang katutubong wika ang mga
sumusunod na mga pahayag. Pagkatapos, suriin kung may mga
pagkakataong nagkakatulad ang mga salita sa kanilang mga wika. Gamitin
ang isang buong malinis na papel sa pagsagot.

Page | 39
Mga Pahayag Cebuano Bicolano Waray Ilonggo
Saan ka
patutungo?
Masarap sa
pakiramdam
ang mag-
mahal.
Magaganda
ang mga
tanawin.
Mag-ingat ka
sa iyong
pupuntahan.
Kumain ka
ng marami.

BILINGGUWALISMO AT
MULTILINGGUWALISMO

BILINGGUWALISMO
Ang pagiging bilingguwal ay ang kakayahan ng isang taong magsalita ng
higit sa isang wika or lenguwahe. Kadalasan, ang mga Pilipino ay mga
bilingguwal na mula sa maagang edad. Eto ay dahil ang Filipino at Ingles ay

Page | 40
parehong ginagamit bilang opisyal na wikang panturo sa Pilipinas. Bukod rito,
dahil sinakop rin ang Pilipinas ng mga Kano, marami sa kanilang kultura ang
nakuha natin, isa na rin dito ang kanilang wika. Samantala, ang mga Pinoy na
naninirahan sa Visayas at Mindanao ay higit pa sa mga bilingguwal. Hindi
lamang Filipino at Ingles ang itinuturo sa mga paaralan sa Visayas at Mindanao.
Mayroon rin kasing iba’t-ibang diyalekto ang bawat pulos sa Pilipinas. Kaya
naman, hindi lamang Tagalog at Ingles ang kanilang maiintindihan.

Ngunit, may mga taong hindi lamang magaling sa Filipino at ang mga diyalekto
nito. Ang mga taong katulad ni Dr. Jose Rizal ay isa sa mga tinatawag na
“polymath”. Sila ay mga taong may malawak na kaalaman sa maraming mga
kapaksaan. Isa na rito ang Linguwahe.

MULTILINGGUWALISMO
Ang multilingguwalismo ay ang pagkakaroon ng natural na kasanayan at
kahusayan sa paggamit ng higit pa sa dalawang wika. Kinikilala rin sa larangan
ng edukasyon sa ating bansa ang multilingguwalismo bilang patakarang
pangedukasyon dahil sa ating karanasang pangkasaysayan at sa likas na pagiging
mayaman ng ating bansa sa iba-ibang wika at kuItura.
Kung ang bilingguwalismo ay nauukol sa paglinang sa kahusayan ng
mga mamamayan ng isang bansa sa dalawang wika, tulad ng Pilipinas, ano
naman ang konsepto ng multilingguwalismo? Ito ay patakarang pangwika kung
saan nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang katutubo bilang
pangunahing midyum sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama't hindi
kinalilimutan ang wikang global bilang mahalagang wikang panlahat. Layunin
nitong pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo at/o wika ng tahanan
(unang wika) bilang pangunahing wika ng pagkatuto at pagtuturo mula sa una

Page | 41
hanggang ikatlong baitang sa elementarya, susundan ito ng Filipino o ng wikang
pambansa bago simulan ang pagtuturo sa wikang Ingles. Samakatwid.
kinakailangang maging bihasa muna ang isang bata sa kanyang unang wika, sa
pangalawang wika, at kung mayroon pa, ikatlong wika upang maituring siyang
multilingguwal.

LINGGO 2.7: PANGWAKAS NA GAWAIN


Panayam ni maring Winnie kay Mayor Vico Sotto!
https://www.youtube.com/watch?v=lFa2FDaj0jA

1. Anong uri ng wika ang ginagamit nina Mayor Vico Sotto at Maring
Winnie? Paano mo masasabi na Monolinngwal, Bilinggwal, o
Multilinggawal ang paraan ng kanilang pananalita?

2. Angkop ba ang ginagamit ng host at ng bisita ilarawan ang paraan ng


pananalita.

Aralin 2: Gamit ng Wika sa Lipunan


“Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa pagkakaisa at
pagkakaunawaan.”

PAGPAPALALIM NA GAWAIN

Page | 42
Sa araling ito ay magsasaliksik ka ng mga halimbawang sitwasyong
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.

LAYUNIN:

Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sap ag-


unawa sa mga konseptong pangwika.
Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng
wika sa lipunan.
Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
pelikula.
Naipapaliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng mga pagbibigay ng halimbawa.

LINGGO 3.1: LUNSARANG GAWAIN

Kilala mo ba si Tarzan?
MGA KATANGIAN NI PARAAN NG
TARZAN PAKIKIPAG USAP NI
TARZAN

Page | 43
Kung kilala mo siya, isulat mo sa kahon sa ibaba ang mga katangian
niyang hindi mo malilimutan. Sa kabilang kahon naman ay ang
paraan ng kanyang pakikipag-usap.

Sa mga hindi nakakikilala kay Tarzan, isa siyang tauhan sa kuwento


na naulila sa gubat habang sanggol pa lamang. Pinalaki siya ng mga
unggoy na nakapulot sa kanya at dahil hindi nagsasalita ang mga
unggoy ay lumaki si Trazan na mga tunog ng hayop ang ginagamit
sa pakikipag-ugnayan sa mga unggoy at maging sa iba pang mga
hayop sa gubat. Hanggang may dumating na mga tao sa gubat at dito
niya unti-unting natutuhan ang paggamit ng wika.
• Nagkakaintindihan ba si Trazan at ang mga hayop sa gubat?
Bakit?
• Batay sa kuwento ni Tarzan, nakikita mo ba ang kahalagahan
ng wika?
• Kapag ang isang lipunan ay may iba’t ibang wikang
ginagamit, nagkakaunawaan baa ng mga naninirahan dito? Sa
paanong paraan?

Page | 44
PAG-AARAL
Tinatawag na Lingua Franca
ang wikang ginagamit ng mas
nakakararami sa isang
lipunan. Ito ang wikang
ginagamit upang lubos na
magkaunawaan ang mga
namumuhay sa isang
komunidad. Sa Pilipinas,
itinuturing na Flipino ang
lingua Franca. Batay sa pag-
aaral na isinagawa ng
Unibersidad ng Ateneo sa
Manila noong 1989, napatunayan na ang Filipino ay isa nang ganap
na lingua franca. Sa Pilipinas, 92% ang nakauunawa ng Filipino,
51% ang nakauunawa ng Ingles, at 41% ang nakauunawa ng
Cebuano

BASAHIN NATIN
Ang Wika at ang Lipunan
Ayon kay Josefina Mangahis (2008), mahalagang instrumento
sa pakikipagkomunikasyon ang wika. Nag-uugat ang tungkulin nito

Page | 45
sa umiral na sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng
paniniwala, tradisyon, pag-uugali, at kung paano nakikisalamuha
ang mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan.
Ayon sa pahayag ng isang functionalist na si Ferdinand de
Saussure, higit na kailangang pagtuonan ng pansin ang anyo at
paraan ng wika ginagamit ng isang nagsasalita sa halip na ang
kahulugan salita. Karamihan sa mga gumagamit ng wika ang higit
na nagbibigay pansin sa kahulugan sa halip na sa anyo kung paano
ipinahayag ang wikang ginagamit, ngunit sa katunayan, ang
kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay nababatay sa anyo at paraan
ng pagsasalita.
Ayon pa kay Saussure, sa paggamit ng wika, kailangang
maikintal sa isipan ng ang bawat salitang ginagamit ay makabuluhan
at magkakaugnay. Sinumang gumagamit ng wika ay nakababatid na
may kaalaman siya sa wikang ginagamit ng kanyang kausap
sapagkat na pag uugnay-ugnay nito ang maayos ang bawat salita
upang mabuo ang kaisipan at ang diwa pangungusap.

PAGPAPALAWAK
Nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook.
Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na
ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at
nakikipagtalastasan sa bawat isa.

Page | 46
Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakailanlan sa
pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang
lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan sa
pagsasalita na nagpapakita ng kanyang pagkakaiba sa iba pang tao.
Bawat tao ay may sariling katangian, kakayahan, at kaalamang hindi
maaring katulad ng iba.

LINGGO 3.2: PAG-USAPAN NATIN


Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa isang buong
malinis na papel.

1. Bakit madalas ay hindi natin napapasinang kahalagahan ng


wika sa ating buhay?
2. Ano ang papel o mga papel na ginagampanan ng wika sa
lipunan?
3. Ayon kay Durkheim, ano raw ang mga katangian ng mga
taong bumubuo sa isang lipunan?
4. Ano ang mga tungkulin ng wika na tinukoy ni W.P. Robinson
sa kanyang aklat?
5. Ano ang kailangang malaman ng mga gumagamit ng wika sa
pakikipagkapwa?

Page | 47
6. Sa paanong paraan napagbubuklod at napag-iisa ng wika ang
isang lipunan? Ipaliwanag ang sagot.
7. Ano ang higit na kailangan pagtuonan ng pansin ayon kay
Ferdinand de Saussure?
8. Ayon kay Josefina Mangahis et al., saan ibinatay ang umiiral
na sistema na nag-uugat sa tungkulin ng wika?
9. Ano ang ibig sabihin ng lingua franca?
10. Anong wika ang napatunayan sa pag-aaral ng Unibersidad ng
Ateneo sa Manila noong 1989 na siyang gamitin o
nauunawaan ng halos 92% mamamayan sa Pilipinas?

BASAHIN NATIN
Gamit ng Wika sa Lipunan
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang
ehemplong magpapatunay rito ang kuwento ni Tarzan. Mga tunog
ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang wika ng mga
kasama niyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa
ibang tao ay mahihirapang matutong magsalita dahil wala naman
siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang
komunidad na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan
sa iba, ay hindi matututo ng ginagamit nilang wika. Kung gayon, ang
isang taong hindi nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha sa isang

Page | 48
komunidad ay hindi matututong magsalita sa paraan kung paano
nagsasalita ang mga naninirahan sa komunidad na iyon. Sadyang
ang wika nga ay isang sistema ng pakikipagugnayan na nagbubuklod
sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahahalagang gamit nito sa
lipunan.

UNAWAIN NATIN
Sa mga unang taon ng paglaki ng bata, unti-unti niyang
natutuhan ang wikang gingamait ng kanyang magulang at iba pang
taong nakakasalamuha niya sa lipunang kanyang ginagalawan.
Mahalagang punto ito sa paglaki ng bata sapagkat dito niya
nalilinang ang kanyang mga katangian. Ginagamit niya ang wika
upang matugunan niya ang mga pangangailangang pisikal,
emosyonal, at sosyal.
Sa panahon ng patuloy na paglaki ng bata, patuloy niyang
natututuhan ang wikang ginagamit sa lipunang kanyang
ginagalawan. Mahalagang aspekto ito sa pagtuklas niya ng iba pa
niyang pangangailangan upang maayos na makisalamuha sa
lipunang kinabibilangan niya. Ginagamit niya ang wika upang
maipakita niya ang mga kakayahang mayroon siya upang
magampanan ang mga tungkulin niya bilang isang indibidwal na
bahagi ng higit pang mas malaking lipunan.

Page | 49
ALAMIN NATIN
Marami-rami na rin ang nagtangkang i-
kategorya ang mga tungkulin ng wika batay
sa gampanin nito sa ating buhay, isa na rito si
M.A.K. Haliliday na naglahad sa pitong
tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang
aklat na Explorations in the Functions of
Language Study (1973).
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa
taguri na M.A.K. Halliday ay isang bantog na iskolar mula sa
Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang pananaw na ang
wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag
niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng
wika, ang systematic functional linguistics.

PAGTUKLAS
ANG PITONG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN M.A.K.
HALLIDAY

1. INSTRUMENTAL/PANG-INSTRUMENTAL

Page | 50
Ito ang gamit ng wika upang matugunan ang mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-usap sa iba lalo na
kung may mga katanungan na kailangang sagutin; nagpapakita ng
patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at
halaga ng produkto; paggawa ng lihampangangalakal; liham sa
patnugot, at iba pa.
Basahin ang halimbawang teksto sa ibaba na tumutugon sa gamit
instrumental ng wika.

Sinasabing ang liham ay isang daan para sa maayps na


pakikipagtalastasan bagama’t malayo na ang narrating ng
teknolohiya dahil sa e-mail, fax, at iba pang mabilis na midyum
ng pakikipag-ugnayan, nananatili ang liham bilang pinakagamitin
pa ring paraan. Sa isang liham na nagsasaad ang iniisip at
niloloob ng isang nagsusulat.
Isang uri ng liham ang liham-pangangalakal. Ito ang uri ng
liham hinggil sa pag-aaplay ng trabaho, paghiling sa isang
bagay, pag-order ng kagamitan, pagpaparating ng karaingan,
pagbibigay ng ulat, at iba pang kauri nito.
Narito ang dalawang halimbaa ng uri ng liham na ito.

LIHAM-KAHILINGAN

Page | 51
Enero 23, 2016
405 Miguelin St.
Sampaloc, Maynila

G. Jun Dela Cruz


Punong Barangay
Barangay 27, Zone 9

Ginoo,
Karamihan po sa mga kabataan sa aming pook ay hindi na
nagsisispag-aral. Sila po ay nahinto dahil sa suliraning pinansiyal. Hindi na
po sila kayang tustusan ng kanilang mga magulang.
Nasasayang ang kanilang mga angking talino at kakayahan na
maaari nilang maibahagi sa kanilang kapwa kung makatapos lamang sila ng
pag-aaral. Nakipag-ugnayan na po kami sa Department of Education upang
mabigyan nsila ng pagkakataon sa pamamagitan ng programang Alternative
Learning System.
Kung maaari po sana ay magkaroon ng study center para sa mga
kabataang ito. Maaari po bang i-convert ang isang bahagi ng ating
multipurpose hall upang maging isang study center? Umaasa po kami na
matutugunan ninyo ang aming kahilingan.

Umaasa,

Page | 52
JERICHO PASCUAL
Pangulo
Sinag-Aral Youth Group

LIHAM NA NAG-UULAT

Enero 15, 2016


Director Alma Suarez
Cooperative Home Development Fund

Dr. Suarez,
Nais po naming iulat sa inyo ang mga nagawa ng ating kooperatiba
para sa taong 2015.
Sa bago at pinalakas na programang pabahay natin, dumami pa ang
mga bagong miyembro at mga nakinabang sa ating programa.
Higit na marami ang nag-avail ng housing loan. Mula 500 housing
units noong 2014, higit na dumami ito nang 15% at umabot ng kabuoang
750 ang mga unit na nabili o naipagawa sa tulong ng ating kooperatiba na
umabot sa halagang 8 milyong piso.

Page | 53
Gayunpaman, bumuti rin ang koleksiyon para sa housing loan dahil
na rin sa maayos na pamamalakad ng ating mga tauhan.
Para sa ikauunlad ng bayan, maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

G. JOEL SAN DIEGO


Finance and Administrative Head

2. REGULATORYO/PANREGULATORI
Tumutukoy ito sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
Saklaw ng gamit na ito ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng
pagtuturo kung saan matatagpuan ang isang particular na lugar;
direksiyon sa pag-inom ng gamot; direksiyon sa pagsagot sa
pagsususlit; at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay.
Halimbawa rin ng gamit panregulatori ang mga instruksiyon sa mga
artistang gumaganap sa drama sapagkat kontrolado ng iskrip ang
kanilang mga kilos at galaw.
Ngayon naman, basahin at suriin ang halimbawang teksto na
nagsasaad ng gamit panregulatori ng wika.

Page | 54
Pano Magagamit Muli ang Basura?
KAPANSIN-PANSIN ang mga basurang nagkalat sa
kapaligiran. Tinatayang sa Metro Manila lamang ay umabot na sa
4,000 tonelada ang basurang nahahakot araw-araw. Paano pa ang
mga basurang nagkalat sa ibang lugar sa bansa.
Batid nating hindi kaaya-aya sa paningin ang mga basurang
nagkalat sa ating paligid. Nagsisilbi rin itong lugar o breeding place
sa mag organismong nagdadala ng sakit sa tao.
Bilang tugon sa suliraning ito, kinakailangan nating matutuan
ang wastong pagreresiklo ng basura.
Una, paghiwalayin ang mga basurang nabubulok at di
nabubulok.
Ikalawa, ang mga basurang nabubulok ay tinatawag na
biodegradable. Dumadaan ang mga ito sa pagbabago sa
pamamagitan ng decomposers. Makipag-ugnayan sa inyong
barangay upang malaman kung may lugar sa inyong munisipalidad
para sa prosesong ito. Maaari ring pag-aralan ang paglikha ng isang
compost pit upang mapakinabangan pa sa paghahalaman ang
produkto ng proseso.
Ikatlo, ang mga basurang di nabubulok ay tinatawag namang
nonbiodegradables. Ito naman ang pinaniniwalaang labis na
nakapipinsala sa ating kapaligiran dahil nakababara sa daluyan ng
tubig.

Page | 55
Narito ang ilang halimbawa ng pagresiklo ng basura:
➢ Ang mga basyon bote ay maaaring gawing plorera o pandekorasyon sa
bahay lalo na ang mga bote ng pabango.
➢ Ang mga styrofoam ay maaaring tunawin at gawing pandikit na tulad ng
rugby.
➢ Ang mga lata ay maaaring gawing lalagyan muli ng maliliit na bagay
tulad ng tornilyo, pako, at iba pa.
➢ Ang mga tuyong dahoon sa mga halamanan ay maaaring ibaon sa lupa
upang maging compost.
Samakatwid, napakarami nating magagawang hakbang upang ang mga
basura ay mapakinabangan sa halip na maging malaking suliraninng
bayan. Kailangan lamang ay ang dedikasyon natin at disiplina upang
magkaroon ito ng kabuluhan.

3. INTERAKSIYONAL/PANG-INTERAKSIYONAL
Ang gamit na ito ay makikita sa paraan ng
pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan;
pakikipagtalo tugkol sa partikular na isyu; pagsasalaysay ng
malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o
kapalagayang loob; paggawa ng liham-pangkaibigan, at iba pa.
Basahin at suriin ang teksto.

Page | 56
Ang Buhay-High School
BUHAY-HIGH SCHOOL. Marahil ay ito na ang
pinakamakulay na yugto ng ating buhay. Bakit nga naman hindi? Ito
ang panahon na walang tigil na halakhakan at kuwentuhan ng
magkakaklase. Ito rin ang panahon ng pagbubuo ng mga alaalang
hinding-hindi kailanman malilimutan.
Sa loob ng apat na taon ay natuto tayong umasa sa sarili nating
kakayahan at tumayo sa sarili nating mga paa ngunit naroon pa rin
ang ating kamusmusan. Naroon ang masasayang tagumpay sa mga
pagsubok na dumating sa tinatahak nating landas. Subalit marami pa
rin ang ating pagkatalo na nagdulot sa atin ng matinding kabiguan.
Dito rin ay namulat tayo sa katotohanang ang buhay ay hindi
laging makatarungan. Nagising tayo sa katotohanang kailangan
muna nating madapa upang matutong bumangon at lumakad tungo
sa ating kapalaran.
Ngayon, ang di maiiwasan ay narito na – ang pagtatapos.
Hindi natin maiwasan ang lumingon pabalik sa ating pinagdaanan.
Sa daang iyon ay kasakasama natin ang ating mga kaibigan – mga
tunay na kaibigan na nakilala natin sa high school. Siyempre, hindi
rin natin malilimutan ang mga gurong naging pangalawang
magulang natin sa paaralan. Ang kanilang mga gintong pangaral ang
naging gabay natin sa ating paglalakbay patungo sa karagatan ng
karunungan.

Page | 57
Magkahalong saya at lungkot ang madadama natin sa araw ng
ating pagtatapos. Saya sa dahilang nagbunga na rin sa wakas ang
apat na taong pagsusunog ng kilay at lungkot din naman, sa dahilang
magkakanya-kanya na tayo at hindi na natin matitiyak kung kalian
pa muling magsasalubong ang ating mga landas.
Para sa kapwa kong magsisipagtapos, huwag na huwag nating
kalilimutan ang tahanan ng ating karunungan – ang paaralan. At
hindi sa pagtatapos magwawakas ang lahat. Manapa ay simula
lamang ito ng higit na mapaghamong buhay na naghihintay sa atin.

4. PERSONAL/PAMPERSONAL
Naipahahayag sa gamit na ito ang sariling pala-palagay o kuro-
kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng
talaarawan o journal. Dito rin naipahahayag ang pagpapahalaga sa
anomang anyo ng panitikan.
Basahin at suriin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang
mga gabay na tanong.
Panganib sa Paglalakbay
MAY ISANG MALAKING bagay na maaaring hindi kapuna-
puna bilang sakripisyo subalit patuloy pa ring tinitiis araw-araw ng
mga taong nasa malalaking lungsod sa ating bansa; ang paglalakbay.

Page | 58
Ang pagpaparoo’t parito ng isang karaniwang mamamayan sa
kanyang pupuntahan ay mabibilang na rin sa panganib na nakaamba
sa kanyang buhay at kalusugan.
Sa humigit-kumulang sa isang iras na nasa kakye ang isang
manggagawa o mag-aaral papasok sa trabaho o paaralan – at isang
oras ding pauwi ng bahay – ay nahahantad siya: una, sa mga
sasakyang pinakakaripas ng mga motoristang tila walang
pagpipitagan sa buhay ng mga taong naglalakad; ikalawa, sa
nakalalasong usok-tambutso na kanyang hinihinga; ikatlo, sa
nakalalasong usok-sigarilyo mula sa mga kapwa pasahero; ikaapat,
sa mga sari-saring mandurukot, manggagantso, mandarambong na
naglipana sa paligid; at ikalima, sa mga nakangangang butas at lubak
sa kanyang dinaraanan sanhi ng kapabayaan ng mga namamahala sa
walang katapusang paghuhukay sa ating kalye.
Nakadaragdag pa sa paghihirap na ito ng katawan ay ang
pamimigat ng loob ng maaaring madama niya sa pagkakapuna sa
paghihirap ng kapwa; ang pagdarahop na namamalas sa mga
pulubing nagkalat sa paligid, ang di pagbibigayan sa trapiko ng mga
nagmamaneho ng saksakyan, ang walang patumanggang paglabag sa
batas-trapiko ng mga tsuper, abg kakulangan ng disiplina ng mga
pasahero, at iba pa. Lalabas ka sa bahay na bagong ligo at preskong-
presko ngunit ang mga ito ang madaraanan mo, sa araw-araw na
tayo ay naglalakbay. Anupa’t hindi ka pa nakararating sa iyong

Page | 59
patutunguhan para ka nang lantang gulay sa pagod dahil sa kaiiwas
sa kapahamakan.
Ang paghihirap na ito ng isang ‘manlalakbay’ ay hindi
maituturing na panganib lalo na sa manggagawa kaya hindi sakop ng
insurance at di kasali sa hazard pay. Sa mga mag-aaral ay panganib
din ito. Napakarami nang nagrereklamo tungkol dito, subalita may
nakikinig ba?
Sa mga panganib na nabanggit, may isa pang maaaring
nakalilimutan natin ngunit siyang may pinakamalaking ambag sa
maraming kapahamakang nagaganap minu-minuto; ang ating
pagsasawalang bahala.

5. HEURISTIKO/PANGHEURISTIKO
Ang gamit na ito ay tumutukoy sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kabilang
dito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na
kailangan sa paksang pinag-aaralan; pakikinig sa radyo; panonood sa
telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan at mga aklat. Nakakakuha
tayo ng mga impormasyon sa mga nabanggit na sanggunian.
Basahin at suriin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang
mga gabay na tanong.

Page | 60
Lason Mula sa Lupa at Halaman
Maraming bakas ng metal pollutants ang nakita sa lupa at
halaman sa maraming bahagi ng Luzon.
Sa Pilipinas, lalo na sa Maynila at mga karatig na lugar,
nagiging malaking banta sa kalusugan ng mga tao ang gayong
pollutants ayon sa Bureau of Soils and Water Management
(BSWM).
Ang heavy metals na ito ay nakuha mula sa mga ugat at dahon
ng mga halaman. Ang mga elementong ito ay nakalalason sa ibang
halaman at kapag nasalin sa tao o hayop, kahit sa mababang
kosentrasyon lamang ay maaaring makapagdulot ng masamang
epekto. Ito ay batay sa ilang soil samples na nakuha mula sa Metro
Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan.
Bukod sa pinag-aralan ang gulay at halamang damo mula sa
mga nabanggit na lugar, sinuri din ang ilang water samples na
nakuha sa katabing ilog at irigasyon.
Patunay rin sa ilang presensya ng metal pollutants ang mga
nakuha tulad ng lead, cadmium, nickel, at copper. Ang mga
halamang madalas makunan ng bakas ng heavy metals ay ang
spinach (lead at nickel), pechay, mustasa, at bayabas (lead), pakwan
(cadmium), kamatis (cadmium at copper), sambong (copper), at ang
sitaw (nickel).

Page | 61
Ang heavy metals ay maaaring manggaling sa hangin,
agricultural chemicals tulad ng pestisidyo at abono, at dumi mula sa
mga industriya at pabrika.
Ayon pa rin sa pananaliksik, ang zinc, isa pang uri ng metal na
natatagpuan sa lupa ay karaniwang mas mataas sa normal value nito
na 50 part per million (ppm) ngunit mababa sa hanggang 300 ppm.

6. IMPORMATIBO/PANG-IMPORMATIBO
Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga impormasyon sa
paraang pasalita o pasulat. Kabilang dito ang ulat, pamanahong
papel, tesis, disertasyon, panayam, at pagtuturo sa klase.
Basahin at suriin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang
mga gabay na tanong.
Pula, Puti, Bughaw: Sagisag ng Kalayaan
Kapag nakikita mo ang ating watawat habang ito ay itinataas,
ano ang iyong nararamdaman? Ano ang iyong naiisip? Kilala mo ba
ang iyong watawat? Alam mo ba ang kahulugan ng iba’t ibang
bahagi nito?
Ang watawat o bandila na marahil ang pinakamahalagang
simbolo ng pagpupunyagi at pag-unlad ng isang grupo,
organisasyon, o bansa. Noon, ang bandila ay ginagamit lamang
bilang pagpapatunay na ang isang lugar o kaharian ay nalipol at

Page | 62
naangkin ng kalaban. Iyan ang nangyari sa Pilipinas noong kaharian
ng Jolo ay nangibabaw sa kalakhan ng Borneo, Malaysia, at
Indonesia.
Sa paglipas ng panahon at sa gitna ng pagbabago, nagkaroon na
rin ng bagong pananaw ang watawat. Ginamit na rin itong simbolo
ng pagsulong ng isang paniniwala o ideolohiya. Isang pulang bandila
(na may KKK sa gitna) ang tanging simbolo ng katapangan ng mga
Katipunero at kagitingan ni Gat. Andres Bonifacio.
Ang unang bandila ng Pilipinas ay nabuo sa isip ni Hen. Emilio
Aguinaldo noong siya ay nadistiyero (exiled) sa Hong Kong noong
1897. Una itong iwinagayway bilang tanda ng pagiging isang
malayang bansa ng Pilipinas sa balkonahe ng kanyang lumang bahay
sa Kawit, Cavite, noong ika-12 ng Hunyo 1898. Mahigit isang daang
taon na ang nakararaan, ang watawat na yaon ang naging tanging
saksi sa kasiyahan ng mga Pilipino pagkatapos ng ilang taong
paghihirap at pakikibaka. Habang sumasayaw sa hangin ang
bandilang ito, itinaas naman ng mga Pilipino ang kanilang mga itak
at gulok bilang pagpupugay sa kanilang lakas at pag-ibig sa bayan
na kanilang ipinaglaban.
Ang bandilang nakikita natin ngayon sa ating paaralan,
pagawaan, sasakyan, at iba pang mga lugar ay iba-iba sa bandila ng
mga Katipunero maliban sa “araw” na makikita pa rin sa watawat
natin ngayon. Ang tatlong kulay nito- pula, puti, at bughaw- ay
isinunod pa rin sa disenyong nilikha ni Hen. Gregorio del Pilar. Ang

Page | 63
tatlong letrang “K” ay pinalitan ng tatlong bituin na kumakatawan sa
“Luzon, Visayas, at Mindanao.” Ang walong sinag ng araw ay
sumasagisag sa walang lugar na nagpasimuno ng paghihimagsik
laban sa mga Espanyol: Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas,
Laguna, Cavite, Tarlac, at Bulacan.
Ngayon nauunawaan mon a ang pinakamahalagang sagisag ng
ating pagbangon mula sa kanalugmukang kahirapan ng ating
pinakamamahal na bayan, tanungin mo ang iyong sarili: kailan ka ba
huling nagbigay-pugay rito? Kailan ka ba huling tumayo, huminto sa
paglalakad, at nagpatong ng iyong kanang kamay sa iyong dibdib
habang umaawit ng ating pambansang awit? Kailan mo ba ito huling
tiningala? Kailan mo ba ito huling pinahalagahan?
… ang watawat na iyon ang naging tanging saksi sa kasiyahan ng mga
Pilipino pagkatapos ng ilang taong paghihirap at pakikibaka.

7. IMAHINASYON/PANG-IMAHINASYON

Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasalita o


pasulat. Karaniwang mababasa ang imahinasyong nilikha ng isang tao sa mga
akdang pampanitikan gaya ng tula, malikhaing kwento, dula, nobela, at
sanaysay. Dito ay magagamit ang mga tayutay, idyoma, sagisag, at simbolismo.
Makikita ang pagiging malikhain ng isang tao sa pagsasalaysay man o
paglalarawan at pagsasalita sa paraang ito. Basahin at suriin ang teksto sa ibaba.

Page | 64
Ako Ba Ay Filipino?
ni Dr. Servillano T. Marquez Jr.
Pilipino nga ba ako? (Filipino o Pilipino, pasensya na, hindi ako sigurado). Ako
si Jean Claude Vincent Pacacac (pero bakit ba ganito ang pangalang ibinigay sa
akin ng nanay at tatay ko? – tunog Amerikano).
Nagsimula akong uminom ng gatas. Imported pa nga eh! (Pero bakit hindi gatas
ni Nanay?) Syempre, para daw pumuti ang balat kong kayumanggi, At maging
blonde ang itim kong buhok.
Limang taon ako nang mag-enjoy sa istorya ni Superman At talagang bumilib
kay Captain Amerika, Batman, at Robin. Kinagiliwan si Harry Potter. Hindi
man lamang napansin ang kuwento ni Malakas at ni Maganda.
Lumaki ako, nagkaisip, at nag-aral Natuto akong bumasa at sumulat Subalit
English, Naku! Kay hirap!
Tinuruan din akong tumula at umawit Ganito yata iyon: A is for eypol B is for
boy C is for ket (Oops… oops… wala namang eypol sa Pilipinas)
Red, white, ang blue Stars over you (teka, US flag iyon ah) Mama said, Papa
said (dapat nanay at tatay) I love you!
Teka mayroon pa Naaalala ko si Gng. Mayumi Smith Yung guro ko sa HEKASI
Tama siya nga.
Saan matatagpuan ang pinakamaliit na isda?
Saan makikita ang maliit na usa?
Saan matatagpuan ang maliit na bulkan?

Page | 65
Sabay-sabay pa kaming sasagot sa Pilipinas! Paano ko naman maipagmamalaki
na ako ay Pilipino Kung lagi na lamang itinatanim sa isip ko’y Puro maliit,
Lahat ng mahihina.
Bakit pag si Uncle Sam ang pinag-uusapan Laging makapangyarihan, Bakit pag
si Juan Dela Cruz, Parating napapailalim?
Nakarating ko sa high school Natuto akong maglakwatsa Natuto akong
magbulakbol Lagi kaming nanonood ng sine Marami akong natutuhang English
Tulad ng: Goddemit! Son of a ****! Son of a gun! Marami pa ‘yan. Hindi ko
alam, minumura na pala ako.
Lumipas ang panahon, heto ako, Malasadong (F) Pilipino Ngunit namulat ako’t
nagising Nalaman ko na kung paano niloko (?) Ng mga Amerikano Ang mga Pilipino.

Subalit alam ko Hindi pa huli ang lahat Maaari pa akong magnago Ngayon,
magsisimula ang lahat… Dito ako magbabago (o mababago).

LINGGO 4.1: SURIIN MO NA


Sa isang buong papel, isulat ang sagot sa mga katanungan.

1.Isa-isahin ang pitong gamit ng wika ayon sa tinalakay ng modyul


na ito. Paano nagkakaiba-iba ang bawat isa?

2. Saan nag-uugat ang gamit ng wika? Bakit napakahalagang pag-


aralan ang mga ito?

Page | 66
UNAWAINNATIN
Sa
pakikipagkomunikasyon,
kailangang mabatid ng isang
nagsasalita ang mga paraan
ng paggamit ng wika.
Mahalaga ito upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa.
Mababatid ng kinakausap ang layunin ng nagsasalita, gayundin
naman, maiaangkop ng nagsasalita ang paraan ng kanyang
pagpapahayag ayon na rin sa pagkakilala niya sa kausap.
Mahalaga sa pakikipagkomunikasyon ang kaalaman hinggil sa mga
tungkulin ng wika sa pagpapahayag. Batay sap ag-aaral ni Jakobson
(2003), may anim na tungkulin sa paggamit ng wika.
Alam mo ba?
Si Roman Jakobson ay isa sa mga
pinakamagaling na dalubwika ng
ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga
nagtatag ng Linguistic Circle of New York.
Ang kanyang bantog na functions of
language ang kanyang naging ambag sa
larangan ng semiotics.
Ang semiotics ay ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo
at kung paano ito gamitin.

Page | 67
BASAHIN NATIN
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (Emotative)
Ginagamit ang wika upang palutangin ang karakter ng nagsasalita. Saklaw nito
ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa: Nakikiisa ako sa mga adhikain ng ating pamunuan.

2. PANGHIHIKAYAT (Conotative)
Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat, o magpakilos ng taong
kinakausap. Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya
sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang katahimikang
ating ninanais.

3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (Phatic)


Ginagamit ang wikang bilang panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
Halimbawa: Ikinagagalak kong makasama ka sa aming mga krusada.

4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (Referential)


Ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang
sanggunian o batay ng pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe
at impomasyon.

Page | 68
Halimbawa: Ayon kay Don Gabor sa kanyang aklat na Speaking Your Mind in
101 Difficult Situation, may anim na paraan kung paano magkakaroon ng
maayos na pakikipagtalastasan.

5. PAGBIBIGAY NG KURO-KURO (Metalingual)


Ginagamit ang wika sa pagpapalinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Itinatadhana nang walang pasubali sa Batas ng Komonwellt Blg.
184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon
sa Wikang Filipino.

6. PATALINGHAGA (Poetic)
Ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.
Halimbawa: Isa-isa mang mawala ang mga bituin sa langit, hindi pa rin niya
maikakaila na nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugong naghasik ng
lagim sa puso ng bawat Pilipino noong panahon ng digmaan.

LINGGO 4.2: SURIIN MO NA


Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin ang tungkulin at gamit ng
mga ito ayon kina Jakobson at Halliday. Isulat muna ang mga pahayag sa
isang buong malinis na papel saka sagutan sa nakalaang linya bawat
bilang.

Page | 69
_____1. Maraming salamat sa pagtulong niyo.
_____2. Hindi ko panghihinayangan na kalimutan ang ating pagkakaibigan
kung ipipilit mo ang bagay na iyan.
_____3. Mahalaga ang mapag-usapan ang mga isyung tulad niyan.
_____4. Ayon sa World Trade Organization (WTO) malapit na nating marating
ang isang “mundong wala nang hangganan” o borderless world.
_____5. Batid kong may malaki akong pananagutan sa aking bayan, bukod sa
aking pamilya.
_____6. Isama natin sa talakayan ang mga isyung may kaugnayan sa
pagpapaunlad ng ating kabuhayan.
_____7. Ang nasyonalismo ang pinakamataas na antas ng pagmamahal na
maaari nating iukol para sa bayan.
_____8. Hindi ka nag-iisa. Kasama mo kami sa iyong krusada.
_____9. Sa aming palagay, iyan ang kulang sa atin, disiplina.
_____10. Tayo na at simulant ang bagong hamon ng panahon.

LINGGO 4.3: ISABUHAY MO NA


Magbigay ka ng sarili mong halimbawa para sa bawat paraan ng
pagbabahagi ng wika ayon sa mga sinabi ni Jakobson (2003). Gawing
malikhain subalit makatotohanan dahil sadyang nasasambit mo ang mga
paraang ito sa iyong pakikipag-ugnayan o pakikipag-usap sa iba. Gumamit
ng isang malinis na short bondpaper sa paggawa ng gawain.

Page | 70
Mga Paraan ng Pagbabahagi ng WIKA
Pagpapahayag ng Panghihikayat Pagsisimula ng
damdamin (emotive) (conative) pakikipag-ugnayan
(phatic)
Paggamit bilang Paggamit ng kuro-kuro Patalinghaga (poetic)
sanggunian (referetial) (metalingual)

Aralin 3: Ang Kasaysayan ng Pagkakabuo


ng Wikang Pambasa
“Ating lingunin ang nakaraan, alamin ang kasaysayan. Ito’y susi sa lalon
pagkaunawa ng wikang pambansang ating pagkakakilanlan.”

PAGPAPALALIM NA GAWAIN Sa araling ito’y magsasagawa ka ng isang


panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.

LAYUNIN:
Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan
tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa.
Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na
kasaysayan.
Nakapagbibigay ng opinyon o pnanaw kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa wikang Pambansa.

Page | 71
UNAWAIN NATIN
Tunay na mahalaga ang ginagampanan ng wika sa patuloy na
pag-unlad ng bansa sa iba’t ibang larangan. Hindi mapasusubalian
na ito ang instrumentong nag-uugnay sa mga mamamayan upang
kumilos at magpahayag.

ALAMIN NATIN
Batid na natin ang kahalagan ng wika sa ating buhay. Ito ay
isang insrumento ng pakakaunawaan. Ayon sa mga propesor sa
Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung
ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga
tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating iparating sa ibang tao. Natapos na nating
alamin ang pinagmulan ng wika, sa araling ito atin namang sipatin
ang pinagmulan ng ating wikang pambansa. Maraming tanong ang
sasagutin ng paglalahad ng kasaysayan nito bago pa man italaga
bilang wikang pambansa.

PAGTUKLAS
ALAM MO BA?

Page | 72
Hindi natin matatawaran ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
isang wikang pambansang magbibigkis sa mamamayan. Gamit ang
isang wika, mabilis na magkakaunawaan sa isang lipunan. Sa mga
nagdaang aralin, naunawaan natin kung paano isinilang ang wikang
pambansa sa kabila ng mahigit na isangdaang wikang umiiral sa
iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinasabing ang mga wika sa Pilipinas ay kabilang sa
malaking pamilya ng mga wikang Austronesian. Kabilang sa
pamilyang ito ang mga sumusunod:

▪ mga wika mula sa Formosa sa hilaga hanggang New Zealand


sa timong,
▪ mula isla ng Madagascar sa may baybayin ng Africa
hanggang Easter Islands sa gitnang Pasipiko.
Ang limang daang wikang kasali sa pamilyang Austronesian ay
sangwalo (1/8) ng mga wika sa
mundo. Ang relasyon ng mga
wika ay sinasabing nagbibigkis ng
wikang katutubo sa Pilipinas sa
kadahilanang kahit nagsasariling
wika ay mga mga nagkakaisang
katangian ang mga wikang
katutubo sa gramatika, estruktura

Page | 73
ng pangungusap, sa leksikon, at iba pa. Ito ang itinuturing na dahilan
kung bakit nagiging madali para sa isang Pilipino ang matuto ng iba
pang wikang katutubo sa Pilipinas.
Sanggunian: Almario, Virgilio S. Madalas Itanong ukol sa Wikang Pambansa:
Komisyon sa Wikang Filipino, [C. 2004]

BASAHIN NATIN
Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa
ang pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Nagtataglay ang
panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi – mga kwentong-bayan,
alamat, epiko, awiting-bayan, salawikain, kasabihan, bugtong,
palaisipan, at iba pa.
Gayundin, nag-aangkin din tayo ng sariling alpabeto na
tinatawag na baybayin. Ang “katutubong alpabetong ito ay binubuo
ng 17 titik na hawig sa mga ginagamit ng mga Indones o ng mga
taga-Malayo-Polinesyo. Ang baybayin ay binubuo ng tatlong patinig
at 14 na katinig.

NARITO ANG PARAAN NG PAGGAMIT NG BAYBAYIN:

Ang mga katinig na binibigkas na may kasamang tunog na


patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na
kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas.

Page | 74
Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng
mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
Samantala, kung nais kaltasin ay ang anomang tunog ng patinig na
kasama ang katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng
panandang krus
(+) bilang hudyat
sa pagkakaltas
ng huling tunog.
Gumagamit ng
dalawang pahilis
na guhit // sa
hulihan ng
pangungusap
bilang hudyat ng
pagtatapos nito.

LINGGO 5.1 ALAMIN!


Tamang Paraan ng Pagsulat ng Baybayin
Baybayin 101:Paano magsulat gamit ang Baybayin (HINDI ALIBATA) - YouTube
Baybayin 101 | #BuhayinAngBaybayin #Padayon - YouTube

Page | 75
LINGGO 6.1: SURIIN MO NA
Kopyahin ang mga katanungan kalakip ang iyong kasagutan sa isang
buong malinis na papel.

1. Bakit sinasabi na bago pa dumating ang mga Espanyol sa


Pilipinas ay may sarili na tayong kultura at wikang ginagamit?
Patunayan ang sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang baybayin? Ano sa palagay mo ang sitwasyon ng ating


bansa kung hindi napalitan ang baybayin ng alpabetong ginagamit
natin sa kasalukuyan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

LINGGO 7.1: LIKHAIN MO NA


PAGSULAT – Ang gawain ay isagawa sa isang buong malinis na papel.

A. Isulat sa baybayin ang sumusunod na mga salita.

Page | 76
1. alpabeto _________________________________________
2. wika ____________________________________________
3. kultura __________________________________________
4. Pilipino _________________________________________
5. kabataan ________________________________________

B. Humanap ng sipi ng isang salawikaing Pilipino. Isulat ito sa


baybayin.

BASAHIN NATIN
Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Ang
layunin nila’y hindi lamang paghahanap ng kayamanan at
pananakop bagkus mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang
Pilipino. Ito ang dahilan kng bakit kasama ng mga conquistador ang

Page | 77
mga prayleng
misyonerong dumating
sa Pilipinas. Ang mga
paring ito’y nag-aral
ng mga wikain sa
Pilipinas na naging
daan ng mabilis na
pagsakop sa puso’t
isipan ng mga Pilipino.
Ginamit ng mga
Espanyol sa panulat ang alpabetong Romano bilang kapalit ng
baybayin. Nagdulot ito ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na
bumasa’t sumulat sa mga wikain sa Pilipinas at sa Espanyol dahil na
rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, sa
Visayas, at sa Luzon.
Nagsagawa ng mga pananaliksik o pag-aaral ang ilang
misyonerong iskolar. Tinipon nila at binuo muli ang matatandang
panitikang pasalita o pasulat, saka pinasukan ng mga diwang
Katolisismo. Malaking pagbabago ang nangyari sa panitikan ng
Pilipinas. Ito’y nagkaraoon ng tuwiran at di tuwirang pagbabago sa
paksa: Tuwiran, halimbawa sa mga aklat na nailimbag gaya ng
katesismo. Sa di tuwiran naman, ang mga talambuhay hinggil sa
santo o nobena, mahabang salaysay, at mahahabang kuwentong may
paksang kabanalan at panrelihiyon, ipinaloob sa panitikan ang etika
at moralidad.

Page | 78
Ang mga misyonerong paring Dominiko naman ay nagdala ng
limbagan at ginamit nito ito sa paglilimbag ng mga aklat at polyeto
tungkol sa wika at sa relihiyon.

PANAHON NG ESPANYOL
(Hango sa “Ang Wikang Pang-edukasyon Noong Panahon ng Kastilla,” Nelly I, Cubar,
1982)

Pagkaraan ng 43 taong pagkakadiskubre ni Magellan ng Pilipinas noong


1521, nagsidatingan ang mga Espanyol kasama ng iba’t ibang orden ng mga
prayle na nangasiwa sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ng pagtatag ng mga
paaralan para sa pagbasa at pagsulat upang mapahusay ang pagtuturo ng
relihiyon. Inatasan ng mga pinuno ng Espanya na ituro ang Espanyol sa mga
Kolonya nito dahil batid nila ang kahalagahan ng kaalaman sa wika para sa
mabisang pagtuturo ng relihiyon. Bagaman walang pinansyal na tulong na
ibinigay ang pamahalaan, may mga ilang akademya at kolehiyong itinatag sa
Pilipinas. Ang kauna-unahan ay ang Kolehiyo de San Ignacio na itinatag noong
1585 upang makapag-aral ang mga anak ng Espanyol sa Maynila.
Noong 1550, mayroon nang dekring inilabas na nagsaad na dapat
magtatag ng mga paaralan para sa pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino
bagaman hindi ito natupad.
Ang mga ordenansa noong 1642 at 1752 ay nagbigay-diin sa pagtatag ng
mga paaralan sa iba’t ibang distrito upang maturuan ng Espanyol ang mga
katutubo ngunit hindi rin natupad. Mayroon naman isa pang dekri noong 1792
na nagbawal ng paggamit ng mga katutubong wika bilang panturo, ngunit gaya
ng ibang dekri ay wala ring nangyari.

Page | 79
Samantala, noong 1863 si Jose de la Concha, ang kolonyal na ministro sa
Espanya, ay nagmungkahi sa reyna ng isang dekri sa pagtatatag ng sistemang
edukasyong pangkalahatan sa Pilipinas. Kaya matapos pag-isipan ito, iniutos ng
reyna noong Disyembre 20, 1865 ang pagtatatag ng sistema para sa pagtuturo
ng primary na may tiyak na mga tuntunin sa pagtuturo at superbisyon. May
probisyon dito para sa pagtuturo ng Espanyol, kasama sa kurikulum ang
praktikal na pagtuturo ng Espanyol at ortograpiya. Iniutos din sa dekri na
bibigyan ng mga guro ang mga estudyante nila ng sapat na praktikal na
pagsasanay sa pagsasalita ng Espanyol. Pagka naunawaan na nila ang Kastila,
ang mga paliwanag ay dapat gawin sa Espanyol. Dapat din ipagbawal ang
pakikipag-usap sa isa’t isa sa kanilang wika sa oras ng klase. Ang guro na hindi
tutupad sa mga probisyon nitong dekri ay mapaparusahan sa pagmulta ng diez
pesos sa unang paglabag at sususpendihin siya nang walang bayad mula 15
hanggang 60 araw sa ikalawang paglabag. Ang pinakamabigat na parusa ay ang
hindi pagtuturo sa hindi hihigitna dalawang taon at hindi kukulangin ng isang
taon.
Naging kakatwa ng dekri ng 1863 dahil ayaw ituro ng mga prayleng
Espanyol ang kanilang wika upang maipagpatuloy nila ang pagsasamantala nila
sa mga Pilipino. Kaya ginamit ang mga katutubong wika sa mga mababang
paaralan sa Pilipinas. Ang mga mag-aaral, bata man o matanda, parehong
tinuturuan ng doktrina ng Kristiyanismo kasama na ang mga bagay tungkol sa
moralidad, kasaysayan ng Espanya, pagbasa, pagsulat, aritmetika, heograpiya,
praktikal na agrikultura, at pagkanta.
Noon namang Oktubre, 1867, mayroon na naman kautusan para makapag-
aral ng Espanyol ang mga tao. Nakahikayat ito sa mga Pilipinong gusto maging
miyembro ng principalia dahil ito ay para lamang sa nakapagsasalita,
nakababasa, at nakasusulat sa Espanyol. Noong Disyembre, 1889, may kautusan
ang superiyor na pamahalaan na gawing sapilitan ang pagpasok sa paaralan sa

Page | 80
edad na anim hanggang labindalawang taon. Ngunit wala ring probisyon sa
pagpapatupad nito.
Gayundin, noong 1897 may 1,052 primaryang paaralan para sa mga lalaki
at 1,091 para sa babae. May 200,000 mga batang nakapag-enrol. Ang pagtuturo
sa mga paaralang ito ay hindi nagtagumpay dahil sa pagkukulang sa
administrasyon, sa kakulangan ng interes sa mga pag-aaral na walang tuwirang
kaugnayan sa moralidad at relihiyon, sa maliit na sahod ng mga gusto, sa
pagkuha ng mga guro na hindi handing magturo ng Espanyol, at ang kalayuan
ng populasyon sa mga primaryang paaralan. edad na anim hanggang
labindalawang taon. Ngunit wala ring probisyon sa pagpapatupad nito.
Ano ang naging balakid sa pagsasakatuparan ng mga dekring galing sa
Espanya? Sinalungat ng mga prayleng Espanyol ang pamahalaan sa programang
pangedukasyon at pangwika upang panatilihin ang kanilang sariling
kapangyarihan at upang hindi matamo ng mga Pilipino ang mga liberal na ideya
tungkol sa pansariling pamamahala at dahil naniniwala rin sila sa inaakala
nilang liping kalamangan. Natatakot ang mga prayle na pag nagkaroon ng
wikang komon ang mga Pilipino ay mawawala ang mga balakid bunga ng
pagkakaiba ng mga katutubong wika at sa ganoon ay mawawala ang kanilang
impluwensya sa Pilipinas. Kaya, sinikap nilang hindi ituro ang Espanyol sa mga
Pilipino bagaman tinuruan nila ang mga ito na bumasa at sumulat sa kani-
kanilang katutubong wika.

PANAHON NG PROPAGANDA
Pagkaraan ng 43 taong pagkakadiskubre ni Magellan ng Pilipinas noong
1521, nagsidatingan ang mga Espanyol kasama ng iba’t ibang orden ng mga
prayle na nangasiwa sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ng pagtatag ng mga
paaralan para sa pagbasa at pagsulat upang mapahusay ang pagtuturo ng

Page | 81
relihiyon. Inatasan ng mga pinuno ng Espanya na ituro ang Espanyol sa mga
Kolonya nito dahil batid nila ang kahalagahan ng kaalaman sa wika para sa
mabisang pagtuturo ng relihiyon. Bagaman walang pinansyal na tulong na
ibinigay ang pamahalaan, may mga ilang akademya at kolehiyong itinatag sa
Pilipinas. Ang kauna-unahan ay ang Kolehiyo de San Ignacio na itinatag noong
1585 upang makapag-aral ang mga anak ng Espanyol sa Maynila.
Noong 1550, mayroon nang dekring inilabas na nagsaad na dapat
magtatag ng mga paaralan para sa pagtuturo ng Espanyol sa mga Pilipino
bagaman hindi ito natupad.
Ang mga ordenansa noong 1642 at 1752 ay nagbigay-diin sa pagtatag ng
mga paaralan sa iba’t ibang distrito upang maturuan ng Espanyol ang mga
katutubo ngunit hindi rin natupad. Mayroon naman isa pang dekri noong 1792
na nagbawal ng paggamit ng mga katutubong wika bilang panturo, ngunit gaya
ng ibang dekri ay wala ring nangyari.
Samantala, noong 1863 si Jose de la Concha, ang kolonyal na ministro sa
Espanya, ay nagmungkahi sa reyna ng isang dekri sa pagtatatag ng sistemang
edukasyong pangkalahatan sa Pilipinas. Kaya matapos pag-isipan ito, iniutos ng
reyna noong Disyembre 20, 1865 ang pagtatatag ng sistema para sa pagtuturo
ng primary na may tiyak na mga tuntunin sa pagtuturo at superbisyon. May
probisyon dito para sa pagtuturo ng Espanyol, kasama sa kurikulum ang
praktikal na pagtuturo ng Espanyol at ortograpiya. Iniutos din sa dekri na
bibigyan ng mga guro ang mga estudyante nila ng sapat na praktikal na
pagsasanay sa pagsasalita ng Espanyol. Pagka naunawaan na nila ang Kastila,
ang mga paliwanag ay dapat gawin sa Espanyol. Dapat din ipagbawal ang
pakikipag-usap sa isa’t isa sa kanilang wika sa oras ng klase. Ang guro na hindi
tutupad sa mga probisyon nitong dekri ay mapaparusahan sa pagmulta ng diez
pesos sa unang paglabag at sususpendihin siya nang walang bayad mula 15
hanggang 60 araw sa ikalawang paglabag. Ang pinakamabigat na parusa ay ang

Page | 82
hindi pagtuturo sa hindi hihigitna dalawang taon at hindi kukulangin ng isang
taon.
Naging kakatwa ng dekri ng 1863 dahil ayaw ituro ng mga prayleng
Espanyol ang kanilang wika upang maipagpatuloy nila ang pagsasamantala nila
sa mga Pilipino. Kaya ginamit ang mga katutubong wika sa mga mababang
paaralan sa Pilipinas. Ang mga mag-aaral, bata man o matanda, parehong
tinuturuan ng doktrina ng Kristiyanismo kasama na ang mga bagay tungkol sa
moralidad, kasaysayan ng Espanya, pagbasa, pagsulat, aritmetika, heograpiya,
praktikal na agrikultura, at pagkanta.
Noon namang Oktubre, 1867, mayroon na naman kautusan para makapag-
aral ng Espanyol ang mga tao. Nakahikayat ito sa mga Pilipinong gusto maging
miyembro ng principalia dahil ito ay para lamang sa nakapagsasalita,
nakababasa, at nakasusulat sa Espanyol. Noong Disyembre, 1889, may kautusan
ang superiyor na pamahalaan na gawing sapilitan ang pagpasok sa paaralan sa
edad na anim hanggang labindalawang taon. Ngunit wala ring probisyon sa
pagpapatupad nito.
Gayundin, noong 1897 may 1,052 primaryang paaralan para sa mga lalaki
at 1,091 para sa babae. May 200,000 mga batang nakapag-enrol. Ang pagtuturo
sa mga paaralang ito ay hindi nagtagumpay dahil sa pagkukulang sa
administrasyon, sa kakulangan ng interes sa mga pag-aaral na walang tuwirang
kaugnayan sa moralidad at relihiyon, sa maliit na sahod ng mga gusto, sa
pagkuha ng mga guro na hindi handing magturo ng Espanyol, at ang kalayuan
ng populasyon sa mga primaryang paaralan.
Ano ang naging balakid sa pagsasakatuparan ng mga dekring galing sa
Espanya? Sinalungat ng mga prayleng Espanyol ang pamahalaan sa programang
pangedukasyon at pangwika upang panatilihin ang kanilang sariling
kapangyarihan at upang hindi matamo ng mga Pilipino ang mga liberal na ideya
tungkol sa pansariling pamamahala at dahil naniniwala rin sila sa inaakala

Page | 83
nilang liping kalamangan. Natatakot ang mga prayle na pag nagkaroon ng
wikang komon ang mga Pilipino ay mawawala ang mga balakid bunga ng
pagkakaiba ng mga katutubong wika at sa ganoon ay mawawala ang kanilang
impluwensya sa Pilipinas. Kaya, sinikap nilang hindi ituro ang Espanyol sa mga
Pilipino bagaman tinuruan nila ang mga ito na bumasa at sumulat sa kani-
kanilang katutubong wika.

PANAHON NG PROPAGANDA
Ang katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan ng kulturang
Espanyol at paksaing panrelihiyon. Mahigpit na gumapos ito sa puso’t diwa ng
mga unang Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso sa kapangyarihan
ang mga nandayuhan.
Sa pag-aakalang gayon na lamang lahat, hindi namalayan ng mananakop
na sumilang na pala ang isang bagong panahon. Sa panahong ito, marami na
ring mga Pilipino ang nagkaroon ng matinding damdaming nasyonalismo.
Mabilis na lumaganap ang mga balita ng paglaban.
Ang tatlong paring sina Mariono Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
ay pinabitay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng ‘garote’sa salang pamumuno
sa rebolusyon at paglabag sa batas ng mga Espanyol. Sa ganitong pangyayari,
sumiklab ang politikal at literaturang paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang
tinuligsa ang mga Espanyol mula sa mga panrelihiyong akda tungo sa
pantanghalang panitikan, at lubusang binuo ang mga panitikang makabayan at
pagmamahal sa Inang Bayan.
Sa ganitong kalagayan, ang mga Pilipinong mulat sa katotohanan ay hindi
matanggap ang kawalan ng karapatan at kalayaan ng kanyang mga kalahi.
Matatag at maingat na ginamit bilang sandata ang panulat sa unti-unting

Page | 84
paggising at pagpapamulat. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan.
Kabilang sa kanila sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio
Luna, at Marcelo H. del Pilar. Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa
wikang Tagalog. Pawang ang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan,
masidhing damdamin laban sa mga Espanyol, paghahantad ng mga
makabuluhang impormasyon at malubhang kalagayan ng mga Pilipino sa
sariling bansa ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. Sumilang sa
panitikan ang damdamin ng pagtutol at ang diwang makabayan ang
nangibabaw. Naging tahanan ng mga babasahing propaganda ng mga Pilipino
ang iba’t ibang pahayagan sa loob at labas ng bansa tulad ng Diariong Tagalog
sa Maynila, La Solidaridad sa Espanya, at ibang mga polyeto at aklat.
Hindi lamang sa panulat nagsikap ang mga propagandista bagkus
gumamit din sila ng mga dulang panlansangan at pantanghalan tulad ng aninong
gumagalaw, karilyo, sarsuwela, at balagtasan na ang tanging paksa’y
pagkamakabansa, pagpapahalaga sa kalayaan, at karapatan sa sariling bayan.
Natuklasan ng mga Espnayol ang ganitong hangarin ng mga Pilipino
kaya lalong naghigpit ang Censura Permanente ng mga Espanyol at
pinaghahanap ang mga propagandistang manunulat.

LINGGO 7.2: SURIIN MO NA


Kopyahin ang mga katanungan kalakip ang iyong kasagutan sa isang
buong malinis na papel.

Page | 85
1. Bakit sinasabi na bago pa dumating ang mga Espanyol sa Plipinas ay may
sarili na tayong kultura at wikang ginagamit? Patunayan ang sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang baybayin? Ano sa palagay mo ang sitwasyon ng ating bansa kung
hindi napalitan ang baybayin ng alpabetong ginagamit natin sa kasalukuyan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PALAWAKIN PA NATIN
Hindi maitatangging magkaugnay ang wika at ang kultura.
Sinasabing hindi ito maaaring paghiwalayin sapagkat kung wala ang
wika ay wala ring kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng
kultura. Ito ang identidad ng isang komunidad at nagbubuklod sa
kanila upang magkaisa. Pansinin na ang isang bansa o maging isang
probinsiya ay may iba’t ibang wikang ginagamit. Katulad na lamang
ng iba-ibang diyalekto sa iba-ibang rehiyon, at iba-ibang katawagan
para sa iisang bagay lamang.

Page | 86
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Ikalawang bahagi)
“Ating lingunin ang nakaraan, alamin ang kasaysayan. Ito’y susi sa lalon
pagkaunawa ng wikang pambansang ating pagkakakilanlan.”

PAGPAPALALIM NA GAWAIN Sa araling ito’y makagagawa ka ng isang


sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o linggwustiko
ng napiling komunidad.

LAYUNIN:

Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang particular


na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa.
Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.

Page | 87
PAGTUKLAS
ALAM MO BA?
Nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika nang lagdaan ni
Pangulong Sergiio Osmeña ang isang proklamasyong nakasulat sa Ingles noong
ika-26 Marso, 1946 na may pamagat na “Designating the Period from March 27
to April 2 of Each Year ‘National Language Week’”. Isinasaad ng naturang
Proklamasyon Blg. 25 na ang panahon mula Marso 27 hanggang April 2, taon-
taon, ay magiging “Linggo ng Wika” bilang pagsunod sa Batas Komonwelt Blg.
570 na nagsasaad na kailangang gumawa ang gobyerno ng mga nararapat na
hakbang tungo sa pagsulong ng Pambansang Wika. Saklaw ng petsa ng Linggo
ng Wika ang pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar, isang
haligi ng panitikang Pilipino. Nang panahong iyon, hiniling na ang lahat ng
paaralan, pribado man o publiko, hanggang mga kolehiyo at unibersidad, na
magsagawa ng kaukulang palatuntunan sa buong lingo upang maipamalas ang
kanilang pagmamahal sa wikang pambansa.
Noong ika-26 ng Marso, 1954 naglabas ng Proklamasyon Blg. 12 ang
Pangulong Ramon Magsaysay na may pamagat na “Nagpapahayag na Linggo
ng Wikang Pambansa ang Panahong Sapul sa ika-29 ng Marso Hanggang ika-4
na Abril Bawat Taon.” Nakasulat ang proklamasyon sa wikang Pilipino.
Inilipat muli ng Pangulong Magsaysay ang panahon ng Linggo ng Wika
sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 noong 23 Setyembre, 1955 at may pamagat
na “Na Nagsususog sa Proklamasyon Blg. 12 na May Petsang Marso 26, 1954,
sa Pamamagitan ng Paglilipat ng Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
Buhat sa Marso 29-Abrol 4 sa Agosto 13-19 Bawat Taon.” Sinasabing ang
dahilan daw nito ay upang hindi lumabas sa taong pagtuturo ang pagdiriwang.
Saklaw rin ng Linggo ng Wika ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon
na siyang Ama ng Wikang Pambansa.

Page | 88
Naging kontribusyon naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang pagtatalaga
ng “Buwan ng Wikang Pambansa” tuwing Agosto 1-31 sa pamamagitan ng
Proklamasyon Blg. 1041 NOONG 15 Hulyo, 1997.

BASAHIN NATIN
PANAHON NG AMERIKANO
(Hango sa “Ang Wikang Pang-edukasyon Noong Panahon ng Kastilla,” Nelly I, Cubar,
1982)

Itinatag ng mga Amerikano ang mga


pampublikong paaralan at ginamit nila ang
Ingles bilang wikang panturo nang dumating sila
sa Pilipinas noong 1898. Ang mga taong sabik
magkaroon ng edukasyon ay pumunta sa mga
bagong bukas na mga paaralan.
Noong 1901, sa pagrekomenda ng General
Superintendent, ipinasa ng Philippine Commission ang Act no. 74 at inilagay
lahat ng paaralang natatag na sa pangangasika ng Department of Public Schools
at ginagwa ang Ingles bilang tanging wikang panturo. Di natagalan, itong
probisyong ito ay isinama sa Adminisrative Code noong 1917 sa ilalim ng
Article IV, Section 22.
tinakda ng preamble ng Jones Law noong 1916 ang kalayaan ng Pilipinas
kapag mayroon nang matatag na anyo ng pamahalaan. Dahil nakikinita nila na
ang literasiya at wikang panlahat ang nagiging batayan ng isang matatag na
gobyerno, minabuti ng mga Pilipinong lider na magampanan ng Ingles ang
hinihinging ito ng batas.

Page | 89
Tiniyak ng mga Pilipinong lider sa Estados Unidos na mananatiling
mahalaga ang Ingles sa paaralang pampubliko kahit na magkaroon ng
pagbabago sa politikal na kalagayan ng bansa. Ito ang sagot nila sa mga tanong
ng mga Amerikanong lehislador na nababalisa tungkol sa papel na gagampanan
ng Ingles kung magkaroon na ng kalayaan ang Pilipinas.
Pagkatapos magawa ang educationl survey noong 1925, nagkaroon ng
alinlangan tungkol sa bisa ng wikang Ingles kaya pinasa ng gobyerno ang
Concurrent Resolution No. 17 – inulit dito ang suportang ibinigay sa mga
paaralang pampubliko para mapadali ang pagtatag ng isang baying nagsasariling
namamahala, malaya, at demokratiko, at nakasalalay sa mga mamamayang
nakapag-aral at napakikinabangan. Sa wari, ang literasiyang nilalayong matamo
ay ang sa Ingles dahil ang Ingles lamang ang ginagamit sa mga paaralang
pampubliko.
Ang pag-aproba ng Tydings-McDuffie Law na nagtatakda ng petsa ng
kalayaan ng Pilipinas ay nagpatahimik ng pag-alala ng mga Pilipinong politikal
na lider. Dahil dito, napawi ang kanilang pag-aalinlangan kung ano ang dapat
magiing anyo ng isang matatag na gobyerno.
Noong itinatag ang Commonwealth Constitution, walang indikasyon sa
Constitutional Convention na gawin ang Ingles bilang wikang pambansa.
Itinakda ang isang probisyon para sa pagdebelop ng isang wikang pambansa
batay sa isa sa mga umiiral na mga katutubong wika. Binanggit ang Ingles,
kaugnay ng paggamit nito, bilang isa mga opisyal na wika. Noong Disyembre,
1937, prinoklama ang wikang pambansa na batay sa Tagalog at itinuro ito sa
mga paaralan mula noong 1940.
Samantala, ang wikang Espanyol ay tuluyang nanamlay sa pagpasok ng
mga bagong opisyal na wika, ang Ingles at Filipino. Dahil dito’y napadali ang
daloy ng kaisipan at kaunlaran at ang epekto ng impluwensiyang
pangkalinangan ay nakapagpatighaw sa kalooban ng mga Pilipino upang

Page | 90
kalabanin ang bagong kapangyarihang kolonyal. Mababanaag sa ating panitikan
sa panahong ito ang pagpasok ng bagong kultura na di naglao’y lubusang
lumukob sa katauhan ng higit na nakakaraming Pilipino.

PANAHON NG MGA HAPONES


Noong panahon ng mga Hapones napansin ang pagtuturo ng wikang
pambansa, ngunit pagkaraan ng Hhulyo 4, 1946 noong nagkaroon tayo ng
kalayaan, ang suliranin tungkol sa paggamit ng wikang pambansa at wikang
Ingles ay hindi na gaanong pinansin dahil sa mga suliranin pang-ekonomiya na
dapat munang asikasuhin ng pamahalaan lalo na at katatapos lamang ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang kainitan ng panitikang Pilipino mula noong 1935-1941 ay biglang
nanlamig sa pagdating ng mga Hapones. Ang kalayaan sa pagsulat ay
nahalinhan ng takot. Sino ang makasusulat o magsusulat sa panahong ang hanap
ng mga tao’y kaligtasan sa kamay ng mga hapones na balita sa kalupitan?
Nagsara ang mga palimbagan maging Ingles at Tagalog. Subalit pagkalipas ng
ilang buwan, pagkatapos pumasok ng mga Hapones, pinahintulutan ding
buksang muli ang lingguhang magasing Liwayway sa pangangasiwa ni Kin-ichi
Ishikawa, isang Hapones na may malawak na kabatiran sa layunin at tunguhin
ng panitikan.
Sumunod na ring binuksan ang pahayagang Taliba sa labis na kagalakan
ng mga manunulat. Ang panulaan sa panahong ito’y nagkaroon ng karagdagang
anyo – ang malayang taludturan o free verse. Lumabas rin ang ilang tulang
Tagalog na nahahawig sa haiku o hokku ng mga Hapones. Umunlad ang wikang
Tagalog sa panahong ito dahil napilitan ang mga manunulat lalo na iyong mga
nagsusulat dati sa Ingles, na magsulat sa Tagalog dahil nga ipinagbawal ng mga
Hapones ang paggamit ng wikang Ingles.

Page | 91
LINGGO 8.1: SURIIN MO NA
Kopyahin ang mga katanungan kalakip ang iyong kasagutan sa isang buong
malinis na papel.

1. Sa iyong palagay, sino ang higit na nakatulong sa pagpapaunlad ng wikang


Filipino, ang mga Amerikano o ang mga Hapones? Patunayan ang sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang naging pakinabang ng mga manunulat na Pilipino sa panahon ng


mga Hapones? Nakabuti baa ng pagbabawal sa paggamit ng wikang Ingles?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA


KASALUKUYAN
Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula
noong Hulyo 4, 1946. Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog
at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt bilang 570.
Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan. Dahil
bumabangon pa lamang ang Pilipinas nang mga panahong iyon, sumentro sa
mga gawaing pang-ekonomiya ang mga Pilipino. Naramdaman pa rin ang
impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano. Maraming

Page | 92
mga banyagang kapitalista, na karamiha’y Amerikano, ang dumagsa sa ating
bansa.
Nakaapekto ito sa sistema ng ating edukasyon na tumutugon sa pangangailangan
ng mga korporasyon at kompanya. Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong,
pag-unlad, at paggamit ng wikang pambansa.

Bagama’t ang pelikulang Pilipino at komiks ay gumagamit ng wikang


Pilipino, naging paboritong midyum pa rin ang Ingles.
Noong Agosto 13,1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula
Tagalog, ito ay naging Pilipino sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon. Nilagdaan
naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan
1963- 1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa
wikang Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa
titik nitong Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 s.1963
na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal.
Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas,
iniutos niya, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 s. 1967, na ang lahat
ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino. Nilagdaan din ni
Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172
(1968) na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan
ay isulat sa Pilipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na
ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Ang Memorandum Sirkular Blg. 199
(1968) naman ay nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaan na dumalo sa
mga seminar sa Pilipino na pangungunahan ng Surian ng Wikang Pambansa sa
iba’t ibang purok lingguwistika ng kapuluan.

Page | 93
Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino
hangga't maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat
ng opisyal na komunikasyon at transaksiyon.
Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa
pamumuno ni Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas
ay bumuo ng bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas
1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang
Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino isinulong ang paggamit ng
wikang Filipino. Ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 ay
nagsasaad ng sumusunod:

WIKA
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pangedukasyon.

Page | 94
SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat
itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at
pagpapanatili.
Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng
Executive Order No. 335, ito ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa
ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal
na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.” Isang atas na
matabang na itinuloy ng ibang administrasyon at hindi pinansin ng Kongreso.
Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas
siya ng Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik
sa isang monolingguwal na wikang panturo-ang Ingles, sa halip na ang Filipino.
Nalungkot ang maraming tagapagtaguyod ng Wikang Filipino sa atas na ito.
Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sagabal sa pagsulong ng
Wikang Filipino. Ngunit kung ang pagbabatayan natin ay ang paglaganap at
paggamit ng wikang Filipino, masasabi nating mabilis nga ang pagsulong nito.
Bunga ito ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan. Resulta
rin ito ng patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa

Page | 95
wikang Filipino, lalo na ang komiks. Ilan pang dahilan ay ang patuloy na
pambansang pagtangkilik sa mga telenobela at pelikulang Pilipino, at ang
paggamit ng Filipino sa radyo at telebisyon.
Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay
nagkasundo ang Kaluponan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang
wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga
pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis
itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba 't ibang
pook at sitwasyon at nililinang sa iba't ibang antas ng saliksik at talakayang
akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa
mga katutubong wika ng bansa. (http://kwf.gov.ph/wp-
content/uploads/FAQ_2.4. 15.pdf)
Katulad ng sinabi ng Komisyon ng Wikang Filipino, napakarami pang dapat
gawin upang sumulong at magtagumpay ang wikang Filipino. Patuloy itong
yayaman sa pamamagitan ng araw-araw na paggamit ng mga mamamayan.
Sama-sama nating abutin ang wagas na hangaring maging wika ng karunungan
ang wikang pambansa.

Page | 96
Linggo 8.2: SAGUTIN NATIN
A. Suriing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Sa kahon bago ang bilang,
isulat ang A kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa; B kung ang
ikalawang pahayag ay tama at mali ang una; C kung parehong tama ang
pahayag; at D kung parehong mali ang pahayag.

1. a. Pagkatapos ng kolonyalisang Espanyol, dumating naman ang mga


Amerikano.
b. Nadagdag ang wikang Ingles bilang isang banyagang wika.
2. a. Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo noong panahon ng
mga Amerikano.
b. Mula primary hanggang sekundarya ay Tagalog ang ginamit, ngunit
pagdating ng kolehiyo ay Ingles na.
3. a. Naniniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuloan ang wikang Ingles upang madaling
magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano.
b. Mga Pilipinong guro ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod
ang grupong kinilala sa tawag na Thomasites.
4. a. Nagsagawa ng sarbey ang mga Amerikano sa pamumuno ni Dr. Paul
Monroe.
b. Nabatid nilang epektibo ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo.
5. a. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang
nararapat na maging wikang pambansa.
b. Ang panukala ay hindi sinang-ayunan ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Page | 97
6. a. Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 –
opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa.
b. Ipinalabas noong 1937 ni Pang. Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog ang wikang pambansa.
7. a. Noong panahon ng mga Hapones, ninais nitong burahin ang anomang
impluwensiya ng mga Amerikano.
b. Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anomang aspekto ng
pamumuhay ng mga Pilipino.
8. a. Pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan
muli ang mga paaralang bayan sa lahat ng antas, itinuro ang wikang Nihonggo
sa lahat.
b. Binigyang-diin ang paggamit ng wikang Tagalog upang maalis na ang
paggamit ng wikang Ingles.
9. a. Sa panahon ng pagsasarili, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa.
Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg.
7.
b. Sa panahon ding ito, ang mga sertipiko at diploma ay inilimbag sa
wikang Ingles.
10. a. Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay
naglabas siya ng Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng
pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo – ang Filipino.
b. Ito ay isang hakbang upang maitaguyod ang paggamit ng wikang
pambansa.

Page | 98
LINGGO 8.3: PANGWAKAS NA GAWAIN
BUOIN NATIN!
Kung babalikan ang kasaysayan ng wikang pambansa, maraming mga
pangyayari ang naging sanhi o bunga ng isa pa o maraming pangyayari. Kung
naunawaan at natandaan mo ang mga tinalakay na panahon sa kasaysayan ng
wikang pambansa ay punan ang fishbone organizer sa ibaba.

SANHI

PROBLEMA
Pagkatatag ng Surian ng Wikang
Pambansa

BUNGA

SANGGUNIAN:
Dayag, M., Del Rosario, M.G., 2016, Pinagyamang Pluma 11 (K to 12), 927 Quezon Ave.,
Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. Servillano, M. JR, 2017, Pintig SHS
(Komunikasiyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Plipino), 927 Quezon Ave.,
Quezon City, Sibs Publishing House, Inc. Photos used from google image.

Baybayin 101:Paano magsulat gamit ang Baybayin (HINDI ALIBATA) - YouTube


Baybayin 101 | #BuhayinAngBaybayin #Padayon - YouTube

Page | 99

You might also like